Chapter 32

1612 Words
CHLOE'S POV Nag-aya si Lance na mag dinner daw ang tropa sa bahay niya, kaya nandito kami ngayon, celebrate narin daw nang pag join ni Tristan sa grupo. Naupo kami ni Brantly ko sa mahabang sofa ni Lance at laking gulat namin na may dugo doon. "Ew! Ano yan dugo?! Tumayo ka diyan babe at baka mag ka manstya yang damit mo," sabi ko kay Brantly. "Eh, mukhang tuyo naman na ito eh," sagot ni Brantly at talagang hinawakan pa niya iyon. "Pareng, Lance anong nangyare dito sa sofa at may mga dugo dito?" Pag tatanong ni Brantly kay Lance na bigla namang napalaki ang mga mata niya. "Ah, eh, ano kasi, nagas-gasan yung balat ko nung nasangga ako sa pader kahapon, ayun, natuluan siguro ng dugo yang sofa ko," sagot ni Lance na may pautal-utal pa. "Itong mag syota nato, paupo-upo lang, hindi manlang tumulong mag ihaw ng barbecue sa labas," asar na sabi ni Tristan habang hawak hawak yung hilaw na barbercue para dalin sa labas. "Ikaw naman pareng Tristan, yakang yaka nyo na yan ni Chandler," sagot ni Brantly kay Tristan. After 20 minutes, nakakain narin kami. Tawanan, kwentuhan, asaran ang naging katuwaan sa bahay ni Lance. Napansin ko na kahit papaano ay tumatawa narin si Chandler. Ramdam ko ang sakit sa puso niya. Know ko naman na hindi talaga siya wala sa mood. Feel ko akward sa kanya ang makita kaming sweet ni Brantly. Kung minsan pa nga ay nahuhuli ko siya na nakatitig saakin. Sana lang talaga makahanap na nang babae si Chandler na iibigin niya para naman tuluyan nang mag hilom ang mga sugat niya sa puso at nang sumaya narin siya. "Grabe! Nagkanda busog ako, ang sarap mong gumawa ng barbecue Lance!" Nakangiting sabi ni Tristan sabay himas sa tiyan niya. "Ako pa! Kaya nga swerte YUNG mapapangasawa ko dahil bubusugin ko siya nang masarap na mga luto ko at bubusugin ko din siya sa pag mamahal ko," proud na sabi ni Lance. "At bubusugin mo din yata yung mapapangasawa mo pag dating sa kama! Hahaha" asar na sabi ni Chandler kay Lance kaya lahat kami ay natawa. "Alam nyo, habang nag papababa tayo nang kinain, mabuti pa ay mag games tayo. Pick up lines tayo," masayang sabi ni Brantly. Ang mga gung-gong naman ay mga sumang-ayon sa kanya. "Okay, dahil ako ang nag-aya ako, ang mag sisimula. Ahm, babe LEGGING KABA?" pag tatanong ni Brantly saakin. "Ha?! LEGGING? BAKIT? Mukha ba akong binti?" taas kilay kong tanong sa kanya. "Hindi, ano kasi, ikaw ang LEGGING nasa isip at puso ko eh!" Nakangising sabi ni Brantly. Kinilig naman ako na may halong pag ka corny Hahaha! "Weh! May ganun!" nakailing kong sabi. "Okay, ako naman. Brantly alam mo, pareho tayong MASAMA!" Nakangising sabi ni Tristan kay Babe ko. "Ha? Tayo parehas masama? Nakit?" Tanong ni Brantly. "Parehas tayong MASAMA! Yung saakin UGALI!, kaso yung sayo naman MUKHA!" Sabi ni Tristan sabay tawa nang malakas, nahawa tuloy kami kaya nag si tawa narin ang lahat. "Ganun pala ha! Sige! Tristan yelo kaba?" Seryosong tanong ni Brantly kay Tristan. "Yello? Bayyykkiittt??!" Sagot ni Tristan na sa tonong parang bakla. "Kasi ang sarap mong ihampas sa pader!" Nakangising sabi ni Brantly. Patindi na ng patindi ang mga pick up lines dito Hahaha! "Pwede ako naman? Ahhmm Brantly mag pipick up lines lang ako kay Chloe, pwede ba?" Tanong ni Chandler kay Brantly. "Oh, sure, games lang naman ito eh, katuwaan lang," sagot ni Brantly. "Okay thanks, Chloe si JOHN CENA ka ba?" Tanong ni Chandler sa akin. "Mukha ba akong wrestler? Oh, sige bakit?" taas noo kong tanong sa kanya. "Eh, kasi kahit anong paramdam ko sayo, YOU CAN'T SEE ME eh!" At talagang inangasan pa ni Chandler ang boses niya pag dating sa word na you can't see me, ginaya talaga si John cena. "Ikaw talaga Chandler may pag ka clown ka din, minsan," nakangising sabi ni Brantly na parang nag seselos pa. "So, paano? It's my turn now! Chloe si COCO MARTIN KABA??" tanong ni Lance sa akin. "Kasing gwapo ko ba si Coco martin nung tomboy ako Hahaha! Okay BAKIT?" Sabi ko. "Kasi amoy kang caramel, YUMMY..." nakangiting sabi ni Lance. "Utot mo! Okay, sige ako naman. Ngayon lang ako mag p-pick up lines at sayo lang lance dahil special ka saakin," sabi ko kay Lance. "Ganun?! So, mas special si Lance kesa sa boyfriend mo?! Ouch naman ako dun," nakasimangot na sabi ni Brantly at nag pa cute pa. "Wag kang mag selos Babe! Ibang special na pick up lines ang ibibigay ko kay Lance. BULKAN BA YANG NGUSO MO?" Tanong ko kay Lance with matching smirk. Ngumiti muna si Lance bago sumagot,"Bakit Chloe?!" Sagot niya at talagang nag p-cute pa. "Ang sarap kasing BASABUGIN EH!" Maangas kong sabi sa kanya kaya naman nag si tawanan ang lahat sa sinabi ko kay Lance. Si lance imbis na mainis natawa narin. Pagkatapos ng mga katatawanan naming pick up lines ay nag kaaayaan na kaming mag watak-watak. Hinatid ako sa bahay ng boyfriend kong si Brantly. Oh, diba ibang iba na ako ngayon, dati nag lalakad ako pag uuwi, pero ngayon di hatid na ako. Lakas talagang maka babae nang bagong Chloe ngayon. "So, paano babe. Here na ang house ko, thanks sa pag hatid." Pababa na ako ng kotse pero bigla niya akong pinigilan. "Wait, babe! Alam mo bang mahal kita sa tagalog ay i love you!? Now you know," sabi niya at biglang lapit saakin at hinalikan ako sa labi. "Ikaw talaga, until now nag pipick up lines ka parin," sabi ko sa kanya. Hindi ko alam, pero biglang kinabahan ako. Yung tipong parang may mangyayaring hindi ko mapaliwanag, kaya naman napayakap ako kay Brantly nang mahigpit. "W-wait, babe masyado ka naman ata makayakap. Tila hindi na tayo mag kikita bukas ah? "Sabi niya ng naka ngiti. Para kasi akong nahihibang ngayon, kinakabahan talaga ako. "Okay ka lang, Babe? Bakit parang malalim ang iniisip mo at bakit ka nakahawak diyan sa dibdib mo?" Duktong pa niyang sabi. "Babe, hindi ko alam pero, parang kinakabahan ako. Bigla nalang, hindi ko alam kung bakit?" Nakasimangot kong sabi kay Brantly. "Why? Gusto mo diyan muna ako mag palipas na gabi sa house mo?" Aniya sabay yakap saakin. "Hindi na, wag na at baka nasobrahan lang ako sa barbecue kanina, na h-highblood lang siguro ako kaya ako kinakabahan!" Sagot ko sa kanya. "What?! Gusto mo dalhin kita sa hospital, baka mamaya magka heart attack ka," seryosong sabi niBrantly. "Hindi na! Okay naman na ako ngayon, saka hindi naman malubha. Medyo wala na. Ano lang naman yung kaba ko, parang may mangyayaring masama!" Sagot ko sa kanya. "Sure ka? Wala na? Saka wag ka kasing nag iisip nang kung anu-ano," makulit niyang sabi. "Yup! Sige, babe gabi na, mabuti pa ay umuwi kana. Mag ingat ka sa pagmamaneho. Dahan-dahan ka. Palagi mong tatandaan na mahal na mahal na mahal na mahal kita. One million times na mahal kita," sabi ko sa kanyang sabay yakap. "Ang sweet naman ng Babe ko. Ako din, one million times din na mahal kita. Sana talaga ay forever na tayo, babe!" Sagot ni Brantly habang yakap yakap parin ako. "Oo, tutuparin natin yan! Forever na tayo kaya dapat kahit anong maging problema natin sa relasyon ay kailangan dapat kapit lang. Walang bibitaw para matupad ang forever natin. Sabay nating haharapin ang mga darating na problema at mga kotrabida sa relasyon natin," seryoso kong sabi kay Brantly. "Tama ka, Babe, dapat sana wag kang titingin sa ibang lalaki, dapat saakin lang Chloe. Kasi kapag nawala ka, para bang hindi ko na kaya pang mabuhay sa mundo. Kasi ikaw lang ang dahilan ng paghinga at pag ikot ng buhay ko. Ikaw lang din ang nag bibigay ng kulay sa mundo ko kaya dapat saakin ka lang Chloe. Saakin ka lang dahil super duper kitang mahal na higit pa sa buhay ko." Naiyak naman ako sa sinabi ni Brantly. "Oo, naman Babe. Ikaw lang talaga. Napaiyak mo ako sa mga sinabi mo. Baka nga ikaw ang tumingin diyan sa iba eh, saka lahat ng sinabi mo ay ganun din ako, parehas lang tayo nang nararamdaman," sagot ko sa kanya habang pinupunasan ni Brantly ang mga luha ko gamit ang kanyang panyo. "Oh, sige na, tama na yang pag iyak mo at pumasok ka na sa bahay mo, gumagabi na, may pasok pa bukas at nga pala susunduin kita bukas, sabay tayong papasok, dahil everyday na nating gagawin yun,"mahinahong sabi ni Brantly. "Okay! Goodnight Babe, sweetdreams and i love you so much!" Sweet kong sabi sa kanya. "Goodnight din, sweetdreams and i love you so much din muawhh!" Sabi niya sabay flying kiss. Sinalo ko naman yun gamit ang aking kamay at tinuloy ko yun sa labi ko, kaya napangiti si Brantly. Ang gwapo niya talaga ngingiti. Tinanaw ko siya habang papaalis. Nang matanaw kong wala na siya ay pumasok na ako sa bahay ko. Pag ka pasok ko sa bahay ko ay agad akong nag tungo sa kwarto ko at nag bihis. Inalis ko na rin ang wig kong suot, alam nyo naman suotin ko pa iyon hanggang sa pag tulog. Anong trip yun Hahaha! Nag hilamos muna ako bago matulog, papasok na ako sa kwarto pero nagulat nalang ako nang biglang may kumatok sa bahay ko. Agad agad naman akong tumungo sa pinto para pag buksan siya. Pag ka bukas ko ay nagulat nalang ako sa isang tao na may takip ang mukha at bigla nalang tinakpan nang panyo ang bibig ko at ilong na naging sanhi nang aking pag ka walang malay. Nagdilim nalang ang paningin ko at diko na alam ang sumunod na nangyari.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD