Chapter 11

1144 Words
CHLOE'S POV Tinulak ko siya ng malakas. Bwisit! Nakakabigla siya. "Gag--" hindi na natuloy pa ang sasabihin ko at tinakpan nung lalaki ang aking bibig. "Tulungan mo ako, basta mag panggap ka nalang na mag syota tayo," pabulong niyang sabi saakin. Nagulat nalang yung babae na nagwawala at sabay lapit saamin. "OMG! Tristan i can't imagine na sa isang panget na lesbian mo lang ako ipagpapalit! Kadiri ka! MAGSAMA KAYO! NAKAKASUKA KA!" sabi nung girl at sabay walk out na. Sa lakas ng sigaw niya nagtinginan tuloy iyong mga dumadamaan na mga tao saamin. Nakakahiya. "Yes! Thank you at tinulungan mo ako makawala sa babaeng yun," aniya sabay pisil sa pisngi ko. "Ikaw lalaki ka, bakit mo ako hinalikan? Kakaiba ka ha! Ano yun, porket gwapo ka, gaganun ganunin mo nalang ang mga babae?! Gagawin mong laruan mo! Napakawalang kwenta mong lalaki!" Nakapamewang kong sabi sa kanya. "Ikaw naman, pasalamat ka nga at hinalikan ka nang isang gwapong lalaki na katulad ko," proud niyang sabi sabay ngiti. Pero ang cute nga nya talaga, pero hmp! Hindi dapat ako mainlove sa lalaking mapag-laro sa mga babae. "Bakit sa tingin mo ba ginusto ko ba na halikan mo ako!?" Galit kong sabi sa kanya. "Ay sorry Bro! Oo nga pala, tibo nga pala. Ngayon ko lang kasi napansin. Hindi nga pala tayo talo, sorry kung hinalikan kita Bro!" sabi niya sabay yuko, yung feeling na parang humihingi talaga ng tawad. "What-ever! Diyan ka na nga abnormal kang lalaki ka!" sabi ko saka ko siya nilayasan. Habang nag lalakad ako ay may nadaanan akong ihaw-ihaw, kaya naman naisip kong bumili para may ulamin kami ni Celine. Ops! si Celine? Oo nga pala, wala na nga pala siya, mag isa na nga lang pala ako sa bahay ngayon ko tsk! Pag kabili ko ng ihaw-ihaw ay tuloy uwi narin ako. Habang nag lalakad ako ay nakaramdam ako na tila ba may sumusunod saakin. Pag tingin ko sa likod ko ay laking gulat ko na naka sunod saakin itong si gunggong na magnanakaw ng halik na manloloko din ng babae. "Ikaw na naman?! Bakit mo ako sinusundan??" taas kilay kong tanong sa kanya. "Please, naman help me again," pag mamakaawa niya. "Help! Help! help! Ka diyan, ayoko nga," sabi ko sabay talikod sa kanya. "Parang awa mo na oh," pag mamakaawa ulit niya. Humarap ako ulit sa kanya. "Anong pangalan mo?" pag tatanong ko sa kanya. "I'm Tristan nga pala," sagot niya sabay ngiti saakin. "Tristan?! Tamang tama, tristan titirisin kita kapag hindi mo ako tinigilan! Kanina kapa ha! Huwag ako!" sabi ko sa kanyang habang dinuduro duro ko siya ng hawak kong stick nang barbecue. "Please naman tulungan mo ako, hindi ko kabisado ang lugar na ito, hindi ko alam kung saan ako pupunta, tumakas lang ako sa mga parents ko dahil gusto na naman nila ako pabalikin sa ibang bansa. Kakauwi ko nga lang dito sa pinas. At saka yung babae kanina, ex-gf ko yun, hindi ko naman talaga mahal yun eh, pinipilit lang niya talaga ang sarili niya saakin." sabi niya sabay luhod sa harap ko. "Akala mo makukuha mo ako sa mga kasinungalingan mo at sa pag luluhod mo dyan! Tsk! Baka naman may balak kang masama saakin o kaya naman baka magnanakaw ka!" sabi ko sa kanya sabay alis. Hindi ako natuloy na makalad dahil hila-hila nya yung isang paa ko habang nakaluhod siya. "ano ba?? sisipain kita diyan, pag di mo ako binitawan," sabi ko sa kanya. Grabe! Ang haba naman ng hair ko na isang gwapong lalaki ang nakaluhod saakin at pilit akong pinipigilan sa pag alis. Tila mag syota lang ang peg namin. Pinag titinginan tuloy kami ng mga tao. "Kawawa naman si boy, sagutin mo na kasi" "Oo nga, nagmamakaawa na sya oh!" "Napaka swerte mo nga't gwapo yang nanliligaw sayo eh, sagutin mo na." Napapailing nalang ko sa mga sinasabi ng mga tao. "Ayan, napag kakamalan tuloy tayong mag syota ng mga tao. Tumayo ka na nga kasi diyan!" "Ayoko! Hindi ako tatayo hangga't hindi mo ako tinutulungan," pag mamatigas niya na tuloy parin sa pag hila sa mga paa ko kaya naman mas lalo na kaming pinag titinginan ng mga tao. "Okay-okay, tutulungan na kita, kaya tumayo kana dyan!" sigaw ko sa kanya. Masyado na kasing nakakahiya, masagwa kasing tignan na isang gwapong lalaki ang pilit na hinahatak ang isang panget na tomboy. "Yes! Salamat naman," sabi niya sabay tayo na. "Ano ba kasing maitutulong ko sayo?" sabi ko sa kanya habang naka-pamewang. "Tulungan mo naman ako makahanap ng apartment na matutuluyan ko," pag mamakaawa ni mr. gwapo na makulit. "Oh sige, halika at sumunod ka saakin," pag aaya ko sa kanya.. Makalipas ang tatlong oras ay halos mag kanda gutom kami sa kakahanap ng apartment. Ginabi na kami at sumobra na ang lamig sa labas kaya naman tumigil na akong tulungan siya. "Sorry Tristan, puro puno na ang mga apartment dito saamin, kaya no choice ka, kailangan mo nang umuwi sainyo," sabi ko sa kanya sabay taas ng kilay. "Hindi pwede! Ayokong umuwi doon," pag mamakulit ulit niya. "Bahala ka sa buhay mo! Ako'y sobra nang pagod at gutom. Malapit na akong mahimatay. Tignan mo nga itong hawak kong barbecue, lumamig na tapos pag uwi ko mag sasaing pa ako. Sinasayang ko lang ang oras ko sa isang taong hindi ko naman kakilala!" sabi ko sa kanya sabay walk out. Pag uwi ko sa bahay ay agad akong nag saing na kanin. Super hungry na talaga ako. Grabe ang mga pang yayari sa buong araw na ito. Kapagoda! Nang makaluto na ako ay agad ko nang nilantakan ang pagkain. Sobra! Nag mistulang patay gutom ako sa sobrang gutom ko. Pag katapos kong kumain ay agad akong nag tungo sa kwarto namin ni Celine para matulog na. Naalala ko naman si Celine. Nakatitig ako sa kama niya, ini-imagine ko na nakahiga sya doon. Namimiss ko na talaga siya. Papikit na ako nang biglang sumagi sa isip ko si Tristan. "Sno na kaya nangyari sa lalaking yun? Totoo kayang hindi niya kabisado ang lugar namin?" pag tatanong ko sa sarili ko. Agad akong bumangon at tuloy punta sa may bintana para silipin kung nandun ba siya, baka kasi sinundan parin niya ako hanggang dito sa bahay namin. Pag silip ko ay mukhang wala naman siya. Lumabas ako ng bahay para siguraduhing wala talaga siya. Pag labas ko nang gate at tuloy tingin ako sa kaliwa at sa kanan. Talagang wala na nga siya. Papasok na ako ng gate nang aksidenteng mapatingin ako sa may ibaba "Ay palaka ka!" pasigaw kong sabi. Laking gulat ko nang makita ko doon si Tristan. Naka upo siya sa may gilid ng gate. Nakasandal siya sa may pader at mukhang kaawa-awa na nilalamig. Ano na? Akala ko e, wala na. Nandito parin pala ang makulit na ito. Sakit sa ulo talaga ang lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD