BRANTLY'S POV
Ako si Brantly Hernan, syempre gwapo at habulin ng mga babae, lalong lalo na sa school.
Saka ang pinaka hinahabol habol talaga ng mga kababaihan saakin ay ang aking six pack abs. Hindi sa pagmamayabang ah, pero batak ako sa gym.
Uwian na namin sa school kaya nandito ako sa may park para hintayin si Margaux. May usapan kasi kaming mag kikita kami ngayon sa park. Syempre, minamadali ko na ang panliligaw ko kay Margaux dahil talagang nabihag niya ang puso ko..
Mayamaya ay nakatanggap ako ng text message galing kay Chandler.
"Pare, anong oras ba tayo gigimik mamaya sa bar?"
"Syempre mga bandang mag gagabi na, para party party tayo doon."reply ko sa kanya
"Ah, okay. Anyway, kasama na naman ba natin yung magaling na tomboy nayun?" tanong pa ni Chandler
"Oo, pare wala tayong magiging utusan doon kaya kailangan natin siya." sagot ko.
Hindi na siya nagreply. “Bakit ba kasi ayaw na ayaw ni Chandler kay Joey. Ayus lang naman kasama si Joey ah, ang sipag sipag nga nun eh.”
"Oh, sino ang masipag?" bigla akong nagulat ng dumating na si Margaux.
"Nandyan ka na pala," nakangiti kong sabi sa kanya.
"Sino ba yung sinasabi mong masipag?" tanong ni Margaux.
"Kausap ko kasi kanina si Chandler. Ayaw na ayaw niya kay Joey, eh, masipag naman yung tao at napapakinabangan namin. Ayaw ba nya un may super alalay kami?"
"Alam mo Brantly, may kutob ako dun sa tomboy nayun. Para bang nag papanggap lang sya na tomboy kasi parang na f-feel kong, kaya siya sumali sa grupo nyo ay dahil parang may gusto siya sayo..." naka cross arm na sabi saakin ni Margaux.
"Hindi naman siguro Margaux. Tomboy talaga yun. Saka kaya niya gustong sumali saamin ay gusto din daw niyang sumikat, kaya ayun, sinali na namin siya sa grupo namin, pero may kapalit. Yun na nga ang magiging utusan lang namin siya at saka bakit ba si Joey ang pinag uusapan natin? Halika ka na nga. Saan mo ba gustong pumunta?"
"Kahit saan Brantly, bastat kasama ka," sabay akbay naman saakin itong si Margaux
CHLOE'S POV
Habang kumakain kami ni celine ay bigla nalang akong nabilaukan.
"C-celine! Pahingi naman ng tubig! Nabibilaukan ako!" nag mamakaawang sabi ko kay Celine.
Tuloy kuha naman ng tubig si Celine at saka niya inabot saakin.
"Oh, dahan dahan kasi sa pagkain," aniya sabay himas sa likod ko.
"Salamat Celine. Pero teka, bigyan mo ako ng number bilis!"
"At para saan naman yan aber?"
"Basta! Mag bigay ka nalang."
"Oh sige, number two."
"Two? Letter B? Sino kayang letter B iyong nakaalala saakin? Si b-brantly?"
Napatayo ako at sabay nag tatatalon. Hahaha! Si Brantly ang nakakaalala saakin.
"Ang galing mong mag bigay ng number Celine! Kinikilig ako."
"Hay! Naku Chloe, saan mo naman nalaman yang ganyang mga kae-ek-ekan. Siguro, kaya ka naalala nung Brantly nayun eh, iniisip na nya kung ano iuutuos nya sayo bukas. Itong dakilang tomboy na ito, illusyonada..." nakailing na sabi ni Celine.
"Ikaw talaga Celine, kahit kelan panira ka! Bakit ba hindi ka nalang maging masaya sa bestfriend mo!?" nakasibangot kong sabi sa kanya.
"Whatever Chloe! Siguro dapat mauntog na yang ulo mo para matauhan ka!"
"Stop it na Celine! Ayoko nang madinig yang mga sasabin mo. Anyway, aalis ako mamayang 8:00pm, may gimik kami nila Brantly sa bar."
"Anong gimik yan Chloe? Mag iinuman kayo kasama ang mga lalaki?" nakapamewang na tanong ni Celine.
"Oo, bakit inggit ka noh?"
"Chloe, wag kang tutuloy doon! Subukan mong umalis! " Galit na nakaturo saakin si Celine.
"At bakit naman hindi ako pwedeng umalis Celine?!"
"At talagang nakuha mo pang itanong saakin yan! Tanga kaba chloe? Iinom kayo kasama ng mga lalaki, tapos ikaw nag iisang babae! Paano kung mag kalasingan kayo? Tignan mong ang mga lalaki eh, pag lasing ay naiiba na ang timpla ng nasa utak. Syempre, alam nilang meron kang pagkababae, so, paano nalang kung gahasain ka nung mga yun! Ano? Magiging isang batang ina kana!?"
Sabagay may point si Celine doon. Pero, paano kung si Brantly ang maka galaw saakin. So, ano Chloe papayag kaba? For me, go lang ako dyan basta ba pananagutan niya ako, tapos ano, pakakasalan na nya ako ayyyy dreams come true na talaga.
"Wala parin akong pakielam, tutuloy parin ako Celine," nakatass noo kong sabi sa kanya.
"Chloeeee! Napaka tigas ng ulo mo! Isusumbong kita kina Mommy at Daddy! Tamang tama uuwi na sila bukas."
Oo, naging Mommy at Daddy ko narin ang mga magulang ni Celine. Tinuring nila akong pamilya, kaya pati surname nila Celine ay surname ko nadin. Nasa new york kasi nina Mommy at Daddy. Nag iisang anak nila si Celine. Naalala ko tuloy yung mga nangyari noon.
*FLASHBACK*
Lumaki ako noon sa isang bahay ampunan. Ang sabi ng madre na nag alaga saakin, isang babae daw ang nag iwan saakin noon nung sanggol pa ako. Ngunit hindi naman nila namukaan yung babae, sapagkat may takip daw na tela ang mukha nang magulang ko.
Hanggang sa maging 15 years old ako noon ay napagpasyahan kong tumayo na sa sariling paa. Kinausap ko yung madre na nag alaga saakin. Sinabe ko sa kanyang, "Gusto ko nang mamuhay nang mag isa." kaya naman pinayagan din ako nung madre at sinabe nyang, "Anak, Chloe sa oras na hindi mo kaya ang pagtakbo ng buhay mo, bumalik kalang dito sa bahay ampunan at tatanggapin ka parin namin."
Pag kaalis na pag kaalis ko noon sa bahay ampunan ay nag hanap ako ng makukuhanan ko ng trabaho. Sa kasawiang palad naman ay hindi ako makahanap, dahil masyado paraw akong bata para mag trabaho.
kung saan-saan ako napadpad noon, hanggang sa mawalan ako ng malay dahil sa sobrang gutom ko.
Nagulat nalang ako ng magising ako na nasa ibang bahay na ako.
Isang batang babae ang unang nakita ko noon, yun na nga ay si Celine.
"Mommy....Daddy....gising na po yung batang napulot natin!" pag sigaw ni Celine para tawagin ang kanyang mga parents.
Tuloy punta naman saakin ang kanyang mga parents.
"Ija, mabuti naman at nag ka malay kana," sabi saakin ng mommy ni Celine.
“Anak bakit ba nawalan ka nang malay doon sa may palengke? Mabuti nalang at napulot ka namin. Saan kaba nakatira Ija?" sabi naman saakin nang Daddy ni Celine.
"W-wala po akong bahay at w-wala rin po akong pamilya." Nang sabihin ko yun ay nagulat si Celine pati narin ang kanyang mga magulang..
"So, wag mong sabihing kaya ka nawalan ng malay kanina ay dahil nagugutom ka?" Tanong ng mommy ni Celine.
"Ganun na nga po," malambing kong sabi sa kanila
At hindi rin tumagal ay kinupkop narin nila ako.Minahal nila ako na parang tunay na pamilya. Pinag aral nila ako sa pinag aaralan din ni Celine. Pati rin si Celine tinanggap niya rin ako nang taus puso. Yung iba kasing batang babae noon, ayaw na ayaw na may kaagaw sila sa kanilang mga magulang, pero ibahin nyo si Celine, gustong gusto niya ako. Actually si Celine pa nga ang nag sabi sa mga Daddy at Mommy nya na ampunin nalang ako eh.
*END OF FLASHBACK*
"T-teka, uuwi na sina Mommy at Daddy bukas?" gulat na gulat kong tanong kay Celine.
"Oo Chloe, kaya sige subukan mong umalis susumbong kita! Saka humanda ka narin, hindi pa rin nila alam naging boommtiboom kana, tignan lang natin kung ano isasagot mo sa kanila bukas kapag tinanong ka nilang bakit ka naging tomboy?” pananakot na sabi saakin ni Celine.
"Celine, please! Payagan mo na akong umalis ngayong gabi! Parang awa mo na Celine…" nakaluhod kong sabi sa kanya.
“Ay, naku Chloe, hindi mo ako madadaan sa mga paluhod luhod mo, hindi parin ang sagot!" taas noong sabi ni Celine.
"Please Celine! Promise ko sayong aagahan ko ang uwi at hindi ako mag papakalasing..."
"Talaga?" taas kilay na tanong ni Celine.
“Oo, promise Celine."
"Okay, sige Chloe, pag sapit ng 10pm at wala kapa dito, patay kana, isusumbong na talaga kita..."