PADABOG na inilapag nitong si Summer ang pitsel habang matalim ang tingin kay Alex.
"Oy pre, hindi ko alam huh pero kinikilabutan talaga ako sa t'wing tumitingin siya ng ganyan sayo. Talagang napapa copy paste siya kay Serene kapag nagagalit sayo nuon." Bulong nitong si Forrest na halos mag-sitayuan ang mga balahibo. Hindi rin makasagot nung mga oras na yun dahil nakikipag titigan siya nito, at habang tinititigan niya ito muli na naman siyang hinihigop sa nakaraan niya kasama si Serene. Tandang tanda niya sa t'wing nagagalit ito sa kaniya ganyang mga tingin ang ipinupukol sa kaniya--at ang babaeng katitigan niya ngayon ay kuhang kuha maging ang hulma ng mukha, pagkunot ng noo, at pagkurba ng kilay.
"Oh ayan, kung alat na alat ka talaga tunggain mo yang pitsel."
"Umayos ka nga, umupo ka na." Saway ng matanda kay Summer dahilan para maputol ang titigan nila na napansin naman ng matanda, habang si Mau ay napapakagat labi sa titig nitong si Summer kay Alex, alam niya kasi kapag galit na yung kaibigan niya nag iiba lukot ng pagmumukha nito. Hudyat yun ng simula na ng tunay na laban para sa kaniya. Kung bakit naman kasi sinasadya nitong mga damuhong na bisita na inisin si Summer.
"Ahm--maupo ka na kaya bes, nahiya na ako sa height mo." Dagdag nitong si Mau. Walang imik naman na umupo ulit si Summer sabay taas paa at pahapyaw na tinititigan ng masama si Alex. Maya-maya biglang may nag tao po dahilan para mapatayo ang matanda at usisahin kung sino ang bisitang dumating.
"O'sya maiwan ko muna kayo." Ani ng matanda.
"Pre-di kaya totoong hinala ko? Baka sumapi nga talaga si Serene at nagagalit siyang nandito k--" Aniya nitong si Forrest na napatigil nang biglang tumayo itong si Summer, ikinagulat nila nang biglang magligpit ito ng mga plato.
"T-teka d-di pa kami ta-tapos kumain?" Sambit nitong si Forrest na napapakunot noo nang kinuha sa kanila yung plato.
"Maalat di ba? Masama yan sa bituka." Madiing saad ni Summer kay Forrest pero ang mga mata ay na kay Alex. Napasenyas naman itong si Mau ng lagot sa dalawang kaharap nitong lalaki habang hinahabol ng tingin ang bulto nitong si Summer na papunta sa kusina.
"Laitin niyo na lahat wag lang luto niya. Tsk!" Sambit nitong si Mau saka tumayo at kinuha ang mga baso saka sinundan ang kaibigan.
Siniko naman nitongg si Alex si Forrest.
"Bat mo kasi sinabing maalat?" Inis na tanong ni Alex.
"Eh yun yung lumabas sa bibig ko ey, tsaka bat ba panay siko mo sa tagiliran ko? Magrigripuhan muna yata ako diyan sa siko mo sa ginagawa mo eh." Reklamo nitong si Forrest.
"Pahamak ka kasi."
"Paanong pahamak, eh ikaw tung bigla biglang naniniko diyan eh."
"Bat mo kasi sinabing maalat? Di pa naabot sa bituka ko yung kinain ko sa hirap magkamay." Napapailing na tumayo tung si Alex.
"Kasalanan ko ba yun kung bakit hirap ka magkamay, di ka kasi nakinig kay Serene nung tinituruan ka niya."
"Maghugas ka nga dun." Dagdag nitong si Forrest.
"Ay bat ako?"
"Ay basta maghugas ka dun."
"Ayoko nga, nakakatakot si Summer kanina--parang si Serene ang nakikita ko ey. Ayoko!" Pagtangging sambit nitong si Forrest nang titigan nitong si Alex.
"Sabi ko nga, magkano ba pasahod mo sa akin? Mukha ba akong alalay mo senyorito?" Napapailing na humakbang ang mga paa ng mabigat papalayo kay Alex itong si Forrest. Napapikit naman si Alex saka napasinghap sa hangin.
"Serene--bakit lahat na lang nakikita ko sa kaniya yung katauhan mo?"
"Oh--nasaan na sila?" Aniya ng matanda.
"Ah-eh n-nasa kusina ho lola Adora." Mabilis niyang sagot. Napatango naman ang matanda.
"Siya nga pala, pasensya ka na talaga sa apo ko. Mabait naman at malambing na bata yun kahit na may pagka matonista ang kilos at siga kung manalita. Ipinagtataka ko lang kung bakit sa lahat ng naging bisita namin ey sayo lang inis na inis." Sambit ng matanda na napapatapik sa balikat niya.
"Ahm-ayos lang po yun. Mukhang di lang po yata siya sanay na taga Maynila ang bisita niyo at isa pa po dito po ko tutuloy sa inyo kaya baka yun po yung way niya na ipakitang naiilang nga siya sa akin."
"Hay nako, ewan ko ba diyan sa batang yan."
"Siya nga po pala, sigurado ho ba kayong siya po ang ipapasama niyo po sa akin bukas? Wala ho ba siyang pasok?" Tanong bigla nitong si Alex na mabilis namang ikinailing nitong si Lola Adora.
"Yun nga din ang isa kong dahilan kung bakit gusto ko siyang ipasama sayo, sa hirap ng buhay ng mga nakatira sa mga nayong katulad nito maswerte ka kung makakapag tapos ka. Pero sa estado ng buhay namin dito hanggang 2nd year highschool lang ang nakaya kong iraos para sa kaniya at yun lang din ang natapos niyan. Kung tutuusin may mga skolar namang nag aalok sa mga kabataan dito para makipag sapalaran sa Maynila sa pag-aaral, kaya lang ewan ko ba sa katangahan ng batang yun at tinanggihan ang opurtinidad dahil lamang sa hindi niya daw ako mababantayan, matutulungan at makakasama. At simula nun pakiramdam ko nawalan na din siya ng gana at interes para sa bagay na yun dahil sa hirap lamang ng buhay namin. Gusto ko sanang kahit papaano sa pag-sama niya sa iyong mag turo sa mga taga karatig nayon ey hindi niya makalimutan yung mga natutunan niya sa pag-aaral, alam kong pangarap niya makatapos sa pag aaral at sa kakayahang kong tu ito lamang ang makakaya kong itulong para sa kaniya. Ayokong limutin niya yung pangarap niyang yun. Kaya masayang masaya ako na dumating ka sa amin, sana matulungan mo ang apo ko."
"Naintindihan ko po kayo Lola, wag po kayong mag-alala, susubukan ko pong kumbinsihin siya na mag-aral ulit at tutulungan ko po siya dun. Hindi naman po sa pagmamayabang pero isa po ang pamilya ko sa may ari ng unibersidad sa Maynila at kapag nabalitaan ko pong naghahanap po sila ng mga nais ng skolar iapapasok ko po siya." Nakangiting sambit nitong si Alex saka napadutingin sa direksyon ng kusina.
"Maraming salamat sayo, wag kang mag-alala kahit ganito kahirap ang buhay namin dito. papatunayan ko sayong di kailangan ng malaking halaga ng pera para lang sumaya. Yung apo ko, lalambot din puso niyan sayo."
Para namang nakaramdam ng pag kaawa itong si Alex kay Summer gayun pa man, mas nangibabaw pa din ang ginawa nitong kabastusan sa hapag kainan kanina. Muli siyang napabuga sa hangin nang tuluyang makaalis ang matanda saka humakbang papunta sa balkonahe.
Habang pinagmamasdan niya ang kabuuang lawak ng lupa ay hindi niya maalis sa isipan ang nuong pinangrap nila ni Serene na buhay. Hindi man lamang siya nabigyan ng pagkakataong maibigay iyun kay Serene at maiparamdam ang lahat lahat ng pinangarap nitong mangyari.
Hindi niya pa din talaga matanggap na sa kabila ng pagmamahalang yun, sa kabila ng ginawa niyang pagharap nito sa altar, sa kabila ng tindi ng paniniwalang pinanghahawakan nilang magkakasama sila habang buhay ey---kamatayan lang pala ang mag-lalayo nito sa kanillang dalawa.
Flashback:
"Gusto ko mahal--pag naikasal na tayo, dun tayo tumira sa tahimik na lugar yun bang may malawak na lupain tapos maraming puno. Willing ako bumali ng pagkalawak lawak na lupain sa Magtatanim tayo ng gulay tas sabay natingg ihaharvest yun. Tsaka ayoko din ng masyadong malaking bahay para sa atin ng magiging mga anak mo. Masyadong malungkot, na sa sobrang laki halos di na kami nila mommy at daddy magpangita. Gusto ko pag uuwi ka galing sa trabaho ako magtatanggal ng sapatos mo, sasalubungin kita ng nakangiti, yayakapin at syempre may kiss yun heheh. Tsaka--gusto ko din magtanim ng mga bulaklak, pakiramdam ko kasi pag maraming bulaklak nahahawaan ako ng kagandahang taglay nila hahah. Tsaka gusto ko yung mga magiging anak natin makakapag laro sa malawak na lupaing meron tayo, yung malaya silang makakapaghabul habulan ng walang mga sasakyan, yung makakapag bilad sila sa araw, yung makakapag tampisaw sila sa ulan. Habang ako mamumuhay na isang magaling pero di perpektong may bahay mo, yun bang walang katulong."
"Weh? Are you sure? Kaya mo ng walang katulog? Itlog pa nga lang hirap na hirap ka ng tanchahin ang lasa at lutuin. Mawalan pa kaya ng katulong?--A-aray ko, aray ko oo na hahah! Oo na wala na tayong katulong" Pinaghahampas nitong si Serene ng unan itong fiance niya.
"Ikaw--Nang-iinis ka ba? Gusto mo bang di kita pakasalan next month huh?"
"Ay walang ganunan, joke lang yun sabi ko nga magaling ka pa sa mga biteranong sablay kung magluto--aray hahaha oo na oo na sabi."
"Napaka ka naman masyado baka umiyak ka pag di kita sinipot sa kasal? Diyan ka na nga." Saka siya tinitigan ng masama nitong babae at may pairap pa bago tuluyang umalis mula sa couch sabay walk out.
"Oy--teka lang naman. Joke lang po yun mahal. Promise, sunog, hilaw o kahit may eggshells pa yung luto mong prinitong itlog kakainin ko yun. "
"Heeeh! Lutuin mo mag isa mo yang itloog mo." Sabay lingon sa kaniya ni Serene na masama pa din ang tingin.
"Teka naman, wag naman yun nakasalalay ang ating angkan dun." Pabirong sambit nitong si Alex na napabangon na mula sa pagkakahiga sa couch.
"Anong ginagawa mo?" Dagdag niya ng makita nitong nag susuot ng sandals itong si Serene.
"Uuwi. Humanap ka ng magaling magluto ng itlog." Aniya nito saka mabilis na lumabas. Napakamot naman itong si Alex--"bilis mapikon" bulong niya saka mabilis na lumabas ng nakapaa at hinabol ang fiance.
" Mahal naman, joke lang naman yun kaya kong kainin lahat ng ihahain mo at nakakasigurado akong lahat masarap yun--"
"Bitawan mo ko-magtigil ka. Mag post ka ng hiring soon to be wife yung magaling magluto at di palyado diyan sa gate niyo." Maktol nito habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak nitong si Alex sa kamay niya."
End of Flashback.