"Oh! Mukhang abot g**g sa ikapitong bundok yung tanaw mo ah?" Pabirong saad nitong si Forrest na napahampas sa balikat niya dahilan para magising siya sa pagkakatulala.
"Ano bang tinititigan mo? Sinusuri mo ba kung ilang hektarya meron ang lupa nila?"
"Baliw." Sagot nitong si Alex na napamulsa pa sabay buga sa hangin.
"Naisip ko lang na kuhang kuha pala ng lugar na ito ang gustong gusto ni Serene na buhay. Simple, tahimik, may malawak na lupain kung saan yung mga magiging anak namin ay makakapaglaro, makakapaghabulan, makakapagpalipad ng saranggola, may mga punong masisilungan, may matataniman ng mga gulay at mga bulaklak na pinakahilig niya at higit sa lahat isang simpleng bahay tulad nito." Mapait ang ngiting napayuko itong si Alex.
Mapait namang napangiti itong si Forrest na nakaramdam ng lungkot din nang makita ang kaibigan na muli na namang inaalala ang nakaraan nito.
"Alam mo pre, sa tingin ko masaya naman si Serene ngayon, kasi kahit hindi niya natupad ang pangarap na yun kasama ka--ey heto ikaw ang tumutupad na naman nito ngayon yun nga lang sa baliktad na paraan dahil gusto mong makalimot, hindi sa kalilimutan mo siya kundi kalilimutan mo yung sakit na nananatili sa puso mo. Tatlong taon na kasi pre pero hanggang ngayon ramdam ko pa din yung sakit na iniwan sayo ng aksidenteng yun. Gusto kitang tulungan pero hindi ko alam kung sa anong paraan kaya heto--eto lang yung way ko na baka makatulong ako kung aalukin kitang pumunta dito sa probinsya which is di din natin inaasahan na may isang babaeng bubuhay muli sa nakaraang pilit mo na sanang ibabaon na."
"Ewan ko ba, pero napakasinungaling ko naman kung hindi ko aaminin sa sarili ko yung sobrang pagiging magkamukha nilang dalawa, mula sa pagkunot ng kilay kapag nagagalit, lukot ng mukha kapag naiinis o naaasar, yung pagkakapareho ng hugis ng mukha. Reaksyon halos lahat. " Aniya ni Alex na bahagyang napapakla pa ng tawa at napatingin sa malayo.
"Nunal nga lang siguro pinagkaibahan nilang dalawa at ang pagiging probinsiyanang siga at maton kung gumalaw, pumorma, at manalita nitong si Summer samantalang ang asawa ko mahinhin pero mahihiglig sa mga outdoor activities, tahimik at napakamahiyain--napaka introvert na tao. Kung di pa dahil sa akin di tatawa." Mapaklang napapatawa ulit itong si Alex habang nagkwe-kwento di naman ni Forrest maiwasang malungkot. Ano ba kasi ang hiwagang bumabalot sa mundo, yung intensyong tulungan niya lang sana ang kaibigan na makapag simulang muli eh tila sa ginawa niya parang hinahatak niya pa ito pabalik sa nakaraan dahil sa napasukan nilang gusot.
"Alam mo bang--sa bawat oras na nakakasama natin si Summer, sa bawat lukot ng mukha ni Summer, pakiramdam ko si Serene ang iniinis, inaasar ko? Sa bawat pag taas ng kilay pakiramdam ko si Serene yung nagagalit sa akin."
"Woy pre wag ka naman ganun, hindi si Serene si Summer, tandaan mo yan. Alam nating dalawa yun, magkamukha lang sila pero hindi iisa. Nagpunta ka dito para kalimutan yung pait ng nakaraan m--"
"Alam ko naman yun--alam ko, pero ewan ko ba--hindi ko maintindihan kapag nakikita ko ang mga mata ni Summer, nakikita ko talaga sa kaniya ang asawa ko."
"Masama tu, mas mahihirapan ka nito pag ipinagpatuloy mo tu. Mabuti pa bukas na bukas umuwi ka na lang sa inyo, ihahatid na kita. Hindi pwede tu--"
"Forrest, namatay ang asawa ko sa mga kamay ko ng wala akong magawa, namatay siyang pangalan ko ang ibinubulong, namatay siyang mga mata ko ang tinitingnan hanggang sa kahuli hulihang hininga niya, hanggang sa maipikit niya ang mga mata niya. At sobrang guilty ako dun, dala dala ko yun s apuso ko. Na kahit sa gabi hirap akong makatulog dahil sa bawat pagpikit ng mga mata ko yung mukha nung araw na yun na nawalan ng buhay ang asawa ko ang nakikita ko. Sa tatlong taong yun, alam mong kinakailangan ko pa uminom ng gamot para lang kahit papaano maipikit ko ang mga mata ko, makatulog ako. Pero alam mo ba--alam mo bang kagabi--kagabi ang unang gabi na muli akong nakatulog ng mahimbing--nakatulog ako kagabi Forrest."
"Ano?--P-paanong--eh di ba sabi ng doktor sayo--"
"Hindi ko rin alam, pero marahil malaking tulong sa akin na nakikita ko si Serene kay Summer. Sa tulong ng presensya ni Summer nagagawa kong makatulog na kahit papaano. Kagabi lang ako dinalaw ng antok."
"I-ibig s-sabihin b-ba nito--d-dahil magkamukha sila kaya ka--n-nakakatulog na, dahil magkamukha sila kaya nagagawa nang--?"
"Posible--pero hindi ko alam baka dahil lang din sa tindi ng pagod natin kahapon kaya nakaramdam na ako ng pagod."
"Imposible naman yun, kahit nga patay ka na sa kalasingan yang mata mo dilat pa din. Tawagan ko na ba si Doc. Vargas?"
Bahagya namang napangiti at iling si Alex sabay batok kay Forrest,
"Kakasabi mo palang kanina na walang signal dito tas tatawag ka? Paano?" Napapailing sambit nitong si Alex dahilan para mag-loading agad itong si Forrest. Ilang sandali pa ay napapalakpak pa ito sabay sapo sa noo.
"Oo nga pala, nasa ikawalong bundok pala tayo mula sa bayan hahahha!" Palusot nito na ikinailing naman nitong si Alex.
"Minsan matino minsan hindi. Hay nako! Bilhan na ba kita ng antena nang magka signal din utak mo?" Magsasalita pa sana itong si Forrest nang--
"Anong ginagawa niyo dito?" Bungad na sambit ni Summer nang makita sila sa balkonahe, may dali itong walis dahilan para mapalingon si Alex at si Forrest sa likuran nila.
"N-nakakagulat ka naman S-Summer."
"Mas nakakagulat kong sa harapan niyo ko lumitaw." Sarkastikong sagot nitong si Summer habang nakataas ang kilay at palipat lipat ang tingin sa kanilang dalawa.
"Ah-eh, a-ano bang maipaglilingkod namin sa iyo?" Tanong nitong si Forrest habang si Alex ay pasimpleng napapatingin kay Summer.
"Maglilinis ako, labas muna kayo." Nakangiting sambit nitong si Summer kay Alex.
"Malinis na ah--?" Sagot nitong si Forrest na napapatingin sa paligid pero napatigil nang biglang sikuhin ng pasimple sa tagiliran nitong si Alex.
"Lalabas o lalayas?" Pananakot nitong si Forrest dahilan para mapakunot noo naman itong si Alex sa narinig.
"Sabi ko nga. Tara pre--" Aniya nitong si Forrest na hahatakin niya na sana si Alex nang--
"Kapag nabanggit mo ang pangalan naming dalawa, lalabas kai." Pagtataas ng kilay nitong si Alex na sambit kay Summer na lalong nagpakunot sa mukha nita.
"Sinusubukan mo ba ako?" Sagot ni Summer.
"Hindi naman, gusto ko lang malaman mo kung yung pinalalabas mong mga taong tu ay nakikilala mo ang pangalan. Dun kahit papano maiisip ko na may pag-respeto ka pang tinitira para sa mga bisita niyo."
"Anong--ikaw ba talaga nang aasar? Kung gusto mong irespeto ka di sana simula pa lang hindi mo na pinakawalan yung manok." Aniya nitong si Summer na halos magkatrapik na ang kilay sa pagkakakunot nito.
"Woah--dahil sa isang manok lang pala ang kinapuputok ng butchi mo Miss. Summer. Ilang manok ba katumbas ng manok na yun? Tell me, papalitan ko kahit sampo pa yun. Bibilhin ni Forrest kahit ilan pa yun."
"Oh-eh-b-bakit ako ang bibili? Bakit namana ko nad--oh--sabi ko nga damay na kung damay." Napapalunok na saad nitong si Forrest na magrereklamo pa sana ngunit mabilis na binigyan ng sabay na matalim na tingin ni Summer at Forrest.
"Kung hindi dahil sa ginawa mo, di ako malalasing, di ako uuwing lasing, di mag-iinit ulo sa akin ni lola at higit sa lahat hindi aabot sa puntong ako pa ang sasama sayo araw-araw." Madiing sambit nitong si Summer.
"T-teka nga bakit lahat sa akin naman yata ang sisi? Sino ba ang bigla biglang nagpasok sa manok na yun sa bintana ng walang pasintabi, na akala mo'y daeg mo pa kaclose na pinagbilinan ng manok."
"Ah--so kasalanan ko nga--dahilan para pakawalan mo yun?" Napapatangong saad ni Summer.
"Ah-eh Summer--hindi naman pinakawalan o sinadya yun ni Alex? Sadyang nabitiwan niya lang ng makit--" Sabat ni Forrest na napatigil ng titigan ni Alex.
"Anong kaguluhan tu?" Sabay dabay silang napalingon sa matandan kung saan kasama nito si Mau. Napalunoko naman itong si Summer at mabilis na nilapitan si Alex at ipinahawak ang walis sabay ngiti nang pagkalapad lapad kay Alex at saka tumingin s amatanda.
"Ah eh kasi po e-eto pong m-mga malinenyo--"
"Bhes manilenyo--" Pagtatama ni Mau.
"Ah basta yun na yun. Malinenyo--Eh nagpapaturo po sa akin mag walis, eh ayaw ko nga pong turuan kasi po mga bwisita--este bisita po natin kaya lang mapilit po sila. Nakakahiya daw kasi kung tatambay tambay lang daw po sila dito kaya ayun po napilitan po kong ituro sa kanila yung pag-wawalis. D-di ba s-sir?" Aniya nitong si Summer na napapatingin pa sa mga mata ni Alex na halatang halata naman na mas peke pa sa alahas ang ngiti. Napapakunot naman si Alex salungat sa pag sang-ayon at pagtango niya. Habang s Forrest ay napapalunok at akmang eeksit na sa hagdanan ng harangin naman nitong si Mau.
"San ka pupunta?"
"Papahangin? Sama ka?" May pang aasar na saad nitong si Forrest.
"Balik ka dun sa loob."
"Ayoko nga, papahangin ako. Tabi diyan." Saad nitong si Mau na nasa may hagdanan.
"Hindi--padaanin mo ko sabi." Pagtitimpi nitong si Forrest, ngunit makulit itong si Mau para harangin ng katawan niya pa lalo ang makitid na daan pababa ng hagdanan.
"Padaan nga sabi." Nagsusumiksik na sambit nitong si Forrest.
"Hindi nga sabi." Sagot nitong si Mau na mas lalo pang diniinan ang pagkakaharang, at dahil kapwa silang mapilit sa gusto at kapwang ayaw mag paawat ang ending---sabay silang nahulog sa hagdanan dahilan para pumailalim itong si Mau at ito namang si Forrest ay ang siyang ansa ibabaw ng katawan nitong si Mau.
Sabay sabay naman na napadungaw si Lola Adora, Alex, at Summer sa bintana nang makarinig ng kalabog.
"Susmaryosep! Anong--anong nangyari?" Tanging naibulalas ng matanda sa natanaw sa ibaba.
"Mau!" Sigaw nitong si Summer.
"Forrest!" Aniya naman nitong si Alex saka sila nag katitigan ni Summer at nag-unahang bumaba sa hagdanan.
Sa posisyong yun halos ikaluwa nitong si Mau nang mapagtantong si Forrest ang nasa ibabaw niya--ang nakapaibabaw kung kaya't napasigaw siya.
"Aahhhhh! Bastos! Bastos!" Sigaw nito dahilan para mapabalikwas agad nang tayo itong si Forrest.
"Pre-okay ka lang ba?" Pagtatanong ni Alex.
"Bes, masakit?" Tanong ni Summer dahilan para tingnan siya ng masama ni Mau.
"Ikaw kaya magpagulongg gulong sa hagdanan niyo. Tulungan mo ko makatayo bilis" Sagot ni Mau na ikinakamot sa ulo nitong si Summer. Akmang tatayo na sana itong si Mau nang biglang--
"A-aray k-ko, a-ang --ang binti--ang-ang paa ko ang-ang sakit--Sum-ang paa ko."
"Huh? A-anong nangyari? T-teka, anong nangyari?" Tanong ni Summer na nataranta bigla dahilan para mapaupo sa harapan nitong si Mau, walang pakialam kung lupa man ang kinauupuan niya matapatan niya lang ang kaibigan at matingnan ang isang paa nitong hirap maigalaw.
"Ang--ang paa ko, n-nabalian yata ako." Saad nitong si Mau, dahilan para magkatinginan si Alex at Forrest na nuon ay napapalunok at pinagpapawisan nang malamig.
"Ano ba kasing ginawa mo?" Aniya nitong si Summer na napatingin sa direksyon ng dalawang si Alex at Forrest.
"Eh-eh kasi a-ayaw niya ako padaanin, d-di ko naman alam na sasabay siya sa akin sa pagkakahulog at--"
"Baliw ka ba o bobo? Malamang mas malakas ka kaya damay na ang damay." Sighal nitong si Mau habang kumukulo ang bunbunang nakatitig kay Forrest.
"Eh bat mo kasi ako hinarang? Sinabi ko naman sayong dadaan ako." Saad nitong si Forrest.
"Eh bakit kasi ayaw mong bumalik sa taas?"
"Eh bakit mo nga ako hinarangan?"
"Eh bakit nga ayaw mo bumalik sa taas huh?"
"Oy kayong apat, diyan tumigil na kayo. Sumasakit na ulo ko ngayong araw sa inyo huh. O, Forrest paki buhat si Mau sa ta--"
"Ayoko po lola!" Mataas ang boses na sagot nitong si Mau
"Mas ayoko mag buhat ng kalabaw." Pagtanggi nitong si Forrest.
"Hoy, excuse me. 45 lang timbang ko pano ko naging baboy huh abir?"
"Hindi mo nga kasing bigat ang baboy pero kung umatungal ka daeg mo pa kalabaw."
"Aba-t--" Akmang babatuhin na nito ng bato na nahawakan si Forrest nang pumagitna na ang matanda.
"Tama na sabi, sa ayaw at sa gusto niyong dalawa susundin niyo ako dahil nasa pamamahay ko kayo. Kilos na." Saway ng matanda na napapasapo sa noo.