Kabanata 2

1439 Words
MAY halong pagkainip at pagkairita ang mapapansin sa mukha ni Alex habang nasa loob ng bus sa tagal halos ng kanilang byahe. Halata ang pagkadisgusto niya sa mga nakikita niya sa paligid. Hindi din siya makatulog o makagalaw man lang sa sarili niyang kinauupuan dahil sa pagkakasiksik niya. Mainit na nga siksikan pa ang mga tao dito kulang na lamang ay maging sardinas sila sa kanilang kalagayan.  " Oy Forrest, akala ko ba mag eenjoy ako sa byaheng tu? Pinaglololoko mo ba ako? Sigurado ka bang ganito talaga ang mga galawan ng bus sa probinsya niyo? " Kunot noo nitong tanong kay Forrest na halatang sanay na sa nakikitang kalagayan. " Pre, isa lang ang bus na pwedeng sakyan papunta sa lugar ko at yung bus na yun ay ang kaisa isa ding inaasahan ng mga taga duon na dadaan makapuntang lang sa pinakamalapit naming bayan. Kaya karamihan ng mga tao samin kahit gaano pa kalayo ang dadaanang lugar ng bus na ito ay talagang kinakailangan nilang tawirin ang bundok at ilog maabutan lang ito para makapuntang bayan at mamili o magbenta." Pagpapaliwanag ng kaibigan nitong naiiling, palibhasa kasi ito ang kauna unahang pagkakataon na makasakay itong kaibigan niyang si Alex sa isang bus at malas pa dahil ganito pa ang kalagayan. " Hindi--hindi kaya, maoverload tayo? Kaya pa ba ng driver? Punong puno na tayo ah !" Sambit ni Alex. " Pre, kaya yan ng driver. Alam mo kulang ka lang sa dasal. Wag kang mag alala konting oras na lang at nasa bayan na tayo." Sagot ni Forrest na natatawa sa katabi nitong kaibigan sabay pikit na ng mga mata. Habang si Alex ay pakiramdam niya sinasakal siya ng iba't ibang amoy sa paligid samahan pa ng pagkakaba sa sobrang pagkapuno na ng bus.  MABILIS na narating ni Summer ang kaisa isang estasyong madadaanan ng bus, tagatak at hingal na hingal itong huminto at umupo sa kahoy habang sa kanang kamay ay hawak hawak ang basket na ang  laman ay ang mga itlog at sa kabilang kamay naman ay ang munting manok na nilagyan niya ng tali ang panuka at ang mga paa. " Oh anong tinitingin tingin mo? Buti yan sayo apaka ingay mo sa daan. Ibebenta na kita mamaya may gusto ka pa bang sabihin pa?" Nakanguso nitong sambit sabay kuha nito sa basket at hinawakan sa leeg ang manok nang bigla siyang makaramdam ng lungkot. " Pwede naman kayo mamatay bakit bebenta pa kayo ni lola hais talaga yung matandang yun pera lang talaga mahalaga sa kaniya at hindi masarap na pagkain. Siya nga pala, ako bahala sa mga itlog na naiwan mo, aalagaan ko yun. Mag iingat ka palagi sa bagong amo mo huh. Alam mo naman na daan pauwi, uwi ka nalang pag namiss mo kami ni lola. " Saad niya saka hinimas himas ang manok nang biglang marinig niya ang pito ng paparating na bus. Sa pagkataranta sa pagpara ay hindi niya na nagawang ibalik ulit ang manok sa basket, mabilis na dinampot ng kaniyang isang paa ang basket kung saan nakalagay ang mga itlog habang hawak hawak ng isa niyang kamay ang manok. Napakunot noo naman siya ng huminto sakto ang bukana ng pintuan ng bus sa tapat niya. Papaano pa siya papasok kung hanggang sa bukana yung pagsisiksikan ng mga tao.  " Ano sasakay ka ba?" Tanong nito sa kaniya ng konduktor na nagmumukha ng matsing sa pagkakasabit at konting konti nalang mahuhulog na. " Sa taas nalang po ko, kaso paano yung mga dala ko?" tanong niya habang nakatingin sa taas ng bus. " Ipasok mo nalang diyan sa kahit saang bintana, ipakiusap mong hawakan muna para sayo." Sagot nitong konduktor na siyang ikinatango niya. Pinasadahan naman niya ng tingin ang mga taong nasa may bintana. " Ano ba bilis bilisan mo naman." Sigaw ng konduktor. " Pwede ba wag mo ko sigawan palunukin kita ng itlog diyan eh !" Singhal niya dito saka mabilis at pilit na pinagkasya ang basket at manok sa isang bintana.  IKINAGULAT naman ni Forrest ang pagdamba ng kung anong bagay mula sa kaniyang bintana dahilan para mapamulat siya at mapahawak sa bagay na ito ng walang choice habang si Alex ay napaigtad ng biglang may manok na napapadpad sa harapan niya galing sa bintana.  " F*** what the hell is that,Forrest?" Napasinghal si Alex habang napapalunok na nakatitig sa manok. Mabilis naman na hinawakan ni Forrest ang manok bago pa mahimatay si Alex dito.  " Paki ingatan at hawakan niyo po muna ang alaga ko, nakasalalay din buhay ko sa mga itlog na yan. Salamat." Ani ng isang boses na nagmumula sa labas ng bintanang katapat nila dahilan para mapasilip sila. Pero dahil sa laki ng  basket na nakaharang sa may bintana nila ay hindi masyadong maaninag ni Alex ang mukha nito hanggang sa tuluyan na itong nawala. Kunot noo naman siyang napatapon ng tingin kay Forrest na kasalukuyang hinihimas himas ang balahibo ng manok. " Sino ba yun? Baliw ba siya, bakit di niya inilagay yan sa kahon? Ilayo layo mo sakin yan baka maihagis ko pa yan sa labas." Masamang tingin nito sa kaibigan. " Ah--eh, Pre, pahawak naman nitong basket." Ngiting tingin nito sa kaibigan. " Ayako. Baka mamaya bomba pa laman niyan." " Kalma, mga itlog lang tuh. Sige na para mahawakan ko tung manok ng mabuti dali."  Labag man sa kalooban ay pumayag ito sa pakiusap ng kaibigan. Ipinatong nito ang basket sa kaniyang legs. " Dadala dala ng mga tu di naman pala kayang hawakan." " Pre, ganun talaga dito. Imbes magusot yang mukha mo matuwa ka nalang kasi may natulungan tayo. Isa pa chics naman yun kaya ayos lang malay mo maganda oh diba another add to cart yun sakin hahaha." " Magtigil ka nga. Ano kinaganda nun sa tingin mo? Isa pa walang magandang babaeng magbibitbit ng manok at isang basket ng mga itlog sa kalagitnaan ng bundok." " Sigurado ka?" Paghahamon ng boses nitong si Forrest sa kaibigan na napapailing na lang.  " Aba'y syempre oo. Pwera na lang kung si Maria Makiling siya." Napapailing bulong nito. Makalipas ang ilang minuto, sa wakas ay huminto na rin ang bus at isa isang nagbabaan ang mga tao. " Oh, nandito na tayo. Baba na." Sambit ni Forrest. " Sa wakas, pakiramdam ko mawawalan na ako ng pwet kakaupo." Reklamo nito ng biglang .. " Teka, pano tung basket ng itlog at yang manok na yan? Asan na may ari niyan bakit di pa kinukuha sayo?" " Kalma pre hahah. Sa labas na tu kukuhanin satin." Napapailing tingin nito sa kaibigan saka pilit na nagsumiksik na makalabs. Ilang sandali lang ay nakalabas na sila. " Oh nasan na? Akala ko ba kukunin---" " Kalma nga kasi, nakita mo namang madami ding bumababa mula sa taplod pre. Ay teka, naiihi pala ako. Pahawak naman nitong manok." " Ayoko nga." Mabilis nitong sagot. " Sige na pre, puputok na tung pantog ko." " Ays antayin mo na lang." Nakabusangot nitong sambit. " Pre, pag inantay ko pa wala na. Sabog na pantog ko pati ako." Napapakamot na sambit ni Forrest na kitang kita sa mukha ang pagpipigil nito. " Ano na? Saglit lang ako. Wag kang mag alala, makikilala naman tung manok at makukuha sayo. Sige na hawakan mo na muna sandali lang ako. Ihing ihi na talaga ako. " Pagmamakaawa nito sa kaibigang si Alex na kunot noong nakatingin sa kaibigan. " Oo na. Basta bilisan mo. Ayako ng manok alam mo yun." " Ayaw? Pero nakain hahaha !" " Lol ! Akina yan bilis." Saad nito na hindi maiguhit ang mukha. " Hawakan mong mabuti huh. Wag mong bibigyan ng pag asang makalipad. Iabot mo nalang pag kinuha ng may ari." " Pa--paano ko naman malalamang sya ang may-ari?" " Ahmm--basta parang kulot yung buhok nun at mahaba. Nakatalikod na kasi siya ng makita ko." " Pre, papatawa ka ba? Ang daming babaeng pababa mula sa taas na kulot at mahaba ang buhok."  " Well, pwede din kung natatawa ka. Siya kausapin mo yang manok baka sakaling kilala niya nagmamay ari sa kaniya hahahah." Saka itinaas ang kamay at tumalikod kay Alex. " Asar ! Bakit ba kasi may manok?' Bulong ni Alex sa sarili ng biglang may kumalabit sa kaniya sa likod na ikinalingon niya. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkabigla na halos ikaluwa ng mga mata niya sa laki ng maaninagan ang taong kasalukuyan niyang kaharap dahilan para maramdaman niya ang pagka bato niya sa kinatatayuan, paghinto ng mundo, bilis ng t***k ng puso, at pagkasakal sa kaniya ng hangin na para bang hinihigop siya papunta sa  kaniyang nakaraan.  Kabana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD