Kabanata 1

1469 Words
NAKASIMANGOT na nagbibilang ng mga itlog ng manok si Sunny. Inis na inis na siya dahil pang labing isa niya ng ulit na binibilang ang mga itlog ng manok pero hindi niya pa rin makuha ang saktong bilang na dapat dalhin bukas sa bayan. Pano ba naman nababasag sa twing malapit na siyang matapos. " Uno, dos, tres, kwatro, singko, sais, siyete, otso, nuebeeeeehhh---Ahhhys ! Ayoko na. Ayoko na magbilang sabi ii. Nakakasawa na. Araw araw na lang akong pinagbibilang ni lola ng mga itlog ng manok. Baka pag tumagal pa ey pati ako mangitlog na rin ng manok dito." Iritable niyang bulong sa sarili nang bigla nitong nabitiwan ang pang ika sampung hawak niyang itlog na ililipat sana niya sa kabilang basket dahilan para mapasuntok siya sa hangin. Tiningnan naman niya ng masama ang mga kaharap niyang manok. Saka pinagdududuro ang mga ito. "Pambihira ! Nakita niyo na. Kayo. Kayo. Oo kayo ngang mga manok kayo. Bakit niyo ba ko kailangang pahirapan huh? Kayo dapat nagbibilang sa mga itlog niyo hindi ako ey, nakita niyo na nakakailang basag na ako dito ng itlog samantala kayo pasarap lang alam niyo----Araaaay lola naman ii." Napapahimas himas siya sa ulo ng batukan ng lola niya. " Talagang bata ka. Sa tingin mo ba sasagot yang mga manok sayo? Napakabatugan mo. Pati yang walang muwang na mga manok pinapatulan mo.Magbibilang ka na nga lang hirap na hirap ka pa." Sermon ng kanyang lola. " Eh lola, kanino po ba alaga yang mga manok na yan?" Pagtatanung ni Sunny. " Sa akin.Bakit?" Tanong ng lola nito sa kaniya. " Oh ii, sa inyo naman po pala. Anu pang ginagawa niyo. Eh umpisahan niyo na pong magbilan---Aaah--araaay lah masakit po. Ma--masakit !" Napapasigaw sa pingot ng kanyang lola. " Lokong bata ka. Di mo ba alam namg dahil sa mga itlog ng mga manok na yan napalaki ka ng ganyan katanga. Hala kilos. Bilangin mo ulit yan. " Mando ng matandang babae sa kanya. " Eh lola, ba--baka po basag na ang lahat ng mga itlog na tuh bago pa man maibenta natin sa bayan." Pag alinlangang saad ni Sunny habang napapakagat labi pa. " Subukan mo lang basagin lahat yan. Kundi iyang ulo mo ang puputulin ko at ibebenta sa bayan." Pangbabanta ng kanyang lola saka ito tuluyang lumabas. Napabalik sa pagkakaupo naman itong si Sunny saka pinandilatan ang kasalukuyang mga manok na nakatingin sa kanya. " Kasalanan niyo talaga ito. Kapagka umulit pa talaga ako sa pagbibilang lelechonin ko na kayong lahat." Napapabugang saad niya sa mga ito na napaputak naman. " Hey ! Tumigil kayo diyan. Walang kakampi sainyo. Matutulog na yun si tanda. Kaya subukan niyo lang mag ingay habang nagbibilang ako talagang balahibo niyo lang ang walang latay." Inis niyang sagot sa manok. Saka nakangusong sinimulang bilangin ulit ang mga itlog habang nagpapabaling baling niyang tinitingnan ang mga manok sa paligid niya. At makalipas ang 5929472919402048 hindi niyo binasa nuh, ay sa wakas ay napagtagumapayan na ding matapos ni Sunny ang pagbibilang ng mahigit sa limang daang itlong. At ang kabuoang bilang din ng kanyang mga nabasag na umabot lang naman ng 37 lahat lahat na itlog. Napaunat siya ng kaniyang mga kamay sabay hikab. " Nakakapagod magbilang ng paulit ulit, kaya kayong mga manok kayo kung pwede lang huh,  wag naman kayo mangitlog ng marami kasi tingnan niyo, simula kaninang tanghali ngayon lang ako natapos magbilang kung kelan malapit na ulit kayong tumilaok. Pag kayo hindi niyo ko sinunod, lelechunin ko kayong lahat. Naintindihan niyo ko huh?" Saad niya sabay hampas ng maliit na tela sa mga ito dahilan para mag ingay at magsi takbuhan papalayo sa kanila. " Psh ! Makatulog na nga, maghahatid pa ako sa bayan ng mga itlog niyo." Sambit niya saka siya lumabas sa munting kubo at dumiretso sa isa pang di kalakihang kubo at pumasok. Mabilis siyang nagpunas ng katawan at sa wakas isang malapad ang ginawad niyang ngiti ng makita niya ang higaan. " Sa wakas, makakatulog na ako. " Sabay inat sa kaniyang mga kamay at dahan dahang humiga sa tabi ng lola niya, ipipkit niya na sana ang mga mata niya ng biglang hampasin siya ng lola niya. " Oy ! Sunny, gumising ka na ng maabutan mo yung bus na dadaan sa kabilang bundok. " " Pero la---" Magrereklamo pa sana siya ng sinamaan siya ng tingin nito. Gusto niyang sabihing malapit ng malaglag ang mga nag gagandahan niya at bilog na kulay tsokolateng mata sa sobrang antok pero dahil sa tingin ng lola niya alam niyang kahit kaluluwa niya ay hindi matatahimik kapag nag umpisa na itong magsalita. " Magrereklamo ka? Pagmahirap bawal ang tatamad tamad, kayo bangon na at anong oras na. Maiwan ka pa ng masasakyan." Saka bumangon ang lola nito at humakbang papunta sa hagdanang gawa lang sa kahoy papunta sa kusina. Napasabunot naman si Sunny habang di maipinta na ng tuluyan ang mukha niya, bakas pa sa mga mata niya ang pagkaantok.  " Lola, pag yumaman ako unang una ko pong reregalo sa inyo yung robot para kahit di matulog kaya----" Napatalukbong siya ng kumot ng matanaw niya ang mahiwagang tsinelas nito na nasa ere lumilipad papunta sa kaniya.  " Itikom mo yang bibig mo at naririnig kita." Sigaw nito sa kaniya. " Pag di ka pa bumangon diyan, bubuhusan na kita ng tubig." Dagdag pa nito. Mabigat ang katawan niyang bumangon mula sa kinahihigaan at nagmartsang bumaba sa hagdanan. Araw ng linggo ngayon, bentahan sa bayan at kailangan niyang umabot sa nag iisang bus na dumadaan sa karatig bundok nila para makarating ng bayan.  " Nakakabwisit talaga yung mga manok na yun. Ang sososyal, di nalang ibenta ang sariling itlog sa bayan. May mga paa naman. Pati ako damay----aray ko po. Lola naman ang sakit." Reklamo nito habang napapahimas sa tengang piningot ng lola. " Anong pinagsasasabi mo diyan huh? Pati mga manok dinadamay mo sa katamaran mo. Sige nga utusan mo silang pumuntang bayan kung sumunod. " Singhal nito sa kaniya dahilan para mapanguso siya. " Hala kilos na, bilisan mo." Mando ng matanda sa kaniya. Hahakbang na sana si Summer ng magsalita ulit tu. " Siya nga pala, magdala ka ng isang manok na din at ibenta mo para naman magkasya yung pera natin para sa mga butong bibilhin kay Simo. Kay Emillio mo ibenta huh dahil mataas yun magbili ng manok. " Napabuga siya sa hangin, heto na naman ang pinakakinaiinisan niya sa lahat magnanay ang bibitbitin niya sa bayan. Napasabunot at nagmartsang walang imik na pumasok sa tagpi tagpi nilang banyo.  MAHIGIT tatlong taon na pero sariwa pa rin sa puso at isipan ni Alex kung paano siya nawalan ng minamahal sa buhay. Araw araw pa din siyang nagluluksa sa sakit na nararamdaman sa puso niya. Nakapangalumbaba siyang pinagmamasdan ang pagsikat ng araw sa kaniyang balkonahe saka napabuntong hininga. Maya maya lang ay binalikan ang mga gamit na iniimpake niya. Sa udyok ng kaibigan niyang si Forrest ay napapayag siya nitong sumama sa probinsya nito para magpalamig na din at dahil isa siyang lisensyadong guro ay maari niya ding mapagkaabalahan ang pagtuturo sa mga nayon na malalayo sa siyudad kung saan nakatayo ang mga munting paaralan. Maya maya lang ay tumunog ang kaniyang phone. Napaupo siya sa kama saka dinampot ang phone at sinagot. " Yeah ! I'm ready. I already told them na sasama muna ako sayo. I want to try--no i mean, gusto ko ng makalimot that's why pumayag ako. Okay, pick me up here. Hintayin kita sa labas. " Ani nito habang napapatango, ilang saglit lang ay ibinaba na nito ang cellphone at tumayo saka humakbang hila hila ang bagahe nito. Alam niyang ito lang ang natatanging paraan at solusyon para sa kaniya. Bago niya tuluyang isara ang kabahayan ay pinasadahan niya muna ng tingin ito at napabuntong hiningang isinara ang pintuan.  Ilang sandaling paghihintay ay tumambad ang bulto ni Forest saklay ang isang malaking bagpack. " Ayos ah? Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo? Hahah ! Kasi sa itsura ng mga dala mo ey siguradong sigurado ka na talaga, remind lang kita. Once na nakaapak ka na dun wala ng atrasan pre." Pagtatapik nito sa balikat niya habnag kunot noo siyang nagtataka kung bakit walang ginamit na sasakyan. " Where's your car?"  " Hahah ! Pre, mas masaya mag bus. Trust me. Maeenjoy mo ang byahe. Madami ding chicks hahah" " But--wait, sasakyan ko na lang ang gamitin---" " Ops ! Mula sa araw na tu, hindi ka na si Sir Alexius ng Dolovan, ikaw na si Sir Alex na isang simpleng tao at guro, di mayaman, di maarte, at higit sa lahat isang lalaking may misyon, misyong makatulong sa kapwa at makalimot sa sakit at pagluluksa. Let's go !" Ani ni Forrest habang napapangiti ngiting nakatingin sa dismayadong itsura ni Alex. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD