Challenge from the Boss! Napaawang ang bibig ni Lyan nang bigla niyang maramdaman na tumahik yata ang buong bahay matapos niya mapasigaw. Nakita niya ang mahinang pagtawa ni Sir Chase. Gwapo sa malapitan, Gwapo parin sa malayuan. Anong klaseng nilalang ito? Pati pagtawa poise na poise. “Pwede ko bang makausap muna si Lyan?” paalam naman nito kila Secretary Kim at Aling Teressa. Parang gusto na lamang ni Lyan sumama kila Sally habang paalis sila ng Kusina. Ito na ba yung D-Day? Na sesesantihin na naman siya? “Gusto mo bang kumain muna bago tayo magusap?” He asked. “Hindi po. Sabihin niyo na po ngayon” Napailing iling si Lyan “Well, You may have seen my kids. Hindi ordinaryong Nanny ang katapat nila.” Ang sabi naman ni Chase. “I can raise your pay…” Parang nag spark ang mga