Chapter 3

1121 Words
The Real Job "Hey Kids- " Hindi na naituloy ni Lyan ang pagbati niya sana sa mga bata nang buksan niya ang pintoan ng silid nila nang bigla siyang madulas pagkapasok na pasok niya. Nang mag angat siya ng tingin ay napasigaw ito "Ah!! " May isang malaking bowl lang naman ng arina ang tumapon sa mukha niya. Mula sa gilid ay may narinig siyang hagikhik ng dalawnag bata. "You look like a pan cake! "Humagalpak sa tawa ang batang lalake. Kaya naman pala walang nagtatagal sa mga batang ito! At no wonder, nagbigay sila ng malaking sahod dahil kailangang kailangan nga talaga yata nila ng isang Nanny! "Ah He. He." Tumayo si Lyan at hinawi ang buhok niya. Inalis niya ang arina na nakadikit sa mukha niya. Nakita rin niya ang mga itlog na nasa sahig. Ito nga yata ang dahilan kung bakit siya nadulas kanina. "I'm Pancake Girl! "Tinaas nito ang isang kamay habang nakapamaywang ang isang kamay niya. "Huh? Kulang ka pa ng mantika "ani naman ng isang batang babae at may kunuhang bote ng mantika "Stop! Stop! " iniharang niya ang dalawang kamay niya sa dalawnag batang papalapit sa kanya "Pan Cake Sister is okay without oil! " ani naman pa nito. "We need to fry pancake, so we need oil"0 saad naman ng batang lalake at walang pasabing ibinuhos sa kanya ang bote ng mantika Napaawang ang bibig nito habang pinagmamasdan niya ang dalawang bata na napakalakas ang tawa. "Nanny, We have to hurry to school. Come down stairs" dali daling kinuha naman ng dalawang bata ang kanilang bag at tawang tawang umalis ng silid "Okay lang to. May mantika din naman ang bananaque at natatalsikan naman ako ng mantika. Wala to"  Sinubukan niyang itinawa na lamang ang kakaibang pag welcome sa kanya ng mga bata Kaagad din na sumunod si Lyan sa kambay. Habang pababa siya ng hagdan ay nakita niya ulit ang lalake kanina sa kabilang kwarto na kausap si Secretary Kim. Nang tiningala siya ng dalawa ay napaawang ang bibig nila na nakakita sa kanya. Doon lamang niya napagtanto ang hitsura niya ngayon. Para siyang pusit na isinawsaw sa arina at ipriprito na lamang. Pwede nang kainin. "Jin! Jana!" Bakas ang galit sa boses ng lalake nang tinawag niya ang kambal. "M-Miss..Lyan" halos hindi siya matignan ng diretso ni Secretary Kim. Maybe this is the worst welcome party that the kids made to their Nanny. Okay lang po. Nagkatuwaan lang kami ng mga bata Ani naman ni Lyan sa kanilang dalawa. Tinignan siya ng lalake mula ulo hangang paa at napapikit na lamang ito. "They used to say that also, But they eventually quit " saad naman ni Chase habang nakikipagtagisan ito ng titig sa mga anak niya "Before anything else, I'm Chase. Ako ang Daddy ng kambal.  " Nanatiling nakatitig si Lyan sa kamay na inilahad ni Chase. She wished she could have accepted his hands. But given the circumstances she had during the wlecome party from the Twins, Parang hindi niya ata matanggap ang kamay na iyon "Anyway".  binawi naman ni Chase ang kanyang kamay nang mapatitig si Lyan sa kamay niyang may arina pa "Bukas mo na ihatid ang mga bata. Wash yourself at magpatulong ka kay Aling Teressa para sa daily meal ng mga bata. For Today Ill take them to school " ** Nang matapos maligo si Lyan ay dumiretso siya sa Kusina kung saan naka destino si Aling teressa. Nakita niya ang mga pagkain na nakahanda sa mesa. "Nandyan ka na pala!"Nagulat siya nang bigla siyang salubongin ng isang Katulong na naabutan  niyang kumakain sa mga nakahanda sa lamesa "Ano po ang okasyon?" tanong naman ni Lyan "Ay, Wala naman. Taste test lamang ng mga pagkain. Ito ang inihahanda namin sa mga bata araw araw.  " "Ha? Bakit may Taste Test pa?" Naguluhang tanong naman ni Lyan "Pihikin kase ang mga bata. Tinitikman muna naming kung pwede naming ipa baon sa kanila at ipakain dito sa bahay. Ilan ito sa mga paborito nila " Napatingin si Lyan sa mga pagkain. May ilang prutas at kaunti lamang ang gulay. May mga frozen foods at maraming meat. Ito talaga ang menu sa mga batang pihikin sa pagkain. "Nagwawala din kase ang kambal kapag ayaw nila ng pagkain."  ani pa nito "Ako nga pala sa Sally, kasama din ako ni Aling teressa dito. Ikaw ang bagong Nanny? Nako sana magtagal kana" Napatawa lang si Lyan sa sinabi ni Sally sa kanya. Sana nga matagalan na niya ang trabahong ito. "Kilala ba ang Buenavista sa Pilipinas? Parang hindi ko alam na ganito sila kayaman" biglang nai tanong naman ni Lyan kay Sally. "Hindi naman kase originally dito nakatira ang pamilya ng Buenavista. Tumira lang ulit si Sir Chase dito sa Pilipinas dahil sa kambal. Namatay na kase ng Nanay nila. " Napaisip saglit si Lyan sa mga inaasta ng kambal. Marahil ito ang rason kung bakt ganon sila. "Pero ang pamilyang Buenavista ay mayaman talaga. Sabi nga nila kahit daw mamatay na silang lahat ngayon, may kayamanan pang natitira para sa mga susunod nilang henerasyon. Malapit na nga mabili ni Sir ang buong Gilberts, baka isunod na niya ang Guanzons " Napanganga lamang si Lyan habang nakikinig kay Sally. Ang Guanzons at Gilberts ang nagtatagisan lagi pagdating sa mga lugar kung saan may pinakamaraming Business Establishment. As of the moment, Guanzons is the most richest City in San Vidad. "Pagdating ng RosaKing, Mapapatalsik na sa pwesto ang Guanzons! " Sally proudly said. "Grabe. wala akong masabi" saad naman ni Lyann at nilantakan ang strawberry na nasa mesa. "Para silang  Royal Family. Grabe" dagdag pa ni Sally Ang buong akala ni Lyan ay mag aalaga lamang siya ng bata. But she had to memorized all of the food the the twins liked to eat. Pati na rin ang mga bawal, allergies at ang mga ayaw nilang kainin. Itinuro naman ni Aling Teressa sa kanya ang alteration at ang schedule ng menu ng mga bata. Hindi rin niya akalaing may ganon nga. Dahil sa bahay nila, Kung anong meron sa araw na iyon. Yun lamang ang pagtyatygaan nilang kainin. Her first Day isn't so bad. But that was a very unexpected Welcome Party  to her. ** Announcement: Unang una sa lahat, On-going na po ang The Boss and His Twins. As per request ninyo. Maraming Salamat po sa paghihintay. May nga Kaunting revisions nga lang po akong ginawa. Here are the changes/Revision I made so far 1. Pure Narration na po ang Story na ito 2. I added some scene mula sa 1st Chapter till here at may inalis din po muna ako 3. May Prologue na po. Hahaha Yun lamang po ang ginawa ko as of now. SAME STORYLINE lang din po. Sana abangan niyo rin po ang mga susunod na kabanata! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD