Chapter 2

1330 Words
My workplace is a paradise Tumigil si Lyan sa isang bintana ng isang kotse upang tignan ang kanyang sarili. Inilugay nito ang buhok hanggang sa kanyang baywang. Naglagay siya ng konting pulbo at lipstick. Inayos din nito ang kanyang coat at skirt.   "Kaya yan!" She cheered up.  Mga ilang hakbang nalang ang kanyang inaksaya bago ito nakarating sa eksaktong adresss na ibinigay sa kanya. Nang sinubukan niyang magdoorbell sa isang malaking Gate ay nagulat siya at napaatras nang bigla bigla itong bumukas.  May matandang babae na nagaabang sakanya sa loob .Ngunit saglit siyang napako sa kinatatayuan. "This Way Maam. I'll drive you to the house" Alok naman sa kanya ng isang lalakeng naka suot ng black suit. Mga tipong Men in Black Nag pinagbuksan pa siya ng pintoan sa kotse ay wala siyang magawa kundi sumama. Wala ata sa katinuang sumakay siya sa loob ng kotse. Binuhat ng ibang body guard ang kanyang mga bagahe. Nanlaki ang mga mata nito nang dumungaw siya sa bintana at may isang kotse pang nakasunod sa kanila. Parang yung mga nasa drama na. Parang kinidnap yata siya ng isnag sindikato at bakit parang ang dami naman yatang body guards na nakasunod sa kanya? Napansin niya  ang dinadaanan nila. Parang subdivision sa loob with a twist of paradise. May nakikita siyang ilang mga bahay na pagkalakilaki. Parang palasyo. Lahat ay may kanya kanyang kagandahan ng design. May isang bahay na lubos niyang kinamanghaan dahil gawa ang buong bahay ng Glass windows. Ang isa naman ay mula Brick at parang castle  Lalo pang pinapaganda ang buong lugar ng mga Pine Trees. Para kang nasa Baguio. Medyo pataas ang dinadaanan nila at para bang nasa ibang bansa siya. Dahil mula disensyo at ang kabuan ng lugar ay may pagkahawig sa mga bahay at lugar sa Abroad. "Ah, Pwede po bang magtanong?" Kinalabit niya ang matandang sumalubong sa kanya kanina "Opo. Ano iyon ija?"  "Saan po ang bahay nito, Sa pagkakaalam ko tama naman po ako ng pinuntahan eh." Ang sabi naman ni Lianne at iniabot ang isang papel kung saan niya isinulat ang address na ibinigay sa kanya ng Agency "Ah. Ito ang bahay ni Mr. Buenavista."  Napakunot naman ang noo nito sa sagot ng Matanda. "Saan po sa mga ito?"  "Lahat ito ay pagmamayari ni Mr. Buenavista" "Po!!!" Hindi niya napigilan mapalakas ang boses niya. Ibinalik kaagad niya ang mga tingin niya sa mga bahay! Napansin niyang Nagulat din ang mga kasamahan niya sa loob ng Kotse. Mas Malaki pa yata ang sukat ng buong lugar na ito kaysa sa barangay nila. "Ah.. Pasensya na po. Nagulat lang po ako..."  "Ang buong lupang ito, mula pag apak mo sa gate ay pagmamay ari ni Mr. Buenavista" sabi ng Body guard na nakaupo sa front seat. Iniikot niya ang mata sa buong paligid, Yung tipong kailangan mo pang sumakay para lang makapunta ka sa bahay niya. Iyon ang hindi niya kayang paniwalaan. Her eyes are enjoying such a beautiful view. "Gaano ba siya kayaman? Ang dami niyang bahay tapos pagkalakilaki pa. Kailangan mo pang sumakay para makapunta sa bahay niya. Ano ba naman yan."  "Magsabi ka ng mga taong mayayaman na kilala mo." Biglang sabi ng driver Napasip naman saglit si Lyan "Si Albert Montenegro yung may ari ng Airport dito sa Gilberts. Si Henry Davinsy! Oo tama"  "Kung kaya ni Mr. Montenegro ang magpatayo ng Airport dito sa Gilberts, Kayang kaya ni Mr. Buenavista ang magpatayo ng Airport sa mas marami pang lugar"  Nalaglag ang panga niya sa sinabi ng Driver. "And Henry Davinsy? Yung may ari ng sikat na Mall sa Guanzons? Mr. Buenavista owns RosaKing. One of the most popular mall in Italy. Soon RosaKing will expand here in Gilberts. Tiyak na matatalo ang existing Malls ngayon dito  Para nang nalaglag ang laman loob niya. May mga tao na ganon pala kayaman? His houses are a thing. But yeah, thats just a thing. Wala pa rito ang ibang business na pag mamay ari nila. Baka naman gawa na sag into pati toile bowl ng taong ito? "We're Here Ma'am"  Tumigil sila sa harap ng isang bahay na kung ikukumpara mo sa mga nadaanan nilang bahay ay ito yata ang pinaka Malaki She is like facing a real royal castle. May mga gwardya na sa paligid. May mga maid at butler siyang nakita na nakaabang sa kanya. Parang Fairytale! Mukhang Big Time ang trabahong napasok niya! Ang ibang bahay ay para sa mga bisita. This Mr. Buenavistas house.  "Bahay ba ito? Parang Musuem eh!"  "Tara na po sa loob..."  Parang siyang baliw na hindi mapakali. Hindi matigl tigil ang mata nito sa pagsuri ng buong bahay. Parang Prinsipe ata ay may ari nito. May malaking fountain sa harapan nito. At aakyat ka ng ilang baitang upang makapasok sa front door.  Sinalubong siya ng ilang mga katulong na parepareho ang damit.  Maraming mamahaling dekorasyon ang bahay na kapag masira ay baka kulang pa ang sweldo niya sa limang taon ang bayad.  Napatingala kami sa isang lalakeng pababa ng hagdan. Napakaayos ng porma. Parang men in black din ang isang ito. Medyo maamo ang mukha at hindi mo naman pwedeng itanggi na may kagwapuhan ang isang ito. “You're Ms. Guevarra right?" agad nitong tanong nang makababa siya "Ah Opo.." Napatango tango lamang si Lyan habang pinapakalma niya ang buong sistema niya. "Nice to meet you. I'm Secretary Kim. Mag-usap muna tayo sa office Sumunod si Lyan kay Secretary Kim sa silid na nasa ibaba. Mukhang dito ang office ng sekretaryang ito. Inilibot niya ang mga mata niya sa buong silid Mas Malaki pa yata ang office niya kaysa sa bahay nila. "I just want to discuss some things that you should know before you start."  "Unang una sa lahat, Do not underestimate the Twins. May pagka pilyo ang mga bata at walang nakakatiis mag-alaga sa kanila.  Ang trabaho mo lang ay alagaan sila, bantayan, at ihatid sa school. My boss is generous enough to give you a first pay" Napatingin si Lyan sa isang envelope na iniurong ng lalake sa kanya. Nang binuksan niya ang sobre ay nanlaki ang mga mata nito, Jusko po! Tumataginting lang naman na fifty thousand pesos ang nakita niya sa deposit slip na naglalaman ng sobre "First pay palang yan, That is not counted as your first monthly salary. If you stay and be their Nanny. My boss will raise your salary too- " "Ay. Tss wala pong problema. May Patience po ako. Pagtitiisan ko po sila. Bata lang naman po sila eh" Nagulat si Secretary Kim nang biglang hawakan ni Lyan ang mga kamay niya habang nagsasalita pa ito. "Okay, The kids are in their room. Ihanda mo na sila dahil papasok sila ngayon. Goodluck"  This just being a Nanny. Expert na siya dito at kayang kaya na niyang mag alaga ng mga bata. This time, kailangan hindi na siya masesante! Umakyat siya sa hagdanan at tinitignan kung saan ang kwarto ng kambal. Marami ang kwarto ngunit sa mga dinaanan niya ay wala namang tao.  Naisip niyang buksan ang doble door na silid. Maingat niyang pinihit ang pintuan.  Pagkalaking Kwarto ang tumambad sa kanya. Nakita niya agad ang isang malaking TV at malaking bintana. From here you could see the garden from the outside. "Mabuti nalang at nagpunta ka dito I was about to callyou--"  "Jusmiyo Santisima Purgatoryo Nanay ko!!!"  Napasigaw kaagad si Lyan at napatakip sa mata! Hindi naman niya inaasahang makikita ang isang lalakeng nakapants lamang at walang suot na pang itaas! "Jusko! Pasensya na po mali po ako  ng kwartong pinasukan! Sorry po!" Ingat na ingat siyang nagtungo sa pintuan ngunit sa hindi niya lubos inaasahan ang pag higit sa kanya ng lalakeng iyon. "Who are you?"  Nakapikit siya na humarap sa lalake "Ah. Bago pong Nanny..." Somehow he loosen up his grip and he  immediately put on some clothes "The room is the next to this one." Ani naman ni Chase "Ah.. Opo sige po.."  "Wait me downstairs. Maguusap tayo.." Bago pa man tuloyang makalabas si Lyan ay nagsalita ulit ito. Nang makalabas siya ay para siyang nagiinit. Napakawah siya sa mga pisngi niyang pulang pula na "Grabe, Anong nilalang iyon? Bakit ganun kagwapo?" 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD