NAPALINGON si Brielle sa hamba ng pinto sa mga kusina nang makarinig siya ng mga yabag na palapit sa kinaroroonan niya. Base naman sa yabag na naririnig niya ay si Apollo iyon. Si Apollo naman talaga dahil silang dalawa lang naman ang magkasama do'n. At mayamaya ay nakita ni Brielle itong pumasok sa hamba ng pinto ng kusina. At napakurap-kurap siya ng mga mata nang makita niya si Apollo, lalo na noong makita niya ang lungkot na bumalatay sa mga mata nito. Oo, magkasalubong pa din ang mga kilay nito at kahit na napapalibutan ng stubbles ang gilid ng mukha nito ay kita pa din niya ang lungkot sa mga mata nito. Ewan ni Brielle pero nakaramdam ang puso niya ng bahagyang kirot nang makita niya ang emosyon na iyon na bumalatay sa mukha nito. Sa totoo lang ay madali lang kasi si Brielle n