MULA sa gilid ng mata ni Brielle ay nakita niya na natigilan si Apollo mula sa pagsubo nito sa kinakain ng marinig nito ang patunog ng ringtone ng cellphone niya sa sandaling iyon. Dinner time ng sandaling iyon. Nang matapos siyang magluto at ihanda ang mga kakainin nito sa mesa ay tinawag niya ang lalaki para makakain na ito. Hindi ito sumagot sa sinabi niya pero lumabas ito ng kwarto at humakbang ito patungo sa kusina. Mukhang gusto nitong kumain. Saglit namang kinagat ni Brielle ang ibabang labi. Pagkatapos niyon ay tumikhim siya. "Excuse me, Sir. Sagutin ko lang po ang tumatawag," paalam naman ni Brielle kay Apollo. Hindi na din niya ito hinintay na sumagot, humakbang na siya palabas ng kusina. Hindi na niya ito hinintay na sumagot sa paalam niya dahil alam niyang hindi naman siy