TININGNAN ni Brielle ang wall clock na nakasabit sa pader. It's quarter to 1 na pero hindi pa din lumalabas ng kwarto si Apollo. Kinatok na nga niya ito kanina para ipaalam na luto na ang ulam at handa na ang mesa, alam niyang narinig siya nito dahil nakarinig siya ng kaluskos sa loob ng kwarto nito ng katukin niya ito. Lumamig na nga ang niluto niyang ulam pero hindi pa din ito lumalabas ng kwarto. Nagpakawala naman si Brielle ng malalim na buntong-hininga. Pagkatapos ay ininit niyang muli ang ulam. Napagpasyahan kasi niyang tawagin muli si Apollo, baka kasi namali lang siya sa inakalang narinig siya nito kanina noong katukin niya ang pinto ng kwarto nito. Nang mapainit niya ang ulam ay lumabas na siya ng kusina para puntahan si Apollo sa kwarto nito. Saglit naman siyang tumitig sa