"SIGURADO ka ba, Brielle, na ayaw mong magpahatid sa akin sa pinagtata-trabahuan mo?" tanong ulit ng Papa ni Brielle ng ihatid siya nito sa labas ng bahay ng magpaalam na siyang aalis na siya para pumasok sa trabaho. Tapos na kasi ang isang araw na pahinga ni Brielle. At ngayong araw ay babalik na siya sa bahay ni Apollo para bumalik sa trabaho niya. At nag-presenta ang Papa niya na ihatid siya sa pinagta-trabahuan niya para hindi na daw siya mag-commute. Baka daw mahirapan siyang sumakay dahil nga lunes at maraming papasok sa trabaho, hindi lang iyon pati mga estudyante na papasok sa school. Baka wala siyang masakyan at ma-late pa siya sa trabaho. At dahil lunes ay marami daw commuters. Pero tumanggi si Brielle na ihatid siya ng Papa niya dahil baka malaman nito na gawa-gawa lang niya a