Jock 8

1655 Words
Sinundo ako ni Axid noong gabing iyon sa dorm para sa pinakahihintay naming date. Nakadagdag sa charm niya ang rugged look niya, red shirt with black leather jacket, black pants at bikers boots. Nagsuot naman lang ako ng isang green cotton dress na below the knee. Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kanyang sasakyan at pumasok ako. Madali na man siyang sumakay sa driver's seat at umalis na kami. Hinawakan niya ang kamay ko at dinampian ng halik habang nasa daan kami. "Sabi mo sa favourite restaurant mo tayo pupunta. Doon mo ba dinadala ang mga babaeng dine-date mo?" bigla siyang tumawa at nagtataka naman akong tumingin sa kanya. "Honey, ikaw pa lang ang babaeng dinedate ko, meaning ikaw pa lang ang babaeng dadalhin ko don." kinilig naman ako sa sinabi niya pero hindi ko pinahalata. "Ipapakilala kita sa owner, mabait siya at laging tinatanong kung kailan ko dadalhin don ang girlfriend ko." "Family friend niyo ba ang owner?" "Parang ganon... Sila Jessica at ang family niya ang lagi kong kasama na kumakain roon." "Mabuti naman kung ganon. At least hindi ka nag-iisang kumain. At dahil nandito na ko, pwede mo kong yayain anytime." "Siguradong babalik-balikan mo ang masarap nilang food." "I need to taste it first para malaman kung totoo ang sinasabi mo." tumawa siya ulit. 30 minutes ang biyahe namin nang makarating kami sa restaurant. Two story ito, simple at victorian ang style, napaka inviting ng dating niya. Sa taas nito ay ang sign board na naiilawan ng neon led lights, Crave ang pangalan nito. Sinalubong kami ng isang babae nang tumigil kami sa harap ng pinto, pinakilala niya ko rito sa nagnga- ngalang Linda, siya pala ang owner at magiliw nito kaming tinanggap. Nilagay niya kami sa isang booth na medyo my privacy. Akala ko uupo si Axid sa katapat kong upuan pero tumabi siya sakin. Inakbayan niya ko at dinampian ng halik sa pisngi. May waiter na lumapit samin para kunin ang order naming food. Ang sabi ko orderan niya na lang ako ng masarap tsaka gusto ko ding tikman ang mango basil shake nila. "Ang homey naman ng feel dito at ang bait nga ni Miss Linda. No wonder you like it here besides the food. Buti na lang andyan si Jessica para sayo." "Bakit mo naman nasabi yan?" pinisil ko ang tungki ng kanyang ilong. "Dahil... Baka naging mayabang ka at mapagmataas katulad ni Brianna o kaya naman naimpluwensiyahan ka ng magulang mo. Baka naging toxic ka na rin katulad nila." "Hmm...paano nga kung naging ganon ako at nakilala mo ko? What will you do?" "I'll kick you hard in the balls. Actually, I wouldn't even notice you at the party. Marami na kasi akong nakilalang lalake na ganon doon kaya nga ko nabo-bore." kinuha niya ang kamay ko at pinaglaruan yon. "So sinasabi mo bang pumunta ka sa party to have some fun with a man?' "Not really... sinamahan ko lang si Amy. Swerte ko lang siguro at natagpuan kita roon. Anong ginagawa mo sa pool na nag-iisa? Katatapos lang ba ng game niyo non?" "Parang ganon...Uhm, I really don't want to talk about it." "It's okay. Iba na lang pag-usapan natin, gusto ko kasing makilala kitang mabuti. Okay lang ba? Tutal boyfriend naman kita. You are right?" matamis siyang ngumiti at sabik akong hinalikan aking sa labi. "Syempre boyfriend mo ko, it goes both ways Lav. Ano bang gusto mong malaman?" "Uhm, bukod sa paglalaro ng football, may iba ka pa bang hilig gawin? Anong course nga pala ang kinuha mo?" bago pa siya makasagot, dumating ang waiter dala ang pagkain namin. Agad kong ininom ang shake at kinilig ako sa sobrang sarap non. "Wow! It's so good..." "Try mo ang risotto nila, I'm sure magugustohan mo rin." tumango ako. Inamoy ko muna siya tsaka tinikman, muntik ng sumabog ang taste buds ko sa sarap nito. My shrimp at masarap na cheese akong natitikman. Napaikot ang mga mata ko habang kinakain yon. "You like it?" "Obvious ba? So, magkuwento ka na tungkol sa sarili mo. Iniiba mo ang usapan eh." "Okay, okay... Bukod sa football, gusto kong magbasa ng kahit anong libro na kinaiinteresan ko. Then as for my course, literature ang kinuha ko." "Really?" mangha kong sabi. Sino bang mag-aakalang ang star quarterback ay may nerdy and artsy side. "Hindi ba lame yon? Nag-away nga kami ng Papa ko dahil ang gusto niyang kunin ko ay business pero buhay ko toh kaya gagawin ko ang gusto ko." "It's not lame Axid. Actually mas attracted pa nga ko sa mga guys na smart at mahilig sa arts. Kaya pala hindi kita maiwasan eh." tumawa siya ulit. "Mahilig ka bang magsulat? Poetry?" "Kung hindi man ako successful sa pagiging pro, balak kong magsulat ng sarili kong children's book." tinignan ko siya with so much interest sa sinasabi niya. Kinamot niya ang likod ng kanyang ulo na parang nahihiya pa sa susunod niyang sabihin. "May pinuntahan kasi kaming orphange non para sa aming sponsor at binasahan ko ng story ang mga bata doon. Kahit wala silang magulang ang saya-saya pa rin nila habang binabasahan ko sila. Gusto ko yon, gusto kong magpasaya ng mga bata." parang hinaplos ang puso ko sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kanyang mukha at binigyan siya ng matamis na halik. "You know, pag tinuloy mo pa yan baka tuluyan na akong mahulog sayo, sige ka." tukso ko sa kanya. Bahagya siyang natigilan at bigla na lang namula ang kanyang mukha. Sobrang cute niya! Naku! Makakain ko ang lalakeng toh rito eh! Kalma lang self! May ibang time para dyan! "Parang meant to be tayo, pwede akong maging illustrator sa children's book mo right?" "Oo nga pala... pinagtagpo talaga tayo honey ko." malambing niyang sabi at napatawa lang naman ako na parang grade school girl. Kung iisipin match nga kami talaga! Hay... iniisip ko pa lang na gusto niya sa mga bata, siguradong magiging mabuti siyang ama sa magiging anak namin. Ay! Erase! Erase! Ano ba naman toh! Be still my heart and brain, masyadong advance eh! "Hi Axid!" napalingon kami sa pagbati na yon at sa harap ng table namin ay may isang babae na parang beauty queen ang ganda. Bukod sa matangkad, mestisa ito, medyo kulot ang shiny nitong buhok, mabibilog ang mga mata at red lips. Putcha! Parang wala akong panama rito ah! "Sorry, nakakaistorbo ba ko?" naningkit naman ang mga mata ko dahil ang mga mata ng babae ay na kay Axid lang. Bwisit! Nakakaistorbo ka nga! Alis! "Oh Jade, what are you doing here?" tanong niya at umakbay siya sakin na kinatuwa ko naman. Napansin kong nawala ang ngiti ng Jade na toh. "Nandito ako para kumain with my friends silly! Kumusta ang last game niyo?" "Okay naman siya... Burn a lot of muscle as usual. Oh by the way, Jade this is Lavinia, Lav this is Jade." pakilala niya samin. "Nag-aaral siya sa college na malapit rito. Nakalaban namin ang team nila a few weeks ago." tumingin ako sa kanya at naging tense ang mukha nito. Sa pagkakataong yon, na-gets ko na, si Jade ay isa sa mga babaeng nakalaro niya sa kama. My gosh! Ganito ba pag may boyfriend kang super popular? Lahat ba ng pupuntahan namin ay may makikilala akong babae na nakasama niya at one point? Ito siguro ang sinasabi sakin ni Davion... "Nice to meet you Lavinia..." matalim nitong sabi. "So, pinsan ka rin ba ni Axid? Lagi silang pumupunta ni Jessica rito with her family so family member ka rin right?" napadiin ang hawak ko sa tinidor na gusto kong isaksak sa bilog niyang mata. "Nagde-date kami Jade. Puwede bang iwan mo na kami? Baka hinahanap ka na rin ng mga frineds mo." nag-morph sa shock at galit ang mukha nito. "That's funny, sabi mo hindi ka nakikipag-date?" inis na nitong sabi. "I didn't date..." pagod na sabi naman ni Axid. Alam kong naiinis na rin siya sa babae dahil gumagawa na ito ng eksena. Buti na lang may privacy ang pwesto namin. "So ganon na lang yon? You just f*cked me at ayaw mong makipag-date sakin?! Am I not good enough for you? Is that it?!" malakas nitong sabi. Matalim itong tinignan ng boyfriend ko. Move on ka na girl! "Look Jade, wala akong pinangako sayo. I didn't led you on, ikaw mismo ang lumapit sakin!" sabay hampas nito sa table. "Then what about her?!" sabay turo niya sakin at tinaasan ko lang siya ng aking fleek eyebrow. "Mas magaling ba siya sa kama?!" napangisi naman ako. Sorry, he can't get over me! Pinandilatan ako ni Jade at parang gusto akong sugurin. Ako chill lang dahil alam ko ang totoo! Biglang tumayo si Axid, galit ang mukha at huminga siya ng malalim para kalmahin niya ang sarili. Hinawakan ko naman ang kamay niya at pinisil yon. "Hindi ako uupo lang rito at hayaan na insultuhin mo ang girlfriend ko! Now, get out of my face before I ruin yours." matigas niyang sabi. Napaismid lang naman ito at padabog na lumakad palayo sa amin. Napahinga naman ng malalim si Axid at hinarap ako na puno ng pag-aalala ang mukha. "Sorry Lav, sinira ko ang date natin." malungkot niyang sabi. Ngumiti naman ako, masaya dahil pinagtanggol niya ko. "Walang makakasira ng gabi ko basta't ikaw ang kasama ko. Huwag mo na lang siyang pansinin, hindi niya kasi tanggap na mas maganda ako sa kanya!" sabay flip ng aking hair. Hinaplos niya ang pisngi ko sabay smack sa aking lips. "Oh Lavi... Ituloy mo pa yan at mahuhulog na ko sayo, sige ka." ulit niya sa sinabi ko kanina na nagpatalon sa puso ko. Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya. "Di ba sabi mo babawi ka sakin?" malandi kong bulong sa kanya. Napakagat labi siya, agad niyang tinawag ang waiter at mabilis niyang binayaran ang bill namin. Tumayo na kami, nagpaalam kay Miss Linda at sumakay na sa kanyang truck... Oh s**t! Heto na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD