Tumigil ang ingay sa cafeteria nang pumasok kami na magkasama ni Axid, magkaholding hands kami at parang wala lang sa kanya na pinagtitinginan kami. Oh well, pag popular ka nga naman lagi kang mapapansin. Matapos ang hot s*x namin sa vacant classroom, gusto niya sanang kumain kami sa labas pero gusto ko namang ipakilala siya sa mga kaibigan ko. Sana nga lang at hindi siya kulitin ni Elian at Amy. Mukhang hindi pa rin kasi siya kumakalma sa kalokohan na ginawa ng pinsan ko kanina. Ano ba naman kasi ang iniisip ng taong yon, ito pa mismo ang nagsabi na may temper si Axid pero gumawa pa rin ng eksena. Nakita ko sila sa isang table, nakaupo si Davion katabi ang kanyang boyfriend na may hawak na icebag at naka-press sa namamaga nitong pisngi. Sa katapat nilang upuan nakaupo si Amy na nakatingin sa dalawa at mukhang naiinggit ang loka. Lumapit kami sa kanila at bahagyang natigilan si Elian nang makita kami. Napabuntong-hininga naman si Amy nang tumabi ako sa kanya at umupo rin si Axid sa tabi ko kaya nasa gitna ako.
"Problema mo?" tanong ko kay Amy at umirap lang siya. "Everyone, this is my boyfriend Axid Stone." pakilala ko sa kanila. "Axid, this are my friends, si Elian, boyfriend ng pinsan ko tsaka si Amy, roommate ko sa dorm."
"Alam na ng lahat na boyfriend mo siya noh. Dalawang beses ba naman kayong na-videohan na naghahalikan." sungit na sabi ni Amy.
"Huwag mo ng pansinin yan, bitter dahil single." sabi naman ni Elian na nakangiti. "Anong ginawa mo sa boyfriend ko Lavinia. Alam kong pang kontrabida yang name mo pero sarili mong pinsan sasaktan mo."
"Hala! Tanungin mo kaya sa boyfriend mo kung anong nangyari. Siya ang nauna kaya yan ang abot niya." napadaing naman sa sakit si Davion nang madiin ang ice pack sa kanyang pisngi.
"Babe oh, mas kinakampihan pa niya ang violent na lalakeng yan kaysa sakin." sumbong nito. Napakuyom-palad si Axid at hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya. Binatukan naman ito ni Elian na kinatuwa ko.
"Hindi magiging bayolente yan kung hindi mo pinikon..." binalingan nito si Axid at ngumiti. "It's nice to see you Axid, okay lang ba na kami ang kasama mo?" ang bait talaga ng boyfriend ni Davion, mukha na ngang anghel, may puso pang anghel. Matagal na silang mag-on ng cousin ko, nong high school pa lang sila. Actually, sikat na sikat sila sa school nila hanggang sa umamin sila nong senior year nila, na bisexual at magkarelasyon sila. May ibang tumanggap pero mas marami ang nandiri. Alam mo naman ang mga tao, ang kikitid ng utak pero masaya naman sila kasi kasama nila ang isa't-isa at tanggap sila ng parents nila.
"Kung sino ang kaibigan ng Lav ko, kaibigan ko na rin. I'm glad your one of her friends." tumingin ako sa kanilang dalawa at sumingkit ang mga mata ko. Hmm... May hindi ba ko nalalaman dito? Bakit sila magkakilala?
"Wala kaming past Lavinia kaya tumigil ka." saway sakin ni Elian. "We grew up together, medyo napa drift away lang nang mag-out na ko."
"You know I'm okay with that Eli, ayoko lang na madamay ka sa toxic na buhay ko."
"Yeah, it's very toxic... Kaya Lavi, magisip-isip ka." sabat ng pinsan ko na binatukan nito ulit. "Babe naman eh, nasaktan na nga ako oh."
"Ano bang ayaw mo kay Axid babe? Matagal mo naman na siyang kilala at magkaibigan kayo." umismid ito at tinanggal ang ice pack sa kanyang mukha.
"Wala akong kaibigan na nananakit ng tao." tumayo siya. "Kukuha lang ako ng food natin." at lumakad na ito palayo. Tumayo din si Axid at kukuha rin daw ng food, nagtaka ako ng tumayo din si Amy.
"Oh, saan ka pupunta?" tanong ko.
"Kukuha din ng food, wala namang kukuha para sakin dahil single ako." pagkasabi non, pumunta na siya sa food counter.
"Timang talaga yon..." natatawang sabi ni Elian. "Ikaw ah, kakatransfer mo pa lang dito sa university, nabingwit mo na agad ang king of campus. Ang lakas din naman ng kamandag mo."
"Malay ko ba na siya ang pinakasikat na tao dito sa campus. Ang akala ko one time lang toh, one night stand ganon. Pero ewan ko ba, hindi ko na maiwasan eh."
"Ang sabihin mo tinamaan ka rin! Mabait naman si Axid eh, pero marami kasing bad influence sa kanya lalung-lalo na ang kanyang mga magulang."
"Teka, ang sabi mo matagal na kayong magkakilala at magkakilala din sila ni Davion. Bakit siya nagalit kanina nang mag-flirt sakin ang pinsan ko kung kilala niya naman kayo."
"Naunahan siguro ng selos at siguro nagalit na rin kasi nakikipagflirt siya sa iba eh may boyfriend na siya. Yon ba ang ginawa ni Davion?" tumango ako. "Loko-loko talaga!"
"Sinabi mo pa! Bakit ba galit na galit ang pinsan ko sa kanya? Pinagsabihan nga niya ako kanina eh na iwasan siya."
"May nangyari kasi nong senior high school kami. Diba nag-out kaming dalawa eh yong mga kaibigan niya non, pinagtripan ako. Kung hindi siya dumating siguradong bugbog sarado ako. Kaya ayun, galit na si Dav sa kanya. Ako naman, si Axid ang nagligtas sakin at mga kaibigan nito ang nanakit at hindi siya. Lagi kong sinasabi sa kanya pero matigas ang ulo eh."
"Alam ko kung gaano katigas ang ulo non. Pero sana naman, huwag niyang asarin masyado si Axid and I hope he can give him a chance." natigilan kami nang may tray na lumitaw sa harap namin na naglalaman ng maraming pagkain. Nakabalik na pala sila at hindi man lang namin napansin. Tumabi ulit ang dalawa sa amin, matalim kong tinignan ang pinsan ko at ngumisi lang siya. Nakabalik na rin si Amy at walang sabi-sabing nagsimula na siyang kumain.
"So... may away game na naman pala kayo Axid." sabi ni Davion. "Ang sarap siguro na pumupunta sa ibang campus, marami kang nakikilalang....tao. Enjoy nga daw ang mga victory party niyo."
"Bakit? Nagvi-victory party din naman tayo ah." sagot ni Elian para i-tone down ang atmosphere ng paligid. Ang intense kasi ng dalawa at ayaw papigil ng pinsan ko. "Normal lang yon. Kumain ka na nga!" at sinubuan niya ito ng pizza.
"Hindi ka ba niya isasama pinsan? Hindi ka ba niya niyaya na panoorin ang away game niya. Kasama nga rin nila ang mga cheerleaders. Sino bang hindi mag-eenjoy? Kasama din si Brianna kasi siya ang head cheerleader."
"Oh tapos? Buti nga at hindi niya ko niyaya kasi hindi din naman ako sasama. May classes ako okay? Kung may away game siya eh di go siya kasi player siya. Kailangan siya don at panggulo lang ako pag isasama niya ko. Wenno ngayon kung kasama si Brianna? No pansin naman si Axid don. And I know he'll do great in his game." napaismid naman si Amy sa kanyang iniinom. Tinapik ko siya sa kanyang likod at tinanong kung okay lang siya. Tumango lang naman ito. "Matagal ba yang away game niyo?" tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at tumango.
"Hindi lang naman kasi isang school ang pinupuntahan namin Lav. Sorry at hindi ko sinabi sayo."
"Sus! Okay lang yon basta mag-ingat ka, bawal kang ma-injure. Tsaka mami-miss kita." sumilay ang ngiti sa guwapo nitong mukha at inakbayan niya ko.
"Talaga? Mami-miss din kita honey ko..." inilapit niya ang kanyang labi sa aking tenga na kinakilig ko. "Lalung-lalong na ang mga sweet kisses mo." bulong niya na nagpakiliti sakin.
"Kailan ba ang alis mo?"
"Bukas na... Kaya babawi ako sayo mamayang gabi."
"Ah, kaya tayo magde-date ganon?" tumango ulit ito. "Okay, basta ba sa masarap tayo kakain."
"No worries, dadalhin kita sa favourite restaurant ko." ngumiti lang ako at dinampian siya ng halik sa pisngi.
"Grabe ah, nangangati ako dito. Ang dami atang langgam!" sabi ni Amy. Tumawa lang naman kami. "Kainis! Kung bakit naman kasi pumunta pa ko rito eh ako lang ang walang partner."
"Gusto mo kasing maki-chismis. Batukan kita dyan eh ang dami mong drama." sabi ko. "Axid, wala bang matino sa mga teammates mo? Pakilala mo naman si Amy." bigla namang na-excite ang kaibigan ko. Bago pa man siya makasagot, may sumulpot na isang lalake sa tabi nito. Pamilyar ang kanyang mukha, parang nakita ko na siya kung saan.
"Yo Axid! Nandito ka lang pala!" sabi ng lalake. Nagmanly handshake sila at ngumiting tumingin ito sakin. "Hindi mo ba ko ipapakilala sa girlfriend mo?" bigla itong tumawa at matalim na nakatingin sa kanya si Axid. "I'm sorry, hindi lang kasi ako makapaniwala... Hi cutie! We meet again." sa sinabi niya, naalala ko kung sino siya. Suppose to be siya ang lalakeng hahalikan ko sa sorority initiation. "Orion Carter, your Lavinia right?" at inilahad nito ang kamay. Tinanggap ko naman yon pero gulat ako nang dinampian niya yon ng halik.
"Orion, get your f*****g hands off her." inis na sabi ni Axid.
"Nagpapaka-gentleman lang ako. Ang sensitive mo naman!" kumuha ito ng pagkain sa tray niya at kinain yon. "Bestfriend ako ng taong toh, hindi lang halata dahil lagi niya kong binubully." natawa naman ako.
"Matino ka bang lalake?" bigla kong tanong sa kanya at natigilan ito. Tumingin ito kay Axid at nagkibit-balikat ito.
"Sensya na cutie, matino lang ako pag tulog."
"Sorry Amy, better luck next time na lang." sabi ko sa aking kaibigan na nagtampo na naman.