PROSPECT

996 Words
CHAPTER TWO ILANG katok ang pinakawalan ni Alicia. Wala pa ring sumasagot sa kaniya sa silid ni Clinton ayon kay Jonna. Nakaramdam na siya ng inis; inabala na nga nito ang pahinga niya ngayon naman heto at pinagmumukha pa siyang tanga sa labas. 'Ano ba ang balak ng lalaking 'to? Parusahan ako dito sa labas?' galit niyang untag sa sarili niya. Isa pang katok ang pinakawalan niya bago bumukas ang pinto. Napalunok ng maraming beses si Alicia dahil sa lalaking nakatayo sa harap niya ngayon. 'Por dyos! Por santo!' ito ang paulit-ulit na lumabas sa utak niya. Paano ba naman kasi. Sino ba ang matinong lalaking magbubukas ng pinto na naka-brief lamang ito? Mukhang kagagaling lang nito sa seremonyas ng pakamay at tumatayo pa yata ang sandata ng lalaking 'to. Huli na nang ma-realize ni Alicia ang tanawing sa harap niya bago siya nagpatalikod. "Jusko ang imoral mo naman!" may diing sabi niya rito. Ang buong akala niya; matinong tao ang nasa silid na 'yon, hindi niya alam na manyak pala. Medyo judgemental din siya sa lagay na 'yon. Pero sino ba ang masisiyahan kung 'yon ang makikita niya? "Ano ang kailangan mo? At sino ka? Hindi kita kilala ah! Magnanakaw ka ba?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya, habang nanatili siyang nakatalikod mula rito. Hindi lang pala ito manyak! ani pa ni Alicia. Medyo may kabobohan din ang isang 'to. Sino naman ang magnanakaw na kakatok pa? Tanga rin talaga. "Hey!" "Hey! Ikaw. Pwedi bang magtapis ka muna ng tuwalya!" malakas na pagkakasabi ni Alicia sa lalaking nasa likuran niya. "Tinatanong kita kung sino ka! Ano ang kailangan mo rito?" Napasinghap na lamang siya ng harapin itong tinabunan ng dalawang kamay niya ang dalawa niyang mata. "Pinapunta ako ni Jonna dito dahil may kailangan ka raw. Pwedi ba magtapis ka muna ng tuwalya! Para kang timang..." muli niyang sigaw dito. "I don't know you! At kung bago ka sa mansyon namin, ikaw ang mag-adjust hindi ako! Bahay ko 'to at gagawin ko ang lahat ng gusto ko! Nagkakaintindihan ba tayo?!" untag pa nito sa kaniya. Mukhang wala yata talaga itong balak na tabunan ang medyo daks nitong kargada! Naging makasalanan tuloy ang mga mata niya maaga pa lang. Hindi man lang siya in-inform ni Jonna na gifted pala itong lalaking amo nila; bukod sa mabalbon na wala talagang dudang may kahabaan ang t**s nito. Napailing-iling siyang muling tumalikod ng walang pasabi rito. 'Kakapanuod ko ng k-drama to eh.' kastigo niya sa sarili. "Sir, if you don't mind aalis muna ako! Kapag tapos ka na sa pagmamariang palad mo! Ipatawag mo na lang ulit ako!" malakas kong singhal sa kaniya. Sigurado akong nagmariang palad talaga ito, dahil kung hindi— hindi naman 'yon ganoon ka-daks kanina. PINAKAWALAN ni Clinton ang isang malakas na tawa sa sinabi ng babaeng nasa harap niya ngayon; napagkamalan pa talaga siya nitong nagmariang-palad tulad ng sinasabi nito. Kasalanan niya ba kung mas komportable siyang mag-brief lamang kapag natutulog? Kahit naman noon pa ganoon na siya! Tulad nga ng sinabi niya siguro bago lang ang babaeng 'to sa bahay nila kaya ganoon na lamang ang reaksyon nito. Madalas naman kasi si Manang ang kumakatok sa kaniya kapag nandoon siya sa Mindoro. Positibo naman siyang ang matandang katiwala nga ang napagbuksan niya at hindi ang bagong mukhang napagkamalan niya pang magnanakaw. Sabagay nga naman! Sino ba ang magnanakaw na makukuha pang kumatok? Hindi ba wala. "Wala akong kailangan, umalis ka na kung gusto mong umalis. Ipapatawag na lamang kita," natatawang sabi ni Clinton dito. Walang paalam na nagtuloy-tuloy sa paglalakad ang babaeng hindi niya man lang nakuha ang pangalan. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makababa, walang lingon likod man lamang sa kaniya. Hindi naman yata ito madre para hindi maaaring makakita ng manoy! Natatawa kong aniya. Naalala ko rin na kung ibang babae lang ito, matutuwa pa siguro ito. Pero hindi umubra sa bagong katiwala nila. Hindi naman ako nakukulungan sa usapang s*x kung magmariang-palad lang akong mag-isa! Maraming babaeng nagkakandarapa sa akin, kung alam niya lang. Napapailing na sabi ni Clinton sa sarili. Naisip niyang masaya paglaruan ang babaeng 'yon. Pwedi niyang gawin kapag bored siya sa mansyon. Since wala naman siyang gana makipaglaro kay George. Naalala nya ang sinasabi niyang anak niya, ayon sa Mama niya. Hindi niya pa ito nakikita mula kahapon nang dumating siya. Gustuhin niya mang dalawin ito, pinigilan nya ang sarili niya. Ayaw niyang maging malapit sa bata. Mahirap na rin ang umasa itong siya nga tunay nitong ama, kahit na minsan na naging positibo ang DNA test nilang dalawa. Hindi naniniwala si Clinton sa sensiya. O, siguro indinial lang talaga siya sa posibilidad na nakabuntis nga siya at hindi kayang panindigan ng babae kaya binigay ito sa pangangalaga niya. Napalunok si Clinton bago niya muling sinara ang pinto ng silid niya. Wala siyang oras para mag-isip sa kahit na anong bagay ngayon, ang mahalaga sa kaniya ay kung paano niya magawang matanggap ang ginawa sa kaniya ni Dorothy; isa rin si George sa naging dahilan kung bakit naging matabang na lang itong bigla sa kaniya. Naniniwala rin itong anak niya si George at niloko niya ito. 'Wala akong pakialam sa inyong lahat! Ang gusto ko lang ngayon ay magsaya! Magwalwal! At magmariang— mariang palad? Yuck!' naiinis na bulong ni Clinton sa sarili. Kasalanan yata ng bagong katiwala nila 'yon. Napagkamalan pa siyang manyak nito! Sa gwapo niyang 'yon? Magiging manyak lang siya sa mata ng iba? Lalaking nagsasariling mag-isa? Nakakatuwang nakakagago! ani ni Clinton. 'Mabuti naman at hindi ako mabo-bored dito! Makakalimutan ko pansamantala si Dorothy kung maibabaling ko ang trip sa kaniya. Ano ba ang pangalan n'on?' sambit niya. Nagpasya siyang magdamit at balak niyang babain ito. Aalamin nya kung ano ang pagkakakilanlan ng babaeng 'yon, mukhang fresh pa ito! At sa tingin niya Virgin rin ito. Mukha naman siyang maganda! Mukhang atribida lang! Natatawang sambit ni Clinton, kasabay ang sunod-sunod na pag-iling nang maalala ang mukha ng bagong babaeng magiging prospect niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD