ANG SIMULA
CHAPTER ONE
MAAGANG nagising si Clinton dahil sa tilaok ng manok. Kasalukuyan kasi siyang nasa probinsya nila sa Mindoro. Kung saan siya lumaki.
Humingi siya ng dalawang linggong bakasyon sa sekretarya niyang si Anne. Pakiramdam niya kasi kailangan niyang ipahinga muna ang utak maging ang katawan sa stress na naramdaman niya ilang linggo na ang nakalipas.
Hindi pa rin mawala sa isip niya si Dorothy ang huling kasintahang hiniwalayan niya. Dahil nagkaroon ito ng fling sa isa sa mga kaibigan niya. Hindi niya inaasahang gagawin sa kaniya ni Dorothy 'yon. Sinira nito ang pangako nila sa isa't isa.
'Kasal nalang sana ang kulang,' naibulong niya sa sarili. Kung bakit ba naman kasi sa dinarami-rami ng lalaking papatulan nito ang isa sa mga kaibigan niya pa mismo.
Hindi niya naman alam kung ano pa ba ang kulang sa kaniya, pakiramdam niya naman he is enough. Pero nagawa pa rin nitong pasukin ang bagay na iyon.
She's freaking cheater, aniya.
Bumangon si Clinton, gusto niyang mag-relax kaya siya nandoon sa lugar na iyon.
Hindi para isipin si Dorothy. Wala na ito sa kaniya, gusto niya nalang hayaan ito.
Nangyari na ang nangyari hindi na maibabalik pa, hangad niya rin ang kaligayahan ng dalawa. Sana maging masaya ito sa isa't isa, ang huling balita nga niya, nasa Zambales daw ang mga ito at balak na magpakasal doon. Hindi naman pinagkait ni Clinton ang basbas na hangad ng mga ito, deserve naman nila maging masaya kahit pa nasaktan siya.
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya nga pala dapat maramdaman ang sakit, pareho lang din naman nila nasaktan ang isa't isa; siya nang putulin niya ang pagkakaibigan nila ni Matt at ang relasyon nila ni Dorothy. Alam niyang nasaktan niya rin ang mga ito at wala siyang dapat pang pagsisihan.
Ang kailangan niya lang gawin ngayon. Ang tanggapin ang katotohanang nawalan siya ng mga taong mahal niya sa buhay.
Matatanggap niya rin ang lahat, kung hindi man siguro ngayon, malamang sa mga panahong kailangan niya na harapin ang mga ito. Magagawa niya na. May proseso siyang pagdadaanan at handa siya.
"Aliciaaaaaa.. Aliciaaaaa?" Nagising si Alicia dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng servants quarter nila. Padabog siyang tumalon mula sa double deck na higaan at bumaba, para sinohin ang siyang tumatawag sa pangalan niya.
Kaaga-aga, naisip niya.
"Hay naku, mabuti gising ka na! Hinahanap ka ni Maam Carlota," salubong sa kaniya ni Jonna ang isa sa mga katulong ng pamilya Marasigan.
"Bakit daw?" naiinis niya pang tanong dito, habang kinusot-kusot ang mga mata niya.
Naaantok pa talaga siya, ano'ng oras na rin kasi siya nakatulog dahil nag-marathon na naman siya ng paborito niyang k-drama nagdaang gabi, ang Encounter.
Ewan nga niya, kung bakit die hard fan talaga siya ng mga k-drama.
"Dumating daw ang anak nilang si Sir Clinton kaninang madaling-araw at wala pang nahahanda para ipagluto ito," sagot nito sa kaniya.
Napaismid si Alicia. Ano naman ang pakialam niya kung dumating ang anak ng mga ito?
"Ang pagkakaalam ko, taga-linis lang ako sa bahay na ito. Hindi naman ako kusinera," sagot niya rito.
Pumasok siya sa loob ng silid nila. Naka-pajama pa pala siya.
Totoo naman kasi ang sinabi niyang taga-linis lang ang trabaho niya, bakit ngayon gagawin na siyang tagapaghanda ng makakakain ng mga ito? Ano siya bale? naisip ni Alicia.
"Nakalimutan mo na bang day-off ni Aleng Mercy, Alicia?" Nilingon niya si Jonna, oo nga pala naalala niya.
Nag day-off nga pala ang kusinera nila sa mansyon at pag wala ito siya ang reserbang tao para sa kusina. Ito kasing si Jonna ay yaya ng apo ng mga ito, sa anak daw ni Clinton na ayaw akuing anak nito kaya nandoon ito sa Mindoro, habang ang tatay nito nagpapakasasa raw sa Manila. Ang kwentong pinapaniwalaan niya mula kay Jonna.
"Hindi ka ba pwedi?" tanong niya rito.
Umiling-iling ito sa kaniya.
"Kailangan ng bantay ni George," sabi nito sa kaniya.
Ang limang taong gulang na bata ang siyang tinutukoy nito. Ang anak ng tinutukoy nitong amo nilang kauuwi lang.
Napailing si Alicia, dahil mabuti nalang naisipan ng ama nito ang umuwi.
Limang buwan na siyang naninilbihan sa mansyon, pero ngayon lang nito, naisipang umuwi.
"Susunod na ako, Jonna. Aayusin ko lang ang sarili ko," paalam niya rito. Tumalima naman ito sa kaniya, pagkatapos magpaalam. Agad siyang pumasok ng banyo na nasa silid nila matapos i-check ang cellphone niya. Kung may bagong upload ba ng episodes ng pinapanuod niyang series.
"Itong Clinton na 'to. Isturbo. Grrrr!" nanggigil niyang bulong sa sarili.
Nagpasya na siyang bumangon dahil kailangan niyang puntahan si Clinton.