NAKAALIS na rin ako sa tabi ni Isa kaya bumaba ako sa living room nila. Para hanapin sinaa Kenzo and Renzo. Sana nga lang ay nandito sila, ʼdi ba? Lumilibot ang tingin ko sa paligid habang bumababa ako papunta sa kitchen nila Isa. Baka kasi makita ko ang kambal na iyon. “Miss Rosalie! Ano pong kailangan niyo? May gusto po ba kayong kainin?” Halos lumundag ako sa gulat dahil sa narinig kong boses. Para akong magnanakaw na nahuli. Nakita ko si chef Rainer sa likod ko. Napangiwi ako dahil doon. “H-hello po... Um, opo, g-gusto po sana namin ni Isa na magluto ng fries and spaghetti rin po para sa amin and kina Blade and Blaze po. Manonood po kasi kami ng movie ngayon,” sabi ko sa kanya. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit bumaba ako, right? “Ganoʼn po ba, Miss Rosalie? Sige po, ipagl