NATAPOS na rin kaming manood ni Isa sa room niya. Naubos na rin namin ang food na niluto ni Chef Rainer sa aming dalawa. Mabuti na lamang kanina ay hindi siya nagtanong kung bakit natagalan ako sa ibaba. “Ingat sa pag-uwi, Rosalie! Chat ka kapag nakauwi ka na, ha?” saad ni Isa sa akin nang nasa labas na kami ng mansion nila. Nandito na rin kasi si kuya Gio, nagpasundo ako sa kanya. Tumango ako sa kanya. “Of course, nagcha-chat ako sa iyo mamaya, Isa! Thank you ulit! Sana sa susunod na kumpleto na tayong tatlo and panoorin natin iyong horror movie next time!” sabi ko sa kanya at ngumiti nang malaki. Naka-dalawang movie lamang kami kanina. Gusto pa nga namin panoorin iyong horror movie na nakita namin pero anong oras at bukas ay may duty pa kami sa hospital and need namin pumunta sa uni