bc

Goodbye Fatty Hi Sexy

book_age16+
473
FOLLOW
1.5K
READ
revenge
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Mataba,baboy,Panget yan ang laging sinasabi ng mga tao kay Greta.okey lang sakanyang tawaging mataba at panget sanay na siya sa mga taong mapanghusga hanggang sa makilala niya si miggy ang lalaking bibihag sa kanyang puso.Gwapo si Miggy mayaman maganda ang katawan madaming babae ang naghahabol rito.sinong mag aakala na mahuhulog din ang lalaki sa isang kagaya niyang mataba.Ang tanong totoo kaya ang pagmamahal ni miggy para kay Greta.O isa lang din ito sa mga taong mapanghusga sa isang kagaya niyang mataba.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Ms. gretaly, Nakahanda na po ang lahat kayo na lang po ang iniintay para magsimula na ang meeting." " Okey! Ms.Lopez. Thank you! Makakaalis ka na." Nandito ako ngayon sa C.F Clothing & Fashion Bago mawala ang aking Lola Eda, sa akin niya pinamana ang C.F business nito na sa kinalaunan ay napalago ko kaya ako na mismo ang CEO ng sarili kung company.Sinong mag aakala na ang isang panget, mataba noon ay sexy na ngayon.Nakaharap ako sa malaking salamin dito sa loob ng aking malaking Opisina.Akala ko 'di na ako makakaahon pa sa masalimuot kung nakaraan pagkatapos ng lahat ng nangyari. Nagdisisyon akong umalis ng bansa at sundin ang pangarap ng aking lola para sa akin, Ngunit huli na ang lahat 'di na niya nakita ang tagumpay na natatamo ko ngayon. Kung paano ako tingalain ng lahat ng tao na ang dating panget at mataba ay Dyosa na ngayon.Ang dating inapi ngayon ay matatag na at 'di na basta basta magigiba kahit pa ng lalaking 'yun. Tingnan natin ngayon kung 'di naman ikaw ang lumuha ang mata at laway Miggy Anderzon. At ngayong andito na ako matitikman mo ang lahat ng sakit na pinaramdam mo sa akin at ang lihim kung kailan man ay 'di mo malalaman.Napatingin ako sa Isang malaking litrato sa opisina ko isang matabang babae kasama ang isang magandang babaeng may kaputian na ang buhok.Muling nagbalik sa alaala ko ang lahat ng nangyari nung nasa high school pa lang ako. ............ " Hahaha ayan ang taba taba kasi mataba na lampa pa hahahaha" Ito nanaman sila ako nanaman ang pinagtripan ng mga babaeng ito. " Ano baboy gusto mo ba ng lino ohh halika ayan mga d**o pwede na 'yan" hinila ako ni Trisha sa damuhan at iningudngud ang mukha ko doon. "Ahy! kawawa naman ang baboy naiyak na. Ano magsusumbong ka na ba sa lola mo? Hala Go! baboy! magsumbong na hahahahaha" " Ohh! mukha nauuhaw ata si Baboy. Ohh ito inum ka! HaHaHa" Halos nagsama na ang luha ko at ang juice na binuhos ni Sabel sa mukha ko.Hindi ako makatindig agad at ng mag try akong tumayo itinulak ako ulit ni Trisha, kaya naman napasubsob ang mukha ko sa damuhan. Nagulat naman ako ng biglang may mga kamay ang tumulong sa akin para makabangon ng mag angat ako ng mukha nakita ko si Miggy. Ang lalaking nagbibigay ng Saya sa aking Buhay kahit 'di niya alam. " Ano ba kayo Sabel,Trisha!, lagi niyo na lang ginaganito si Greta." " Bakit mo ba tinutulungan yang baboy na 'yan? huh!Fafa Miggy?" " 'Di ka ba nandidiri tingnan mo nga ang itsura niyan. ohh! ewwww! mukhang ang baho baho niya siguro kasing asim ng sampalok ang kilikili niyan yuckssss!." Napayuko na lang ako 'di naman maasim ang kilikili ko wala naman 'yung amoy.Nagulat naman ako sa ginawa ni Miggy. Ibinuhos nito kay Sabel,ang hawak niyang bagoong. Nanlaki ang mga mata ko bakit niya ginawa 'yun.Hindi niya alam baka lalo ako pagdiskitahan ng mga babaeng ito. "Sa susunod na bastusin niyo ulit si Greta, Ako mismo ang makakalaban niyo! Tandaan niyo 'yan." " Yuckssss!! Kadiri! it's so mabaho naman this bagoong!! bwesit ka Miggy!" Natawa naman ako ng palihim sa naging itsura ni Sabel galit na galit ito at diring diri sa bagoong na nasa ulo niya ngayon. Habang tumutulo tulo pa ito buti nga sa kanya. "Matuto kayong gumalang at rumispeto sa kapwa niyo para igalang at respetuhin din kayo!" Napatingin ako kay Miggy. Ang gwapo talaga niya. At ang bait pa kaya naman lalo akong naiinlove sa kanya simula ng araw na magkakilala kami sa canteen,wala na kasing bakanteng table noon dahil punuan tanging table ko na lang ang may bakanteng isang bangko.Wala naman kasi nasabay sa akin sa pagkain dahil parang diring diri sila lahat sa akin pag ako ang kasabay sa mesa.Kaya naman laking gulat ko ng umupo sa harapan ko selya si miggy. Kaya naman ang halos lahat ng mata ng mga studyante noon ay masama ang tanging ipinukol sa akin.kaya simula noon nagsimula na akong makaramdam ng kakaiba para kay miggy lalo na sa bawat araw na pinapakita nito sa akin na pwede rin akong kaibiganin at maari ding mahalin.never ko nakita o naramdaman sakanya na mandiri o mahiya pag ako ang kasama. kaya naman habang natagal minamahal ko na siya ng palihim. " Ahhh tao lang ang nirerespeto hindi hayop okey" Wika naman ni Trisha " Kaya nga di ko kayo nererespeto e kasi mga hayop ang ugali niyo" Di ako makapaniwalang nasasabi ito ni Miggy sa dalawang babae..si Trisha ay sikat sa buong campus ganun din si Sabel dahil mahilig silang sumali sa mga pacontest.lalo na sa mga pageant. Maya maya naramdaman kong hinila na ako ni Miggy papalayo dinala ako nito sa isang kwarto.wala ng masyadong studyante noon dahil pahapon na. May kinuha ito sa bag niya.at iniaabot sa akin ang isang towel at Tshirts na malaki na sa tingin ko ay kasya sa akin. nagtaka naman ako at bakit ito may ganitong T-shirts.at ang laki pa ng size noon.sigurado naman ako di ito para sa kanya dahil maganda ang katawan nito kumpara sa katawan ko na pang doulble XL. " May C.R diyan sa kaliwa doon ka magbihis hihintayin kita dito." Wika nito pero napansin ata nitong di ako kumikibo kaya nagsalita ulit ito. " Ohh bakit Greta may problem ba? " Ahh ano kasi ahmm" " Ano yun tell me" " Ahh Bakit ka may ganitong damit para sa akin ba talaga ito." Natawa naman ito na kinakunot ng noo ko bigla ako nahiya baka di ito para sa akin pero bakit niya iniabot sa akin. " Ano kaba syempre para sayo yan kaya nga binigay ko sayo eh.dumating kasi ang package ni Dad e nakita ko yan naalala kita actually may partner yan ito ohh." Nanlaki ang mata ko dahil couple shirts pala ito at agad naman sinuot ni Miggy ang hawak niyang T shirts na kagaya ng T shirts na hawak ko rin. para tuloy lalabas na naka pang couple Shirts kami.bigla naman ako kinilig sa naisip ko. " Hoyyy ano na magbihis kana ako ang nalalagkitan sa itsura mo ehh.ang lagkit muna kaya" Agad naman ako tumalikod at dumeresto sa Cr. Paglabas ko naka upo lang si Miggy sa isang upuan habang ang dalawang paa ay nakapatong sa lamesa . bahagya itong nakapikit at ang dalawang kamay ay nasa likod ng kanyang batok.napagmasdan ko tuloy ang maganda nitong mukha. Ang tangos ng ilong niya samantalang ang kanyang mga labi ay may natural na pula.daig pa nga nito ang mga labi ko sa pula parang ang sarap nitong halikan mukha din kasing malambot.Ang kilay naman nito na kahit makapal ay nakaayos.malantik din ang mga pilik mata nito.habang ang kulay ng mata nito ay may pagka Asul dahil na din sa half pilipino ito at half Spanish maputi rin ito kumpara sa normal na kulay ng pilipino kaya naman di nakakapagtaka na madami ang humahanga at naghahabol ditong mga babae isa na dun sila Trisha at Sabel. " hmmm ano nakabisado mo na ba ang mukha ko hehe" Nagulat naman ako ng magsalita ito akala ko nakatulog na ito.bigla tuloy akong nahiya dahil nahuli pala niya akong nakatingin sakanya. " Ohh namula nanaman yang pisngi mo nahihiya ka ano oi nag bblush siya hahaha" " Ewan ko sayo bahala ka nga diyan" Sanay na ako sa mga pang aasar niya. agad naman itong sumunod sa akin suot namin ang couple shirts at halos lahat ng nakakasalubong namin ay pinagtitinginan kami. yumuko na lang ako dahil ako ang nahihiya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook