CHAPTER 2

1502 Words
"Ay naku mga sis akala naman ng isa diyan nababagay ang hayop sa tao hahaha" "Kaya nga e siyaka sis wala pa akong nabalitaan na tao nainlove sa isang baboy hahahaha" "Naku nakita niyo ba sila kahapon naka couple shirts pa so ewww talaga!" "True ka Diyan Girl akala mo naman magugustuhan siya ng isang Miggy Anderson asa pa si Taba!" "hay naku di sila bagay nohh kahit ano pang gawin ng baboy na pangit na yan di sila magiging bagay ng myloves ko" Iilan lang yan sa lagi kong naririnig sa tuwing mapapadaan ako sa tambayan nila trisha wala na atang araw na di nila ako binubully pero tama naman sila di kami bagay ni Miggy sino ba naman ako isang panget at matabang babae.bata pa lang ako mataba na ako.pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ng bigla may umakbay sa akin. "Heyy ang seryoso mo naman diyan Greta" "ano kaba Nicolas kakagulat ka naman " akala ko kung sino umakbay sa akin si nicolas pala napatingin ako sa grupo nila trisha umismid lang lalo ang mga ito sa akin napabuntong hinga na lang ako.mukha napansin naman ni Nicolas ang pagbuntong hinga ko. "Heyy ano kaba cheer up wag muna pansinin ang mga yun nohh kaba sige ka papayat ka niyan hahaha" wika ni Nicolas habang tumatawa mapang asar talaga ang isang ito. sikat din Si Nicolas Cuevas sa school namin di nga lang siya kasing sikat ni Miggy ang pamilya lang naman ni Miggy ang Nagmamay ari ng school na pinapasukan namin at may ari din sila ng naglalakihang mga mall sa buong bansa. nagmamay ari din ang pamilya nila ng isa sa pinaka malaking company sa buong Asia.kaya kung sa yaman na lang ng mga Anderson talagang di ako nababagay.kaya di ako umaasang magustuhan ng isang Miggy Anderson. Muli ako napabuntong hinga nagulat naman ako ng biglang may nagflash sa mukha ko nangtingnan ko ang walanghiyang si Nicolas lang naman pinictureran na lang ako bigla.kaya nahampas ko ulit ito.at ang loko tumawang tumawa lang nandito kami naglalakad papuntang room namin. "Alam mo ikaw Nicolas Cuevas nakakabwesit ka din talaga eh bakit ba hilig mo akong pagtripan huh!" "Ehh kasi kanina kapa mukhang problemado eh haha kaya ayan tingnan mo itsura mo busangot ka haha save ko ito huh maigi rin panakot sa daga hahaha" ganun na lang ang pagkainis ko ng makita ko ang kuha ko sa Cellphone ni Nicolas ang panget ko sa picture na un nakanguso lang naman ako habang ang mata ay lungkot na lungkot daig ko pa ang nalugi. "Hay Naku Nicolas erase mo na nga yan. abat teka bago nanaman Ang Cellphone mo ikaw na ang mayaman!" Napansin ko kasing bago nanaman ang cellphone nito.Iba talaga pag mayaman ang pamilya samatalang ako tagalogin na ang Cellphone.kaya lang naman ako nakapasok sa mamahaling school na ito dahil sa scholarship eh.kaya naman lalo ko pinagbubutihan ang pag aaral ko para di mawala ang scholarship ko.at kahit sira sira na ang cellphone ko at wala na sa uso.okey lang kailangan ko magtipid dahil maliit lang din naman ang kita ni lolo fely sa pananahi niya.. "Hoy tulala ka nanaman may problema kaba Greta sandali buti pa mag picture tayong dalawa halika nga!" hinila ako ni Nicolas at umakbay ulit ito sa akin nagulat naman ako sa ginawa niya. "Ano ba yan ngumiti ka naman ang panget tuloy ng kuha natin"Natawa ako sa itsura ni Nicolas simangot na ito "Ayan dapat ganyan Greta tatawa ka rin paminsan minsan ohh isa pa smile" Napatingin ako sa camera nito ngumiti ako at nag wacky pa kami. "ohh ayan diba ang ganda ng kuha natin ipapadevelop ko ito greta tapos bibigyan kita ng kopya huh" "Naku wag na nohh baka mamaya ipanakot mo pa nga sa daga yan eh hahaha" Ngumuso lang ito sa akin lalo ako natawa gwapo din si Nicolas lumalaban din ito ng Pageant sa school namin campus crush din ito di nga lang ganun kasikat di gaya ni Miggy. "Hala di nohh Isasave ko itong picture natin para pag may problem ako titingnan ko lang itong pic mo na ito sure ako mawawala agad ang problem ko hahaha."Wika nito nagtaka naman ako sa sinabi nito. "Hahaha ito ohhh"Pinakita nito ang unang kuha nito sa akin yung picture ko naka nguso. kaya naman pilit kong inaagaw dito ang Cellphone niya para erase sana ang picture ko na yun. "Ano Ba Nicolas erase muna sabi yan ehh ..ay kabayo!!!"Nagulat kaming dalawa ng bigla nagsara ng malakas ang pinto ng classroom namin.nagkatinginan kami ni Nicolas "ano naman kayang problema ng Miggy Anderson na yan balak ata niya gibain ang pinto ng classroom natin sabagay kanila naman ang school na ito."Napatingin ako kay Nicolas ibig sabihin si Miggy ang naghampas ng pinto ng classroom namin bakit naman kaya.napailing na lang ako at naglakad na papunta sa isa ko pang klase. "Ui intayin mo ako greta" Di ko na pinansin pa si Nicolas at naglakad na ako malalate na din kasi ako sa isa ko pang klase.may Advance class kasi ako. Tanghali na ang dami na tao dito sa kanten nagpalinga linga ako nakita ko si Miggy sulo ito sa lamesa niya lumapit ako dito.di ko kasi ito nakita kanina sa classroom namin. "Hi Miggy Pwede ba akong makiupo dito wala na kasing Bakanteng upuan eh."Di ito nagsalita tuloy lang ito sa pagkain. "Miggy okey lang ba makiupo dito"Di pa rin ito kumikibo para itong walang naririnig.siguro may problema ito. "Ahh sige Miggy Salamat na la-" "Hoyy Greta andito ka lang pala akala ko ba sabay tayo mag lulunch.naku punuan nanaman pala dito sa kanten"Nagulat ako ng bigla sumulpot si Nicolas sa likod ko. "Ahh Nico-"Di ko naituloy ang sasabihin ko ng biglang ihampas ni Miggy ang kutsarang hawak niya at saka tumindig ito.napatingin naman ako dito at ganun din ang lahat ng tao sa kanten.napayuko ako baka naingayan na ito sa aming dalawa ni Nicolas. "Ahh ehh Sorry Miggy aalis na kami tara na Nico-" Tatalikod na sana ako ng bigla hinalbot ni Miggy ang mga kamay ko at hinila ako nito palabas ng kanten. nakita ko pang nagbubulungan nanaman ang mga kapwa namin studyante at ibang crew ng kanten.napatingin din ako kay Nicolas nakayuko na ito. naguluhan naman ako kay Miggy kung bakit bigla na lang ako nitong hinila. "Sakay na Bilis!!" nakarating kami sa parking lot. napatingin ako kay Miggy walang emotion ang mukha nito. seryoso lang ito nakatingin sa sasakyan niya. "Sinabing Sakay ehh!" Nagulat naman ako ng bigla buksan nito ang pinto ng sasakyan niya. Agad naman akong sumakay baka lalo itong mainis kung di ko ito susundin. "Ahh Miggy saan ba tayo pupunta may klase pa kasi ako mamaya ehh."Di ito nagsasalita nakatingin lang ito sa unahan ng sasakyan niya.maya maya dumaan ito sa isang sikat na Restaurant may tinawagan ito sa cellphone niya at maya maya lang may isang waitress ang may dala dalang mga supot. iniabot nito iyon kay Miggy halatang nagpapacute pa ang waitress at ng mapatingin ito sa akin agad ako nitong inirapan. "Sweetheart may gusto kapaba food"Napatingin ako kay Miggy nakatingin ito sa akin ako ba ang sinasabihan nitong sweetheart napatingin ako sa babaeng waitress sumimangot ito at pinandilatan pa ako nito. "Sweetheart??" Wika ulit ni Miggy hinawakan pa ako nito sa mga kamay. "ah eh ah Wa-la na!"mautal utal kong wika kay Miggy bigla kasi akong nakaramdam ng kakaiba nag init bigla ang mukha ko.kanina lang mukhang galit ito ngayon naman todo ang ngiti sa akin.bumaling ito sa babaeng waitress. "Sige Ms. Salamat keep the change!"Pinaandar na nito ang sasakyan habang hawak pa rin ang isang kamay ko. "Gutom kanaba? " "Huh Di pa na-man" "Hahaha di paba eh ano yung narinig ko!"Kakainis naman talaga bigla na lang umugong ang tiyan ko.nakakahiya tuloy kay miggy. "huh ano ba yung narinig mo baka tiyan mo yun hehe" Wika ko kay Miggy tumawa lang ito sa akin. " haha don't. worry Sweetheart malapit na tayo " maya maya tinigil nito ang Sasakyan sa isang malaking puno. "Wow ang ganda naman dito nakakarelax ang lugar na ito " napapikit ako dinama ko ang paghaplos ng hangin sa mukha ko.nandito kami sa isang malawak na kapatagan at may iilang puno ang nakatanim dito pero ang punong nasa harap ko ngayon ang pinaka malaki sa lahat. maya maya nakita ko si Miggy naglalatag ito ng isang carpet sa ilalim ng puno.iniayos na din nito ang mga supot na naglalaman ng mga pagkain. "Greta Come here! Kakain na tayo."Wika ni Miggy napangiti naman ako ng makitang ang daming pagkain ang nakalatag kaya dalian akong lumapit dito. "Wow ang Dami namang pagkain birthday mo ba Miggy" abala ako sa pagtingin sa mga pagkain nasa harap ko mukhang ang sasarap ng mga ito.mukhang mamahalin din base sa preparation ng bawat pagkain. "Haha di ko birthday sa next month pa ang birthday ko.tara na kain na tayo alam kong gutom na gutom kana eh haha" namula naman ang mukha ko lintis kasing tiyan ko Umugong nanaman nakakahiya tuloy kay Miggy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD