Prologue
AODIE
"Aodilaida! Ihanda mo na ang mga gamit mo, ihahatid na kita kay Don Marcelino," madiing utos ni Mama sa akin habang nakaluhod ako sa harap n'ya at umiiyak.
"Ma! Plese.. wag po, tutulong ako sa pagbabayad sa utang natin, wag mo lang ako ibigay kay Don Marcelino," nagmamakaawa kong tugon sa kan'ya.
Nakita kong naiiyak na din si Mama pero pinipigil n'ya marahil ay ayaw naman talaga niya akong ibenta o ipambayad sa utang na iniwan sa amin ng namayapa naming ama.
Marahas na pinunasan ni Mama ang mga luha n'ya bago ako muling hinarap. "Laida! Makinig ka sa akin, hindi na rin kita kayang buhayin kasama ng mga kapatid mo, kung titira ka kay Don Marcelino, doon maraming pagkain at magagandang damit. Makaka kain ka nang maayos at masasarap na pagkain," pangungumbinsi n'ya sa akin pero umiling lang ako.
"Okay lang kahit walang maayos na pagkain o masarap. Ayoko doon!" nagwawalang usal ko.
Hinawakan ni Mama 'yong mukha ko at marahas na pinunasan ang mga luha ko. "Gusto mong makatulong sa akin 'di ba? Eto na 'yon! Malaking tulong ito, Laida. Kaya pakiusap, ihanda mo na ang mga gamit mo" muling utos niya sa akin 'ska ako binitawan.
Hirap na hirap akong ayusing ang mga gamit kong isisilid sa luma kong bag.
Isa isang isinakay ni Mama sa inupahan n'yang tricycle 'yong mga gamit kong nakasilid na sa bag.
Lumuluha pa din akong magpaalam sa mga kapatid ko na hindi ko alam kung makikita ko pa o hindi pero nangangako ako pagkatapos ng ilang taon babalik ako dito at magiging masagana kami.
------
"Don Marcelino, eto na ho ang anak kong si Aodilaida, kinse anyos lang ho 'yan kaya ayan ho ang dinala ko dito," paliwanag ni Mama kay Don Marcelino.
Ang matandang binata na isa sa pinakamayaman sa lugar namin. Sa edad nitong 59 years old, wala pa itong asawa o anak man lang. Lahat iniilagan s'ya dahil nga sa nga koneksyon na meron s'ya hindi lamang dito sa Pilipinas kun'di maging sa ibang bansa.
Isa din ito sa pinakasikat na negosyante, kasama ang isa sa mga tanyag na si Senyor Klyde Vicente. Pagdating naman dito sa lugar namin lapitan s'ya ng mga mahihirap ngunit kapag hindi ka nakapagbayad sa tamang panahon na ikaw mismo ang nagtala, matutulad ka sa pamilya namin na isa sa mga kamag anak mo ang ibabayad mo at 'yon ang nangyayari sa akin.
Tumingin lamang ang matanda kay Mama 'ska sumalin ang tingin sa akin.
"Bweno! Maari ka ng umalis," maikling turan nito sa aking ina.
Tumingin lamang si Mama sa akin at hinawakan ang aking mukha. "Magpapakabait ka dito, susundin mo ano man ang iuutos nila, Laida. Naiintindihan mo ba ako, anak?" naluluhang turan ni Mama sa akin.
Hindi ako sumagot at hinayaan lang lumandas ang mga luha ko sa aking mukha. Binitawan n'ya ang mukha ko bago marahang yumuko sa harap ng matandang bumili sa akin.
"Mauuna na ho ako, Don Marcelino,"
Tumalikod na si Mama, matapos mag paalam at hindi man lang ako nilingon muli. Tinignan ko lang s'ya hanggang sa sumara ang pinto ng silid kung saan kami dinala ng mga tauhan ng Don.
"Ihatid n'yo s'ya sa ikalawang palapag malapit sa silid ni Bry," utos ni Don Marcelino sa mga tauhan n'ya. Humarap ito sa akin kaya naman nagbaba ako ng tingin dahil ayokong makita na mahina ako. "Magpahinga ka muna sa ngayon, ija. Madami tayong pag uusapan at madami kang kailangang matutunan," kausap nito sa akin.
"O-opo, Don Marcelino" tugon ko at mas yumuko pa sa harap n'ya.
'Di na ito sumagot kaya naman inaya na ako ng isa sa mga tauhan n'ya na pumunta sa sinasabi nitong silid.
Pagpasok ko sa silid na nakalaan sa akin. Inilibot ko ang mata ko sa paligid. Malawak ang silid na ito. Mas malawak pa sa bahay na tinitirhan namin. Mataas din ang ceiling at may mahabang ilaw pababa na kung tawagin ng mayayaman ay chandelier, sa bawat gilid din ay may mga bumbilyang magsisilbing liwanag kung hindi mo gugustuhin buksan ang marangyang ilaw.
Mayroon ding balkonahe na kung nalalakihan ka sa kwarto ay pwede mo itong tambayan at doon mag isip isip. Sa kaliwang parte ng silid sa likod ng pader kung saan nakasandal ang malaki at alam kong malambot na kama, meron isang silid na panigurado ay doon ang banyo.
Bahagya akong napaigtad nang ibaba ng mga tauhan ng Don ang gamit ko.
"Maraming salamat ho," saad ko.
Hindi naman ito nagsalita at yumuko lang bago muling lumabas.
Huminga ako nang malalim bago ko inumpisahang maglakad papunta sa silid kung saan ay nasabi kong banyo.
Hindi lang pala ito basta banyo. Nandito na din ang mga lagayan ng mga damit na napakalawak, dadaanan mo ito bago ka makapunta sa mismong banyo.
Naghilamos lamang ako ng mukha. Tinignan ko ang aking sariling mukha sa salamin. Maga ang mga mata kong kulay kayumangi, namumula din ang hindi ko katangusang ilong pati na rin ang aking pisngi, may kaunti din kaguluhan ang medyo mahaba kong buhok na hanggang balikat lamang.
"Kailangan mong maging matatag, Laida! Hindi pwedeng hindi ka maging matatag! Para sa pamilya mo!" matapang na saad ko sa sarili ko.
Mariin akong pumikit at naghilamos ulit. Kinuha ko ang tuwalya na nasa kanang bahagi nakasabit sabay punas iyon sa mukha ko.
Lumabas ako ng banyo at humiga sa malambot na kama na nakatala sa akin. Mahigpit kong niyakap ang mga unan na ito at doon muling umiyak.
Kahit pala anong pagpapalakas ng loob ko sa aking sarili, hindi ko pa din maitatago ang takot sa aking puso at sa mga posibleng mangyari habang nandito ako sa puder ng Don.
"Ano ulit ang pangalan mo, ija?" malumangay na tanong ni Don Marcelino habang tahimik nitong hinihiwa ang karne na nasa pinggan n'ya.
Matapos ko kasing humiga sa kama ko, hindi ko na malayan na nakatulog ako pala ako dahil sa pag iyak. Nagising nalamang ako sa tapik ng isang ginang at sinasabing nag aantay na ang Don sa hapag kainan. Kaya eto ako ngayon at nakaupo sa kanang bahagi ng matanda at tahimik ding kumakain ng pagkain na nasa aking harapan.
"Aodilaida po, pwede n'yo po akong tawaging Laida," magalang kong sagot habang ibinababa ang mga kutsara at tinidor.
Hindi muna s'ya sumagot at makita kong ibinaba n'ya rin ang kan'yang mga hawak.
"I don't like Laida for you parang masyadong mahina, from now on you will be called Aodie. Do you understand?" malumanay ngunit puno ng maawtoridad na saad nito.
Inangat ko ang aking mga tingin sa kan'ya at nakita ko ang mga mata n'yang nakatingin sa akin at seryoso iyon.
"O-opo, Don Marcelino" sagot ko sabay yuko muli.
"Nasaang taon ka na sa high school?" tanong nito kaya umangat ako.
"Nasa ikahuling taon na ho ako dapat sa pasukan, ngunit hindi po ako kayang pag aralin ni Nanay kaya ho, huminto muna ako para makatulong sa kan'ya," magalang na tugon ko.
Ganoon naman talaga ang nangyari at wala na din akong pag asa dahil bukas na ang huling araw para makapag enroll sa eskwelahan.
"Okay! Now, finish your food," utos n'yang muli kaya naman hinawakan ko ung kutsara at tinidor ko at marahang kumain.
Tahimik lang ang aming naging hapunan at hanggang sa matapos. Agad akong kumilos para magligpit nang makita kong tumayo na ang Don sa kanyang upuan.
Kukunin ko na sana iyon nang pigilan ako ng Don, hindi ko napansin na nilingon pala niya ako.
"Hindi mo na kailangan gawin iyan, Aodie. Magpahinga ka na at papasamahan kita bukas sa eskwelahan. You need to enroll because tomorrow is the last day of enrollment if I'm not mistaken," saad nito na hindi ko naman napigilang ngumiti.
Isa talaga sa gusto kong mangyari sa buhay ko ang makapagtapos ng pag aaral dahil naalala ko na sinabi ni Tatay na dapat sikapin naming magkapatid na makatapos ng pag aaral dahil iyon lang ang maipag yayabang namin sa ibang tao. Lalo na ang mga magulang ko ay hindi nakapag tapos ng pag aaral tanging elementarya lamang.
"Maraming salamat po, Don Marcelino.. pagbubutihan ko po ang mga trabaho ko dito sa mansyon para po makabawi sa inyo," saad ko habang nakayuko.
Napaigtad ako nang may lumapat na malaking kamay sa ulo ko at ginulo ang buhok ko.
"Ipangako mo lang ang katapatan mo sa akin pati na ang mag aral ng mabuti," saad nito.
"Opo! Makakaasa po kayo.. maraming salamat po!" buong loob kong saad atas yumuko pa sa harap niya.
Akala ko nakakatakot ang isang Don Marcelino pero meron pala s'yang puso para sa mga katulad kong kabataan na gustong mag aral.
—--------------
"Pili lang ang binibigyan ng pagkakataon ni Don Marcelino na mag aral pag masa puder n'ya kaya mapalad ka, Laida ay Aodie pala.. pagbutihan mo para hindi mawala ang tiwala nito sa iyo.." saad ng isang katulong na kasama ko dito sa kusina.
Kahit kasi sinabi ng Don na wag na akong tumulong, tumulong pa din ako dahil hindi naman ako senyorita dito. S'ya din pala amg gumising sa akin kanina.
"Oo nga po! Kaya gagawin ko talaga ang lahat para makapag aral nang mabuti," nakangiting saad ko.
Matapos kong tumulong doon sa kusina, pumanhik na ako sa kwartong nakalaan sa akin at doon muling humiga.
Gagawin ko ang lahat para makapag aral ng mabuti at makapagbayad sa Don para makasama ulit si Nanay..
—------------------