bc

Catching Feelings

book_age16+
3.1K
FOLLOW
13.0K
READ
friends to lovers
dominant
doctor
sweet
bxg
humorous
lighthearted
realistic earth
first love
sassy
like
intro-logo
Blurb

Meet Terrence,ang makisig at guwapong doktor na nagmamay-ari ng puso ni Hanna. Pero kahit ano pang gawing papansin ni Hanna pilit siyang itinataboy ni Terrence. Pero may isang pagkakataon na nagpabago ng lahat. Isang pagkakataong tila nagpakalog sa ulo ni Terrence dahilan para siya naman ang maghabol kay Hanna. Pero paano kung nauntog na rin si Hanna at ayaw na sa kanya? May pag-asa pa ba ang love story nila?

chap-preview
Free preview
Basted si Hanna
Matiyagang naghintay sa pila si Hanna para masilayan lang si Terrence.Matagal-tagal na rin kasi silang hindi nagkikitang dalawa.Naging abala kasi ito sa kabi-kabilang medical missions.   "Hanna,tara i-bp na kita," narinig niyang tawag ni Lexie, ang sekretarya ni Dok Terrence.Nakangiting lumapit siya rito at iniabot ang kanang braso. "Matagal pa ba Lex?"  "Naisingit na kita.Pagkalabas ng patient sa loob pumasok ka na," halos pabulong na sabi nito.Napangiti naman siya sa narinig."Salamat ha?The best ka talaga," natutuwang um-apir pa siya rito. "Warning lang friend ha?Medyo bad mood si Dok." Bigla naman siyang kinabahan sa sinabi nito.Kapag ganoon kasing bad mood si Terrence siguradong malalagot siya.Nang lumabas na ang pasyente na nasa loob agad  siyang sinenyasan ni Lexie at excited siyang pumasok. "Hi,Terrence," nakangiting bungad niya. Pero ni hindi man lang siya nginitian ng binata."Ano na naman ang masakit sa'yo ha?" kunot ang noong tanong nito habang idinadampi ang stethoscope sa bahaging malapit sa puso niya.  Pigil ang ngiting yumuko ang dalaga.  "I think,  'eto talaga ang may tama sa'yo eh," sabi nito nang idiin ang stethoscope sa noo niya.  "Grabe ka sa'kin, ha," nakasimangot na sabi niya sabay hawi ng kamay ni Terrence.Nagmamaktol na naupo siya sa ibabaw ng mesa paharap dito. "Umupo ka nga nang maayos.Para kang sanggano kung kumilos," kunot ang noong sabi nito.  Lalo pang sumama ang mukha ni Hanna.Lumundag  siya pababa ng table atsaka naglakad papalapit sa binata."Nahiya naman po ako sa pagiging perfect niyo, Dok," nakatulis pa ang ngusong sabi niya.  "Sabi ko naman kasi sa'yo huwag mong ginagawang laro ang pagpapa-check-up sa'kin.Hindi ka ba nahihiya?Ang daming mga matatandang nakapila sa labas ang siningitan mo.Sana man lang kung totoong may sakit ka nga," naiiling na sabi nito.  Masama ang tinging ipinukol sa kanya ni Hanna."Hindi ka pa pasalamat at dinadalaw kita diyan." Naglakad ito papunta sa mesa kung saan nito inilapag ang dala-dalang lunch box atsaka nito padabog na inabot sa kanya. "Oh, food mo.Tipirin mo, wala nang kasunod 'yan," nagmamaktol na sabi nito. "Lagi ka namang ganyan eh.Ilang beses mo na ring sinabi na hindi mo na ako kukulitin sa trabaho pero paglipas ng ilang araw bigla ka na lang sumusulpot at sumisingit sa pila."  "Pwes, hindi na ngayon," mariing na sabi  niya atsaka siya naglakad palabas ng silid.Hindi na niya nilingon pa si Terrence. "Next."  narinig na lang niyang sabi nito.  "Nakakainis hindi man lang  talaga niya ako pinigilang umalis." "Oh, ano Hanna, okay ka na?" nakangiting salubong sa kanya ni Lexie.  Masama ang mukhang napailing ang dalaga. "Aalis na ko baka mahuli na ako sa flight namin ni Ate.Magpapaalam lang sana ko kay Terrence pero mukha namang wala siyang pakialam," matamlay na sabi niya.  "So, hindi pala alam ni Dok na pupunta ka sa Canada?" Tango lang ang naisagot niya kay Lexie.Ayaw na kasi niyang magsalita dahil lalo lang sumasama ang loob niya.   Kasalukuyan nang nagliligpit ng gamit si Terrence nang katokin siya ng secretarya niyang si Lexie. "Dok,mauna na po ako sa inyo."   "Napansin mo ba kung nasa labas pa si Hanna?" kaswal tanong ng binata. Gawi na kasi ni Hanna na hintayin siyang matapos mag-clinic atsaka ito muling mangungulit sa kanya. "Naku,Dok,kanina pa po umalis.Baka nga po palipad na 'yun ngayon eh." Napatigil sa pag-aayos si Terrence at napatingin sa kausap."Bakit? Saan daw siya pupunta?" kunot ang noong tanong niya. "Sinama po ng ate niya sa Canada.Magpapaalam lang po yun sa inyo kanina kaso sinungitan niyo naman po.Ang lungkot tuloy umalis." nakanguso pang sabi ni Lexie.  "A-Anong oras daw ang flight niya?" nauutal pang tanong niya.  "Hindi po sinabi eh.Basta ang alam ko po kanina, diretso na po siya sa airport noon."Agad na hinablot ni Terrence ang susi ng kotse at patakbong lumabas ng clinic.Naiwan si Lexie na noo'y napakunot pa ang noo."Ang daya naman ni Dok, may date ako ngayon eh," napapakamot pa sa ulong sabi nito.   Abot-abot ang kabog ng dibdib ni Terrence habang bumibiyahe papuntang airport.Hindi niya maintindihan kung bakit may kung anong mabigat na nakadagan sa dibdib niya.Alam niyang maraming beses na niyang tinanggihan si Hanna.Pero hindi naman niya gustong mawala ito sa kanya.Si Hanna lang ang tanging taong nakakaintindi sa kanya.Kahit pa nga itinataboy na niya ito, pilit pa rin nitong isinisiksik ang sarili sa kanya.Kulang na nga lang ay sa kanila ito tumira.  Parang nanadya naman ang pagkakataon at ngayon pa talaga siya naipit sa traffic.Panay ang palo niya sa busina bagay na nagpa-init na rin ng ulo ng iba pang motorista.  "Hoy!Ang ingay mo.Kung nagmamadali ka, lumipad ka!" sigaw ng isang lalaki na narindi na sa sunod-sunod niyang pagbusina.  "Pare, pasensiya na, emergency lang." nahihiyang sabi niya. "Lakarin mo na lang baka umabot ka pa,"sigaw sa kanya ng isang driver.Bigla naman siyang napaisip.Bakit nga ba hindi,tutal naman ay natatanaw na rin niya halos ang bukana ng airport.Nagmamadali siyang bumaba at iniwan ang kotse niya sa gitna.Sigurado siyang panibagong problema na naman 'yung ginawa niya pero wala na siyang choice.Ang importante na lang sa kanya noon ay ang mahabol niya si Hanna.   Pagdating sa airport, naging abala ang mga mata niya sa paghanap kay Hanna.Pero hindi niya parin ito makita.Agad niyang pinuntahan ang monitor kung saan naka-display ang mga oras ng departure at arrival ng mga eroplano.Pero hindi naman niya alam ang mga detalye ng flight ng dalawa.May mga cancelled flights doon at meron din namang nakalipad na, kaya hindi niya matiyak kung nakaalis na nga ba ang mga ito o hindi pa.Bagsak ang balikat na nilisan niya ang NAIA.   Lalo pang bumigat ang pakiramdam niya.Paano na siya ngayong wala na si Hanna.Sino nang magpapangiti sa kanya sa twing down na down siya.Wala nang makulit na sisingit sa pila.Wala na ring maghahatid sa kanya ng lunch.At higit sa lahat,wala nang magpapagaan ng loob niya.Kahit kasi pasaway ito,ito  lang din naman ang nakakapagpangiti sa kanya.Sinubukan niyang takbuhin ang daan pabalik sa kotse at swerte namang nandoon pa ito.Hindi na kasi umusad ang mga sasakyan,kasalukuyan pa kasi noong inaalis ang nakabaregang sasakyan na nagkabanggaan.  Gabi na nang makauwi sa bahay si Terrence.Malungkot na tumanaw siya sa bahay nila Hanna.Saradong-sarado ito.Wala man lang nakabukas na kahit isang ilaw, patunay lang na wala na nga ito sa Pilipinas.Tatalikod na sana siya nang may naaninag siya na tila anino ng tao sa garden.Mula kasi sa kwarto niya ay tanaw na tanaw ang buong bakuran nila Hanna.   "Si Hanna kaya 'yon?"  Bahagya niyang naaninag ang bulto ni Hanna nang tumayo ito at nag-inat inat.Hawak pa nito ang cell phone na ginagawang flashlight.Nagmamadaling bumaba siya ng bahay at tumawid kay Hanna. "Hanna,Si Terrence 'to!" sigaw niya. Naririnig ni Hanna ang boses niya pero wala itong balak na pagbuksan siya ng gate.Patuloy lang ito sa pakikinig ng music sa cell phone at pag-inom ng beer na parang walang naririnig.Muling bumalik sa bahay si Terrence at inakyat ang punong lumalawit sa bakuran nila Hanna.Isang malakas na kalabog ang narinig ni Hanna.At mayamaya pa ay nakita niyang tumatayo si Terrence. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tila galit na sita niya sa binata.  "Bakit ang dilim ng buong bahay niyo?Saka bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" anito na noo'y tumabi pa sa kanya.  "Pinaputol ni Ate ang linya ng kuryente," matabang na sagot niya. "Bakit hindi natuloy ang flight niyo?" tanong nito sabay agaw ng lata ng beer na hawak niya atsaka nito mabilis na tinungga. "Pa'no mong nalaman na aalis ako?" kunot ang noong tanong ni Hanna.Hindi niya kasi natatandaang nabanggit niya ang tungkol doon. "Nabanggit sa akin ni Lexie.Pumunta  nga ako sa airport kanina eh." kaswal na sabi nito. Napalingon siya kay Terrence. "Umano ka naman sa airport?" "Wala.Nagpahangin," natatawang sabi nito.   "Wala ka talagang kwentang kausap," naaasar na muli niyang inagaw ang alak na inagaw sa kanya ni Terrence atsaka niya mabilis na tinungga.  "Mukhang marami ka nang nainom.Akin na lang 'yan." Pilit inaagaw ni Terrence ang beer sa kanya pero dire-diretso niya lang itong ininom at nang maubos na ay saka niya lang iniabot ang basyo rito.  "Grabe kang makalaklak ng alak,parang wala nang bukas," naiiling na sabi nito. "Anong pakialam mo?" singhal niya sa binata.  Doon na nakaramdam si Terrence."Galit ka ba sa'kin dahil sa sinabi ko kanina?" anito na bahagya pang inilapit ang mukha sa kanya.Pero hindi umimik ang dalaga at iniwas lang ang mukha sa kanya. "Sorry na.Medyo bad mood lang ako kanina dahil nagkasagutan kami ng Senior ko.Huwag ka nang magalit," naglalambing na inihilig pa nito ang ulo sa balikat niya. Ganoon maglambing sa kanya si Terrence.Palagay ang loob nito sa kanya at ganoon din naman siya rito.Marami nga ang nag-aakalang magkasintahan sila,na siya naman sanang  gustong mangyari ni Hanna.Pero tila bato na sa pagkamanhid si Terrence.Kahit kasi anong ligaw niya rito hindi pa rin ito tinatablan.Kahit pa nga harap-harapan na niyang sinasabing mahal niya ito tinatawanan lang siya nito. "Nakakainis ka.Pasalamat ka mahal kita," nangingiting ginulo niya pa ang buhok ni Terrence.Nagtaas naman ng ulo ang binata at seryosong tumingin sa kanya. "Tigil-tigilan mo nga 'yang mga tirada mo na 'yan.Hindi tuloy ako makapang-chicks, masyado mo kong binabakuran." "Mukha mo," natatawang nilamukot niya pa ang mukha ng binata. Simula palang ganoon na ang relasyon nilang dalawa.Bangayan dito,bangayan doon at pagkatapos lambingan na daig pa ang mag-jowa. "Bakit ka pupunta sa Canada?" seryosong tanong nito na noo'y inabot pa ang isang  kamay niya at nilaro-laro ang malambot niyang palad. "Dahil gusto kong pumunta sa lugar na wala ka.Hindi na kasi ako makahinga pag nakikita kita," seryoso ang mukhang sagot niya. Natigilan naman si Terrence sa narinig at seryosong tumingin sa kanya. "Joke," natatawang bawi ng dalaga. "Kunwari joke...pero totoo.Ayaw mo na talaga akong makita diba?" seryosong tanong nito.  "Sus!Kung maka-react ka masyado ka namang apektado.As if naman hindi ko alam na iritang-irita ka na sa kakulitan ko," natatawang sabi ng dalaga atsaka kampanteng nahiga sa damuhan. "Tutuloy ka pa bang umalis?"  Hindi niya alam kung dahil sa madilim lang o totoong lumungkot ang mukha ni Terrence habang nagtatanong. "Hindi ko alam.Baka...siguro...ewan ko," wala sa loob na sagot niya habang nakapikit. Wala siyang kamalay-malay na pinagmamasdan lang siya noon ni Terrence. "Inaantok ka na ba?Sa bahay ka na lang matulog." sabi nito. Agad namang napabalikwas si Hanna."Sigurado ka?Inaaya mo ko sa bahay mo?Hindi ba't ayaw mo nga na pumupunta ko ro'n?May sakit ka ba, Dok?" natatawang sinalat-salat niya pa ang noo at pisngi ni Terrence. "Sira ka talaga," natatawang hinawi nito ang kamay niya. "Tara na bago pa magbago ang isip ko," nakangiting tumayo na ito at inabot ang kamay niya atsaka siya hinila patayo. "Okay,wala nang bawian ha?Tabi tayo?" natatawang sabi niya. "Puro ka talaga kalokohan." napapailing na sabi ni Terrence.   Maagang nagising si Hanna kinabukasan. Dumiretso na siya sa talyer at iniwan ang naghihilik pang si Terrence.Araw naman ng Linggo noon at wala itong clinic kaya hinayaan niya muna itong matulog.Naabutan niyang nagkakape si Tatay Bert,ang tiyuhin niyang tumatayong magulang nila mula nang maulila silang magkapatid. "Good morning, Tatay," malambing na humalik pa siya sa pisngi ng matanda. "Oh,anak,akala ko ba sasama ka sa Canada? e, bakit nandito ka pa?" nakakunot ang noong tanong ng matanda.  "Na-cancel po ang flight namin,Tay.Si Ate na lang po ang nagpa-rebook kaya sa hotel na lang po siya tumuloy kagabi.Next time na lang po ako sasama kay Ate.Na-miss ko po agad kayo eh," naglalambing na niyakap niya pa ang matanda. "Asus!Ako ba talaga ang na-miss mo o 'yang si Terrence?" nangingiting biro ng matanda na inginunguso pa ang paparating na binata. "Ang daya mo naman talaga panget.Pagkatapos mong makitulog nilayasan mo na lang ako basta," reklamo nito. Wala siyang kakurap-kurap habang nakatingin sa kagigising lang na si Terrence.Medyo magulo pa ang buhok nito pero ang linis at ang gwapo pa rin nitong tingnan sa suot nitong na maong na short at puting t-shirt. "Hoy!kinakausap kita," anito na pinitik  pa ang noo niya nang hindi siya umiimik. "Pwede ba,ang aga-aga nagsusungit ka na naman diyan," aniya na tumayo na at naglakad papasok sa bahay.Naasar namang sumunod sa kanya si Terrence matapos magmano kay Tatay Bert. "Hindi ka na nakakatuwa ah.Ugali mo na 'yang umaalis nang walang paalam.Akala ko tuloy tumuloy ka rin sa flight mo."  Napangiti naman si Hanna. "Tama bang intindi ko? Naiinis siya dahil inakala niyang iniwanan ko na siya nang tuluyan?" Hindi niya alam kung anong nangyayari kay Terrence bigla na lang kasi itong nagkaroon ng concern sa kanya. "Bakit ayaw mo ba akong umalis?" pigil ang ngiting tanong niya.  "Hindi sa ayaw.Sana lang kasi nagpapaalam ka," tila lalo pang nagsungit na sagot nito. Nawala naman ang ngiti sa mukha niya.Akala pa naman niya ay may nararamdaman na rin ito para sa kanya. "Oh, ba't hindi ka na kumibo diyan?" puna nito na lumapit sa kanya at kumuha ng kapeng tinitimpla niya.Nilampasan niya lang ito at dumiretso na siya sa sala. "Sunday big day natin ngayon diba?Bakit hindi ka pa nakaayos?" tanong ni Terrence na noo'y naupo pa sa tabi niya.Napakunot naman ang noo niya na tumingin sa binata."Ano'ng pinagsasabi mo diyan?"  "Diba you're asking for this?'Yung ibigay ko sa'yo ang buong araw ko," ito pa  talaga ngayon ang nagpapaalala sa kanya noon. "Ah 'yun ba?Joke ko lang 'yun.Forget it," walang ganang sabi niya atsaka siya tumayo at naglakad palabas sa talyer. Wala na nga siyang balak pang ituloy ang kahibangan niya kay Terrence matapos ang ginawang pagsusungit nito sa kanya sa clinic. "Anong problema noon? Dati naman nagkakandarapa pa siya at pumipila sa clinic para lang mapansin ko."  napailing na lang na tinanaw siya ni Terrence.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook