bc

Make you Stay (book 2 completed)

book_age16+
7.8K
FOLLOW
115.4K
READ
family
badboy
aloof
brave
CEO
drama
bxg
illness
lonely
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Pinagmamasdan niya si Miguel habang mahimbing na natutulog, hindi niya mapigil ang mga luha at malayang umaagos sa kanyang magkabilang pisngi masyado siyang nasasaktan sa mga nangyayari at hindi niya alam ang dahilan kung bakit naging ganoon ang mga pangyayari. Masaya at maayos naman ang relasyon na mayron sila ni Miguel, akala niya wala nang katapusan ang mga masasayang sandali, yung damang dama niya na sobra siyang mahal nito, wala na siyang mahihiling pa, napakasarap nito magmahal, sa araw araw ay nagagawa siyang pasiyahin nito. Pero bakit naglaho ang mga sandaling iyon. Isang umaga paggising niya ibang Miguel na ang kaharap niya, malayo sa lalaking pinakasalan niya. Kung ituri siya nito'y para siyang ibang tao at sobra siyang nasasaktan.

"Miguel mahal na mahal kita, kahit paulit ulit mo akong masaktan, kahit paulit ulit mo akong itaboy." Kumawala ang isang hikbing hindi niya mapigil. Parang tinutusok ang puso niya ng mga karayom sa kanyang nadaramang paghihinagpis.

"H-hindi kita kailanman iiwan, hindi ako susuko, lalo ako magsusumiksik sa iyo Miguel.. I'll do everything promise to make you stay!.."

chap-preview
Free preview
Episode 1
Hindi siya dalawin ng antok ng gabing iyon, kahit na sobrang lalim na ng gabi ay nananatili siyang gising na gising, maraming beses n siyang nagpabiling biling sa pagkakahiga pero sadyang tinakasan na yata siya ng pagkaantok, marami kasing pumapasok sa isipan niya, lalong lalo na ang tungkol sa buhay mag asawa nila ni Miguel, ang lalaking pinakamamahal niya na hinintay pa niya at ipinaglaban niya noon, ang lalaking pinili niya na makasama niya sa habang panahon habang siya'y nabubuhay, na sa kabila ng malaking agwat ng kanilang mga edad at malaking agwat ng estado nila sa buhay. Ang tanging lalaki na nakauna sa kanya at nagawa niyang mahalin ng lubos lubos, at sigurado siya sa kanyang sarili na ito na rin ang magiging huling tao na mamahalin niya habang siya ay nabubuhay. Pasya ng kanyang puso iyon at isipan. Naalala pa niya noon lahat lahat ng pinagdaanan ng relasyon nilang dalawa ni Miguel, nang una niya itong makita, ang mga mata na iyon na tumatak sa kanyang isipan lalo na ang paraan ng pagtingin nito sa kanya na pakiramdam nga niya ay nanunuot hanggan sa kaluluwa niya. Wala pa siyang kamuwang muwang nuon at talagang inosente pa siya sa lahat ng bagay na tungkol sa sekswal. Hinding hindi niya malilimutan ang ginawa nitong pagseseduced sa kanya noon kaya naibigay niya dito ang kanyang pagkabirhen ng wala sa oras. Pagkatapos ay nagpumilit naman ito sa kanya na magpakasal siya dito dahil nakuha na nito ang iniingatang virginity, na ang naging resulta sa bandang huli ay siya na ang namimilit na pakasalan na siya nito, nung una ang kanyang rason ay dahil sa takot na makukulong ang kanyang Papa dahil na rin sa napakalaking atraso ng Papa niya kay Miguel at sa kumpanya nito, hanggang sa hindi niya inaasahan na naging daan naman iyon na mahuhulog pala ang damdamin niya sa lalaki at mahalin niya ito ng lubusan. Pagkatapos ng isang napakatamis na gabing nangyari sa pagitan nila ay hindi na sila nagkahiwalay pa dahil pinili nito na pakasalan na siya agad. Nagulat pa nga ang mga magulang niya ng bigla na lang silang umuwing magkasama na ng Pangasinan at tuluyang hingin ni Miguel ang pahintulot ng kanyang mga magulang na pumayag ang mga ito na siya ay maging asawa nga nito. Natanggap naman nila ang bendisyon ng mga magulang para sa mangyayaring kasalan nila ni Miguel. Walang maihahalintulad ang nadama niya noong kasiyahan nang sumang ayon agad ang kanyang Mama at Papa sa kabila ng pagkabigla ng mga ito. Alam niya na maraming nangarap na mga lahi din ni eba na sila sana ang nasa kalagayan niya, pero siya talaga ang sinuwerte ng todo dahil sa magiging tunay at ganap na siyang asawa ni Miguel Razon. Yumakap siya ng napakahigpit sa lalaki habang nakaupo sila sa mahabang sofa, gusto niyang ipadama dito kung kalaki ang kasiyahan na nadarama niya ng mga sandaling iyon at kung gaano niya ito kamahal. Gumanti rin ito ng mahigpit na yakap at nadama niya ang mabining paghalik nito sa kanyang noo. Hindi naman niya inasahan na mamahalin niya ito ng sobra sobra at lalong hindi niya plinano iyon, kusang sumibol at umusbong ang pag ibig niya sa lalaki. Mas natabunan na nito ang damdamin na nadama niya noon sa kanyang ex-boyfriend na si Jules na akala niya ay ganoon na kalaki pero may mas lalaki pa pala doon. Alam niya na maraming kalahi din ni eba ang nangangarap na sila ang mahalin ng lalaking ito, pero siya talaga ang sinuwerte na mahalin ni Miguel. Alam niya na sila talaga ang tinadhana sa isa't isa at pinaniniwalaan niya ng lubos iyon. Nanalig siya sa tadhana na ito ang kusang gagawa ng paraan para magkatagpo ang sadyang magkatadhana. Tulala pa siya habang papalapit siya sa napakagwapo at napakakisig na lalaking pakakasalan niya. Kasalukuyan siyang naglalakad sa mahabang aisle ng Cathedral ng Pangasinan, doon ang napili nilang simbahan para sa kanilang natatanging kasal. Pakiramdam nga niya ay isang panaginip ang lahat ng nagaganap at feeling niya rin ay isa rin siyang napakagandang prinsesa habang papalapit sa kanyang pinakamamahal na prinsipe. Napakakisig nito talagang tignan sa suot na Americana, talagang hindi niya kayang iwaglit pa ang kanyang paningin man lang dito kahit isang segundo yata. Nang ganap na siyang makalpit sa harapan nito ay bakas na bakas sa mukha din nito ang matinding kasiyahan at ang malaking pagmamahal na nakaukol nito para sa kanya lang. Nasabi niya sa sarili na siya na ang napakaswerteng babae yata na nabubuhay sa balat ng lupa dahil sa rason na pinag ukulan siya ng pagmamahal ng isang Miguel Razon. Agad agad siyang kumapit sa bisig nito nang iminuwestra naman nito iyon dahil para maalalayan siya nito para ganap ng makapwesto sa harapan ng isang kinikilalang pari sa lungsod ng Pangasinan na siyang pinili nilang magkasal pa sa kanila. Damang dama niya ang matinding pag iingat nito sa kanya bunsog ng pagmamahal nga nito sa kanya. Napakaluwang ng pagkakangiti nito at bakas ang kagalakan na laan sa kanilang dalawa ni Miguel. Halos hindi na niya nawawaan ang mga naganap dahil pakiramdam niya ay nasa kalangitan na yata siya ng mga sandaling iyon dahil sa sobrang kasiyahan na taglay ng kanyang puso at isipan. "You may kiss the Bride!!" Narinig niyang wika ng Pari. Parang bigla siyang nagising sa isang napakalalim na panaginip at napagtanto niya na totoo pala ang lahat ng nagaganap. Pagkatapos ay nadama na niya ang napakatamis na halik ng lalaki sa kanyang labi simbolo na ganap na siyang asawa nito. Halos mabingi nga siya sa lakas ng palakpakan ng mga sumaksi sa pag iisang dibdib na iyon at hiyawan ng mga tao na naroroon. Ang lahat ay napakasaya dahil sa ginawa nilang pagpapakasal at siya naman ay halos malunod na sa nadaramang kaligayahan sa kanyang puso. Napakapalad niya na maging kabiyak ito sa buhay. Muli siyang bumiling sa kanyang pagkakahiga, dahil nakakaramdam na siya ng pangangalay sa kanang bahagi ng kanyang balikat medyo matagal na kasi siya sa posisyon na iyon, nadama niya ang isang butil ng luha na kumawala mula sa kanyang mata, nadala kasi siya sa pagkaalala sa nakaraang mga kaganapan ng kanilang buhay ni Miguel. Bumangon siya at balak niyang pumunta sa kusina para makainom ng malamig na tubig, nakakaramdam kasi siya ng matinding pagkauhaw at medyo maalinsangan ang panahon, saglit niyang pinasadahan ng tingin ang wall clock na nasa silid nila ni Miguel, pasado alas dose na pala ng gabi at hindi pa rin niya nararamdaman ang pagdating nito, o may balak pa ba itong umuwe ng gabing iyon, dahil kung darating man ito ay tiyak na hindi naman ito matutulog sa kanilang silid kundi deretso ito sa kabilang kwarto na katabi ng sa kanila, na labis na kinasasama ng kanyang loob, pakiramdam niya ay may tumutusok na maliliit na karayom sa loob ng kanyang puso sa nadaramang pagdaramdam. Binuksan niya ang kanilang malaking refrigerator at nagsalin ng malamig na tubig sa isang baso, deretso niya ininom iyon sa kagustuhan na mapatid ang kanyang nadaramang uhaw. Bumalik din siya sa kanilang silid, pero imbis na sa kama siya pumunta para siya ay mahiga ay pinili niyang dumoon muna sa terrace ng silid na iyon, binuksan niya ang salaming pintuan at tuluyang lumabas doon. Dinama niya ang malamig na hamog na dumantay sa kanyang balat, at tumanaw siya sa kadiliman ng paligid. Batid niyang tulog na ang halos lahat ng tao dahil sa malalim na talaga ang gabi, at kung may mga gising man ay mangilan ngilan na lang at isa siya sa mga iyon. Napakalayo ng kanyang tanaw habang nakatayo, kasing layo ng mga naganap noon at sa kaganapan naman ngayon sa pagitan nila ng asawang si Miguel. "Miguel.. Mahal ko bakit ka nagbago? Bakit nawala ang tamis ng pagmamahal mo sa akin?" Ibinulong niya ang tanong na iyon sa hangin, baka sakaling may sumagot at ng malaman niya naman ang dahilan ng lahat at hindi na siya mag isip pa. Pinipilit niyang magpakatatag at ayaw na ayaw niyang susuko siya. Sobra niyang mahal si Miguel na asawa niya at hindi siya papayag na maagaw ito ng ibang babae, hinding hindi siya papayag, ipaglalaban niya ang karapatan niya dito bilan legal wife. Pero paano kapag binitawan naman siya nito at piliing sumama sa ibang babae? "Anong gagawin ko?" Natanong niya ang kanyang sarili, napuno ng takot ang kanyang puso at ang kanyang buong pagkatao dahil sa kaisipang iyon. "Hindi! Hindi ko kakayanin Miguel huwag na huwag mo akong iiwan."Sambit niya muli sa kawalan. Isang pakiusap na alam niyang hindi naman naririnig ni Miguel. At kung naririnig man nito ay pakikinggan ba siya nito. Yung kahit awa na lang sana ang madama nito para sa kanya at huwag itong magdesisyon na hiwalayan siya, sapat na iyon sa kanya na malaman niya na hindi ito mawawala sa kanyang paningin. Hindi na niya alam kung ilang minuto na siyang nakatayo doon o baka nga oras na ang binilang sa pagkakatayo niya doon, nakatanaw lang siya sa malayo habang malalim na nag iisip at punong puno ng agam agam ang kanyang puso. Mga alalahanin na patungkol sa kanyang asawa. Nagsimula ang pagkatakot sa kanyang puso na baka iwan siya nito at ipagpalit sa ibang babae, hindi naman imposible iyon dahil sa taglay nitong kayamanan at impluwensya sa lipunan, mula nang may madatnan siyang isang napakagandang babae sa mismong loob ng opisina ng kanyang asawa. Binalak niya kasi na maglambing dito ng isang araw na iyon sa kabila ng mga kasungitan nito na pinapakita sa kanya. Ipinagluto niya kasi ito ng masarap na putahe at balak niya ay sasabayan niya itong kumain ng lunch sa loob opisina nito. Tuloy tuloy siyang pumasok sa loob at hindi niya pinansin ang pagkabahala na nakita niya sa mukha ng secretary nito. Nagulat din ang dalawa pagkakita sa kanya at siya naman ay hindi na nakakilos sa kanyang kinatatayuan. Ang naabutan niyang eksena ay masayang nag uusap ang dalawa habang hinihilot ng isang napakagandang babae ang noo ng kanyang asawa, nakatayo ito sa bandang likuran habang nakaupo naman si Miguel Saglit lang ang pagkabiglang lumarawan sa mukha ng kanyang asawa at agad napalitan ng pagsibangot. Naputol ang kanyang mga gunita dahil nakita niyang papasok na ang kotseng minamaneho ni Miguel sa gate ng kanilang bahay, sa wakas ay dumating na rin ito, at ni hindi niya alam kung saan ito nagmula dahil alam niya na hindi naman sa opisina ito galing dahil dapat ay nakauwe na ito ng mga alas sais ng hapon dahil five o'clock exactly ito umaalis doon, may iba pa itong pinuntahan na hindi niya kayang tanungin kung saan, dahil nakakadama din siya na malaking takot sa maaaring isagot nito sa kanya. Ayaw niyang magalit ito sa katatanong din niya at idadahilan malamang na pagod ito at gustong nang ring magpahinga. Pumasok na siya sa loob ng kwarto nila at balak niyang bumaba sa sala para salubungin ang asawa, nais niyang malaman nito na matiyaga siya na laging maghintay sa pag uwe nito at hindi siya napapagod. "Oh bakit hindi ka pa tulog? Anong oras na ah!" May bagsik sa tinig nito nang makita siyang pababa ng hagdanan. Minadali niya na makalapit dito. "Hinihintay kasi kita mahal ko, hindi ako makatulog ng wala ka pa." Malumanay na sagot niya dito, agad niyang kinuha ang bitbit nitong bag at agad na tumungo sa kusina, paiinumin niya ito ng tubig. Katulad ng lagi nitong ginagawa sa kanya noon na pinapainom siya ng tubig. "San ka pupunta?" Tanong nito bigla. "Sa kusina Miguel, ikukuha kita ng tubig na maiinom." Sagot niya sa asawa. "Huwag na!!" Biglang sagot nito, na may bahagyang pagkairita sa boses. Nakita niyang dumeretso na ito sa hagdanan para umakyat at pumasok sa sarili nitong silid. "Matutulog na ako." Narinig niya sabi nito, napatanga na kasi siya dito, hindu niya inaasahan na magiging ganoon ito. "Ah s-sige dadalhin ko na lang sa taas Miguel para kapag nauhaw ka may mainom ka." Buti at nakapagsalita pa siya. Binilisan niya ang kilos at gusto niyang maabutan ito bago ito makapasok ng kwarto dahil baka ilock na nito iyon at hindi niya maiilagay ang dala niyang tubig sa loob. Ang bilis ng paghabol niya dito hawak ang isang baso at maliit na pitsel ng tubig. Buti na lamang at naabutan niya pa ito bago ito tuluyang makapasok ng silid. Ipinatong niya ang hawak sa lamesita sa gilid ng kama nito at pinagmasdan ito sa ginagawang paghuhubad ng suot. Nakadama siya ng sobrang pagkamiss sa lalaki at hindi niya mawari sa sarili  dahil parang naiinit ang pakiramdam niya habang pinapanuod lang ang ginagawa nito. Hindi niya maiwasan na pagmasdan ang kabuuan ng asawa. Alam niya na may karapatan siyang hilingin na sipingan siya nito, dahil siya ang legal na asawa nito, pero ayaw niyang maging dahilan iyon para magalit pa ito sa kanya at alam niya na pagod din ito buhat sa pinagmulan. Hindi na siya kasi pinapansin ni Miguel na parang wala siya doon, sige lang ito sa paghuhubad kaya malaya niyang napagmamasdan ito habang nakatalikod, pumunta ito sa closet para kumuha ng boxer short. Ganon lang kasi ang sinusuot nito kapag natutulog dahil naiinitan ito. "Gusto ko kasi na madaling hubarin para sa iyo." Biro pa nito noon sa kanya kasi ay sinasabihan niya ito na magsando man lang at ayaw niya na malamigan ito sa likod. Naalala niya. Para tuloy siyang nahuhulog sa isang mahika habang tinitignan ang magandang pangangatawan nito. Nagulat pa siya dahil sa biglang paglingon nito sa kanya. "Iwan muna ako Celyn!" Utos nito bago tuluyang pumasok sa banyo na naroon sa loob ng kwarto nito alam niya na magshoshower pa ang asawa bago magpahinga. Gusto niyang umiyak ng malakas sa nadaramang kirot, sa ginawang pagpapaalis nito sa kanya, pero pilit na iniisip niya na pagod lang ang asawa niya at baka gusto na nitong matulog talaga, alam niyang kailangan ay wala na siya doon kapag natapos itong maligo, tumulo ang luha niya ng damputin niya ang mga pinaghubaran nito sa sahig para mailagay sa laundry box, pagkatapos ay saglit pa niyang tinignan ang pinasukan nitong banyo. Nafefeel niya na gusto niya rin sana na pumasok doon na sundan ito, alam niya na malaking gulat ang magagawa niya sa asawa kapag ginawa niya iyon. At maaaring ikagalit nito iyon, noon siguro ay magugustuhan pa nito, noong mahal na mahal pa siya nito, pero ngayong hindi na, alam niya na galit ang ibibigay lang nito sa kanya. Nakatayo lang siya doon habang pinapakinggan ang lagaslas ng shower hose, at ng mawala na ang tunog niyon ay minabuti niyang tumalikod na. Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas na lang doon para hindi na siya abutan pa nito, alam niya na palabas na ito ng banyo. Para siyang lumulutang habang naglalakad paalis doon, wala siya sa sarili niya habang papasok naman siya sa silid talaga nilang mag asawa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.5K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

Unwanted

read
510.5K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook