bc

Untouched Baby Maker (COMPLETED)

book_age18+
8.2K
FOLLOW
35.1K
READ
possessive
pregnant
brave
sweet
bxg
royal
first love
secrets
virgin
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

BLURB: 

Sarah Dela Vega is a rich, shopaholic, arrogant and dreamless woman. She only loves to spend her parents' money for almost everyday. She's spoiling her vice most of the time and that was okay to her parents as long as she's happy.

But, a sudden car accident happened to her dad while driving home that caused him dead on the spot. Her world was torn apart. She doesn't know what to do without her dad. She was devastated as well as her mother. After her father's death, her mom suddenly collapsed, which caused a blood clot in her brain. Her mom's comatose. And now, she's alone. She doesn't know how to manage their companies that didn’t last long eventually. She became poor.

Her mom needs a surgeon. She has no money and doesn't know how to work. She entered a job that she knew would easily earn money. A babymaker. Will she take the risk or regret it someday?

But after a long year, she will find out her true identity. She's not just a commoner but a daughter of an Earl in Scotland.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
TUWANG-TUWA ang mag-asawang Francheska at Albert Dela Vega nang malamang kambal ang magiging anak nila. Hindi magkamayaw sa pag-aalaga ang haligi ng tahanan sa ilaw ng tahanan. Pinag-iingat niya nang husto ang kanyang maybahay dahil hindi nga naman biro ang magdala sa sinapupunan ng dalawang bata. Ayos naman ang lahat ng tests nito. Healthy nga raw ang mag-ina ayon sa doctor. Isang buwan na lamang at lalabas na rin ang kanilang pinakahihintay na mga anak. Hindi muna nila inalam ang gender ng mga ito. Surprise na lamang. Makalipas ang isang buwan, halos 'di magkamayaw sa tuwa ang mag-asawa dahil nailabas ang kambal na kapwa malusog at parehong babae. Fraternal twin dahil hindi naman ito magkamukha. Ayos lang sa mag-asawa iyon, ang mahalaga buo na ang kanilang pamilya na matagal nang pinangarap ng dalawa. Kinabukasan, excited ang mag-asawa na makita ang kambal na ihahatid ng attending nurse nito. After kasi manganak ng ginang, marami pang tests ang ginawa sa dalawang bata para siguraduhing healthy ang mga ito kaya hindi muna nila nakasama nang buong magdamag ang mga anak. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, pumasok ang nurse na may takot at kaba na makikita sa kanyang itsura at iisa lamang na baby ang dala nito. Nakangiti pa ang mag-asawa nang pumasok ito, pero nawala rin nang makita ang itsura nito. Nagtataka sila kung bakit isang bata lamang ang dala-dala nito. "Sir, Ma'am, sorry po sa bad news na dala ko. Kasalukuyan pong hinahanap ng buong hospital ang isa pong baby ninyo. Hindi po namin alam paano nawala ang isa. Kaya ito lang pong isang baby ang dala ko. Safe naman po sila ng iniwan ko ho kagabi bago ko po in-endorse sa kapalit kong nurse ang babies n'yo, pero itong pagpasok ko nagkakagulo po sila sa nursery dahil nawawala po ang isa sa kambal ninyo. Sorry po sa neglected facility po namin. Rest assured po, hinahanap na po namin ang anak ninyo. Chini-check na rin po nila ang lahat ng CCTV cameras. Sorry po ulit," wika ng nurse na takot na takot ang awra. Pero bago pa makapagsalita ang mag-asawa pumasok ang direktor ng hospital at pinaliwanag din sa kanila ang pangyayari. Pinapakalma sila lalo na ang ginang dahil kapapanganak pa lamang nito. Ngunit ilang araw na ang lumipas, hindi pa rin nahahanap ng ospital ang bata. Nagsampa na ang mag-asawa ng kaso rito pero wala pa ring nangyari. Hopeless na silang mag-asawa. Sa 'di kalayuan naman ng kuwarto ng mag-asawa sa hospital, naroon ang taong pasimuno ng pagkawala ng kanilang anak. Masaya itong lumisan ngunit sinabihan muna nito ang doktor na nagpa-anak sa ginang na turukan ang mag-asawa ng pampalimot upang hindi na maghabol pa ang mga ito sa bata. Makalipas ang ilang taon . . . "Sarah!" tawag ng mga kaibigan ng dalaga na sina Juancho "Jenny" Paguntalan at Veronica "Nica" Miller. Mga childhood best friend niya. Isang bakla at isang mataray na babae. "Kain muna tayo, girl. Tom Jones na kami, e!" reklamo na ani ni Jenny. Mahilig itong kumain pero payat naman. Kasalukuyan silang nasa mall at walang humpay sa pagbili si Sarah ng kung ano-ano. Ang dalawang best friend niya naman ang tagabitbit ng mga pinamili niya, but of course, ililibre niya naman ang mga ito. "Okay, saan ninyo gustong kumain?" tanong ng dalagang si Sarah. Siya si Sarah Dela Vega, bente dos anyos, matangkad, maputi at balingkinitan ang katawan. No boyfriend since birth. May hinihintay pa raw siyang prince charming niya. At higit sa lahat, Shopaholic girl dahil mahilig mamili ng kung ano-anong branded clothes. "Kahit saan na lang. Sa mura na lang tayo, girl, kailangan nating magtipid. Naku! Hindi madali kumita ng pera. Kahit nga ako, milyon na ang subscriber ko sa channel ko at kumikita pero hindi pa rin sapat. Kaya ikaw, Sarah, matuto ka na rin magtipid. Baka mamaya mawala ang lahat sa iyo at sa kangkungan ka talaga pupulutin!" wika ni Jenny. Isa itong make-up tutorial vlogger. Marami ng followers at madalas na marami ring kumukuha sa kanya para magpaayos kaya kung sino-sino ang nakakasalamuha niya. "Oo nga, girl! If I were you, mag-aaral ako ulit. Sayang ang opportunity habang maaga pa. Enough na ang puro gastos, girl," wika pa ni Nica. "Korek ka r'yan, girl!" pagsang-ayon pa ni Jenny kay Nica. Pinagkakaisahan siya ng mga ito at madalas din kung payuhan para sa future niya. But she refused to listen and follow them. All she wanted was spending her parents money. Nakikinig lamang ang dalaga, pero wala siyang pakialam. E, ano ngayon kung hindi ako tapos sa pag-aaral? E, ano ngayon kung puro ako gastos? Marami kaming pera kaya okay lang. Sa isip ng dalaga. Kahit na hindi siya magtrabaho, okay lang, mayaman naman sila. Iyan lagi ang nakatatak sa isip niya. SAMANTALA, sa palasyo ng Edinburgh ay nagkakagulo ang lahat. Nawawala si Prinsipe Harvey at ang assistant nito. Nag-iwan lamang ng maikling sulat sa side table ng kama nito na may nakatalang, "I'm on vacation". Umalis siya ng bansa kahit pa alam niyang marami siyang commitment bilang isang prinsipe. He's part of ruling their country as a son of Duke Raphael Scotland. But he was broken. He needed to unwind and breathe for a while. Two or three years will be enough as he thought of being away from the palace. Siya si Prince Harvey Scotland, bunso sa tatlong anak ng Hari at Reyna ng Edinburgh, Scotland. Bente sais anyos at balak na sanang mag-asawa ngunit naudlot dahil nagloko ang ex-girlfriend nito. Hindi na siya naghabol pa rito. Hinayaan niya na lamang itong umalis. Hindi niya ugali ang maghabol kung ayaw na sa kanya. Masakit man na iwan siya nito, but he gave her freedom. Mahilig siya sa mga bata dahil bilang isang bunso sa pamilya ay naghahanap pa siya ng kapatid na mas bata sa kanya, pero hindi na maibigay ng kanyang ina iyon. Kaya sa tuwing nakakakita siya ng mga bata, hindi niya mapigilan na makipaglaro sa mga ito. If he can't marry, then he will hire a babymaker. For him, it’s not a bad of having a child without mother as long as he can give all for his child. Ang kanya lang maranasan niya rin sana na maging isang ama. Naiinggit siya sa kuya niya dahil may anak na ito kaya naman madalas niyang hiramin ang pamangkin para makipaglaro. "Boss, we're nearly in the place you choose. Please fasten your seatbelt," ani ng kanyang assistant-s***h-best friend na si Niccolo Stanford. Bente sais anyos din ito. Pareho silang g’wapo at habulin ng mga babae. Kapwa rin matangkad at may matitipunong pangangatawan. Pero itong best friend niya ay likas na snob sa mga babae at iyon ang hindi niya alam kung bakit. Kasalukuyan silang nasa eroplano papuntang Pilipinas upang dito magbakasyon. Ito ang bansang napipisil ng Prinsipe upang bigyang-laya't kaligayahan ang sarili mula sa sakit na dinaranas sa huling kasintahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
893.2K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.2K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.3K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook