bc

100 Days With Mr. Arrogant

book_age16+
3.5K
FOLLOW
13.3K
READ
possessive
arrogant
dominant
sweet
bxg
lighthearted
small town
realistic earth
enimies to lovers
first love
like
intro-logo
Blurb

Tatagal ka ba ng 100 days kasama ng isang lalaki na kinaiinisan mo?

Mula sa Manila pinadala si Cathy ng daddy niya sa probinsiya para magbakasyon at matuto ng mga bagay-bagay. Sa edad kasi niyang bente-tres wala pa siyang direksiyon sa buhay. Ang tanging alam niya lang gawin ay gumimik at magwaldas ng pera. Pero tatagal kaya siyang pakisamahan ang inaanak ng daddy niya na si Gio, na siyang titingin sa kanya? Si Gio na sa unang kita niya palang ay kinainisan na niya. Kayanin kaya ni Cathy ang isang daang araw kasama ang aroganteng binata? Uubra kaya ang kasupladahan niya kay Gio o mananaig ang kahambugan nito?

chap-preview
Free preview
First Clash of Love
Kasalukuyang nag-eempake ng damit si Cathy nang pumasok ang daddy niya sa kuwarto. Iyon kasi ang araw na bibiyahe siya papunta sa Nueva Ecija kaya minamadali na siya nito. "Dad, do I really have to do this? Can I just stay here in Manila?" muling hirit niya sa ama na noo’y nakatayo malapit sa kanya. "No. Naitawag ko na ‘yan sa lola mo. Hinihintay ka na no’n for sure.” "Dad, naman! Bakit  kailangan ko pang pumunta ro’n para matuto ng mga bagay-bagay while I can also learn here? Promise, I will behave, Dad. Hindi na ako magka-clubbing kasama ng mga friends ko. Aayusin ko na rin ang studies ko. Just let me stay here," naglalambing na yumakap pa siya sa baywang ng ama. "I'm sorry, anak. My decision is final. Hinihintay ka ng lola mo sa probinsiya." Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at bahagyang tinapik ang ulo niya bago siya tinalikuran. "Dad!" habol niya. "Just continue packing your things. Baka gabihin ka sa biyahe," narinig niyang sagot ng ama habang pababa ng hagdanan. "Hey! Dad. Wait!" Nagmamadaling hinabol niya ang ama at naabutan niya pa ito sa kalahatian ng hagdanan. "What do you mean by that, Dad? Baka gabihin ako sa daan? You mean hindi mo ko ihahatid?" "Why should I? Malaki ka na. Dapat matuto ka ring magbiyaheng mag-isa." "But Dad, that's too much!" nagmamaktol na sabi niya. "No, Cath. That is just the beginning of everything your going to learn,” nakangiting sabi nito. Masama ang loob na bumalik siya sa kuwarto at ipinagpatuloy ang pag-eempake. Desidido na ang daddy niya na ipadala siya sa probinsiya para maranasan niya ang hirap ng buhay. Masyado na kasi niyang tine-take for granted ang mga bagay-bagay na mayroon siya. Nag-aalala ang daddy niya para sa future niya. Sa edad niya kasing bente-dos, wala pa siyang malinaw na direksiyon sa buhay. Ni hindi nga siya makapag-decide kung ano ba talaga ang kursong gusto niyang tapusin. Ilang beses na siyang nagpapalit-palit ng course dahil wala siyang tiyaga sa pag-aaral. Kapag humihirap na ang mga lessons bumibitaw na siya. Kaya tuloy hindi siya matapos- tapos sa college. Dalawang taon na halos ang nasayang sa pabago-bago niya ng isip. Mabuti na lang nake-credit pa ang ibang unit niya. Hindi naman masasabi na mahina ang ulo niya. Dahil naipapasa niya naman ang mga subject kapag gusto niya. Wala lang talaga sa loob niya ang pag-aaral. Solong anak lang si Cathy at solo parent lang din ang daddy niya dahil namatay ang mommy niya nang ipinanganak siya. Pero hindi naman niya naramdaman na may kulang sa kanya. Dahil pilit pinupunan ng daddy niya ang pagkawala ng mommy niya. Iyon nga lang aminado ito na hindi maganda ang naging pagpapalaki nito sa kanya. Dahil masyado siyang na-baby nito. Dahil madali niyang nakukuha ang mga bagay-bagay. Hindi siya natutong magpahalaga sa pera at sa mga pinaghihirapan ng daddy niya. Wala siyang alam gawin sa buhay kung hindi magbulakbol kasama ng mga kaibigan niya. Ni hindi nga siya marunong mag-ayos ng sarili niyang silid. Palibhasa’y bata palang siya sanay na siya sa mala-buhay prinsesa na ibinigay sa kanya ng Daddy niya. Lumaki siyang walang alam gawin kung hindi kumain, matulog, mag-gala, magsaya at magwaldas ng pera. At iyon ang mga bagay na nagpapabagabag ngayon sa daddy niya. ‘Yung sa pagdating ng araw na wala na ito sa tabi niya. Ano na ang mangyayari sa kanya? Paano na siya mabubuhay? Pagkatapos nilang mag-usap. Tinawagan ng daddy niya ang inaanak  nito na si Gio para ipagbilin ang dalaga. Twenty- four years old pa lang si Gio pero hindi tulad ng dalaga, may direksiyon na ang buhay nito. Isa na kasi itong kilalang Engineer sa bayan nila. Pabalik-balik na lang din ito sa abroad. Wala nang mga magulang ang binata pero hindi naging hadlang iyon para makapagtapos ito ng pag-aaral. Ito na rin ang nagsilbing ama’t ina sa kapatid nitong si Guia na kasalukuyang nakatira sa Canada. Pinagyaman ni Gio ang mga ari-ariang naiwan ng mga magulang niya. Dahil doon napabilib nang husto sa kanya ang daddy ni Cathy na ninong niya. Naniniwala kasi ito na malaki ang maitutulong niya para mabago ang maling kinalakihan ng dalaga.     Halos magtatatlong oras nang naghihintay si Cathy sa terminal ng bus pero wala pa rin si Mang Berto na sinasabi ng daddy niya na susundo raw sa kanya. Nananakit na ang mga  binti niya sa pagkakatayo sa gilid ng terminal habang nakasabit sa balikat ang malaking bag. Hawak niya sa isang kamay ang travelling bag na mukhang malaki pa sa kanya. Salubong na ang mga kilay niya sa sobrang pagkabagot nang dumating ang lalaki na susundo raw sa kanya. "Let's go?" nakangiting bungad ng may katangkarang lalaki. Napakunot ang noo niya. Guwapo ang lalaki. Balingkinitan ang pangangatawan at mamula-mula ang kutis na parang bahagyang nasunog sa araw. Mapupungay ang mga mata nito na tila nang-aakit. Hindi ito ang Mang Berto na nai-imagine niya na sasalubong sa kanya. Matanda kasi na medyo bilugan ang pangangatawan ang inaasahan niyang hitsura ng lalaki. Pero kahit pa guwapo itong nasa harapan niya ngayon hindi niya maiisantabi ang inis niya dahil sa tagal niyang naghintay. "Nainip ka ba? Ako nga pala si Gio. Ikaw si Cath diba?" nakangiting tanong ng lalaki. Tama nga pala ang iniisip niya hindi nga ito ang Mang Berto na inaasahan niyang darating. Pero pamilyar sa kanya ang lalaki na parang nakita na niya kung saan. "Cath? Close tayo?" sarkastikong tanong niya. Biglang nawala ang pagkakangiti sa mukha ng lalaki na halatang na-offend sa sinabi niya. "Nando’n 'yung sasakyan. Sumunod ka sa akin. " Madilim ang mukhang tumalikod ito sa kanya at ni hindi man lang nito binitbit ang mga bag na dala niya. "Hey! Hindi mo ba ko tutulungan?" pasigaw na habol niya rito. Hirap na hirap siya noon sa pagbitbit ng malaking bag at paghila ng maleta habang sinusundan niya ang lalaki. "Bakit kita tutulungan? Close ba tayo?" narinig niyang sigaw nito na tila binuwelta lang sa kanya ang sarili niyang linya. "Buwisit!" naaasar na pilit niyang kinaya ang bag habang papalapit siya sa owner-type jeep nitong dala. Hirap na hirap siya sa pagsampa ng mga bag pero hindi man lang siya tinulungan ng binata na agad na umupo sa driverseat. “Antipatiko!” bulong niya nang makasampa sa jeep. Matalim ang tinging ipinukol niya sa lalaki pero nginitian lang siya nito na tila nakakaloko. Wala silang imikan sa biyahe. Habang tinatahahak ang maalikabok na daan papunta sa bahay ng lola niya. Mabilis ang patakbo nito kaya halos kumain sila ng alikabok. "Puwede ba magdahan-dahan ka naman!" singhal niya. Madilim ang mukhang sumulyap ito sa kanya at tila nanadyang binagalan ang pagpapatakbo ng sasakayan na halos mabilis pa ang taong naglalakad. "Nananadya ka ba?" mariing tanong niya. "Akala ko ba gusto mo dahan-dahan? Ano? Mas mabagal pa dito ang gusto mo?" nang-aasar pang sabi nito. "Alam mo naman siguro kung anong tamang speed diba? Kailangan ko pa bang sabihin kung gaano kabilis o kabagal ang tatakbuhin mo?" humalukipkip pa siya at muling inirapan niya ang lalake. Pero imbes na ayusin ang pagmamaneho pinaharurot pa nito ang sasakyan na tila nanadya kaya agad siyang napakapit nang mahigpit. "Hay, grabe siya!" naiiling na sabi niya na ibinaling na lang ang atensiyon sa kalsada.   Makalipas ang ilang saglit itinigil ng lalaki ang sasakyan sa tabing daan malapit sa palayan. "Iyon ang bahay ng Lola Sefa mo,” anito na noo’y itinuro sa kanya ay may kalakihan ding  lumang bahay na bato na nakaangat sa gitna ng bukid. Katabi nito ay isang maganda at bagong bahay. “Diretsuhin mo lang ang pilapil na 'yan sa gitna,” sabi nito. Hindi na siya nagtanong pa dahil sigurado naman siyang hindi na siya maliligaw sa bukid dahil abot tanaw na niya ang bahay ng lola niya. Maingat siyang bumaba bitbit ang malaking shoulder bag. Ibababa na rin sana niya ang travelling bag nang biglang magsalita ang lalaki. "Iwan mo na 'yan diyan. Ako na ang maghahatid sa inyo niyan.” Hindi na siya nag-inarte pa dahil hindi naman niya talaga kakayanin na pagulungin iyon sa pilapil. Kaya hinayaan niya na lang na ito ang magbitbit para sa kanya. Walang kibong iniwan niya ang bag at sinimulan na niyang baybayin ang makitid na pilapil ng bukid. Nang halos nasa gitna na siya ay narinig niyang umandar ang jeep. Napakunot ang noo niya sa pag-aakalang itinakbo ng lalaki ang travelling bag niya. Pipihit sana siya pabalik nang madulas ang isang paa niya at nalaglag siya sa putik. "Hoy! ‘Yung bag ko. Ibalik mo!” nagtatampisaw sa putikan na sigaw niya habang tinatanaw ang sasakyan ng lalaki na binabaybay ang daan papalayo. Napatapik siya ng malakas sa tubig kaya mas lalo pa siyang napuno ng putik. Naasar na pilit siyang tumayo sa putikan at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa bahay ng lola niya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook