bc

Her Bitchy Agenda

book_age16+
361
FOLLOW
1.0K
READ
billionaire
revenge
arrogant
badgirl
boss
comedy
bxg
city
first love
model
like
intro-logo
Blurb

Paano ko ba makukuha ang isang bagay na gusto ko mula sa isang walang pusong lalake?

Nagawa ko na lahat!? Nakiusap nang maayos, hinabol siya, tumambay sa opisina niya, umiyak sa harap niya, ipinagluto siya, pinagbantaan kong magpapakamatay ako, minura siya at oo nga pala, nasipa ko na din siya!

Lahat na ng uri ng santong dasalan at santong paspasan! Nagawa ko na!?

Pero isa lang ang alam niyang sabihin sa'kin, that I'm a b***h, a loser at lahat ng insultong hindi deserve ng isang babaeng katulad ko.

Pero wala akong balak sumuko! Kung hindi ko makukuha ang gusto ko, gaganti na lang ako!

Hmn... Ano pa bang pwedeng gawin ko na sakop ang kakayanan ko bilang isang babae? Ultimate seduction? Pwede...

Sisiguraduhin ko na hindi niya mapapahindian ang iaalok ko sa kanya. Tingnan natin kung hindi siya luluhod sa 'kin.

Because right now, I'm willing to give the word 'b***h' a whole new meaning...

chap-preview
Free preview
Trial and Error#1
Nekoda's POV I spread my arms, closed my eyes and waited... ...... "Huy! Pssst! Kody!" Hindi ko sana imumulat ang mga mata ko pero nakilala ko ang boses ng tumatawag sa 'kin. Si Chemay, my reliable second cousin. At ka-partner ko sa krimen na 'to. "What?!" Nilibot ko ang paningin ko sa buong rooftop pero wala pang tao kundi kami lang dalawa. " Nasaan na si Salvatore?" tanong ko sa kanya. "Eeeeh... Hindi ako pinapasok sa opisina niya," palingon-lingon siya at parang hindi mapakali. Ninenerbyos na naman ang babaeng 'to. "Sabi ko sa 'yo mag-eskandalo ka di ba? Sabihan mo ang sekretarya niya na may magpapakamatay dito sa rooftop!" "Eh ayaw ngang maniwala sa 'kin! Binantaan akong ipapadampot sa mga security guard buti na lang nakatakbo 'ko pabalik dito." Tss! Okay, binabawi ko na na reliable siya. Binaba ko ang nangangalay kong mga braso at nag-isip ng iba pang solusyon. "Kody, tigilan na natin 'to, mamaya niyan humangin nang malakas tapos mahulog ka na nang tuluyan diyan." Pakiusap ni Chemay na parang maiiyak na. "Hindi!!!" Ito lang ang naiisip kong solusyon para harapin ako ni Thorne Salvatore, that bullyman! Ilang araw na 'kong pabalik-balik sa opisina niya sa 50th floor pero ayaw akong harapin ng ungas! Kinuyom ko ang mga kamay ko. Gustong-gusto kong manabunot! Naalala ko na naman kasi si Susana, my so-called-best friend and business partner! Hindi mangyayari lahat ng 'to kundi dahil sa kagagahan ng babaeng iyon! I owned a five storey commercial building here in Makati. At sa pinakamataas na palapag ako nakatira. Okay na sana, tatlong kompanya ang nag-oopisina doon at dalawang organisasyon din ang umuupa. Patapos ko na sanang bayaran ang lupang pinagtatayuan ng gusali. Nag-modelo ako ng tatlong taon sa ibang bansa at iniwan ko kay Susana ang property bilang land lady. At binilin ko din sa kanya na ituloy ang pagbabayad ng lupa mula sa mga upa ng mga renters. Noong isang buwan lang ako bumalik dito sa Pilipinas. At muntikan na 'kong magwala sa galit at gulat! Dahil ang pinakamamahal kong limang palapag na gusali ay bakante na! Hindi lang iyon, hindi na din naituloy ang pagbabayad sa lupa at na-forfeit na ng bangko. Ilang linggo na din akong tinatawagan ng bangko at pinapalayas. At ang nakabili ng lupa? Ang kompanya ni Salvatore, my long long time enemy! Nunca akong lalayas! Ilang taon akong nagtrabaho para makapag-pundar ng ganoong property! At lalong tumaas ang galit ko dahil ramdam kong pine-personal ako ni Salvatore! Matagal ko na siyang kilala since grade school pa lang kami. At may animosity na kami dati pa dahil sa maraming away namin noon. At kung galit ako kay Susana dahil sa panloloko niya sa'kin, mas galit pa din ako kay Salvatore. At siya ang uunahin ko! Nagtatago ngayon si Susana. At buti naisip niya talagang magtago dahil patay din talaga siya sa'kin! But enough of that cheat! I'll deal with her later. Ngayon tatrabahuhin ko muna ang pagkausap kay Salvatore kahit hindi ko ma-take na makita ang walanghiyang lalakeng iyon! At kahit alam kong maldita ako, naniniwala ko sa madiplomasyang pag-uusap. Pero lumipad na lahat ng diplomasya ko noong isang linggo pa dahil nga hindi ako hinaharap ni Salvatore! Huminga ako nang malalim. "Chemay, tumawag ka ng media!" "Kody..." Pinandilatan ko siya. "You owe me five thousand pesos." "Oo na nga..." Pakamut-kamot pa siyang umalis. Bumalik ako sa pagkakatayo ko sa gilid ng rooftop, dumipa at naghintay ng ilang minuto. Tinanaw ko ang ibaba ng building pero hindi ko makita kung may mga tao sa baba na nakakakita sa 'kin. At mayamaya ay may empleyadong maninigarilyo sana dito sa rooftop at nang makita ako ay nagtatakbo paalis. Ilang minuto na at dumami na ang mga empleyadong usisero at usisera at dumating din si Chemay kasama ang mga media men. As expected. Hindi ko inintindi ang mga sinasabi at pagpipigil nila. Haaay, ang saya talagang gumawa ng eskandalo paminsan-minsan. Hindi naman talaga 'ko magpapakamatay, gusto ko lang takutin si Thorne para kausapin niya 'ko. And thinking of the devil. Nahawi ang mga tao na nasa harap ko at naglakad sa gitna niyon si Salvatore. Standing six feet and an inch, this man definitely possessed a giant and frightening aura. And he literally stand out of the crowd. Tss! Immune na 'ko sa kung anumang aura ng ungas na 'to! Hindi siya nagsasalita, diretso lang na nakatingin sa'kin. At kung titigan lang din naman ang labanan, hindi ako magpapatalo. Binigyan ko siya ng naghahamong tingin. Ilang dipa ang layo ng mga tao sa 'kin at nakita ko siyang humahakbang palapit sa'kin. "Wag kang lalapit! Tatalon ako!" Nag-panic ang mga tao. "Okay, jump." Thorne commanded. At napatigil ako sa pag-atras. "Magpapakamatay ka di ba? Now, jump, Nekoda. Jump. Off. My. Building." ..... Nanggigigil ako sa inis sa lalakeng 'to! Bakit hindi niya ma-gets na pananakot lang 'to? Dahil. Gusto. Ko. Siyang. Maka-usap! "Hindi ako tatalon dito, Salvatore basta makipag-usap ka lang sa 'kin nang maayos!" "Never. So you're free to jump and we'll all go back to work." Aaaaaahhhh! Sinilip ko ang ibaba at muntikan na 'kong malula. Hayop kang lalake ka! "S-sir, I think that's not the right way to t-talk to a suicidal----" Nilingon ni Thorne ang assistant niyang si Bruno at tumahimik naman ito. At bago pa 'ko makakilos ay may humigit na sa braso ko palayo sa gilid ng rooftop. Nawala ako sa huwisyo ko at bago pa ko makapiyok ay naramdaman ko na ang malamig na bakal sa palapulsuhan ko. "Arrest that woman for causing public panic. And Bruno, have her blacklisted in all my buildings here in the country." Nagpumiglas ako nang tuluyan nang matapos ng pulis ang pagpo-posas sa'kin. At ang huling nakita ko kay Thorne ay ang likod niya kasunod ang mga empleyado niya. Aaaaah! Thorne Salvatore!!! You evil man!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook