bc

Back Into You

book_age18+
741
FOLLOW
4.3K
READ
like
intro-logo
Blurb

MONTEVISTA SERIES#3

Pinagtagpo ng tadhana sa kabila ng kakaibang sirkumtansya. Isang lalaking duguan ang natagpuan ni Sanya Midel kasama ang kaibigan. Noong una ay inakala niyang isa iyong modus operandi kaya habang bit-bit ang balisong ay nilapitan niya ang lalaki. Naliligo ito sa sariling dugo at humihingi ng tulong.

Dinala niya ang estranghero sa isang pribadong ospital kung saan doctor ang kababata niyang si Renai—Lihim niyang sinisinta.

Akala niya ay hanggang doon na lamang ang responsibilidad niya sa estrangherong tinulungan. Subalit sa kakatuwang pangyayari, ay wala itong ma-alala sa nakaraan nito. Sa huli ay kinukop-kop at binigyan ng pangalan. Hanggang sa huli, hindi na niya namalayan na pati ang puso niya ay naibigay na rin pala niya rito.

Maari bang mahalin ang lalaking nawalan ng ala-ala? O maari ba'ng magmahal ang lalaking nawalan ng ala-ala sa nakaraan?

chap-preview
Free preview
KAPITULO 1
MAHIGPIT ang pagkakahawak ng mga bodyguards sa aking braso at kwelyo habang pilit na isinasakay ng mga ito sa loob ng sasakyan. Sila ang mga naatasan ng aking diktador na ama upang pasundan at hulihin sa airport nang tangkain ko'ng umalis ng bansa patungong Paris. Doon gaganapin ang isang napalaking competition para sa mahuhusay na mga photographers sa bawat sulok ng mundo— at hindi maikakaila na kabilang ako sa mga magagaling na iyon. Subalit ang balak na pagsali sa kumpetisyon ay na-unsyami ng dahil sa aking ama. Balakid ito sa lahat ng gusto ko'ng gawin sa buhay. Ang nais kasi nito'y, ako ang mag-maniobra sa kompanya. Subalit salungat iyon sa kagustuhan ko. Maya-maya pa ay tanaw ko na ang napakalaking mansiyon. Patunay lang na umaabot na sa bunbunan ng ama ko ang kayaman nito. Napangisi tuloy ako ng wala sa loob at napailing. Makikita ko na naman ang mukha ng papa. Ano na naman kaya ang mga masasakit na salitang ibabato nito sa'kin? Huminto ang sasakyan sa tapat ng mansiyon. Hawak parin ako ng mga bodyguards habang inilalabas ng sasakyan. Labag sa loob na nag-patianod ako sa mga ito. Wala rin kwenta ang magpumiglas dahil wala namang laban ang lakas ko sa lakas ng mga nagbabatuhang katawan ng mga ito. Animo'y mga goons at bouncer na hindi ata papahuli ng buhay sa mga parak, kung sakali man maging most-wanted criminal ang mga ito sa hinaharap. Dinala ako ng mga ito sa maluwang naming sala at binitiwan lamang nang naibalandra na sa harapan ng kinasusuklaman ko'ng tao sa balat ng lupa. Prenteng nakaupo ang papa sa sofa, katabi ang aking butihing ina, na ngayon ay lumuluha. I just smirked inside. “I would like to congratulate you, father. You won.” Punong puno ng sarkastikong pahayag ko rito. Ito ang nanalo sa napakadumi niyang laro kaya dapat lamang na batiin ko siya. Matalim ang tingin sakin ni papa buhat sa tahimik niyang pagsimsim ng kape. Isang ngiti rin ang iginawad niya sa akin na sadyang natural ng nakakatakot kaysa sa matalim niyang mga tingin. “I know, Osman. Alam kong bago pa magsimula ang laban sa pagitan nating dalawa, inaasahan kong ang mananalo ay ako.” Mapag-malaking ini-angat niya ang baba na parang ipinahihiwatig nito ang pagiging talunan ko. Kulang nalang ay idura nito mismo ang salitang iyon sa mukha ko.    Napalatak ako. “Come on, 'yan lang ba ang kaya mong ibuga, papa? Atleast give me your best shot. Hina mo e. Wala ka pala.” Pang-aasar ko. I was totally knew na nagiging balahura na ako sa klase ng pagsagot ko sa kanya. Aware ako roon. Aware rin ako sa biglang pag-asim ng mukha ng papa. Pero ito lang naman kasi ang paraan ko para ipakita ang inis na nararamdaman. Kung matigas ito bilang ama, mas matigas ako bilang bunga. Naging anak pa ako ng isang Montevista kung hindi ko naman nakuha ang isa sa mga ugali ng angkan namin. Anak ako at hindi naman masamang gamitin ang prebelehiyo paminsan-minsan. “Osman, anak, hindi ka namin pinalaking ganyan ka-bastardo sumagot. We never raised you like that son. Just please... please, son, respect your father. Sagutin mo siya ng tama,” singit ng aking ina na si Ophella. Panay ang agos ng likido mula sa kanyang mata. Malambot ang mukhang tiningnan ko ang mama. Ito lang ang totoong tao sa mansiyon nila. Kung may tao mang nararapat sa respeto ko, iyon ay ang aking ina at hindi ang aking ama. Masiyadong masakit sa sikmurang isipin na kailangan ko'ng respetuhin ang papa. Wala itong respeto na makukuha mula sa akin katulad ng kawalan niyang respeto sa aking kagustuhan. “Ophella! Umakyat ka at 'wag kang makisali sa amin. Usapang mag-ama ito at hindi ninyong mag-ina. Wala akong oras para diyan sa ka-dramahan mo!” singhal ng papa sa mama. Tumayo ang papa at itinuro ang bodyguard niya na parang estatwang nakatayo sa tabi niya. “Hugo, i-akyat mo ang asawa ko at wag mo'ng palalabasin hangga't hindi pa natatapos ang paguusap namin ng anak ko.” Mariing utos nito sa bodyguard na agad namang tumalima at lumapit kay mama. “Arthuro, anak ko si Osman at may karapatan akong marinig ang sasabihin mo sa kanya! Pabayaan mo na ang gusto ng anak natin. Wag mo siyang ipilit sa gusto mo dahil hindi siya magiging masaya roon! Hindi siya si Eres kaya wag mong pilitin na maging si Eres si Osman! Magkaiba sila!” sigaw ng aking ina habang hinahatak ito ng bodyguard paakyat sa kwarto. Gusto kong sugurin at hatakin ang mama mula sa hawak ng bodyguard ngunit naisip kong mas mainam ng hindi namin kasama ang aking ina dahil mahihirapan lang akong makipag-sagutan kapag naroon ito. Kilala ko si mama, ayaw kong sumama ang loob niya sa gagawin ko'ng pakikipagtuligsa kay papa. Hindi man lang binigyan pansin ni papa ang sinabi ni mama at parang wala lang na ibinaling nito ang pansin sa akin. “Anong sinabi mo? Give my best shot? Do you want to see my best shot, son? Ang tanong kakayanin mo kayang makita ang bagay na iyon?” pagbabalik paksa nito. Tinatamad na tumango ako. Kahit kailan talaga, naiinis ako sa klase ng pananalita niya. Matagal ko ng alam na hindi ako ang paborito niya, taliwas ako sa panlasa nito. Alam ko 'yon simula palang siguro no'ng ipinanganak ako. My father had been rude towards me. Tingin kasi nito sa akin ay isang itim na tupa na kailangang problemahin at pastulin. Lumaki akong tumatak sa aking isipan na isa akong mantsa sa dangal ng aming pamilya. Palagi akong umaani ng sermon sa kanya kahit wala naman akong ginagawa. Nasa isip ko nga noon, baka ganoon ang turing sa'kin ni papa ay dahil maliit palang ako ay may radar na itong lalaki akong hindi tugma sa kagustuhan nito. Lalaking salungat sa plano niyang pagpapalaki sa akin. I swore to God na sinubukan ko'ng maging mabuting anak katulad ng mga kapatid ko pero sadya atang bulag ito pagdating sa mga pinapakita kong efforts. Wala na akong nagawang tama sa paningin niya. Lahat ng gawin ko'y pulos palpak, lahat ng sabihin ko'y disaster ang kinahahantungan. Umabot na ako sa puntong hindi ko na alam kung saan i-aayon ang sarili base sa kategoryang gusto niya. And I was so damn tired of it all. Kaya sa huli, sinunod ko na lamang ang sariling gusto at hindi na inisip pa ang magiging resulta niyon. Nang mabalitaan ng buong pamilya na tinalikuran ng kapatid ko'ng si Eres ang pagpapatakbo sa kompanya ay sobrang tuwa ang naramdaman ko. Atlis, naipamukha ko sa papa na ang paboritong anak niya ay sukang-suka na rin sa sistema ng pamilyang ito. Hindi ko makakalimutan ang naging reaksyon ng mukha ni papa nang malaman niya ang balita sa kapatid noon. It was so priceless. Ako ang saksi sa tinamong disappointment ng papa sa kapatid ko. My father looked at me in the eye and I met his stare. Nang-uuyam at hindi papatalo ang nakikita ko sa mga tingin nito. Pero lumihis ang tingin niya lagpas sa aking likuran. “Sir Arthuro, ito na po ang pinahahanap niyong importanteng gamit ni Sir, Osman.” Napalingon ako sa lalaking nagsalita. Nag-isang linya ang aking kilay. “I know you,” wika ko rito. Nakalimutan ko ang pangalan niya pero ang naaalala ko, isa siyang abogado at anak siya ng dating business partner ng papa. Isa narin pala siya sa mga tauhan ng papa. Nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang tingin ko sa hawak niya. Imposible! Paanong natagpuan ng mga ito ang camera ko na tinago ko pa sa isang pinaka-safe na lugar. “Damn it! How did you find that? f**k! Give it back to me!” Isang mapanganib na tingin ang ibinigay ko sa lalaki. Bahagyang tumango lamang ito sakin at walang pakialam na ibinalik nito ang atensiyon sa papa. “Sir, ito po ang pinakamahal na modelo ng camera ng anak niyo. Ayon sa research, ito po dapat ang gagamitin ng anak niyo sa gaganaping competition sa Paris ngunit pinalitan niya iyon ng isang lumang modelo ng camera. Limited edition rin po ang camera na ito at tatlo lang ang mayroon nito sa pilipina,” animong robot na pagbibigay nito ng impormasyon sa ama. I was mentally clenched my fist. What the hell! Paano nalaman ng mga ito ang impormasyon na iyon? Sariling pera ko ang ginamit para hindi ma-trace ng papa ang ginagawa ko. Kaya paano? Sh*t! Isang tao lang ang nasa isip ko! Humanda sa akin ang traydor na iyon! Pinagkatiwala ko sa aking kaibigan ang importanteng gamit ko ngunit nagawa niya akong traydorin! Wala na talagang mapag-kakatiwalaan ngayon sa mundo. “Good work, Atty. Steven Bonaobra. Basagin mo na.” Salat sa emosyong domina ng ama ko sa lalaking abogado. Umawang ang ibabang labi ko sa tinuran ni papa. “No. You're not serious, are you, dad?” kinapa ko ang pagbibiro sa tinig niya ngunit walang bakas na nagbibiro ito. Bakit ko nga ba tinanong pa kung seryoso ba ito? Simula pa lang naman ay capable na itong gumawa ng ganitong bagay na makakasakit sa akin. “I am, son. You know I'm serious. Joking is not my forte and I don't have time for that,” wika ni papa. “What do you want?” Naisa-tinig ko na ang pagsuko. Hindi ko gustong isaalang-alang ang camera sa kamay ng papa. May sentimental value ito sa akin. Bagama't alam ko na kung anong isasagot nito pero tinanong ko parin iyon. Iisang bagay lang naman ang rason kung bakit ginagawa ito ng papa. Lumawak ang ngiti ng papa sa ginawa kong pagsuko. “Matagal mo ng alam ang gusto ko, Osman. Walang iba kundi ang maging presidente sa kompanya nating ibinanduna ng suwail mong kapatid na si Eres. Be the president of our company, son. Kalimutan mo na ang pagkuha-kuha ng mga litratong wala namang kinalaman sa pagpapatakbo ng kompanya natin. Walang kwenta ang pangarap mo. Hindi 'yan gawain ng isang Montevista. Now, it's time for you to prove yourself to me, son. It's time.” Lintaya niya. Maganda sana pakinggan pero nakakagigil ang mga dahilan nito. Natural! Ako nalang naman ang natira sa mga anak niya kaya sino pa ba ang pagiiwanan nito ng kompanya? Tanggap ko naman ang kapalaran pero ang insultuhin niya ang pangarap ko'y napakasakit na. Kulang pa bang ipamukha niya na mapupunta lamang ang kompanya sakin sapagkat wala na siyang choice? Sa madaling salita, napipilitan lang ang papa sakin at hindi dahil sa bukal talaga sa kalooban nito. What a brute! “No,” matigas kong tugon. Nasa bawat kataga ang pinalidad sa pinili kong desisyon. Nakapagdesisyon na akong hindi tanggapin ang posisyon sa kompanya na dating pinamunuan ng kapatid ko. Masiyadong mataas ang pangarap ko para tumanggap lamang ng tira-tira mula sa kapatid. I didn't want to spend the rest of my life doing things for the company, na alam kong mawawala rin sakin oras na bumalik ang kapatid ko'ng si Eres. Hindi para sakin ang kompanya dahil nasa iba ang puso ko, sa isang bagay na sigurado akong hindi ko makakamit kapag tinanggap ko ang gusto niya. Hindi ako mag-paninipula rito. Hindi ko rin kailangang patunayan ang sarili ko dahil matagal ng tapos ang kabanata na iyon sa aking buhay. “Napakatigas talaga ng ulo mo, Osman. Sana kung gaano katigas 'yan, gano'n din katalino. Pinapadali ko na ang lahat para sayo. Para mapatunayan mo ang sarili mo sakin, but it seems wala kang pakialam roon,” anito at saka bumaling sa abogado. “Steven, Basagin mo na ang laruang yan. Iyong pinong pino para hindi na niya mapakinabangan ang basura na 'yan.” Tumanggo ang abogado bilang pagsunod “Yes, sir.”  Bullshit!  Gusto ko'ng basagin ang mukha ng abogado tulad ng pagsira nito sa camera ko gamit ang martilyo ngunit hindi niya magawa. Natulos ako sa kinatatayuan. Inaasahan ko na iyon pero mahirap pa rin makita na ang pinaka-importanteng bagay sayo ay sinisira lang ng gano'n. “You're a ruthless monster!” galit ko'ng bulyaw kay papa. Nais ko siyang sugurin at paulanan ng suntok, subalit nananaig pa rin ang pagiging anak ko. “Am I?” naka-ngisi ito habang pinanonood ang pagkasira ng camera at alam kong hindi lang dahil roon ang ngisi nito, kundi dahil narin sa pagkasira ng pangarap ko. Matigas akong nagpakawala ng hininga sa dib-dib. Pilit kong pinipigilan ang sarili na baka masaktan ko siya kapag nagpatuloy pa ito. Nakita ko ang kinalabasan ng camera, wasak at wala na sa dating porma. Nag-ipon muna ako ng hangin pabalik sa dib-dib bago muling nagsalita. “Ang bahay na ito ay isang impyerno. I don't wanna live here. Ayokong masunog dito kasama ka. Simula ngayon, wala na akong ama. You're just nothing to me but a ruthless monster.” Pahayag ko. Hindi ko siya nakitaan ng pag-daing. Mabuti na rin iyon, atlis hindi ako uusigin ng konsensya. “Hindi ba't ako dapat ang magsabi ng linyang 'yan Osman? Ano? Maglalayas ka rin tulad ng kapatid mo? Go on. Hindi kita pipigilan. Pero oras na lumabas ka sa pintuan na 'yan, wag mo ng asahan na anak pa ang turing ko sayo. Si Eres lang ang anak ko. You're just nothing to me but a s**t. But a s**t, Osman.” Hell! That was painful! Hearing those directly from my father are painful. Sa kabila pala ng ginawa ni Eres sa papa ay anak parin ang turing nito sa aking kapatid. Inalis ko ang inggit na pumapasok sa kaibuturan. Napangiti ako ng mapakla. “Mabuti kung gano'n, sir.” Pinaka-diinan ko ang salitang 'sir'. “Take a good care of my mom. She's really important to me.” Seryosong saad ko bago pumihit patalikod kay papa. Bago ako tuluyang umalis, kailangan ko munang maningil ng kabayaran sa nasira kong camera. Ang siste, ganon-ganon na lamang iyon? Hinarap ko ang abogado. “Attorney Bonaobra, tama?” tanong sa kanya. Ngunit bago pa niya maibuka ang bibig sa pagsagot sanang gagawin ay binigyan ko ito ng suntok sa mukha na hindi niya makakalimutan. Napaupo ang abogado sa sahig, sapo ang isang mata. “What was that for?” Hindi makapaniwalang tanong niya. Kita ko ang sakit sa nagawang pagsuntok sa isang mata nito. I smiled lopsidedly “Nothing. It's just that, I don't like you.” Iyon lamang at naglakad na ako palabas ng mansiyon. Hindi na kailangan malaman kung ano ang reaksyon ng ama ko sa ginawang pagsapak sa abogado nito. Isang reaksiyon lang naman palagi ang ipinapakita niya sa akin. Disappointment. Paglabas ko nang tuluyan sa mansiyon, doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Lahat ng bikig kanina sa aking lalamunan ay unti-unting nawala at napalitan ng magaan na pakiramdam. I am finally free! Gusto ko'ng tapikin ang sarili sa nagawang desisyon para sa sarili. Umalis ako dala ang kotseng minamaneho ngayon sa isang masukal na kalsada. Kung saan malayo sa masalimuot na mansiyon ng aking pamilya. Para akong baliw na nakangiti habang nag-mamaneho. Madilim na at hindi alam kung anong lugar ang binabaybay ko. Bagamat batid ko namang nasa isang probinsiya na sakop parin naman ng Luzon ang aking tinatahak. Hindi ko lamang matukoy kung anong eksaktong lugar ang kinalalagyan. Wala naman kasing GPS ang sasakyan ko. Hindi ko pa napapalitan iyon ng bagong model sapagkat naging abala ako masiyado sa pagpa-planong tumakas papuntang Paris. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa tabi ng drivers seat. Sinipat ko iyon at sinagot nang makitang si Alona ang tumatawag. “Hello, babe,” masayang sabi ko sa linya. “Oh, God! Mabuti at sinagot mo! Do you know how much I worried about you, Osman? Ang sama sama mo! Lagi mo nalang akong pinagaalala! Your mom was called me up, umiiyak siya habang sinasabi niyang lumayas ka daw sa mansiyon without informing her, pagkatapos niyong magtalo ni Tito Arthuro. Are you okay? Did he hurt you? Tell me, nasaan ka ba?” Bakas sa tinig ng babaeng espesyal ang pagaalala para sa akin. Halata rin na naiiyak na ito dahil dinig ko ang mahinang paghikbi niya. Ang kaninang ngiti ko ay mas lalo pang lumapad. I like this special girl so much. Para akong highschool student na sinagot ng nililigawan sa klase ng pag-kakangiti ko. Alam ko'ng may gusto rin si Alona sakin. Hindi lang niya masabi dahil nahihiya ito. Kung sakali mang tama ang kalkulasyon ko, sa nararamdaman nito, hindi naman ito magsisisi dahil sasaluhin ko naman ito at hindi sasaktan. Bata pa lamang kami ay ito na ang karamay ko sa lahat bukod sa dalawang pinsan ko. Kaya nga siguro nakasungkit ito ng espasyo sa puso ko. “Oh, Alona, stop crying, babe. I have a good news for you. Finally, I got my freedom. Ang sarap makawala sa kuko ni, dad. I'm independent now!” humalakhak ako. “You jerk! I'm not crying!” tanggi niya ngunit halata naman sa boses na parang sinisipon “Wala akong paki sa sinasabi mong kalayaan ngayon. Dahi masaya ako para sayo, babe. Pero sabihin mo muna kung nasaan ka. Kapag hindi mo sinabi, iiyak na talaga ako. May matutuluyan ka ba? Kung gusto mo dito ka muna sa condo.” Pag-aalok niya. “I dunno either. Ang alam ko lang, nasa earth parin ako.” Pag-bibiro ko naman. “Nakakaasar ka naman, Montevista! Hindi oras ngayon ng pagbibiro. Nasan ka nga kasi?” Parang batang maktol niya sakin. “Ok. Kidding aside, hindi ko rin alam kung nasaan ako—“ hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla na lamang may mabanggang malaking bulto dahilan upang madiininan ko ang pag-apak sa preno. Oh s**t! Piping usal ko. Mukhang nakasagasa pa ata ako ng tao. “Osman? Are you still there? Hey! Anong nangyari?” untag ni Alona mula sa kabilang linya. “Wait, Alona, there something happen. Tatawagan nalang kita. Bye.” Hindi ko na pinagsalita ito at agad na ini-off ang cellphone. Pinatay ko muna ang engine at tarantang bumaba ng kotse upang tingnan kung tao nga ba ang nasagasaan ko. I didn't want to be an instant murderer. Kasisimula ko pa nga lang sa paglasap ng aking goddamn freedom ay makukulong na kaagad ako? Binundol ng kaba ang dib-dib ko pagkatapos makumpirmang tao nga ang aking nabangga. Isang lalaking walang malay ang nakahandusay sa kalsada. Madali kong nilapitan ang lalaki at hinawakan sa braso upang bitbitin at dalhin sa ospital. Ramdam ko namang buhay pa ito dahil rinig ko ang paghinga nito. Ngunit nabigla ako nang gumalawa ang braso nito pagkatapos ay pumulupot sa leeg ko. May i-tinutok rin itong patalim sa akin. Napalunok ako. Hindi siya nakagalaw. Nagpauto ako sa modus ng lalaki. Hindi nga ako ang makakapatay ngunit ako naman ata ang mapapatay. “Holdap to! Ibigay mo sakin ang susi ng kotse mo,” ani Holdaper. Naamoy ko ang masangsang na amoy ng alak mula sa hininga nito. Gusto ko'ng ma-duwal ng wala sa oras. “W-wala sakin. Nasa loob ng kotse.” utal ko. “Halika. Kilala akong mamatay tao, kaya 'wag kang magtatangkang pumalag sakin kung ayaw mong tumarak sa litid mo ang patalim na ito.” “O-oo sige.” Sunod-sunod ang ginawa ko'ng pag-tango. Iginiya ako nito sa aking kotse habang nasa leeg ko parin nakatutok na patalim. “Buksan mo bilis,” utos ng holdaper at itinulak ako sa pinto ng kotse. Nakataas ang isang kamay ko pahiwatig na wala akong kahit anong gagawing pagpalag dito. Ang isang kamay ko naman ay siyang gamit sa pagbukas ng pinto ng kotse. “Kunin mo.” Muling utos nito at napatango naman ako. Ipinasok ko ang kalahating katawan upang kunin ang susi nang mahagip ng mata ko ang baseball bat na parating baon saan man ako pumunta. Napangisi ako. Tumingin muna ako sa holdaper upang malaman kung nakatingin ito sa akin. Napangisi akong lalo dahil abala ito sa paglinga linga sa paligid, waring nagbabantay kung may dadaang kotse sa pwesto namin. Kapag nangyari kasi iyon, mapupurnada ang plano nitong panghoholdap sa akin. Walang tumpik na kinuha ko ang baseball bat. Inilabas ko ang katawan mula sa kotse at ubod lakas na hinampas ang holdaper sa balikat. Napaatras ito sa kabiglaan habang iniinda ang sakit dala ng paghampas ko. Napahawak rin ito sa balikat at hindi sinasadyang tumalsik sa malayo ang patalim. Mukhang nabasa nito ang tinatakbo ng isip ko dahil mag-kasabay kaming tumakbo papunta sa kinalalagyan ng kutsilyo. Napamaang ako dahil mabilis nitong nakuha ang patalim. Parang hindi man lang tinablan ng kahoy ang katawan nito. Tila naging isa itong halimaw habang nanlilisik ang mga matang sinugod ako. Iwinasiwas nito ang patalim sa akin. Mabuti na lamang at nakaatras ako. Isang beses nitong ginawa ang pag-amba ng sasak sakin ngunit mapalad ako at muling nakaatras. Hanggang sa tumama ang likuran ko ang harapan ng kotse. s**t! Nakorner ako! Nasa harapan ko na ang holdaper. Hindi na ako nakailag nang saksakin ako nito sa balikat. Impit akong napahiyaw sa labis na sakit. Iyon lang ang kaya ko'ng ibigay na deskripsyon sa sakit na nararamdaman. Masiyadong malaki ang katawan nito, katulad sa katawan ng bodyguards ni papa. Samantalang ako, sapat lang. Iyong tipong katawang kinukuha para mag-model ng kung ano-anong magazines. Wala akong alam sa martial arts o sa kahit anumang pang self-defense. Ngayon, ko gustong pagsisihan kung bakit hindi ko naisip mag-aral miski isa lang niyon. Para lang tuloy akong laruan na patuloy sinasaksak ng holdaper sa balikat. I was hopeless in my situation. Pomormang 'O' ang aking bibig nang bigyan ako nito ng uppercut sa sikmura. That was hurt! Lahat ng kinain ko noong isang araw at kahapon, pati narin kanina ay parang gustong mag-unahang lumabas mula sa bibig ko. Wala man lang akong kapalag palag. Napakalas nito sa puntong hindi ko man lang magawang makapuntos rito ng suntok. Sunod akong sinaksak nito sa aking tagiliran. Napatingala nalang ako sa langit na noo'y walang kahit isang bituin. Senyales na sigurong walang taong magaabala para tulungan ako. Ito na ba ang katapusan ko? Kung gano'n, sigurado na ang pagkapanalo ng aking ama. Isa nga akong talunan. Lantang gulay akong dumausdos paupo habang nakatingala parin sa langit. Dama ko ang walang patid na pagsirit ng dugo sa aking tagiliran. Diyos ko! Mahinang sambit ko at napapikit. Lahat ng ala-ala ko noong kabataan ay biglang nanariwa. Bawat senaryo, bawat sakit, lahat ay nanumbalik. Ang pakikitungo sa akin ng papa. Ang inggit sa kapatid ko na si Eres. Ang imahe ng aking ina. Ang ate ko'ng naglayas. At si Alona, ang babaeng balak ko pa sanang pakasalan sa hinaharap kaso mukhang malabo na. Dito na magtatapos ang lahat. Napakadali naman. Masiyado atang mapapaaga. “Gago ka! Kahit tawagin mo pa ang lahat ng santo, walang magliligtas sayo!” sigaw ng holdaper pagkatapos ay kinaladkad ako papunta sa gitna ng kalsada. Sinipa niya ako sa tiyan bago iniwang nakalumpasay roon. Napaka-miserable ng kalagayan ko. Kung nakikita lamang siguro ako ng papa, siguradong napupuno ng halakhak ang bawat sulok ng mansiyon. Nabanaag ko pa ang pagpasok ng holdaper sa kotse. Pinilit ko pang tumayo sa abot ng aking makakaya. Nagawa ko iyon subalit para na lamang akong damit na isinampay sa alambre, walang lakas at sobrang nanghihina. Tumunog ang engine at malinaw sa aking balintataw ang pagandar ng kotse patungo sa aking dereksyon. Nais akong sagasaan ng holdaper! Mabilis ang bawat pangyayari. Nakita ko nalang ang sariling nakalumpasay sa gilid ng kalsada at tanaw-tanaw ang humaharurot ang tangang kotse paalis ng lugar. Mabigat na ang bawat paghinga ko. Hanggang sa unti unting sinakop ng dilim ang buo ko'ng kamalayan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook