bc

Stripped

book_age18+
21.6K
FOLLOW
112.7K
READ
billionaire
possessive
forced
pregnant
dominant
manipulative
goodgirl
powerful
CEO
drama
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Vera na ilag sa mga lalaki. Pero hindi niya akalain na darating ang panahon na titira siya kasama ang isang mayaman, makisig at magandang lalaki na si Caleb Lewis. Ang lalaking napagkamalan siyang nobya nito na umalis para sumama sa ibang lalaki.

Nakita niya ang determinasyon kay Caleb na akitin siya.

Mapagtagumpayan kaya ito ng binata?

Madadala kaya si Vera sa temptasyon ni Caleb?

Magagawa kaya niyang makaalis o gugustuhin na lang niya manatili dahil nasaksihan niya kung gaano pala kasarap magmahal ang isang Caleb Lewis?

Hahayaan na lang din kaya niya ang binata sa maling paniniwala nito at magpapanggap na lang na siya ang nobya ng binata?

chap-preview
Free preview
SIMULA
MADILIM at tanging ingay mula sa sasakyan ang aking naririnig. Kalalabas ko lang mula sa trabaho ng kunin ako ng hindi ko kilalang tao. Tinakpan niya ang aking ilong at bibig. Pilit na kumakawala ngunit hindi ako nagtagumpay. Dalawa lang ang malinaw sa akin. May suot siyang relo na ang tatak ay Patek. Ang boses niya ay malalim at magaspang. Pero hindi ko maintindihan kung bakit sa kabila ng ginawa nito ay may kakaibang dulot sa sistema ko ang boses niya. Nahilo at nakatulog ako pagtapos ng ilang segundo na maamoy ang panyo na pinantakip niya sa ilong ko. Nagising ako na ang aking mga mata ay nakapiring at nasa biyahe pa rin. Makurba ang daan dahil panay ang gilid at liko ng sasakyan. Bigla ng umatake ang kaba at takot sa aking katawan. “S-sino ka?! A-anong gagawin mo sa’kin?!” Nanginginig na ako at nagsimula ng umiyak habang pilit na kumakawala sa pagkakatali ng aking kamay at paa. Sa sobra kalikutan ko ay napasubsob ako sa gilid. Tumama ang ulo ko sa bintana ng sasakyan. Dumaing ako sa sakit. Narinig ko ang pagmumura ng driver. Huminto ang sasakyan. Umiiyak ako habang pilit na bumabalik sa pagka-upo. Pakiramdam ko pulang-pula ang kamay at paa ko dahil kanina pa ako pilit na kumakawala doon. “Holy crap!” Narinig ko ang pagbagsak ng pinto ng sasakyan at ang pagbukas ng pinto. Kumislot ako ng hinawakan niya ang kamay ko at bewang. Nagwawala ako at nagtititili dahil takot na mahawakan niya. Baka anong gawin sa akin. “Stop moving!” Ramdam ko ang iritasyon niya ng sabihin iyon. Binitawan niya ako agad ng mai-ayos ng upo. Medyo nakahinga ako ng maluwag na pinaayaan niya ako. Hingal na hingal ako dahil sa pinag-gagawa. Malakas na isinara nito ang pinto at mukhang bumalik sa driver’s seat. Tahimik akong umiiyak. Mabilis akong napagod sa pagsigaw ko kanina. Nawalan ako ng lakas. “You’re hurting yourself. Stop crying, Aloe!” aniya. Natigilan ako sa narinig. Aloe? Tama ba ang narinig ko? Kilala niya si Aloe! Kung ganoon sino siya sa buhay ni Aloe? “Si-sino ka ba?! Hindi nga kita kilala! Hindi ako si Al—” “Cut that bull s**t! You really love acting, huh?” “Hindi nga ako si Al—” “Ugh! Aray!” Napasubsob ako sa unahan dahil sa biglang pagpreno niya. “Stop talking! I don’t want to hear any lies from you! Kung ayaw mong sagarin ang pasensya ko at busalan kita diyan. Huwag kang magsalita at manahimik ka sa upuan mo!” Kasunod niyon ay ang malulutong na mura nito at ang dinig kong paghampas niya sa manibela. Natakot ako sa kanya. Iyong boses niya ay nakakapagpatayo ng balahibo ko. Nanahimik ako sa aking pwesto pero patuloy ang agos ng aking luha. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal ang biyahe namin. Basta ang alam ko lang tatlong beses na kong nakatulog at nagising pero nasa biyahe pa rin kami. Sa bawat gising ko ay umiiyak pa rin ako at hindi nakakaligtas sa pandinig ng estranghero ang aking mga hikbi. Sa iritasyon niya ay binuksan nito ang stereo at nagpatugtog para lang hindi marinig ang boses ko. Nilakasan niya iyon. “H-hinahanap... na ko ng M-mama ko... I-iba—lik mo... na k-ko sa a-amin...” sabi ko sa pagitan ng bawat paghikbi. Ngunit hindi niya narinig dahil sa sobrang lakas ng stereo. Sumandal ako sa upuan at tahimik na nagdadasal. Natatakot ako na baka anong gawin niya sa akin. Natatakot ako na baka saktan niya ako. Gahasain pagkatapos ay itapon. Ang malinaw lang sa akin. Kilala niya si Aloe at napagkamalan niya pa itong ako. Ano bang ginawa ni Aloe at galit na galit ang lalaking ito sa kanya? Hindi naniniwala kahit sinabi ko ng hindi naman ako iyon. Nakatulugan ko ang isiping iyon. Nagising ako na nakahinto na ang sasakyan. Nagpalinga-linga ako na parang akala mo naman ay may nakikita. Inatake na naman ako ng kaba. Takot ako na baka nagsisinungaling lang siya. Baka katapusan ko na. Kumalabog ang puso ko ng buksan nito ang pinto sa banda ko. Pumasok ang lamig ng hangin. Naamoy ko ang mga puno. Nasaan kami? Pakiramdam ko ay sobrang layo namin sa sibilisasyon. “Get out.” Nanatili ako sa aking pwesto. Hindi gumagalaw. Ayokong bumaba. Takot na takot ako. Nanginginig na ko sa takot. Basang-basa na din ang piring sa aking mata. Dagdag na nilalamig na din ako dahil sa ihip ng hangin. Baka itatapon niya ako sa bangin? Napalunok ako at tahimik na umiiyak. “Get out, Aloe!” Napakislot ako sa lakas ng boses niya. Napatili ako ng sapilitan niya akong ibinaba doon. Wala akong magawa dahil nakatali ang aking kamay at paa. “Iuwi mo na ko sa amin! Hindi naman kita ki—” “Shut the f**k up! Hindi mo na mabibilog ang ulo ko!” Tumili ako ng malakas ng umangat ang paa ko mula sa sahig. Binuhat niya ako at sinampa sa kanyang balikat. Panay ang kawag ko pero hindi sapat iyon para masaktan ko siya. Mukhang malaking tao siya dahil ramdam ko ang muscles niya sa balikat at likod. “Dios ko! Ayoko pang mamatay! Parang awa mo na!” Nag-iiyak at nagmamakaawa na ako sa kanya. Hindi pa ko handang mamatay! Andami ko pang pangarap para samin ng Mama ko! Nagtitili ako at wala na kong pakialam kung magalit siya sa akin. Baka may makarinig sa amin. Mas okay iyon. Makakuha ako ng atensyon at may tutulong sa akin. Kabadong-kabado ako lalo na ng naglalakad na kami. Sobrang lamig! Kahit pala hindi umihip ang hangin mangangatog ang tuhod mo sa lamig! Ber months na pero ang ganito kalamig ay sa bandang taas ng pa-norte! Nasaan kami? Wala naman akong naririnig na tubig. Iniisip ko baka itapon niya ako sa dagat. Pero naamoy ko ang mga puno. Kaya muling nabuo ang kumpiyansa sa akin na wala kami sa dagat. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang pagbukas ng pinto. Natigilan ako sa pagkawag. Hindi niya ako itatapon sa bangin! Pero anong gagawin niya sa akin? Baka gagahasain niya ako at dito papatayin! Si Aloe naman talaga ang dapat na andito sa posisyon ko! Hindi ako! Narinig ko ang mga yabag niya na hindi ko alam kung saan kami pupunta. Bumukas muli ang pinto. Tumili akong pagkalakas-lakas ng walang pasabing binagsak niya ako sa malambot na kutson. Mabilis akong umahon at tumama sa matigas na dibdib nito. Muntik pa kong mawalan ng balanse kaya hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para pigilan ako. Malakas kong piniksi ang aking balikat dahil sa galit. “Pakawalan mo na ko! Uuwi na ko sa amin! Parang awa mo na...” Yumuko ako at umiiyak. “NO,” mariin at buo. Walang balak na pauwiin ako. Mas pumalahaw na ko ng iyak. Napatili ako ng tinulak niya ako kaya napahiga sa kama. Hindi ko na magawang umahon dahil sa panghihina. Naramdaman ko ang pagsampa nito sa kama. Agad ang pagpanic sa aking mukha at katawan. Sunod-sunod ang pag-iling ko. Natatakot sa susunod nitong gagawin. “A-anong... g-gagawin mo?” bakas sa boses ko ang takot. Napapikit ako ng mariin ng hinatak nito pataas ang aking piring. Sinubukan kong dumilat pero dahil matagal na nasanay ang aking mata sa dilim ay nasilaw ako kahit hindi naman ganoon kaliwanag sa kwarto. Oo, nasa kwarto dahil nakita ko ang relo na naka-display sa dingding at ang balikat ng lalaking estranghero na nasa ibabaw ko. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Ngayon naman natatakot akong dumilat. “Open your fuckin’ eyes, Aloe!” walang pasensya nitong utos sa akin. Ramdam ko ang mainit na hininga niya sa aking kanang pisngi. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang matang kasing kulay ng karagatang malalim. Madilim, malalim at mapanganib. Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Tumambad sa akin ang matang kasing kulay ng karagatang malalim. Madilim, malalim at mapanganib.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.5K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
171.3K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
64.3K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.5K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
48.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook