bc

The Last Premonition

book_age16+
29
FOLLOW
1K
READ
mystery
like
intro-logo
Blurb

As the sunset in the evening sky. Emma Smith slowly turned and walked toward her home. All was silent and still. Not far away, she could sense the imminent danger that may mess up her life. The future, the unfortunate event, chaotic fate is at stake. Everything became gloomy. A question will remain in her mind. Will she fight or just give up? In the playful destiny.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Maalinsangan ang panahon sa labas ngunit hindi ito ang naging dahilan upang mapigilan ang mga batang gaya ko sa paglalaro. Hindi ko alam pero naiinggit ako sa ginagawa nila. Halata sa mukha nila ang saya habang abala sa paghahabulan at tawanan, bagay na ni minsan ay hindi ko man lang naranasan sa kamay ng mga magulang ko. Normal naman siguro sa isang bata ang maiinggit sa kapwa niya bata, di ba? Oo. Normal iyon. Normal rin naman ang pagsasama ng mga magulang ko. Normal naman kami. O baka ako lang siguro ang may choice na mamuhay ng payapa at lumayo sa pakikipag-socialize sa iba. Patuloy lang sila sa pakikipaghabulan at tayaan habang ako naman ay nagpatuloy na nakatitig sa kanila. Ramdam ko ang paghaplos ng hangin sa pisngi ko habang nakapangalumbaba sa nakabukas na bintana at abala sa lihim na pang iinggit sa sarili. Kung tutuusin ay pwede naman akong makipaglaro, papayagan naman ako kung gugustuhin ko. Ako lang naman yata ang mapili sa mga taong pakikisamahan ko. Kaya minsan ay hindi ko rin naman naisip na isisi sa mga magulang ko ang bagay na ito dahil alam ko namang labas sila sa desisyon ko sa buhay, pwera lang ngayon na sila muna ang bahala dahil masyado pa akong bata para magdesisyon sa sarili ko. "Taya ka!" Rinig kong tawa ng batang lalaki na mas malaki sa mga kalaro niya. Patuloy sila sa asaran at takbuhan hanggang sa muli nanaman silang naghanap ng kanya kanyang pwesto na pagtataguan.  Napabuntong hininga na lang ako sa kinatatayuan ko at patuloy sa pagmamasid. Bakas sa mukha nila ang pinaghalong saya marahil siguro dahil magkakasama sila, maging ang tuwa ay nakita kong nag flash sa labi ng isa't isa. Hindi rin nakalagpas sa tingin ko ang mukha ng iba sa kanila na tila ba nine-nerbiyos at natatakot na baka mahuli sila. May karampatang parusa kasi ang kung sino mang matalo sa latong pinagpustahan nila. Kita ko ang pag iyak ng isa sa pwesto niya sa likod ng puno dahil tiyak kong siya ang pangalawa sa mga batang mahuhuli ng batang palapit na sa gawi niya ngayon. "Boom, taya ka!" Sigaw ng batang lalaki na nagpa iyak sa kanya. "Madaya ka! Ayoko na nga!" Patuloy niya sa hagulgol dahilan unti unting maglabasan ang kapwa nila kalaro. Nakangiwi ko silang pinagmasdan isa isa na abala na sa pagtawa habang pilit na inaasar ang umiiyak na ngayon ay nakaluhod na sa damuhan. Open space ang bahay namin kaya namna kung sino man ang pwedeng makapasok sa bakuran ay wala naman mga problema sa mga magulang ko, pwera na lang kug mga matatanda at nukha ng magnanakaw ang mga makakapasok. Natutuwa nga sila kapag nakakakita ng mga batang naghahabulan sa harap ng bakuran namin. Oo, sila rin ang dahilan kung bakit minsan ay nahihiya akong makipag kaibigan sa kanila. Ewan ko ba. Sila naman ang unang lumalapit, ako lang naman yata ang hindi approachable kaya naman walang naglalakas ng loob na lumapit sakin, pwera na lang rin kung isang dosena silang babati at maglalakas ng loob na kausapin ako. Minsan nga ay nakakatanggap ako ng mga invitation cards tungkol sa mga birthday nila na gaganapin sa mga sariling bahay pero.. ako lang yata itong maswerteng binibigyan ng private invitation cards na hindi man lang nagpapakita o umaattend man lang sa celebrant. Celebrity ka, Girl? Nice ah? Halos mapatalon ako sa kinauupuan sa hawakan ng sofa at abala sa pagmamasid sa mga bata sa labas nang marinig ko ang mga yapak ng flat shoes ni Mama na papalapit sa gawi ko. Ang mga yapak na lang niya yata ang nagbibigay sa'kin ng takot. Although close kamin ni Mama at sobrang sweet niya sa'kin sa lahat ng oras sa tuwing maglalaan siya ng oras saming dalawa. Hindi ko alam pero swerte ako sa kanya at mukha namang swerte rin naman siya sa'kin.. kahit na alam kong medyo palyado ang mga reasons ko sa buhay.. pero sige.. Lolokohin ko myna ang sarili ko sa ngayon. "Naghihintay na ang Daddy mo sa labas, Anak. Tara na." Matiwasay niyang ngiti sabay lahad ng palad niyang alam kong hindi ganoon ang kulay ng normal na palad. Mabilis akong tumayo sa pagkakaupo at mabilis na pinagpag ang puting dress. Siya na rin ang nag ayos ng puting bulaklak na inilagay sa puno ng tenga ko na alam kong napalabas pa ng mala anghel na features sa mukha ko. "Ang ganda talaga ng anak ko. Mana sa Mommy niya." Ngiti niya na tipid kong nginitian. Mama ang tawag ko sa kanya habang Daddy naman ang tawag ko sa Daddy ko. Hindi ko alam kung bakit magkaiba pero siguro, normal naman iyon hindi ba? At hindi ko rin alam kung bakit panay siya sa pag banggit ng Mommy kahit na alam niya namang Mama ang tawag ko sa kanya. Magkahawak kamay kaming lumabas at nagtungo sa kotse kung saan naghihintay sa labas si Daddy. Mabilis akong nagtungo sa kanya na ikinatawa niya bago ako niyakap. Para bang kung makayakap kami sa isa't isa ay para bang matagal na panahon na kaming hindi nagkikita. Isang ngiti ang pinakawalan ni Daddy kay Mama bago siya nagpatiuna sa pagsakay ng kotse. Dahil nga sa ako ang bata, ako ang hinayaan niyang pumanhik sa backseat habang si Mama naman ang sumakay sa front seat kung saan magkatabi silang dalawa. Habang iminamaobra ni Daddy ang kotse ay panay ang sulyap ko sa mga batang abala pa rin sa paglalaro at tila ba nakalimutan na ang naging away nila kanina. "Magkikita nga pala tayong tatlo nila Sharon sa simbahan mamaya, Gwy." Rinig kong sambit ni Daddy. "Maganda 'yan para makita niya na ng personal si Faience." Sagot ni Mama na hindi ko na pinansin. Isa sa mga reasons kung bakit nai-spoiled ang mga bata sa maraming bagay? Hinahayaang sumabat sa usapan ng mga matatandang alam naman nilang hindi sila kasali sa usapan. Hindi mo kailangang makisabat sa usapan ng matatanda, at 'yan ang turo ni Mama na hindi ko makakalimutan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.6M
bc

Her Forbidden Mate

read
17.5K
bc

Wolfe's Blind Moon

read
77.2K
bc

Descendants Of The Moon Goddess

read
93.8K
bc

Revenge On The Rejected Alpha

read
13.7K
bc

The Fake Omega and Her Quintuplet Mates

read
7.7K
bc

The Betrayed Luna's Second Chance

read
52.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook