bc

NINONG III

book_age18+
27.1K
FOLLOW
389.0K
READ
BDSM
dark
sex
submissive
self-improved
twisted
bxb
twink
like
intro-logo
Blurb

Gagawin mo ang lahat para kay Ninong...

Ang Huling Yugto!

#ErwinGalvez #HenryCabral #NicholasSaaavedra #RowellSalandanan #BarboBalarao #StevenFuasan #IkatlongYugto

#PinoyM2M #PinoyBxB #PinoyBL #Homoerotica #iamkenth #MadamK

chap-preview
Free preview
KABANATA CLIX
"NINONG III ®" ni Madam K/iamkenth   **********   This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.   Contains explicit/s****l contents, inappropriate use of words/language, drugs, violence, homoerotical scenes that may be found offensive to readers. Read it at your own risk. R15+   BE SAFE. Do Not Use/Practice Drugs.   *********************     [[ IKATLONG KABANATA ]]   1:23 AM  “…AKO ang nagsabi kay Crisanto na lasunin si Bal dahil alam kong maraming sinasabi sa kaniya si Henry at para masolo na rin niya si bakla… Ako rin ang nagsabi kay Caparaz tungkol sa pagkatao ni Henry.” “Ikaw din ang nagpaniwala kay Henry na siya talaga ang kailangan ng Sindikato kahit hindi naman Papa… Ginawa mo iyon dahil ginahasa mo ang anak ng isa pang Sindikato. Naalala kong sinabi mo ikaw ang pinagiinitan  nila dahil nga doon sa nagawa mo---kaya nakipagkasundo ka sa kanila na para makabawi ka, ibibigay mo ang anak mo---at ako nga iyon, pero dahil sa wala kang balak ibigay ako---nag-isip ka ng ibang paraang para meron kang mabigay na ibang bata… iyon ang anak ni Henry. Para magawa mo iyon, kailangan mo munang mabura sa mundo si Henry…at si Bal dahil marami siyang nalalaman.” “Ganoon kita kamahal anak…. Noon.” “Anong sinasabi niyang anak ni Henry? Si Niel? Namatay siya ‘di ba?” “Hindi siya namatay pre. Kinuha ko siya at binigay ko kay Ramos. Buong akala ni Caparaz, hinahanap pa rin ni Ramos ang anak ko, siguro dahil nakarating din sa kanila iyong kagaguhan ko kay Ramos. Matagal ko nang nilinis ang gusot ko sa Sindikato kaya nga natatawa ako noong sinabi ni pareng Barbo na hinahanap ulit Erwin… at binabalikan daw kayo. Matagal ng walang pakialam sa atin si Ramos. Kinalimutan na niya tayo. At ngayon---dinamay niyo na naman ang anak ko. Na nanahimik sa bahay ko. At ngayon balak siyang patayin ni gagong Caparaz dahil sa perang binigay sa kaniya ni Tony Boy.”   “Pwede ko bang kausapin ang anak ko… mag-isa.” “Pakiusap pre, pakiusapan mo ang anak mo.” “Akong bahala sa batang ‘to.”   Lumabas na si Tito---at sinarado ni Papa ang pintuan. “Papatayin ka nila anak.” “Papayag ka ba, Pa?” “Syempre hindi… dahil ako ang papatay sa iyo. Gusto kong makita ang magiging reaksyon ng mukha mo habang unti-unti ka nang binabawian ng buhay mula sa mga kamay ko… pero hindi pa ngayon, hindi pa ako nagsasawa sa iyo. Paglalaruan pa kita, anak.” “Sa tono ng pananalita mo Pa, tanggap ko na, na hinding-hindi mo ako matatanggap kung ano ako---kung bakit ako ganito. Pero pwede po ba tayong maging magkakampi muna ngayon Pa…. kahit ngayon lang?” “Magkakampi naman talaga tayo anak… may tiwala ka ba sa akin? Hindi ko dapat tinatanong---kailangan mong magtiwala sa akin kung gusto mong ako ang papatay sa iyo at hindi kung sinong gago lang. Dugo’t laman kita, sa akin… sa akin lang, bata.” “Gusto kong malaman ang balak mo Pa, ayaw ko nang nangangapa ako. Sawa na ako sa mga bagay na patuloy na inililihim sa akin.” “Nagkausap na kami ng Ninong mo…” “Ninong?” “Steven.”   Napayuko ako---tumunghod siya sa harapan ko. Hinawakan niya ang baba ko at inangat niyang muli ang mukha ko parahap sa kaniyang madilim at napakatapang na itsura---hindi kami magkamukha ng Papa ko, hindi ang itsurang iyang ang nakikita ko sa tuwing tumitingin ako sa salamin. Hindi isang imahe ng mabagsik na demonyo ang nakikita ko. Makasalanan ako, oo, tanggap ko iyon, pero hindi ako kailanman magiging demonyon kagaya mo… papa. “Makinig ka sa aking maigi…” Ang mga mata niya’y sinusundan ang bawat pagkilos ng aking mukha. Pinagmamasdan niya ang dungis at pagkahapo na makikita sa aking itsura. “Wala naman akong pagpipilian kung ‘di ang makinig sa iyo.” Bahagyang gumuhit ang ngisi sa kaniyang mga labi. Hinaplos niya ang pisngi ko, damang-dama ko kaniyan palad ang katigasan at kagaspangan nito. At kahit na hindi ko ipikit ang mga mata ko, bumabalik sa aking alaala kung paano niya ako saktan gamit ang kaniyang palad. Iniwas ko ang aking mukha, “…makikinig ako sa kung anong plano mo basta ipangako mo sa akin na… ililigtas mo rin si Noel, iyong batang kinuha nila.” Sa naging reaksyon ng mukha niya, bakas na hindi niya kilala ang sinasabi kong bata. “Ikaw lang ang inaalala ko rito anak.” “Kung hindi mo siya ililigtas, hindi ko gagawin ang gusto mo.” “Kasasabi mo lang na wala kang pagpipilian… pero okay, sige. Kung sino man ang batang iyon.” Kinapitan niya ang mga tuhod ko, “…sa oras na makaalis tayo rito, kukunin ka ng Ninong Steven mo. Sasama ka sa kaniya.” “Ha? Bakit sa kaniya ako sasama?” “Bakit ano bang nasa isipan mo? Na iuuwi kita sa bahay. Ikukulong at pahihirapan?” Hindi ko maitatanggi na ganoon ang nasa isipan ko talaga. “Ganoon din naman ang gagawin sa akin ng kumpare mo ‘di ba? Wala siyang pinagkaiba sa iyo, Pa. Halos napaniwala niya akong mabuti siyang tao pero dinala niya pa rin ako sa iyo.” “Hindi mo pa kilala ang Ninong Steven mo. Noong kinuha ka sa amin ni pareng Barbo, nagkausap kaming dalawa. Gusto ka raw niyang alagaan---” “Ha? Ba-bakit… gusto niya ba akong ilayo sa iyo?” “Hindi, para matanggap mo kung ano ka at kung para saan ka.” “Hindi kita naiintindihan, Pa.” “Maiintindihan mo rin pagdating ng panahon.” “Paano naman ako---tayo makakaalis dito?” “Tinawagan ko na si Niel. Humingi ako ng tulong sa kaniya. Paparating na rin naman siya. Pero dahil sa matatagalan pa siya---kailangan mo munang gawin ang sasabihin ko…” binitawan niya ang tuhod ko, at meron siyang kinuhang baril mula sa kaniyang likuran… kinasa niya ito… bumilis ang t***k ng puso ng itutok niya ito sa noo ko. damang-dama ko ang lamig ng labi ng bakal nito sa balat ng noo ko--- “…kailangan mong iputok ito sa sarili mo para isipin nilang patay ka.” Biglang kumunot ang noo ko---at dahan-dahan niyang inilalayo ang nguso ng baril sa noo ko at dahan-dahan niyang tinutok naman sa puso ko… at walang ano-anoy kinalabit niya ang gatilyo na nagpatulo ng luha ko. Walang bala ang baril. “…namatay ka ba?” Nakakalokong tanong niya---na kaagad naman akong umiling. Meron siyang kinuha sa bulsa niya… isang bala. “…wax bullet ang isang ‘to… pwede nating gamitin ito para dugain ang pagkamatay mo. Ibibigay ko sa iyo ito, at ito ang gagamitin mo para itutok sa sarili mo habang ako ang lilikha ng malakas na putok ng baril, sa’yo nakatuon ang lahat kaya hindi nila ako mapapansin. Kapag naramdaman mong dumikit ang wax sa balat mo, ibagsak mo na ang sarili mo at hayaan mo na akong tumapos ng lahat.” Inilagay niya ang bala sa magazine ng baril na hawak niya… at sinuksok na niya ulit sa likuran niya. “Hi-hindi ko maintindihan, Pa. Paano tayo hahantong sa punto na kailangan kung barilin ang sarili ko?” Makapanglitong tanong ko sa kaniya. “Kung hindi mo pipirmahan ang dokumentong hawak nila hindi ka na nila pipilitin pa pero alam ko ang karakas ni Caparaz, sisiguraduhin niyang pagsisisihan mo ang hindi pagpirma sa kapirasong papel na kailangan nila. Hindi ka niya papatayin pero---meron siyang ipapapatay sa iyo na pagsisisihan mo habangbuhay.” Hindi ko alam kung anong mararadaman ko o—magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Sino naman ang ipapatay sa akin ni Caparaz? Si--- Noel? “Kung sila ang papatay sa mga taong malapit sa iyo---magagalit ka lang sa kanila, pero kung ikaw ang papatay sa taong mahal mo… kanino ka magagalit? Sa kanila o sa sarili mo. Sa oras na bigyan ka ng baril, alam na rin naman nilang papatayin mo na lang din ang sarili mo. naiintindihan mo ba ang pinagkakasabi ko sa iyo? Walang bahid ng dungis ang kamay ni Caparaz. Sa huli, siya pa rin ang panalo sa inyong dalawa. Hindi niya makukuha ang gusto niya sa iyo? Kung iyan ang iisipin mo, diyan pa lang, talunan ka na---dahil ang makukuha niya ay ang buhay mo. Kung akala mong mautak ka na, nagkakamali ka bata.” “Pagkatapos nito---anong mangyayari sa akin Pa?” “Kagaya ng sinabi ko sa iyo, ang Ninong Steven mo na ang bahala sa iyo. Hindi kita kukunin sa kaniya, pero ibabalik ka niya sa akin.” “Sa madali’t sabi, ipapahiram mo ako sa demonyong iyon?” “Kung iyan ang pagkakaintindi mo. Bahala ka.” Sabi niya----at inilapit niya ang mukha niya sa aking kanang tainga, “…sa akin ka Erwin. Walang pwedeng magmay-ari sa iyo kung ‘di ako lang. Alam ko naman, nararamdaman ko pa rin---mahal na mahal mo pa rin ako… anak.” Hindi ko alam kung kikilabutan ako sa ibinulong niya pero tumulo ang luha mula sa aking mga mata, siguro nga---mahal ko pa rin siya. Dahil… kahit bali-baliktarin ang mundo, siya pa rin talaga ang…. Ama ko.   “KAHIT anong gawin nila---huwag na huwag mong pipirmahan ang dokumento. Wala silang ibang pagpipilian kundi gawin iyong sinabi ko sa iyo. Alam ko kung paano mag-isip ang mga gagong iyan. Kaya nga naisahan ko sila noon---at kung pinagpatuloy ko pa, baka---napabagsak ko na silang lahat ngayon.” Pansamantalang nawala ang takot ko sa kaniya. Inayos na niya ang pagkakatindig niya. “Pa, meron akong tanong…” “Ano iyon?” “Totoo bang anak ako ni Mama?” Napatingin siya sa akin. “Nagkita na ba kayo ng Ninong Fabio mo?” s**t. “Oo o hindi lang Papa. Kung magbabase ako sa kwento mo kanina, hindi ganoon kadali na pagbibigyan ka ni Ramos… ginahasa mo ang anak niya. Iyong binigay mo sa kaniya, inakala ba ni Ramos na… apo niya iyon?” “Anak kita. Sa akin ka. Sa akin lang.” “Anak ako ni mama. Dugo at laman ako ni Mama.” “Mahal ka ng mama mo bilang anak niya. Pero wala siyang magawa sa mga pinagagagawa ko sa iyo ‘di ba? Kasi---ako ang nagmamay-ari sa iyo.” Tumulo ang luha ko. Tinalikuran na ako ni Papa. At sinarado ang pintuan.        2:35 AM  “…PUWEDE bang ako na lang muna ang mauna….” “Kuya Erwin….” “Erwin!” Sabay na bulaslas ni Adam at Andrew. Tumingin ako kay Caparaz… “…Wala kayong mahihita sa akin…. Tandaan niyo iyan.” Itinutok ko ang dulo ng baril sa sintido ko---bago ko kalabitin ang gatilyo… tumingin pa ako kay Papa napansin ko na hawak-hawak na niya ang baril na lilikha ng isang malakas ng putok. “…paalam Pa.” Isang nakakabinging putok ang tila nagpasabog sa ulo ko ng maramdaman ko ang pagbulwak ng balang wax ang laman sa balat ng sintido ko. Dahil sa malakas na pagkakaputok---na nilikha ni Papa, kahit ako---napapaniwala ko ang sarili ko na sa baril na hawak ko nagmula ang malakas na putok na para bang damang-dama ko pa ang init ng hangin ng tingga na unti-unting pumapasok sa loob ng bunggo ko. Kagaya ng aming napag-usapan… sa oras na maramdaman ko ang wax sa balat ko, kailangan ko nang magkunware… pero sobrang dinadama ko ang sandaling ito---paano kung totoong bala ang laman ng baril na tinutok ko sa sintido ko? Unti-unti akong bumabagsak… at habang bumabagsak ako… mabilis na bumabalik sa isipan ko ang lahat ng mga masasayang nangyari sa akin… Nakikita ko silang lahat na nakangiti sa akin. Naging masaya naman pala ako… hindi ko lang napansin. Bumagsak ang katawan ko sa damuhan. Nararamdaman ko pa ang mga natitirang sandali ng buhay ko na kahit na alam kung palabas lang ito, naluha pa rin ako… naramdaman kong pilit akong niyuyogyog nila Adam, Andrew---at naririnig ko ang malakas na pag-iyak ni Noel na paulit-ulit na tinatawag ang pangalan ko. kahit sandali lang, gusto ko munang magpahinga at sana sa pagmulat ng mga mata ko… tapos na ang napakahabang bangungot na ito. Sa huling pagkakataon---nakita ko si Papa na binunot niya ang isa niya pang baril at harap-harapan niyang pinaputukan sa mukha si Tito na kaagad na bumagsak sa harapan ko. Kitang kita ko ang butas ng bala sa noo niya. Siguro, buhay pa rin siya… kagaya ko---inaalala niya pa ang mga masasayang alaala noong nabubuhay pa kami. Unti-unting napapikit na ako---hanggang sa pawang kadiliman na lang ang nakikita ko… isang walang katapusang… katahimikan.     10:58 AM    Dahan-dahan kong minumulat ang mata ko. Nararamdaman ko ang malambot na kama na kinahihigaan ko---at ang malambot na tela na nasuot sa aking katawan. Una kong nasilayan ay ang maputing kisame---at ang bawat sulok ng kwartong kinaruroonan ko. Meron isang malaking makina na meron monitor na nasa tabi ng kamang kinahihigaan ko. meron din mga nakatusok sa akin kamay… nandito ako sa kwarto ng isang hospital. “Tang ina, nagising ka pa.” Kaagad kong hinanap ang tila pamilyar na boses na narinig ko na hindi malayo sa kinahihigaan ko---lumapit ang lalaking ito sa akin. “Arjun…” napakaayos ng suot niya, mula sa tshirt niyang kulay puting hapit na hapit sa katawan niya at asul na pantalon. Parang bagong ligo lang din siya kasi basa pa ang buhok niya. “May sa pusa rin talaga ang buhay mo no? Kamusta ka?” Tanong niya----iniwas ko na muna ang mga mata ko sa kaniya, “…tatawagin ko lang ang doktor sabihin ko buhay ka na ulit.” Bigla kong hinawakan ang palad niya. “Nasaan sila pareng Adam? Andrew at Noel?... si Papa…” Bigla akong napaluha nang maalala ko si Mama, “…si Mama.” Natahimik sandali si Arjun, kinapitan niya ang palad kong nakahawak sa kaniya. “Hindi ko kilala iyong dalawa, pero si Adam. Lumabas lang, babalik din iyon. Dinalaw lang kita rito, nabalitaan ko ang nangyari sa iyo. Pupunta ako mamaya kanila Papa, sasabihin ko ang nangyari sa iyo.” “Si mama ko? Sabihin mo sa akin, kung nasaan si Mama.” “Hindi ko alam kung ako ang dapat magsabi sa iyo, pero wala na siya Erwin. Kahit si pareng Gerald… at iyong Tito mo.” Mabilis na tumulo ang mga luha ko---binangon niya ako at niyakap niya ako. Hindi siya nagsalita, hinayaan niya na lang akong umiyak muna. Sobrang sakit---ang akala kong bangungot lang, totoo pala ang lahat ng iyon. Pinatay ni Papa ni Mama! Sinabi niya sa akin, nararamdaman niyang mahal ko pa rin siya, pero ngayon---hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko para sa kaniya. Pagkatapos niyang patayin sa harapan ko si Mama… at si Tito Isagani. Hinihimas-himas ni Arjun ang likuran ko. Dahan-dahan akong lumayo kay Arjun. Pinunasan ko ang luha ko. “Itakas mo ako Arjun. Kukunin ako ng Ninong Steven ko. Pahihirapan niya lang din ako. Gaya ng ginawa sa akin ng papa ko. Pakiusap, tulungan ko ako…” kinapitan ko ang mga palad niya. Tumingin siya sa mukha ko. “Ang Ninong Steven mo ang nagdala sa iyo rito sabi sa akin ni pareng Adam.” “Hindi mo ako naiintindihan, papatayin din ako ni Ninong…” Biglang bumukas ang pintuan at kitang-kita ako ang pagpasok ng isa pang lalaking bukang bibig ko ngayon pa lang. Si Ninong Steven.   “BAKA mahuli ka sa trabaho mo Arjun. Ako nang bahala rito.” Kaswal na pagkakasabi ni Ninong Steven---hinawakan kong maigi ang palad ni Arjun. “Huwag mo akong iwanan…” Mahinang pagkakasabi ko sa kaniya. Tumingin siya sa akin. “Nasa labas lang ako.” Mahinang bulong niya sa akin. “Pakiusap, huwag mo akong iiwanan…” Pagmamakaawa ko sa kaniya. Dahan-dahan niyang inalis ang mga palad ko sa pagkakahawak ko sa kaniya. Bakit parang natatakot siya kay Ninong Steven? “Hindi kita iiwanan. Kahit saan ka magpunta, susundan kita. Pangako.” Sa unang pagkakataon, nakita ko ang malambing na mga ngiti sa labi niya. Tumingin siya kay Ninong, “…mauna na ako.” Wala pa rin siya karespeto-respeto magsalita na parang kaedaran niya lang ang kausap niya. Pagkalapit niya kay Ninong, hinawakan siya nito sa balikat--- “Kung makasalubong mo si Adam, sabihin mong umuwi na rin siya. Ilalabas ko na rin naman dito ang inaanak ko.” “Okay.” Sagot ni Arjun at tumango si Ninong. Hindi na ako nilingon pa ni Arjun at lumabas na siya. Lumapit sa akin si Ninong---kumuha siya ng upuan at pwumesto malapit sa kinahihigaan ko. Sinusubukan kong iwasan siya ng tingin—pero kada iwas ko ang amoy naman niya ang kumukuha ng atensyon ko. “Saan mo ako dadalhin?” “Akala ko sinabi na sa iyo ng Papa mo.” sagot niya----napatingin na ako sa kaniya. Sa tatlong Ninong ko, siya talaga ang natatatangi ang kagwapuhan. Napakaayos niyang manamit na mas lalong nagbibigay ng kakaibang dating sa kaniya. Napaka-casual lang din ng suot niya pero bagay na bagay sa kaniya. Mula sa puti na may halong malabong asul na polo niyang nakabukan ang unang dalawang botones na nagpapakita ng balat niya sa kaniyang hulmadong dibdib… nakatupi ito hanggang sa kaniyang mga braso kaya kapuna-puna ang tila mamahalin na suot niyang relong kulay ginto, kulay matingkad na asul na pantalon na meron kulay brown na balat na sinturon. Ang kaniyang itsura, para siyang modelo, parang artista. Walang parte ng mukha niya ang masasabi kong mali. Mula sa noo hanggang sa kaniyang baba. Magkasing itim ang kaniyang buhok, may kakapalan at kahabaan kilay at magandang tabas na balbas at bigote. Magandang mata na pwede kang hipnotismohin kung magtatagal kang tititig rito, brown na brown ang kaniyang mga mata na halos nakikita ko rin iyong pinakamaliit na kulay na itim sa pinakagitna nito. Matangos na ilong na kung ilalapit ko ang mukha ko sa kaniya ito ang unang didikit sa akin. Ang kaniyang labi na---lagi niyang kinukurot, kagaya ngayon. “Ang sinabi niya lang sa akin, kukunin mo raw ako. At bakit mo naman gagawin iyon? Di ba nga, noong magkausap tayong dalawa, binalik mo rin ako sa kaniya. Tapos ngayon, gusto mo akong kunin ulit.” “Naiintindihan kong galit ka sa akin. Pero ako na lang ang nag-iisang Ninong mo na maari mong asahan. Galing ako kanina sa kulungan—dinalaw ko ang dalawa mong gagong mga Ninong. At masasabi kong isa silang malaking disappoinments. Look what they have done to you? Messed up life. I should have take care of you when you’re a kid. Hindi ka sana magiging ganiyan…” “Maging ganito? Maging bakla?” “Kaawa-awang bakla.” “Ano ba kasing balak mo sa akin?” “Ano bang nasa isip mo?” “Pahihirapan mo lang din ako kagaya ng ginagawa sa akin ni Papa.” “Kung ganoon ang gusto ko, sana hindi ko na siya kinausap na kukunin kita sa kaniya.” Sabi niya---at muli na naman niyang kinagat ang labi niya, “…kagaya ng sinabi ko sa iyo, ako na lang ang aasahan mo ngayon. Nagalit ako noong malaman kong naging bakla ka. Pero wala naman na akong magagawa kung ganiyan ka. Sinindihan ko ang kandila ko para sa iyo… at hindi ang kabaklaan mo ang magiging dahilan para isauli ko ang kandila ko sa ama mo. Galit ako sa mga kauri mo dahil sa ginawa nila sa ama mo pero wala naman silang ginawa talaga sa akin, siguro dahil parang magkapatid ang turingan naming dalawa. At gagawin ko ang lahat para sa kapatid ko. Hindi lang ang mga baklang gumahasa sa Papa mo ang naging dahilan niya para mamuhi sa mga kagaya mo… meron pa siyang malalim na dahilan bata. at ang nakakatawa’t nakakainis na nangyari pa… ang mismong anak niya, ikaw… naging bakla pa na para bang pinaglalaruan siya ng kapalaran. Alam mo ba kung gaano kahirap sa kaniya ang tanggapin iyon? Siguro kung kilalang-kilala mo talaga siya, baka maunawaan mo siya. pero sa ngayon, mas mabuting sa akin ka muna. Baka kasi sa huli, pagsisihan pa ng Papa mo ang magawa niya sa iyo. Noong inilayo ka ng mama mo sa kaniya, wala na talaga siyang balak pang kunin ka kay Barbo dahil alam niyang hindi niya mapipigilan ang sarili niyang saktan ka sa tuwing makikita ka niya. Mahal ka pa rin ng gago mong ama, kinokonsidera niya pa ring mabuhay ka.” Hindi ko alam kung paano ko iintindihin ang lahat ng mga sinabi niya sa akin. Meron pang malalim na dahilan si Papa kung bakit siya galit sa mga bakla? Ano naman iyon? “Gusto ko munang makita si Mama  bago ako sumama sa iyo.” Mahinahong pagkakasabi ko sa kaniya. Tumango siya.                                                 [[ KABANATA CLIX ]]       6 MONTHS LATER      “NIKO! BILISAN MO PA ANG PAGPAPATAKBO! MALAPIT NA SILA SA ATIN!” Hindi ko maintindihan. Bakit ako nandito? Hawak-hawak ko ang manubela at madiin akong nakaapak sa gas pedal nitong sasakyang minamaneho ko. Kitang-kita ko ang bilis ng takbo ng sasakyan na lumalampas na sa 100. Napatingin ako sa babaeng nasa passenger seat. Hindi ko siya kilala, hindi ko siya matandaan. “Sino ka?” ang tanging tanong ko sa kaniya---parang hindi ko kotrolado ang katawan ko. Hindi ko rin magawang mapabagal ang takbo ng minaneho ko. “Bilisan mo pa! Malapit na sila!” Malakas na pagkakasabi niya sa akin na parang hindi naman niya inintindi ang tanong ko sa kaniya. Napatingin ako sa rearview mirror ng sasakyan, meron isang itim na sasakyan na humahabol sa amin at nagpasimula itong magpaputok. Napayuko at---pero muli kong tinuon ang sarili ko sa kalsada---na hindi ko alam kung saan. Nasa pagitan ng tila mga nagtataasang mga puno ang kalsadang ito---wala rin ibang sasakyan kung ‘di ang sasakyang ito lang at ang sasakyan nakasunod sa amin. “Sino sila? Anong kailangan nila sa atin? Bakit nila tayo hinahabol? Anong kasalanan natin sa kanila?” patuloy ang pagkalito ko. Hindi ko pa rin talaga alam kung anong nangyayari. Muli na naman silang nagpaputok---at kitang-kita ko na tinamaan ng bala ang babaeng katabi ko na kaagad binawian ng buhay! Binabalot ako ng takot, kaba---gusto kong ihinto ang sasakyan pero hindi ko makontrol ang sarili ko. Naiiyak na lang ako. Gusto ko nang huminto ito---gusto ko nang matigil ito. Malapit na umabot sa 200 ang bilis ng pagpapatakbo ko. Ito na marahil ang pinakamabilis na pagmamaneho ko. Mula kung saan meron sumulpot na motor sa harapan----kaagad kung kinabig ang manubela para iwasan ko at kitang-kita ko na umiikot-ikot ang mundo ko---at sa isang iglap, bumunggo ang tagiliran ng sasakyan sa isang malaking puno. Isang himala na meron pa rin akong malay… napatingin ako sa mga palad ko, puro dugo. Wala nang buhay ang babaeng katabi ko na halos nasira na ang mukha at lalong hindi ko na rin talaga makilala… napansin ko ang kwentas na nakasuot sa kaniya. Napahawak ako sa dibdib ko, nakapa ko ang kwentas na nakasuot sa akin. Kaparehas ng kwentas niya ang suot kong kwentas. Kinalas ko ang seatbelt---at pinilit kong makalabas sa sasakyan. Umuusok na ang harapan nito at tila nagsisimula na ring umapoy. Nagawa kong makalabas---napatingin ako sa motor na nakatumba ng hindi kalayuan sa kinatatayuan ko pero wala na ang nagmamaneho nito. Kaagad akong lumapit---tumingin ako sa paligid pero wala nang katao-tao. Kahit ang sasakyang humahabol sa amin kanina---wala na rin. “TULONG! TULONG!” Sumisigaw ako pero bakit parang walang boses na lumalabas sa bibig ko. Nawalan na ba ako ng boses? O pandinig? Oo—wala na rin akong marinig sa paligid. Napakatahimik na rin… pero isang napakalakas na pagsabog ang…. Nagpangon sa akin.   HINAHABOL ko ang paghinga ko ngayon. Basang-basa rin ako ng malapot at malagkit kong pawis. Napahawak ako sa ulo ko---nakaramdam ako ng kakaibang uri ng sakit, kirot na parang patuloy na binubutas ang ulo sa sobrang sakit. URGH! ANG SAKIT! Gamot---iyong gamot. May gamot na binigay sa akin ang doktor pang pawala ng sakit. Meron na akong nakahandang gamot sa ibabaw ng mababang kabinet na nasa tabi nitong kamang kinahihigaan ko. Kinuha ko ito at kaagad kong nilunok kahit walang tubig. Kinakalma ko muna ang sarili ko. Pumikit muna ako---pinakikiramdaman ko ang pananakit ng ulo ko na unti-unting nawawala. Epektibo talaga ang gamot. Minulat ko nang muli ang mga mata ko. Madilim dito sa loob ng kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko---nakapa ko ang kwentas. Kaagad ko itong kinalas at---pinagmasdan ko ang pendant. Ganitong ganito ang pendant noong babae sa panaginip ko. Pero hindi ko naman siya maalala----wala pa rin akong naalala talaga. Wala kahit isang alaala na pumapasok man lang sa isipan ko. Kahit ang pangalan ko nga hindi ko talaga maalala. Ang sabi lang nila sa akin, ako raw si Nicholas. Nicholas Saavedra. At sa panaginip ko, tinatawag akong Niko ng babae. Iyong panaginip ko, meron kayang kinalaman iyon sa nangyari sa akin? Sa aksidente? Car accident daw ang nangyari sa akin. Naiinitan pa rin ako---kailangan kong magpahangin. Kailangan ko ng hangin. Bumangon ako sa kama. Hindi ko na binuksan ang ilaw at lumabas na ako ng kwarto. Dumiretso muna ako sa kusina, binuksan ko ang refrigerator, dinama ko mula sa balat ko ang malamig na temperaturang binuga sa akin. Kumuha ako ng isang bote ng… beer. Puro beer lang kasi ang nandito. Binukasan ko ito at tinungga ko. UGH! Ang sarap sa pakiramdam. Gumuguhit sa lalamunan ko iyong lamig at tapang ng lasa nito. Napatingin ako sa pintuan papunta sa likod bahay at nakarinig ako ng tila tumalon sa swimming pool. Hindi ko alam kung anong oras pa lang. Pero madilim pa talaga ang paligid---kahit sa labas. Bitbit ko ang bote ng beer lumabas ako. Kitang-kita ko ang katawan ng isang lalaki na nasa ilalim ng tubig—papalapit sa kung saan ako pupwesto. Bago pa makaahon ang lalaki ito… nakaupo na ako. Napansin ko na meron ding bote ng beer dito at isang paubos na sigarilyong bumabaga pa.   HINDI ko mapigilan hindi mapatingin sa katawan ng lalaking dahan-dahang umaahon sa tubig. Tumutulo tubig sa nakapakagandang basa’t mahubog niyang katawan. Hindi ko alam pero meron kung anong bagay na nag-uudyok sa akin na tumingin pa sa bandang baba ng kaniyang puson dahil ang tanging suot niya lang ay isang kulay pulang boxer---nasipat ko ang tila napakalaking bagay na nakakubli sa loob nito. Hindi biro ang laki nito---parang—parang gusto kong makita. Pwede ko bang makita ang nakatago riyan… Ninong? Napailing-iling ako. s**t, ano ba iyon nasa isipan ko!? bakit ganoon? “Bakit gising ka na? alas kwarto pa lang.” Tanong niya sa akin. Umupo siya sa katabing upuan. Basang-basa talaga siya---dahil sa ilang pulgada lang ang layo namin sa isa’t isa, nababasa ako ng pakakawisik niya. sinuklay niya ang buhok niya ng daliri niya at muli siyang tumingin sa akin na nakatingin lang ako sa kaniya. Tumungga ako ng beer. Kinuha niya ang sa kaniya at uminom din siya. “Nagising lang ako Ninong… ang sama ng panaginip ko.” “Ganoon ba? Tungkol naman saan ang napanaginipan mo?” Pagkatanong niya, parang nabura ulit iyong mga napanaginipan ko. Parang wala na naman akong maalala. “Hindi ko na matandaan Ninong, basta alam ko nakakatakot.” “Pagod lang iyan. Babalik din sa normal ang sirkulasyon ng sistema mo.” Pagod? Wala naman akong ginagawa para mapagod. “Baka nga. Ninong, gusto ko na sana bumalik ang alaala ko. Wala tuloy akong masabi sa mga pulis sa nangyari. Wala talaga akong matandaan eh.” “Huwag mo nang isipin iyon. Ang importante ngayon, okay ka na.” “Okay ba iyong walang maalala, Ninong?” “Mas okay iyon kaysa ilang sa ilang Linggo kang nakahiga sa kama ng hospital na hindi masabi ng mga doktor kung kailan ka gigising. Kulang na lang sabihin nila sa akin na, huwag na akong umasang gigising ka pa.” Sabi niya at muli siyang tumungga ng alak niya hanggang sa maubos niya ito. Tumingin ako sa banayad na tubig sa pool. “Ninong, bago ako maaksidente… anong klaseng tao ba ako? Hmmm, ibig kong sabihin… anong ginagawa ko noon? At bakit nga pala ako nasa iyo? Nasaan mga magulang ko? Meron pa ba?” Para akong bagong silang na sanggol na walang kaalam-alam, na parang bago sa akin ang lahat. Na kailangan ko atang bumuo na lang ng mga bagong memorya. “Medyo---may pagkamatigas ang ulo mo kaya ka nasa akin at wala sa magulang mo.” Sabi niya---sa dinami-dami na pwedeng sabihin sa akin, iyon pa parang nakaramdam ako ng pagkahiya. “Pasaway ba ako Ninong? Rebelde ba ako Ninong?” Tumingin siya sa akin. “No, you’re just being you. That’s all.” “Kung ano man ako noon Ninong at kung naging pasaway ako, pasensya na. siguro kaya ako naaksidente para pagbayaran ko mga kalokohan ko noon… kung meron man.” Hinawakan niya ang tuhod ko. “You’re fine. Pero somehow, you’re right, it’s quite be better off this way. I mean, huwag kang magagalit, mas mabuting makalimutan mo na iyong mga nangyari sa iyo noon.” Sabi niya at—kinagat niya ang labi niya at dahan-dahan niyang inalis ang pagkakawak niya sa tuhod ko, “…alam mo, you’re a good swimmer. Hindi ko alam kung saan ka talaga natuto, but me watching you swimming here, para kang sirena kung lumangoy… ang tagal mo pa sa ilalim ng tubig.” “Sirena talaga Ninong?” “Anong gusto mo? shokoy? Hehe.” Grabe ang charming ng pagkakangiti ni Ninong, “…do you want to swim with me? Come on.” “Okay.” Una siyang lumusong muli sa tubig---at hinubad ko ang damit ko. Ano bang ginagawa ko noon? Bakit ang ganda ng katawan ko? ang kinis-kinis ko. hmm, meron pa rin akong mga galos talaga pero hindi makukubli ng mga ito ang balat ko. Maputi---malabot. Dahan-dahan akong lumasong. Damang-dama ko ang lamig ng tubig sa talampakan ko hanggang sa umabot sa tuhod ang lalim. Papalalim ng palalim nag tubig. Nakapwesto na si Ninong sa dulong kanto ng pool. “Hindi mo naman siguro nakalimutan kung paano lumangoy, ‘di ba?” Hindi ko alam kung pabiro ang tanong niya, pero napangiti siya sa tanong niya. Kumibit balikat na lang ako. Pagkalampas ng tubig sa beywang ko… nagsimula na akong sumisid. Hindi ko alam pero bakit parang meron akong naalala sa paglangoy ko. may mga imaheng pumapasok sa isipan ko habang nandito ako sa ilalim ng tubig---meron dalawang lalaki akong naiisip. Na tila, sumasabay sila sa paglangoy ko. Umahon ako mula sa pagkakasisid ko, medyo malayo pa ako kay Ninong. “Something wrong?” “No… nothing. Hmm, aahon na ako Ninong, malamig pala.” “Okay. Dito muna ako.” “Okay.” Lumangoy ako papalapit sa kanto ng pool, tumingin ako kay Ninong… pero muli na naman siyang sumisid. Napabuntong hininga na lang ako. Ang hirap ng ganito, wala akong maalala talaga. Pero hindi ko na lang pipilitin ang sarili ko na maalala ang lahat... kaagad.   PAGKAPASOK ko sa kusina, isang nakapagandang babae ang nakita ko---parang modelo. Ang tangkad, ganda ng hubog ng katawan at ang laki ng dibdib. “Steven didn’t mention he has an adorable son. What’s your name sweetie?” Hindi naman siya mukhang banyaga pero ganda niya magsalita ng english. Kasasara niya lang ng ref. nakatingin lang ako sa kaniya, “…are you okay sweetie?” “Uhmm, yeah. I am okay. I’m not his son. I am his, godson, I don’t know if that’s the word.” Wow, magaling ako mag-english? Talaga? “That’s the word. Inaanak.” Naka-smile niyang sabi, “…name’s Eva. Your’s?” “Nicholas. You can call me Niko, I suppose.” “You’re not sure?” “I got into an accident---can’t remember anything… yet.” Medyo natutuwa ako sa sarili ko. Paano ako nakakapagsalita ng ganito? “Oh. Okay. Sorry to hear that sweetie.” “If you’re looking for my Ninong, he’s outside. Need to go to my room.” “Okay Niko.” Sabi niya---naglakad na ako at nilampasan ko siya. napahinto ako. “Wait, you said, my Ninong never mentioned me to you. What does it mean?” “Depends on what you want to know, I suppose.” “Hmm, you’re not his girlfriend cause if you are… you, at least know something about me, right?” “You got it right there, sweetie. Uhm, no Niko, I am not his’.” Naka-smile niya ulit na sabi, “…we just work together, that’s all.” “Okay. Nice to meet you, Eva.” Tatanungin ko pa sana kung anong klaseng work ang ginagawa nilang dalawa.   PAGKAPASOK ko ng kwarto ko, dumiretso na muna ako sa banyo para mag-anlaw. Pagkatapos ay nagsuot na ako. Umupo lang muna ako sa kama---napansin ko ang laptop na nasa mesa. Kinuha ko ito at binuksan. Siguro naman meron mga pictures dito. Inisa-isa ko lahat ng mga folders pero parang walang laman, parang bago binura lahat o na-reformat itong laptop na ‘to, pero siguro naman sa akin ‘to. Hindi naman ‘to nandito sa kwarto ko kung hindi ito sa akin. Biglang umilaw ang phone na malapit sa akin. Kinuha ko ito—meron message. /hey dude. Heard you’re out of the hospital. Can I meet you? I need to tell you something./ Number lang. Hindi ko alam kung sino ‘to. Binusisi ko pa ang phone ko. Wala ring mga messages---wala rin contacts dito sa phone. Wala rin laman ang gallery. Wala na kahit anong pwedeng magpaalala sa dating ako. /sorry but I can’t remember anything. Who’s this?/ reply ko. /so its also true. You forget./ Mabilis nitong reply. /U might not remember me, its Jason. Let’s meet at Anna’s, will send you the address. Wait./ kadugtong niyang text. /ok. But I will tell Ninong if its possible for me to go out./ /no dude. Don’t. you hate your god damn… Ninong. And f**k your Ninong! And don’t tell him I messaged you. He won’t let you meet me. Okay? I already sent you the address. I will wait you there. Okay? See U later/  I hate my Ninong? Bakit? Jason? Sino naman ‘tong isang ‘to. Pero parang kilala niya talaga ako. Sasabihin ko ba kay Ninong? kailangan kong sabihin… hindi ko pwedeng ipagkatiwala ang sarili sa taong hindi ko maalala. Kung hindi papayag si Ninong, ibig sabihin… hindi ko mapagkakatiwalaan ang Jason na iyon.   HINDI na ako nakatulog pa talaga. Magkasabay na umalis si Ninong at Eva. Nakalimutan ko rin talagang sabihin kay Ninong ang tungkol kay Jason. Nandito lang ako sa living room, nanunuod lang. Tumatawa kung nakakatawa. Nakatutok kung katutoktutok ang mga nangyayari. Siguro nakaka-tatlong movies na ako, ilang oras na akong nakaupo lang dito sa sofa na kung ano-ano lang din ang mga kinakain ko. Napatingin ako sa phone ko dahil meron message ulit. /I’m here./ ito iyong Jason. Hindi na lang ako nag-reply. /pls tell me you’re coming/ bilis ng kasunod na message niya. /sino ka ba hindi kita kilala! Huwag ka na magmessage sa akin kung ayaw mong isumbong kita sa pulis!/ Reply ko sa kaniya. /seriously dude? Come on. I will wait you here./ Reply niya. Ginawa ko, tinaob ko ang phone ko. Pinatay ko na ang TV dahil napagod na akong manuod. Napatingin ako sa isang pintuan na kulay itim. Hindi ko alam kung anong kwarto iyan… baka office room ni Ninong? Lumabas muna ako ng bahay. Village itong lugar na ito. Layo-layo ang mga magagandang bahay. Mula rito sa bahay namin ni Ninong, malayo ang kasunod na bahay. Puro puno lang din ang nasa paligid. Isang mahabang kalsada ang nasa harapan---isang hindi ko alam kung saan papunta at isang papalabas ng village. Napakatahimik ng lugar na ito, ang tanging naririnig ko lang ay ang kalaskas ng mga dahon sa mga puno at mga huni ng ibon. Napakasariwa rin ng hangin. Hindi ko alam kung anong lugar ‘to. Pero isa lang ang alam ko, nandito kami sa Pilipinas. Kinuha ko ang bike sa garahe at nagpedal muna ako hanggang sa makarating ako sa isang convenient store. Pinarada ko muna ang bike sa gilid.  Walang katao-tao rito bukod sa dalawang nasa cashier na nagtatawanan. Kumuha lang muna ako ng mineral at lumapit ako sa cashier. “Ngayon na lang ata kayo ata bumalik dito sir.” Magalang na pagkakasabi sa akin ng lalaking kahero. Ibig sabihin, lagi akong narito, “...hindi niyo po ata dala ang sasakyan niyo sir.” “Ah eh… nabunggo.” Nakangiting sabi ko. Napatingin siya sa bandang gilid ng noo ko, “…lasing kasi ata ako. Pero, buhay pa naman ako. Kita mo naman.” Pabiro kong sabi. Binayaran ko ang mineral at inabutan ako ng sukli, “…uhm, ano ngang lugar ito?” “Si sir naman pala biro.” Nakangiting sabi niya, pero napansin niya ata na parang—hindi naman biro ang tanong ko, “…David, San Pedro.” “Barrio David?” Tanong ko. Binuksan ko ang mineral. “Villa David, sir. Pero, oo---barrio David. Since, itong buong barrio ng David, ginawang isang malaking Villa, itong David ang pinakamalaki at malawak na Villa sa buong San Pedro, kaya tinawag ng Villa David. Nasa pagitan po tayo ng North at South.” “Mayayaman ba ang mga taga rito?” Tanong ko sa kaniya. “Yes sir. Kagaya niyo po.” “Mukha ba akong mayaman?” Nakangiti kong tanong. Tumango siya, “…hmm, noong nagpupunta ako rito, meron ba akong ibang kasama. Hmm, medyo nawala kasi memorya ko noong aksidente.” “Ah kaya pala sir parang nalilito kayo. Wala kang kasama lagi. Ngayon ka nga lang din po nakipag-usap. Mostly po, bibili ka lang tapos lalabas na rin kaagad. Pero napapansin ko po na meron kang kasama sa loob ng sasakyan… babae.” Babae? “Hindi ba lumabas iyong babaeng iyon ni minsan?” Tanong ko at umiling ito, “…okay sige salamat.” Lumabas na ako ng store. Tumingin muna ako sa paligid---wala pa rin talaga akong maalala man lang na nagpupunta ako rito. Kahit kapirasong alaala, wala talaga. Umangkas na ako sa bike. Tumingin pa ako sa loob---kumaway pa sa akin ang kahero. Nagsimula ako ulit magpedal. Mula sa dulo meron isang lalaking nagjo-jogging na papasalubong sa akin. Naka-hood siya ng kulay itim at maikling shorts na kulay abo---na meron kung anong nakabukol sa harapan niya, kapansin-pansin kasi. Habang papalapit ako sa kaniya, napatingin siya sa akin---kahit nakatakip ng hood ng ulo niya, hindi niya maitatago ang angking kagandahang lalaki niya… gwapo. Nakipagtitigan ako sa kaniya---ng metro na lang ang layo namin---bigla siyang kumindat sa akin. At nagkalampasan na kaming dalawa. Hindi naman ako huminto. Pagkalampas ko sa isang napakahabang kalsada---parang isang siyudad ang bumungad sa akin. Naalala ko na ito, dito iyong hospital. Ibig sabihin ba, dito lang din ako talaga naaksidente? Pero saan dito? Huminto muna ako. Napatingin ako sa pinanggalingan ko. Malayong-malayo na ang nararating ko---pero sigurado naman akong makakabalik pa ako kasi isang mahabang kalsada lang namana ng dinaanan ko, walang paliko-liko. Sa kaliwa… nakita ko ang Anna’s. Isang maliit lang ito na coffee shop. Mula rin dito---meron nag-iisang lalaki na nasa loob nito na tila meron hinihintay. Siya ba si Jason? Hindi ko mamukhaan. Tumingin muna ako sa paligid ng Anna’s. Tumayo ang lalaki---ginilid ko ang bike baka kasi mapansin niya ako, kung siya man si Jason. Lumabas na ito---matangkad na lalaki, maganda ng pangangatawan---at kahit sa malayo, masasabi kong gwapo ang lalaki. Hmm, iyong kahero kanina, may itsura rin talaga iyon. Lahat ba ng lalaki rito, gwapo? Napausod pa ako, kasi parang napatingin dito ang lalaking pakiramdam ko talaga siya si Jason. Tumingin ito sa orasan niya---parang naiirita na siya. Kinuha niya ang phone niya. May tinatawagan siya at parang wala naman sumagot. Lumapit na siya sa isang kulay itim na sasakyan. Pinaandar niya ang sasakyan at patungo ito sa akin… ginawa ko, tinumba ko muna ang bike at nagtago ako sa mga halaman. Hindi naman ako napansin at lumampas lang ang sasakyan sa akin. Ginawa ko, lumapit ako sa Anna’s. Pumasok ako. Nakita ko ang naiwang cup ng lalaki na meron nasulat na pangalang---Jason. Siya nga. Saan kaya pupunta ang lalaking iyon? Bakit papunta siya sa…. s**t! Pupuntahan niya ba ako sa amin! NAGMADALI akong magpedal pabalik sa amin. Habang papalapit ako---nakita ko ang itim na sasakyan… noong si Jason na nakaparada sa harapan ng bahay namin. Lumapit pa ako---sinilip ko ang loob ng sasakyan pero wala ng tao ito sa loob. Tumingin ako sa paligid. Shit! Hindi ko nadala ang phone ko. Hindi ko matatawagan si Ninong. Ano bang gagawin ko? Ano bang kailangan sa akin ng Jason na iyon? Gaano ba kaimportante iyong sasabihin niya sa akin? Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi pa rin nabalik iyong Jason sa sasakyan niya. nakatago lang ako---pero hanggang ngayon, kahit anino niya---wala pa rin talaga. Saan nagpunta ang lalaking iyon? Huminga ako ng malalim. Nilakasan ko ang loob ko. Mukhang mabait naman ang Jason na iyon---sige, kung gusto niya makipag-usap sa akin, makikipag-usap ako! Lumabas na ako sa pinagtataguan ko. Iniwan ko na lang muna ang bike. Lapit ako sa pintuan ng bahay. Dahan-dahan kong binuksan ito. Bago ko buksan---tumingin muna ako sa paligid. Wala akong ibang naririnig kung ‘di mga ibon lang. Pumasok na ako sa loob---hindi ko sinarado ang pintuan para kung ano man mangyari, mabilis akong makakatakbo sa labas. Kinuha ko kaagad ang baseball bat na nakalagay sa basket na malapit sa pintuan. Dahan-dahan lang akong kumilos. Wala naman nabago rito sa loob, kung paano ko iniwanan kanina, ganoon pa rin naman. Napatingin ako sa kusina ng merong bumagsak na kung ano. Tago ako kaagad ako sa gilid. Mahigpit ang hawak ko sa baseball bat. Mula na rito sa kinatatayuan ko---naririnig ko na meron tao sa kusina. Mas lalo ko pang nilakasan ang loob ko---sumilip ako. Nakita ko siya na nakatalikod… anong ginagawa niya? Bakit parang nagluluto siya? kapal naman ng mukha ng isang ‘to! Nang makakuha ako ng tiyempo… mabilis akong lumapit ako… at… “Umalis ka rito!” Pinalo ko talaga ang likuran ko. Napaharap siya sa akin. “What the fck dude?! What the fck is wrong with you?! Fcking fag!” Iritang-iritang pagkakasabi niya. “Fvck off!” Sigaw ko sa kaniya! Hahampasin ko sana siya ulit---nahawakan niya ang dulo ng bat na naagaw niya sa akin. Ginawa ko, kumuha ako kaagad  ng kutsilyo! “…sino ka? Ano bang kailangan mo sa akin? At---nagluluto ka pa talaga, nagutom ka ba kaantay sa akin? Kapal ng mukha mo!” “I haven’t eaten since morning, what do you expect me to do? I got hungry of waiting for you. Where have you been? You’re not answering my texts and calls. Then I saw your phone here.” “So you’re Jason?” “Yeah. Your… Jason.” “Ha? What do you mean… by your Jason?” “Could you please put done that knife you… little freak. You fcking freaking me out. Please, pretty please.” “No! I don’t know you. You get out of this house, now! Right now!” “I get it. You’ve lost your memory. And I am here to help you remember everything… specially about… us, little freak.” “Malaki ka lang sa akin. And stop calling me a freak! You get out of this house of I will call police.” “You really are a damage person. Tell me, why do you think I got in here? Cause I have a fcking duplicate key of this house, you gave it to me. Since I haven’t seen your Ninong’s car outside---I got in. I was hoping you’re in here but you were not… and now, you’re here. So, please… you need to calm down at put down that knife… let’s talk.” “What do you want?” “Not I want, what we want, we always wanted.” “Ha?” “To get the hell out of here. You’re the only reason why I am here in this country. I followed you here---because that’s what you want.” “Saan tayo nagkakilala, bakit hindi ka nagtatagalog? Nakakaintindi ka naman.” “I can understand but I can’t speak your language. We met in Vancouver.” “Where is that?” “Canada.” Bigla akong natawa sa sinabi niya, “…what? You told me you live there with your… Ninong, then months later you told me that you going back here with your Ninong. You just got back here two months ago, you’re one month earlier when I came here. Then, you got into an accident… that’s the last thing I’ve heard about you from your friend. He also told me that you’re now good… but.. you can’t remember anything.” “Sorry but the way how you tell me things, there’s something going on with us. Correct me if I am wrong.” Humakbang siya papalapit sa akin, napaatras ako, “… huwag kang lalapit!” “Please, if there’s someone who you want to be with right now, it’s me and I love you.” “Sinasabi mo bang… bakla ako… o ikaw?” “It doesn’t matter, freak.” Naka-smile niyang sabi, “…when your Ninong found out about us, he threatened me but he can’t stop us. Right?” nagawa niyang makalapit sa akin at nahawakan niya ang kutsilyong hawak ko. Inilayo niya ito----hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Pinagmasdan niya ang mukha ko. Hindi ako makagalaw---hindi ko alam kung ano itong ginagawa niya. Bakla ba ako? Kaya ba ganoon na lang ako kung makatingin sa Ninong ko? sa katawan niya? at noong makita ko si Eva, parang wala lang sa akin. “Don’t be afraid baby. I am now here. Mahal kita.” Nakakatawa siya magsalita ng mahal kita. “This doesn’t feel right.” “You’re just in shock. You’ll be fine. Let me take care of you.” Malambing niyang pagkakasabi at---bigla niyang inilapat ang mga labi niya sa labi ko. sobrang lambot ng labi niya sa labi ko. pero bakit ganoon, kung bakla ako, bakit hindi ko gusto ang ginagawa niyang paghalik sa labi ko? gwapo naman siya… dapat masarapan ako kung bakla ako. Pero bakit hindi ko maramdaman iyon? Patuloy siya sa ginagawa niyang paghalik sa mga labi ko pero hindi ako humahalik pabalik. Biglang kumulo ang tubig---na nagpahinto sa ginagawa niyang paghalik sa akin. “Do you remember me now?” tanong niya---lumayo lang siya sa akin ng ilang pulgada at pinatay niya ang stove. “No. Hindi talaga kita maalala. Kung totoo ang sinasabi mo, bakit hindi ko maramdaman na… merong namamagitan sa ating dalawa. There’s something wrong. I am sorry but you need to get out before my Ninong sees you. Okay?” “No.” “You need to go now, Jason.” “I said, no. I won’t leave here… without you.” Mas naging seryoso siya sa pagkakasabi niya, pero nakakatakot ang pagiging seryoso niya. “Maybe my Ninong was right, my accident, wasn’t bad after all… it’s be better off this way. Everything that was going on with us, if we really had it, forget it. Thank you for coming but I don’t need help, I am fine. I am good. So, good bye, Jason.” “You can’t do this to me… Nicholas. I love you, you love me. We were happy.” “But I have forgotten all of it. It would only be unfair to you… I hope you understand.” “No I don’t.” “God. Jason! Get out. Now.” “I said no. You’re mine.” Biglang nanlisik ang mga mata niya---at bigla niya akong sinakal. Napahawak ako sa pulso niya. sobrang higpit ng pagkakasakal niya sa akin. Hindi ako makahinga kaagad! Ugh! Hindi ko alam pero bakit parang… meron kung anong mga memoryang bumalalik sa isipan ko… lalo na noong sinabi niya sa akin, you’re mine. Na parang meron nang kung sinong nagsabi sa akin noon ng malapitan, at hindi iyon masarap pakinggan, nakakatakot---takot ang naramdaman ko noong sinabi sa akin ng tao na iyon na… sa kaniya lang ako. “You know what? I just wished you die in that accident!” gigil na pagkakasabi niya, “…you’re Ninong, he really got into your head. And you can never escape… you’ll be forever his… slave. The only thing I can do---is to end your life. You’ve always wanted to die… so no, Nicholas… it is not me to say good bye. But you, good bye, Nicholas.” Ugh! Malalagutan na talaga ako ng hininga---ginawa ko. Tinuhod ko ang bayag niya dahilan para makawala ako sa kaniya! “TULONG! TULONG!” nagsisinigaw na talaga ako. Tumakbo ako papalapit sa pintuan pero nahuli niya ako. Mahigpit niya akong niyakap mula sa aking likuran. “Stop! Stop resisting Nicholas!” Binuhat niya ako. Patuloy akong nagpupumiglas. Mas malaki talaga siya sa akin, mas malakas siya dahil sa kalakihan ng katawan niya. Wala akong laban sa kaniya ang tanging magagawa ko lang—ay ang tumakbo at makalayo sa kaniya. “Bitawan mo ako! Baliw ka na! Tulong----tulong!” “Scream all you want. But there’s no one coming to help you!” Basta binagsak niya ang katawan ko sa sahig. Sinubukan kong gumapang pero bigla niya akong sinipa sa tagiliran ko, sa parte kung saan meron pa akong tama mula sa aksidente. Halos namilipit ako sa sobrang sakit na parang wala na akong lakas pa para tulungan ang sarili ko. Hinang-hina ako. Wala akong lakas ng loob para lumaban man lang. Hindi pa siya nakontento at sinipa niya pa ako ulit---halos maduwal ako sa sobrang sakit. Naiyak na lang ako--- Ninong… tulungan mo po ako. Ninong… Rowell… Barbo… Sino ang mga pangalan na iyon? Bakit sila lumabas sa isipan ko ang mga pangalan na iyon? Kung sino man kayo----tulungan niyo ako. Wala po si Ninong Steven dito… Narinig ko na parang kinakalas niya ang sinturon ng pantalon niya. At pinadapa niya ako---at mabilis niyang binaba ang shorts ko. “Let me fvck you first. Let my d**k be the last thing you’ll remember before you die…I love you. And I am truly sorry, baby.” “No. don’t. Please don’t…” Nanghihina kong pagmamakaawa sa kaniya. Naramdaman ko na lang na dumagan siya sa likuran ko at--- urrrggghh! May kung anong matigas siyang pinapasok sa butas ko. “Uhhhmm… you’ll love this baby. You always love being fck. Uhhhhh.” At sinisimulan na niyang---ilabas masok sa butas ko ang---matigas niyang t**i sa butas ko. damang-dama ko ang kalakihan at kahabaan nito na patuloy na bumubutas sa akin. At hindi lang basta pagkantot ang ginagawa niya sa akin, para siyang hayop na manyak na dinidilaan ang batok ko. damang-dama ko ang kabigatan niya sa aking likuran. “Hmmm. Uhhhh! God. Imma gonna miss your tight butthole, baby. Uhhhhh!” mas lalo niya pang binilisan ang ginagawa niyang pagkakantot sa butas ko. Hindi na ako talaga makapalag pa---samo’t saring sakit ang nararamdaman ko talaga, hindi lang ang ginagawa niyang paglabas masok ng panigurado akong malaking t**i niya sa masikip at maliit kong butas, pati na rin ang pagkirot ng sakit ng iba’t ibang parte ng katawan ko. Kagagaling ko lang sa aksidente, pero heto naman ako ngayon, ginagahasa ng lalaking hindi ko kilala, hindi ko matandaan. “Uhhh. Uhhhh! Ahhhhhhh. Fck I am coming baby…. Ahhhhh….” Libog na libog siya sa malakas niyang pagkaka-ungol… at… “UGH!” bigla niyang binaon nang husto ang t**i niya sa butas ko---at tila huminto siya… at bumagsak ang katawan niya sa likuran ko. “UAGH! Ugghh..” napansin ko na parang… parang nahihirapan siyang huminga. “Nagkamali ka ng pinasok, bata.” Rinig na rinig kong boses ni Ninong Steven---at basta na lang inalis ang katawan ni Jason mula sa likuran ko. Sinubukan kong tumihaya… una kong nakita si Ninong na meron hawak na mahaba’t matalim na kutsilyo na nababalutan ng napakaraming dugo. Napatingin ako kay Jason. Nakatiyaha na rin siya---at ang daming dugong kumakalat mula sa kaniyang likuran, “…sinabihan ka na ng inaanak kong umalis ka na. Hindi ka pa rin umalis. Good bye.” Tumunghod si Ninong Steven at tinarak niya ang hawak niyang kutsilyo sa dibdib nito. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Bagay na hindi ko inaasahan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
517.2K
bc

NINONG II

read
633.1K
bc

Zion's Akira (BxB)

read
25.9K
bc

The Sex Web

read
153.1K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
36.3K
bc

My Bodyguard, My Lover

read
19.2K
bc

Flirting My Bitter Ex-Boyfriend (TAGALOG)

read
123.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook