bc

Save Me, Heal Me

book_age18+
89
FOLLOW
1K
READ
revenge
dark
fated
tragedy
mystery
like
intro-logo
Blurb

Detective Nathan and Andrei are in their quest to find the suspect of the serial murder that's going around town. While doing their investigation, they met a mysterious woman with a dissociative personality disorder.

Where will the fate lead them to?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Detective! Dito!" tawag ng isang police officer sa'kin. Agad akong tumakbo patungo sa direksyon niya. We are in the middle of the forest. Maraming officers at investigators ang nandito at mga canine dogs. There's a report about a young woman that's gone missing for two days now. And a hiker noticed something peculiar about the forest, at may nakita nga siyang mahabang buhok at damit na medyo natatakpan ng mga tuyong dahon. Agad niya itong ni report sa kapulisan na agad namang inaksyunan. The officer found a necklace which could be owned by the suspect or the victim. I captured a photo of it and placed it inside the zip lock bag. Naghanap pa kami ng evidence hanggang sa napansin ko ang malaking puno hindi kalayuan sa distansya ko. Walang tao doon kaya agad akong nagtungo. Nararamdaman kong nandito siya. Unti-unti akong naglakad papunta sa malaking mahogany tree. May nakaumbok na mga tuyong dahon doon. Medyo nangangamoy na din kaya alam kong nandito siya. "Here! Everyone!" sigaw ko para matawag ang pansin nila. Agad naman silang tumakbo papunta sa direksyon ko habang hinuhukay ko ang tuyong mga dahon. Nakasusulasok na amoy ang sumalubong sa'min kaya agad kaming napatakip ng ilong. 'Yung isa napasuka pa. Tumambad sa amin ang isang pang-ibabang damit na pambabae. Inutusan ko silang hukayin iyon para ma- recover ang bangkay. At hindi nga kami nagkakamali.  Ang katawan ng babae ay nakahiga doon at nababalutan ng putik at dahon ang buong katawan.  Agad kong sinuri ang bangkay. May palatandaan ito ng babaeng nawawala. The tattoo in her left hand. Ang mahabang buhok ngunit ngayon ay naging maikli dahil maaring pinutol ito ng salarin. At ang suot niya ngayon ay ang suot niya bago siya nawala two days ago. "Siya na?" tanong ni Detective Andrei. Partner ko. Tumango ako. "Siya na nga." Sinuri ko nang mabuti ang katawan. Wala na siyang pang-itaas na damit. Bra nalang ang natitira. Natatakpan ng putik ang katawan niya dahil nakabaon siya sa lupa. Tinignan ko agad ang binti niya. It has third  red dots, a mark left by the suspect just like to the other victims. And as expected. Tama ako. "Fourth victim," tanging tugon ko. Nakuha naman agad iyon ni Andrei, kaya napasinghap siya. "Same method. Pare-pareha lang din ang mga katangian ng mga biktima niya. May palatandaan din sa binti na apat na maliit na tuldok na parang marka," dagdag ko. Kinukunan na nila ng litrato ang bangkay, pagkatapos ay kinuha nila at tinakpan. They then sealed the place. "Walang defense wounds. May saksak siya sa likod ng katawan na diretsong tumatama sa mga organs niya, " tugon ng isang medical investigator na nagsuri sa katawan. "Iisa lang ang suspect nito," tugon ni Andrei. "Pero hindi tayo sigurado. Maaaring kinopya lang ang method ng pagpatay. Pero maaaring iisa lang din ang suspect," tugon ko bilang pag-sang-ayon.  Agad naming tinapos ang imbestigasyon. Maaga pa lang at ang iba ay inaantok pa. Kailangan din namin magpahinga. We wrapped it up and headed back to the quarters. "On the way na ang pamilya ng biktima. Nandun na din siya sa morgue," tugon ni Andrei habang inaabutan ako ng paper cup na may mainit na kape. Alas nuwebe pa ng umaga pero inaantok ako dahil nagpuyat kami kagabi dahil sa kaso ding ito. "Sige. Ikaw na bahala sa kanila," tugon ko at tinapik ang balikat niya. Tumango nalang siya dahil wala siyang magagawa. Napatawa nalang ako sa reaksyon niya. Nang palabas ako ng head quarters upang magpahangin, may nakasalubong akong ginang na dali-daling tumakbo patungo sa direksyon ng opisina namin habang nasa likod nya nakaalalay ang kanyang asawa at ang isa ay maaaring anak nila. "Officer! Nasaan ang anak ko?! Ang anak ko?!" sigaw ng ginang habang umiiyak. Hawak niya sa kwelyo ang isang pulis na sumalubong sa kanya, habang hinihila naman siya palayo ng asawa niya. "Kayo po ba ang pamilya ni Clara Sanchez?" tanong ng pulis. Tumango naman ang asawa ng ginang, "Kami nga po", sagot niya at pinipilit na maging kalmado.  "Ah, pasensya na po pero dinala na po sa morge ang anak niyo. Sumunod po kayo sa akin," sabi ng pulis at naunang naglakad. Mas lalong umiyak ang ginang. Napasalampak nalang siya sa sahig. Inaalo siya ng isa pa niyang anak na lalake at ng kanyang asawa. Sila siguro ang pamilya ng pangatlong biktima. Umalis agad ako doon dahil ayokong makita ang ganung eksena. Nasasaktan ako para sa pamilya ng biktima. Walang kalaban-laban ang kapamilya nila habang pinapatay. Minsan napapatanong sila sa amin bakit pinatay ang kapamilya nila. Wala naman kaming magagawa doon. Pumasok agad ako sa sasakyan ko at dumiretso sa kainan ni Papa. May maliit na restaurant si Papa. Maaga siyang nagbubukas dahil alam niyang hindi ako nag-aalmusal sa bahay at may marami din siyang mga customer na kumakain ng maaga. Maraming tao ang kumakain doon pagkapasok ko. Iyong iba suki ni Papa. Pumasok ako sa kusina at naabutan ko si Papa na nagluluto. "Papa!" bati ko sa kanya. Agad siyang napatingin sa'kin at tinigil ang ginagawa. Pinasa niya ito sa isang assistant sa kusina. "Anak," sabi niya habang pinapahid ang kamay sa apron. "Upo ka. Kamusta imbestigasyon?" tanong niya agad pagkaupo ko. "Nakita na namin ang bangkay. Ganun parin. Pang-apat na  biktima," maikling sagot ko. "Naku, kawawa naman. Teka ha, ihahanda ko pagkain mo," sabi niya at agad na nagtungo pabalik  sa kusina. Napainom ako ng tubig habang iniisip ang kasong iyon. Ang ikaapat na  biktima ang unang biktima ngayong buwan. Iyong dalawang ay noong nakaraang buwan. Pare-pareho ng katangian ang mga nagiging biktima. Puro ito mga babae na mag mahahabang buhok. Magaganda at matatangkad. Edad 17 hanggang 25. At may mga marka ang mga binti ng mga biktima. Palatandaan kung pang-ilang biktima ito. Laging sa masusukal at madidilim na lugar ito matatagpuan. At pakiramdam ko, iisa lang ang suspect. But I have an awful feeling that something is missing. Dahil wala kaming nakitang bangkay ng naunang biktima. Nagiging maalarma na din ang mga tao sa lugar lalo na ang mga kababaihan. Maaga ng umuuwi ang ilan sa kanila at nagpapasundo o nagpapasama na tuwing gabi. "Kain ka muna," at nilapag ni papa ang isang mangkok ng lomi. Ang paborito ko. "Salamat po." "Nandoon lang ako sa kusina kapag may kailangan ka," tugon niya at pumasok ulit sa kusina. Lumalago ang negosyo ni papa. Simula kasi nung nawala si mama sa bahay, nalulungkot si papa. Dahil nasa trabaho naman ako lagi at minsan ay hindi umuuwi. Kaya pinatayo niya ang negosyong ito para hindi siya magmokmok lamang sa bahay namin. Nilibot ko ang paningin sa loob ng restaurant. Ganun pa rin. Walang nagbago. Dumadami na ang mga customers. Nandun parin nakalagay sa harap ng cashier ang family picture namin. Nung nandito pa si mama ay maayos pa kami. Now everything changed. Bumalik agad ako sa headquarters pagkatapos ko kumain. We will have to interview the hiker na nakakita sa mga ebidensya na nakalap namin. "Bro, bakit ngayon ka lang kasi? Kanina pa nagwawala 'yong pamilya, ayaw umalis," salubong sa akin ni Andrei na mukhang naiiyak na. Pinuntahan ko agad ang pamilya ng biktima na nasa quarters parin namin. "Ah, Mr. and Mrs. Sanchez, maari po bang umuwi na po muna kayo habang ginagawa ang imbestigasyon? Mukhang pagod na po kayo e," mahinahong sabi ko sa mag-asawa. Mugto na ang mga mata ng ginang at ng anak niya. Habang inaalo naman sila ng ama. "Officer, bakit po ang anak ko? Mabait po ang anak ko. Umuuwi po iyan ng maaga, nung nakaraan lang hindi nakauwi dahil may overtime siya sa part time work niya. Officer," sambit niya habang hawak ang kamay ko at umiiyak. Hinayaan ko muna siyang umiyak at hinahampas-hampas ang dibdib ko. Naaawa ako sa sitwasyon nila. "Misis, pasensya na po. Hindi po talaga natin malalaman kung ano ang mangyayari sa kapamilya natin," tanging sagot ko na mas lalong nagpaiyak sa kanya. "Hindi! Buhay ang anak ko! Buhay siya!" hagulhol niya. Puwersa ko siyang hinawakan sa magkabilang braso at inalis sa pagkakahawak sa'kin. Heto na. Lalabas na. "Wala na po ang anak niyo!" sigaw ko sa kanya para magising ang diwa niya. Natigilan siya sa pag sigaw ko pati ang mga tao sa quarters, nakatingin sa banda namin. "Nakita niyo naman siya sa morge hindi ba?! Patay na po ang anak niyo! Tanggapin niyo nalang para hindi pa mas lalong sumakit 'yang nararamdaman niyo!" dagdag ko at huminga ng malalim pagkatapos para mawala ang inis ko. Unti-unting lumambot ang tingin ng ginang sa'kin hanggang sa bumagsak siya sa sahig. Agad siyang niyakap ng asawa niya. Habang ang anak niya ay nakatingin lang sa'kin. "Patay na po ang anak niyo. At hindi lang po kayo ang nagdadalamhati dito. Pati rin po ang pamilya nang naunang mga biktima. Tanggapin niyo nalang na wala na siya, alam kong mahirap po pero kailangan. Wala na po tayong magagawa doon, dahil hindi namin hawak ang buhay nila," mahinahong sabi ko at huminga ng malalim bago umalis. Inutusan ko ang isang pulis na pauwiin muna sila. Dumiretso agad ako sa interrogation room kung saan idinadaan sa questioning ang hiker kanina habang nakasunod naman si Andrei. "Ayan ka nanaman. Kumalma ka bro," sabi niya at tinapik tapik ang braso ko. "Kalma ako," sagot ko at tanging iling lang ang sagot niya. Pagpasok namin doon ay kinakausap na ang witness. "May iba ka pa bang nakita doon sa bundok? O is there something odd in there bago mo nakita ang mga nakita mo?" tanong ng nag-iinterogate na si Detective Dan. Ang team leader namin. "Ah, may nakita po akong parang hose ng dextrose sa hindi kalayuan," sagot ng witness. "Dextrose? Hindi ba walang sign na binigti sa leeg ang biktima?" tanong ni Andrei. Napaisip din ako. Hindi siya binigti o pwersahang hinila ng suspect. Maaaring sinaksak sa likod ang biktima bago dinala sa liblib na lugar, ayon na rin sa stab marks sa likod ng biktima. Paano naman nagkaroon ng dextrose sa gitna ng gubat? "Anong oras mo ulit nakita ang biktima?" tanong ulit ni Detective. "8:30 po ng umaga. Pababa na po ako noon ng bundok, tsaka ko nakita iyon kaya agad akong nag-report dito pagkababa ko. Nababalita na kasi ngayon ang mga babaeng nawawala at natatagpuang patay na. Kaya po baka iyong nakita ko kanina ay isa sa mga biktima," paliwanag naman niya. "Posibleng gamit ng suspect ang dextrose," saad ko. "Pwede rin," sagot ni Andrei. "Tanungin mo nga si Sandoval, kung may nakuha silang dextrose doon sa area," utos ko sa kanya. Agad siyang tumingin sa akin. "Alalay?" "Sige na. Libre kita mamaya," pang-uuto ko sa kanya at agad naman niyang sinunod ang utos ko. Tsk. "Mukhang mahihirapan tayo nito. Wala tayong lead sa suspect," sabi agad ni Detective sa'kin pagkatapos ng interrogation. Detective Dan is the head of our department. Kami ni Andrei ang team leaders. Hindi lang namin senior at head si Detective Dan, close family friend and uncle din namin siya ni Andrei. "Kaya nga po. Pero baka may iisang bagay na natutugma sa mga sinasabi ng mga witness," tanong ko at agad kaming napaisip. "Pero may nakita po akong dextrose." "May dextrose po sa hindi kalayuan." Bigla ko namang naalala ang mga sinabi ng mga witness sa naunang mga biktima. Dextrose. Possible kaya? "Dextrose," tanging sagot ni Detective. "Pero sa tuwing naghahanap tayo ng ebidensya ay wala tayong nakikitang ganun," dagdag niya. "Malaki nga po itong palaisipan," tanging naisagot ko. "Hays. Kakain muna ako," paalam ni Detective Dan habang hinihilot ang sentido. Sumunod din ako sa kanya palabas. "Ano? May nakita ba?" tanong ko kay Andrei nang magkasalubong kami.  Sabay kaming naglakad papunta sa opisina namin. "Wala daw e. Mga gamit lang naman ng mga biktima ang nare-recover nila. Bakit ba laging nawawala ang dextrose na 'yan ha?" inis na tanong niya. Natawa ako sa reaksyon niya. Kahit kailan hindi nagbabago. Laging nafu-frustrate sa ganitong bagay. Simula pagkabata hanggang ngayon. Tsk. "Kumain ka na ba?" pag-iiba ko sa usapan. Mukhang kanina pa kasi siya gutom. Hindi ko kasi inaya kanina. "Susubuan mo ako?" tanong niya na may malawak na ngiti. Nawawala tuloy mga mata niya. "Huwag mo akong pakitaan singkit. Nandidilim paningin ko sa'yo," biro ko at umupo sa desk ko katabi sa kanya. Nag pout ang gago. "Grabe ka sa'kin. Habulin parin ako ng babae kumpara sa'yo," pagyayabang niya. Maganda talaga ang lahi ng singkit na'to. Habulin ng mga babae noong nag-aaral pa kami. Syempre ako din. "Tsk. Gutom lang iyan," sabi ko at umiling. Hindi na niya ako pinansin at nagtitipa sa computer. "Kailan ka ulit dadalaw kay Tita? Isang linggo ka nang hindi dumadalaw ha," biglang sabi niya. I've been busy lately dahil sa kasong ito. Hindi ko na masyado nadadalaw si Mama. Malamang nagtatampo na 'yon. "Mamayang hapon. Sasama ka?" "Hindi na. Dumalaw ako nung isang araw tsaka may gagawin ako mamaya," sagot niya. Nagulat ako sa sagot niya kaya naman ay binatukan ko siya. Napa-aray naman siya dahil sa sakit. Ang arte parang bakla. "Dinalaw mo pala si Mama bakit hindi mo sinabi sa'kin?" "Sabi mo busy ka e, edi ako nalang. Tsk!" asik niya. "Ikaw ba anak?" "Bakit? Ikaw ba nanay?" "Gago." Bumelat lang siya sakin at nagpatuloy sa pagtitipa. Hindi ko nalang siya pinansin at binasa nalang ang reports ng kaso. Pare-pareho lang naman ang mga sinasabi ng mga witness. Nakikita nila ang bangkay sa liblib na lugar. May dextrose daw sa hindi kalayuan pero wala namang nakukuha ng kapulisan. Posible kayang pasyente ang suspect. May mali sa utak? Ano? I've tried to connect all the dots pero ang dextrose ang bumabagabag sa'kin. May pang-apat na ding biktima, pero wala ang naunang biktima. Ang unang nakita namin last week ay ang pangalawang biktima, na may dalawang tuldok sa binti. Mas nakakabahala na ito. May isang bagay lang talagang bumabagabag sa isip ko. Something is missing here. Something that can possibly help us connect all the dots. Itong kaso na ito ang laging laman ng balita. Na pilit naman inaaksyunan agad ng awtoridad, pero laging may nadadagdag sa listahan. "Hoy!" napabalikwas ako nung bigla akong hinampas sa braso ni Andrei. "Kanina pa kita tinatawag," sabi niya. "Bakit ba?" tanong ko at sinarado ang folder na binabasa ko. This is giving me a headache. "Tinatanong kita kung anong gusto mong flavor ng ice cream." "Para saan? Bibili ka?" "Ay hindi. Ipapa-give away ko sa mga fans ko sa YouTube," sarkatisko niyang sagot. "Syempre bibili ako. Ano ba iniisip mo ha?" usisa niya. I heaved a sigh at umayos ng upo. "Iyong kaso," sagot ko. "Kaso o babae?" tukso niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "Hindi ako gaya mo," tukso ko pabalik sa kanya. "Aray naman," umakto pa siyang nasasaktan habang hawak ang dibdib. "Arte mo bakla," sagot ko sa kanya. "Sige na. Ano flavor ang gusto mo?" tanong niya ulit. Ready na siyang umalis para sa ice cream. "Watermelon," sabi ko tsaka siya tumayo at umalis. Inikot niya ang quarters namin at nagtatanong kung sino ang may gusto ng ice cream. Nahihiya namang sumagot ang iba sa kanya. "Una na ako," paalam ko sa kay Andrei. Pagkatapos nung investigation kanina, wala na kami masyadong ginawa. May mga reports ngunit mga minor incidents lang kaya hindi na kami nakialam ni Andrei. May mga natatanggap din kaming mga prank calls na nagsasabing may nakita silang bangkay na babae sa kung saan. Pero pagpupunta kami doon ay wala naman, kaya sa huli kami lang din napapagod at nasasayang ang oras namin. Ginagawa nilang biro ang dapat na seryosong bagay. Nasa parking lot kami sa tapat ng headquarters. Work's done kaya kailangan ko ng umuwi para makapagpahinga na rin. "Una na ako," paalam ko kay Andrei at binuksan ang kotse ko. "Hatid mo ako," sabi niya. "Saan ba sasakyan mo?" "Nasa bahay. Walang gas," sagot niya at pumasok sa shot gun seat. Kapal ng mukha. Napailing nalang ako at pumasok na din sa kotse. "Kuripot," sabi ko sa kanya at ini-start ang kotse. "Ngayon lang," sagot niya. Dahil parang babae itong si Andrei, dumadaldal lang siya sa buong biyahe papunta sa kanila. Tumatango- tango nalang ako para hindi siya mangulit. "Tsaka, naalala mo ba si, Hannah? Iyong kaklase nating pokpok noong college?" "Bakit?" "Kasal na ang loko. Mayaman pa napakasalan. Sugar daddy amputa," sabi niya sabay hampas sa bintana. Judgemental. "Gusto mo rin?" tanong ko. "Syempre hindi. Ikaw lang gusto ko," sagot niya at daling bumaba ng sasakyan pagkahinto ko sa tapat ng bahay nila. "Bakla!" sigaw ko sa kanya habang tumatakbo siya papasok. Bumalik ako sa pinanggalingan ko at dumiretso kay mama. Naka-confine si  mama sa Sandlers Pyschiatric Hospital. Mayroong PTSD si mama at di kalaunan ay naging dahilan ito ng pagkabaliw niya. Pero ngayon, may mga signs na na gumagaling ng paunti-unti ang mama ko. Kumpara noon na hindi siya nakakausap ng maayos, ngayon ay nakakapagkwento na siya sa akin. Pagdating ko doon pinuntahan ko agad siya sa kwarto niya. "Saan si mama?" tanong ko sa nurse na nasa loob ng kwarto ni mama. "Nasa garden po, Sir," sagot niya. Nagpasalamat ako sa kanya at pumunta agad sa garden. Hindi pa gumagabi kaya pinapayagan muna sila sa garden tumambay ngayon. Maraming tao sa garden pagkapunta ko doon. Agad kong hinanap si mama sa lagi niyang inuupuan sa tuwing napaparito siya. Isa rin sa mga sign na gumagaling ang mama ko ay bumabalik siya sa hilig niyang gawin. Tulad ng painting. Agad ko siyang nakita doon na may kasamang babae. "Mama," bati ko sa kanya. Agad siyang tumingala sa akin at ngumiti nang makita ako. Tumigil siya sa pagpipinta at itinabi ang mga gamit. Agad siyang tumayo at yinakap ako. "Na-miss kita anak," sambit niya. "Ako din po," sagot ko at kumalas sa yakap. Hinawakan niya ang mukha ko ag tinignan niya ako ng maigi. Bigla namang lumapit sa akin ang kasama ni mama. Nilahad niya ang kamay sa akin at nagpakilala. "Hi, ikaw ba si Nathan? Nice to meet you. I'm Diana," she greeted with a huge smile plastered on her face. Nakatayo siya sa tabi ni mama. Nakahospital gown din siya. Maganda siya at maputi. Pinkish ang labi at kasing tangkad ko lang. Siguro 20 plus na ito. Pero kung umasta parang dose. Nakapig-tail pa ang buhok. "Anak," sambit ni mama na may pag-aalala sa boses. I looked at my mom and I can see how worried she is. Bakit? "Ano po iyon, Ate?" tanong ni Diana sa kanya. Mukha naman siyang normal, isip bata lang siguro. Bakit siya nandito? Tinignan siya ni mama at pilit na ngumiti sa kanya. Mababakas sa mukha ni mama ang... takot? "Wala, Diana," sagot niya at ngumiti iyong Diana. Tinignan ko si Diana na nakangiti pa rin sa akin. Habang tinititigan ko siya ng matagal parang may mali sa kanya. Nakaramdam ako ng takot nang biglang siyang pumikit at tumalim ang mata niya ng dumilat siya.  unti-unting nawawala ang matatamis niyang ngiti na napalitan ng ismid. Creepy. Walang pasabi ay bigla siyang umalis at tinanggal ang pagkaka-pigtail ng buhok niya. Iniiwasan din siya ng mga nakakasalubong niya. "Huwag mong pansinin si Lorraine anak," biglang sabi ni mama. "Lorraine?" tanong ko pero hindi siya sumagot.Sa halip ay umiwas siya ng tingin at naupo ulit sa bench. Hindi ko nalang iyon pinansin at umupo sa tabi ni Mama at nakinig sa mga kwento niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook