"Chapter 1 Aya.
“Aya,! ipaghanda mo ako ng almosal!..
Magtimpla ka narin ng kape.!"
Dahil maaga akong aalis para naman hindi ako malasin sa sugal ngayon araw."
Utos ng aking, tiyo Berto.
"Opo tsong." Sagot ko.
“Berto,!! Ipaghanda mo na lang, Ang sarili mo at baka mahuli pa sa pag pasok, si Aya, May exam pa naman ngayon ang pamangkin mo!!"
Singhal naman ni Tsang, Kay tiyo Berto.
“Sige,na Aya, Umalis kana baka mahuli kapa sa klase mo ako na ang bahala sa tiyo Berto mong sugarol."
Wika,ni Tiya Flor.
"Salamat po tiya."
Wika ko sa aking tiyahin.
Bago ako umalis, para pumasok sa paaralan.
“Kaya nagiging tamad ang batang 'yan!!" Dahil lagi mong pinag bibigyan!!..
Narinig ko pang sambit ng aking tiyuhin. labing walong taon na ako ngunit fourth year high school pa rin ako hanggang ngayon, napahinto kasi ako ng ilang taon,sa aking pag- aaral dahil sa kagagawan,ni Tiyo Berto. kong sugarol.
Dahil ang perang pinaghihirapan kong iponin, Ay ninanakaw lang ng aking tiyuhin, para lang may pang sugal ito. At si, tiyo Berto, pa ang nagalit sa akin nang mahuli ko itong ninanakaw ang perang pinaghirapan kong iponin, wala akong nagawa ng sabihin ni Tsong Berto, na huminto muna ako sa aking pag-aaral, at nangako, si tiyo Berto, na pag-aaralin ako.
Ngunit hindi ako naniwala sa pangako ng aking, tiyo Berto sa mga pangako nito dahil ilang ulit na itong nangako sa akin na pag-aaralin ako ngunit isa man sa pangako nito walang natupad dahil na uubos lang sa sugal ang pera ni Tsong.
Kaya nagsumikap ako para makaipon muli, upang makabili ako ng gagamitin ko sa aking pag-aaral nakikilabada ako kay,aleng Nena,dahil sayang rin ang kikitain ko sa pag lalabada.Naglalako rin ako ng pandesal sa umaga, Ng Sapat na ang ipon ko binili ko agad lahat ng gagamitin ko sa pag-aaral.
Minsan pag may pera,si Tiyang Flor, inaabotan niya rin ako kahit papaano. Mabait, ang tiya Flor, na asawa ni Tsong Berto, Wala akong masabi sa kabaitan nito sa akin.
“Aya,!!!
Tawag ng aking Kababatang si Reven,
Habang nag lalakad ako patungo sa sakayan ng tricycle,At mabilis lumapit sa akin ang lalaki.
“Aya, pwede bang sabay na tayong pumasok?”
Tanong nito, Ngintian ko lang ang lalaki bilang pagsagot ko.
“Aya, Pwede bang sabay na rin tayong mag lunch mamaya?”Tanong ulit nito
“Pwede naman.” matipid kong sagot
Napansin ko ang isang mamahaling sasakyan na paparating, habang bukas ang bintana, at nakita ko ang sakay ng mamahaling sasakyan, isang lalaking bagong mukha ang aking nakita sa loob ng sasakyan, siguro dayo lang ang lalaking ‘yun dito sa amin bayan At napansin kong sa akin rin nakatingin ang lalaki.Masasabi kong gwapo ang lalaki ngunit sa tingin ko matanda na siya.
Agad kaming sumakay, ni Reven sa tricycle nang may huminto sa aming tapat.
Napangiti ako sa lalaki ng alalayan akong makapasok sa loob ng tricycle.
“Manong sa Cuevas HighSchool po kami."
Wiko ko sa driver ng tricycle.
At ito pa ang maganda sa akin dahil isa akong iskolar ng Cuevas HighSchool kaya hindi gaanong mabigat sa bulsa ang gastosin ko, malapit na rin akong makapagtapos ng High School, Kunting tiis na lang.
Makalipas ang sandali nakarating na kami, ni Reven,sa Paaralan.Balita ko isang Mayaman matanda ang nag-mamay-ari ng paaralan na aking pinapasukan.Sabi nila lagi daw nagpupunta ang nagkamay-ari ng paaralan na ito ngunit kahit isang beses hindi ko pa ito nakikita.
“Aya, Ako na ang magbayad ng pamasahe natin. Wika ng lalaki ngunit tinanggihan ko ito.
“Wag,na Reven, Ako na may pera pa naman ako, kaya inunahan ko na ito. sa pagbabayad mabilis kong iniabot ang pamasahe ko, kay Manong.Wala ng nagawa ang binata ng nakapagbayad na ako ng aking pamasahe.
At sabay na kaming nag lakad papasok sa loob ng paaralan.
“Aya, Susunduin kita sa room mo mamayang lunch ha." Saad ng lalaki bago ito nag tatakbo paalis.
“Aya, ikaw ha, may nililihim ka sa akin.
Saad ng lukaret kong kaibigan, na si Nica.
Ng sumalubomg ito sa akin.
Kaya biglang napakunot noo ako.
“Ano nanaman ba ang sinasabi mo Nica. Baka tsismis na naman ‘yan ha!
Biro ko sa aking kaibigan.
“Ano’ng mayroon sa inyo, ni Papa Reven, ha!..
“Wala!..
Sagot ko.
“Tayo na nga sa room at may exam pa naman tayo ngayon.
Gusto kong mag review muna habang wala pa ang adviser natin na mag papa exam sa atin.Wika ko.
“Ano, kaba Aya, kahit hindi kana magreview sure naman akong hindi ka naman bababagsak.
“Nica, masbuti pa rin yung makasigurado ako na hindi ako babagsak.
Umupo ako sa nakalaan upuan sa loob ng classroom namin ng makaupo ako inilabas ko ang aking aklat upang kahit ilang minuto makapagreview pa rin ako.
Nakita,ko rin si Nica, Naglabas rin ito ng aklat at nag review rin ito kaya napangiti ako.
Makalipas lang ang ilang minuto dumating na ang adviser, na mag bibigay ng exam. Sa amin.
“Good morning, Class, narito na ang magiging exam niyo.
Gusto ko sana lahat kayo makapasa dahil, ito na ang huling baitang niyo sa high school.
Tatahakin niyo naman ang susunod niyong kabata ng iyong pag-aaral at siguro naman lahat kayo may kanya-kanya na kayong naisip na korso, pag dating niyo ng College.
At sinimulan nang ibigay ng adviser namin ang aming sasagotan.
Dalawang oras din bago natapos ang exam namin.
Wala na kaming pasok sa hapon kaya uuwi na lang ako hindi na ako makakasabay ng tanghalian, kay Reven.Hihintayin ko na lang ang binata saglit para makapag paalam ako. Ngunit ilang minuto na akong naghihintay sa lalaki ngunit wala pa ito, kaya naisipan ko na lang umuwi.
Sumakay ulit ako ng tricycle pauwi sa amin.
Ilang minuto lang nakarating na rin ako sa aming baryo.
Pag-baba ko ng tricycle, Nakita kong may mga lalaking, nakatayo sa harap ng aming bahay kaya nagmamadali akong lumapit habang nasa mukha ko ang pagtataka.
“Aya,!! Halika dito pumasok ka sa loob ng bahay sigaw, ng aking tiyahin kaya nag mamadali akong pumasok sa loob ng Bahay.
“Tiya, ano ho ba Ang nangyayari? At bakit may mga lalaki sa harap ng bahay natin?”
Nagtatakang tanong ko kay, tiya Flor.
“Hinahanap nila ang tiyuhin mong sugarol dahil malaki daw ang kanyang pagkakautang sa Master, nila umabot na raw sa sampung milyon.
“Po…!!
Nasaan na po si tsong?”
“Hindi pa umuuwi, ang lalaking yun!"
“Tiya anong gagawin natin?
Tanong ko.
“Hindi ko alam kong anong gagawin ko Umuutang pala, ang Tiyo Berto, para ipang sugal lang, At ang masama pa umabot sa sampung milyon ang pag kaka utang ng tiyuhin mong yun!!..Galit na wika, ni tiya Flor.
Maya-Maya nakita namin parating, na si Tsong Berto, At napasigaw kami ni Tsang ng bigla na lamang hawakan ng dalawang lalaking malaki ang katawan, si Tiyo Berto.
At pinagtulungan bugbugin ng limang lalaki si tsong.
"Matagal ka nanaming pinaghahanap Berto para maningil sa pag kakautang mo sa aming Master!" Sambit ng isang lalaking isa sa nambogbog kay Tsong.
“Maawa kayo sa akin babayaran ko ang nautang kong pera sa Master niyo maawa kayo.!!"
Pakiusap,ni Tiyo Berto, habang nakaluhod ito sa limang lalaki.
At walang nagawa si tsong ng kaladkarin siya ng dalawang lalaki pasakay sa kotse.
“Hoy!! Kayo saan niyo dadalhin ang asawa ko.!!" Sigaw, ni Tiya Flor, sa dalawang lalaking kumaladkad kay, Tsong Berto.
“Flor, Pumasok ka sa loob ng bahay wag kang nang pakialam, baka madamay kapa.
Sambit ni Tsong, kay, Tsang Flor.
Wala ng nagawa si Tsang ng tuluyan nakaalis ang kotseng pinagsakayan, kay tiyong Berto.