bc

To Love Again

book_age18+
8.0K
FOLLOW
51.8K
READ
possessive
dominant
powerful
CEO
maid
drama
bxg
small town
virgin
passionate
like
intro-logo
Blurb

Sa Maynila magtatagpo ang landas nila Rica Corpuz at Logan Marco Sevilla. Si Rica na isang probinsyanang dalaga ay salat sa maraming bagay tulad ng edukasyon at pera kaya naman panganga-tulong lang ang tanging alam niya para mabuhay. Kabaligtaran ni Logan na isang business tycoon at pinanganak ng may gintong kutsara sa bibig. Mabilis na nakukuha ang gusto sa isang pitik! Sa Mansion ng mga Sevilla magsisimula ang pagi-ibigan ng dalagang probinsiyana na si Rica at ang mayaman ngunit isa ng ama na si Logan.

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: NAPAKURAP ako sa nakita. Ang buong akala ko na matandang babae ang magi-interbyew sa akin ay isa palang gwapo at makisig na binata! May lahing briton! Ang puti puti! Ang linis niya tignan at mukhang mabango! May kasama itong maganda at tisay na babae. Asawa kaya niya? Bumaba ang tingin ko sa desk nameplate nito. LOGAN MARCO D. SEVILLA Chief Executive Officer Napalunok ako. Hindi ko naman akalain na CEO ang haharap sakin akala ko ba iyong mayordoma ng pamilya Sevilla? “You!” Napatuwid ako ng tayo at mas lalo akong inatake ng kaba. Lalo na iritable pa itong nakatingin sakin at salubong ang kilay. Kulang na lang ay kainin niya ko ng buhay. “Aren’t you going to answer her question?” masungit niyang tanong. Sumandal na sa upuan at humalukipkip na tila tamad na tamad siyang kausapin ako. Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa harap niya. Buti pa si Maam friendly. Nakangiti. Pero si Sir wala pa nga badtrip na. “Po?” tanong ko dahil hindi ko naman talaga narinig ang tanong niya. May sinabi na ba? Bakit wala akong naalala. O, nasobrahan ako ng tulala. Napahilot sa sentido si Sir na tila napikon na sakin. “Sorry, hindi ko po kasi narinig,” paghingi ko ng pasensya. Tumango at ngumiti lang si maam sakin habang nakacross legs. Kitang kita ko tuloy ang mahaba, maputi at makinis niyang legs na kabaligtaran sakin. Ako na morena, at medyo maliit pa. May kaunting peklat sa hita na tyina-tiyaga ko pa sa kakalagay ng cebo de macho para lang mawala. Samantalang si Maam alaga ito malamang kay Vicky Belo. “Hey, woman! You’re spacing out again! My goodness!” hiyaw ni Ser at hinampas na ang lamesa dahilan para ako ay mapapitlag. “Logan, enough! Tinatakot mo kasi siya.” Umirap si Maam kay Sir at bumaling sakin ng nakangiti. “You don’t need to introduce yourself. Nasa resume mo naman na iyon. We just want to ask if you have experience taking care of a child? Let’s say a five-year-old kid? Kasi right now, nakakuha na kami ng maid. So, what we need now is a Nanny. Logan offers ten thousand monthly salary with performance bonuses, mid-year and thirteen-month pay bonus. Aside from that, a qualified Nanny will also have her health insurance covered din ang dependents. Oh! I forgot. Include na din ang government contributions mo like SSS, Philheath and Pagibig.” Sunod-sunod na sinabi ni Maam. Nagningning ang aking mga mata. Naku po! ten thousand per month?! Sobra sobrang laki kumpara sa huli kong sahod sa pangangatulong! three thousand lang kinikita ko! Ang daming benepisyo! Susko! Sandamakmak na bonuses! Totoo po ba talaga ito?! Pwede na kong bumili ng mga bagong kama ng mga kapatid ko sa sahod ko! Lumang luma na kasi ang kama nila at nagsisiksikan ang iba sa papag. Tumango-tango ako. Kahit naman hindi ako nag-alaga ng bata sa mga nakaraang trabaho ko ay masasabi kong magaling ako sa ganyan dahil ang mga kapatid ko ay bata pa. Simula nilabas sila ako na nagpalaki sa mga kapatid ko. I cleared my throat first. Kasi pakiramdam ko hindi ko magagawang sumagot sa klase ng tingin ni Ser sakin. Lalo na nanliit ang mga mata ni Ser dahil nagaantay at mukhang naiinip sa isa-sagot ko. Wait lang ser. Hindi ko alam kung tatagalugin ko ba ‘yan o hindi. Ayon sa nabasa ko kapag daw english ang tanong ng interviewer dapat english din ang sagot. Bahala na si Batman! Basta dapat makuha ko ang posisyon by hook or by crook! “Yes, maam. Bikos ano... I h-hab seben siblings... and ay am da p-pers doter. Ay! P-pers child po. Dats w-way I no haw to tek keyr... da... kids.” Pautal-utal pa ko. Kinakabahan ako magenglish! Hindi ko alam na mapapasabak ako sa ganito! Nangingiti si Maam matapos marinig iyon sakin. Good sign siguro ‘yon noh? Kasi natutuwa siya sakin. Baka maconsider niya ko. Tanggap na ko siguro mamaya. Bumaling ako kay Sir na iritado na. Naku po! Sa kanya sablay ata ako. Pumikit ito at hinilot ang sentido. “My daughter speaks in English. How can you communicate with her if you can't speak straight with that language?” masungit niyang tanong. Dinilat niya ang kanyang mga mata kaya nagtama ang tingin naming dalawa. Nanginig ata ang sistema ko at feeling ko anumang oras mahihimatay ako. Bukod sa klase ng titig niya na parang halimaw na handa akong sakmalin anumang oras ay gutom na ko! Tanghalian na at isang pirasong skyflakes lang ang kinain ko! “Uhmm... ay kan do may best ser. Pramis! Ay well titsh yor doter to speyk in tagalog na lang. Para magkaintindihan kami. Isa pa ser. Talagang malapit ako sa mga bata. Simula ng baby pa iyong mga kapatid ko ako na po naga-alaga. Sanay na sanay po ako diyan. Mahal na mahal ko po sila. Kaya po andito ako nagbabakasakli na matanggap para mabigyan sila ng maayos na buhay. Gustong gusto ko po ang bata. Kaya sure po ako na mamahalin ko po ang anak niyo. Aalagaan ko po siyang mabuti ser.” I gave a small laugh to hide my nervousness. Tinagalog ko na para madama nilang sincere ako sa gusto ko. Napahilamos si Sir sa sariling mukha. Natawa naman si Maam sakin. “I like you!” “Tenk you maam!” Ngumiti ako ng tipid at nahihiya sa kanya. Binaba ko ang maiksi na palda dahil naiilang ako sa suot ko ngayon. Sobrang iksi. Hiniram ko pa ‘to sa kaibigan ko kasi wala naman akong damit na magagamit sa ganitong formal interview. Corporate daw kasi pupuntahan ko pero ang a-applayan ko naman katulong. Ano kaya ‘yon. Sana pwede na magdaster lang pumunta dito. “Wala na bang iba? Are you sure she’s recommended by Mr. Tan? Mukha namang walang alam ‘to! Dinadaan lang tayo sa mabulaklak na salita. Look at her. Parang sa bar ang punta niyan hindi naman sa pangangatulong. Baka ano pang ituro sa anak ko.” Iritado nitong sabi. Si Mr. Tan iyong amo ng kaibigan ko. Nilakad pa ako ni Dana sa amo niya para lang masiguro na makasama ako sa maga-apply at maconsider na katulong ng pamilya Sevilla. Suot ko iyong white polo ni Dana. Pero dahil sa malaki kong s**o ay masikip iyon sa harap at kung nabusog lang ako ngayon ay talsik ang butones sa pagmumukha ni Mr. Sevilla. Kaya nga biscuit lang kinain ko magkasya lang ‘tong damit na pinahiram ni Dana sakin. Iyong black skirt naman umiksi masyado sakin dahil sa matambok kong pwet. No choice naman ako kundi suotin dahil wala naman na siyang ibang maio-offer sakin. Wala din naman akong pera pambili. Sayang lang din. One-time ko lang naman gagamitin. Iyong pumps ni Dana medyo kupas na ang kulay pero pwede pa naman gamitin. Ang make up ko ay ako na ang gumawa. Dapat daw mag-apply ako kahit na kaunti dahil interview ang pupuntahan ko. Basta ginamit ko lang iyong black eye shadow niya, red blush on at red lipstick. Hindi naman kasi ako masyadong marunong gumamit. Ako lang nagayos kasi busy si Dana sa trabaho niya. Nilugay ko na lang ang mahaba kong buhok pagkatapos. Hinampas nito ang lamesa. Napakislot ako sa ginawa niya. Bumaling siya sakin ng may pangungutya sa mga mata. Nalaglag ang balikat ko. Nakaramdam ako ng pagkabigo. Gustong gusto ko iyong posisyon pero ayaw naman sakin ng tatay ng batang aalagaan ko. Goodbye ten thousand a month na ba and other benefits? Ngayon pa lang ang lungkot ko na. Naiiyak na ko sa disappointment. Hindi ko na namalayan na namuo na ang luha saking mata. Napayuko ako. Nahihiya akong makita nila iyon dahil mahina ako. “Shut up Logan! I can see the goodness of her heart. You should hire her. I’m sure she will love your daughter as her own. Imagine taking care of seven siblings? That would be so hard for her pero look at her. She’s still here. Naga-apply para sa kinabukasan ng mga kapatid niya. Wala na kong maisip na deserving kundi siya. Kaya kung hindi mo kukunin si Ms. Rica...” Huminto siya dahil nakalimutan ata ang apelyido ko. Binasa ang resume ko. “...corpuz. Itatakwil kitang kapatid ko. You know me brother.” Nagangat ako ng tingin. Nilapag ni Maam ang resume ko sa harap ng lamesa ni Ser at tumayo para lumapit sakin. Napakurap ako sa ganda niya. Kapatid pala niya si Ser pero magka-iba naman sila ng ugali. Sana nahawaan ni Maam ng kaunting bait si Ser ano? Para okay lahat. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Ser. “Fine! You’re hired!” Tila umurong ang aking mga luha sa sinabi niya. Namilog ang mga mata ko at sabay kaming naghawak kamay ni Maam at napatili ng bongga!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.7K
bc

His Cheating Heart

read
40.8K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
163.3K
bc

Unwanted

read
510.5K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook