bc

Maging Wakas (Completed)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
23.0K
READ
fated
dominant
badboy
drama
comedy
sweet
bxg
small town
childhood crush
like
intro-logo
Blurb

MONTEVISTA SERIES#1

Ten years of sentence in prison, iyon lang naman ang pinagbayaran ni Novah Calleja sa kasalanang hindi niya ginawa. Pinakulong siya ng dati niyang kasintahan—Sepp Cervancia—dahil ang buong akala nito ay siya ang pumatay sa ama nito. Base na rin kung paano sila naabutan nito sa hotel. At nang makita nito ang katawan ng ama na wala ng buhay ay aagad itong nagpatawag ng pulis upang dakpin siya at ikulong sa loob ng maraming taon. Hanggang sa nabigyan siya ng parole.

Sa kanyang paglabas ay dito niya makikilala ang lalaking si Ravi Montevista-naguumapaw sa kabuuan nito ang pagiging ruggedly handsome. When she first saw him, agad siyang may naramdamang kakaiba sa kanyang dibdib. It was a familiar feeling but she couldn't give it a name.

But in the end, ito rin pala ang wawasak sa puso niyang pinipilit niyang buuin para sa lalaki.

Paano aahon ang isang babaeng patong patong na pighati ang kinakaharap?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Prologue: “C’mon Novah, para namang hindi natin alam ang naging trabaho mo bago pa man kayo nagkaroon ng relasyon ng anak ko. Yes, you can fool my son, but not me.” Walang habas na pahayag ni Mr. Cervancia nang subukan kong umiwas sa gagawin niyang paghalik sa aking pisngi. Subalit nangilabot naman ng buong sistema ko nang pasadahan ng isang daliri niya ang leeg ko pababa pa sa aking hita. Gumuhit ito ng korteng pabilog roon. Nangapos ang paghinga ko at 'di alam ang susunod na gagawin, pandaliang natuod ang isipan. Hindi pa nakuntento ang matandang haragan at inilapit niya ang kanyang pang-amoy sa akin at sininghot singhot ang bagsak at itim na itim kong buhok. Dumidikit ang maninipis at matutulis nitong balbas sa akin. “You are so damn beautiful, iha. Ganito ba ang pabango mo sa lahat ng lalaking makakatalik mo?” nananamlay ang sulok ng mga mata nitong tanong. Hindi nito naitago ang panunuya sa likod ng papuri nitong sinabi. Hindi ko nagawang sumagot sapagkat nanigas ako nang maramdaman kong sumunod ang hininga niya malapit sa tainga ko. Nanayo ang mumunting balbon ko sa parteng iyon. “Huwag ganito, Mr. Cervancia...” sinisikap kong nasa lebel lamang ang tinig, kahit gustong sabayan iyon ng pagpiyok. Hindi ko ramdam ang lambot ng kamang inuupuan dahil parang nais bumaliktad ng laman loob ko sa natatanaw kong repleksyon sa harapan ng salamin. Kaming dalawa, magkadikit na halos ang mga balat. Kitang kita ko kung gaano katindi ang pagnanasa ng matanda sa akin. Matagal ko ng nakikita ang matang iyon sa tuwing dadalhin ako ni Sepp sa kanilang mansyon. Ang mga titig nitong mala-karayom kung bumaon. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang bagay na iyon dahil maayos naman siyang makitungo. Kabastusang matatawag kung pagiisipan ko pa ng masama ang bagay na iyon. Ngunit wala sa isip kong hahantong sa ganito. Hinalukay niya ang nakaraan kong ibinaon ko na sa limot. Pinaimbistigahan niya ako. Nang malama'y 'yon ang ginawang sandata upang ako'y sirain. Bilang kabayaran sa pananahimik niya ay ang katawan ko. Hindi ko masikmura na ang gumagawa sa akin ng ganito ay ang ama ng mahal ko. Napakislot ako ng magsimulang gumapang ang isang kamay nito sa hita ko. Bahagya akong nakaramdam ng pagkataranta. “S-sir, h-huwag niyong g-gawin ito. Ama kayo ni Sepp. Hindi niyo ba naisip ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ito?” napipit ko ang dalawang hita pasara. Hindi ako sumama rito upang may mangyari sa aming dalawa. Sumama ako sa kanya dahil gusto kong pagusapan namin ito sa  diplomasyang paraan. I heard him chuckled beside my ear. “Don't you know that I was your admirer when my son introduced you to me. It's odd but I had a crush on you. Nakuntento nalang ako sa pasulyap- sulyap sayo. I even stalked you. Napaka-weird pakinggan ano? Lalo na kapag matanda ang nagsabi.” Mapait itong humalakhak. “Pero pinagsisihan ko ang pag-iimbistiga sayo. I thought you were an angel sent from above but I was wrong. Naglaho ang pagkagusto ko sayo nang malaman kong marami na palang lalaking nagpakasasa sayo. Hindi lang ako ang naloko mo pati ang anak ko.” Humingal ito ng kaunti mula sa mahabang litanya. Hindi ako nagagalak na malaman iyan lahat sa’yo, Mr. Cervancia! Oo ikaw ang ama ni Sepp ngunit wala kang karapatang sirain ako! “Wala kang alam, Mr. Cervancia. Wala kang alam kung ano at bakit ako humantong sa ganung uri ng trabaho at wala kang karapatang sabihin sa akin ang ganyang mga salita. Sepp would not forgive you if he found out this.” Pagkasabi niyon ay humasa ang nga ngipin ko sa panggigil. “Nagkaroon na ako ng karapatang gawin sayo ito nang kusa kang sumama sakin.” He gave me a lopsided smile. “I know he will forgive me once he find out that his girl was doing dirty job before. I'm his father after all.” Patalim sa akin ang bawat linyang niyang iyon. Gumuhit ng marka sa pandinig ko. “Kung sakali man na hiwalayan ka ng anak ko, h’wag na h’wag mong ihahain ang sarili mo sa akin para maging babae ko. I'd rather choose some worthless women out there than to be with you. Ang gusto ko lang talaga ay matikman at babuyin ka ngayong gabi.” May lason ang bawat binigkas niya. Nilamon ng sakit ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Na para bang, siya ang may karapatang magdikta sa akin, sa amin ni Sepp. Para bang dahil sa nakaraan ko, mawawala ang minamahal ko. Hindi! Hindi ko kayang isipin na ganun ang mangyayari. Ayokong mawala si Sepp sa buhay ko ng dahil lamang sa nakaraan ko. Hindi ang nakaraan ko ang sisira sa akin. Kung kinakailangan lumuhod ako dito sa ama niya ay gagawin ko. Hahalik ako sa lupa kung iyon ang nararapat. Napalis ang pagdadalawang isip akong lumuhod sa harap ni Mr. Cervancia. Nakita ko ang bumalatay na kabiglaan sa kanya ngunit agad ring naglaho.  Napailing at ngumisi.“Hindi ako Diyos para luhuran mo iha.” Sobrang diin kong nakagat ang ibabang labi ngunit kakatwang wala akong maramdamang sakit. Hindi ako nakaimik. Nangingibabaw sa akin ang takot at pagaalala na maaring lumabas ang baho ng nakaraan ko. “Stand up or else I will f**k you so bad!” Bulyaw nitong may kasamang paglipad ng kamay sa ere. “Then do it! If that's what you want, then do it to me now! As long as you will hide my secret to your son! I voluntary offer myself to you.” Sumisigaw na rin ako. Hindi ko na pinagaksayan pa kapirasong luha na tumakas sa aking mata. Nagsimula ulit mahati ang isip ko sa dalawang pagpipilian. I used to f**k different kind of old men but now is absurd. So absurd that I can't imagine doing those thing with Sepp's father. Ang isa naman ay hayaan nalang na sumingaw ang katotohanan at hintaying mawala si Sepp sa akin. Ang hirap isipin na maaring mangyari iyon sa akin. Sumasakit ang puso ko. “Tell me iha. How many idiot men did you f**k per day?”  I didn't answer him. Namumuo ang pagkasuklam ko para sa matandang ito. “Tell me!” Sigaw niyang bigla.  Napapikit ako at takot na napaurong sa edge ng kama, nakaluhod parin. Nakakatakot siya. Nakakapanghina ang talas ng mga mata niya.“M-matagal ko ng tinigil ang ganung uri ng trabaho. S-simula nang makilala ko si Sepp.” Tinugon ko na lamang. Gusto kong magbago para sa lalaking mahal ko. Kahit naman siguro ang isang puta ay may karapatang magbago at makahanap ng lalaking magmamahal sa kanila. Tulad ko, tulad ng iba. At sa katauhan nga ni Sepp ay nakilala ko siya. Siya ang naging instrumento ng pagbabago ko kahit na wala siyang kaide-ideya sa nakaraan ko, sa kung anong uri ng trabaho ang mayroon ako dati. Umiling lamang ito at tumayo upang magsalin ng alak sa kopita. Panandalian akong nakahinga ng maluwag ngunit bumigat uli iyon nang bumaling siya sa akin ng tingin gamit ang matatalas niyang mata. “It doesn't change the fact that my eldest son died because of the woman like you.” Aniya at saka sumimsim ng alak. Umiling ako kasabay ng lalong pagbigat ng pakiramdam. Namamanhid na rin ang mga tuhod ko sa pagkakaluhod. “Wala akong maalalang may nabanggit si Sepp na mayroon siyang nakatatandang kapatid.” Pagkakaalala ko'y isa lamang ang kapatid ni Sepp at iyon ay si Lumina na kasalukuyang nasa abroad at nag-aaral ng Law. Hindi pa kami nagkikita personally. I just know her by name. “Of course Sepp is kinda private when it comes to Lucho. Masakit sa kanya ang pagkawala ng kanyang kuya. At hindi niya matanggap ang katotohanang kinitil nito ang sariling buhay ng dahil lamang sa isang pakawalang babae. Ng dahil lamang sa babaeng wala siyang mapapala. Naalala ko pa nga kung paano ipinahanap ni Sepp ang babaeng iyon. Ang babaeng rason ng lahat. Nang makita'y halos mapatay niya ang puta na iyon dala na pagkasuklam...”  Tumagos ang mga mata ni Mr. Cervancia sa aking balintataw. Nagiwan iyon sa akin ng panlalamig. Dim light lang ang buga ng lamp shade pero malinaw kong nakita ang pag-crack ng kopita sa kamay nito hanggang sa maging pira piraso iyon sa sahig.Naningkit ang mga mata niyang lumapit sa akin. “S-sir!” Nagulat ako sa mga sunod na nangyari nang bigla niya akong dambahin. He forcefully kiss me on my neck, pero nilalabanan ko iyon ng higit pa sa lakas niya. Ang dalawang kamay ko ay nasa dibdib niya upang mapigilan siya sa ginagawa niyang pananamantala sa akin. I haven't decided yet. Hindi pa lubos na pumapayag ang puso ko na bumigay sa gusto niya kapalit ng hindi pagsabi kay Sepp ng lihim ko. “Damn it, you slut! Just give in to me. You have no choice!” Napahiyaw ako at tuluyang nanghina nang hilahin niya ang buhok ko dahilan para mapatingala ako. At roon ay malaya niyang nailandas ang dila sa panga ko. Amoy na amoy ko ang alak sa kanyang hininga. “Mr Cervancia, parang awa po. Itigil niyo na ito!” Nanginginig ako sa takot at sa sakit ng pagkakahawak niya sa aking buhok. Nangangatal ang aking bibig habang umiiling sa harapan niya. “Hindi ko po kaya! Hindi ko kaya! Nagmamakaawa ako!”  Hindi ko pala kayang ipaubaya ang sarili ko bukod sa lalaking minamahal ko. Hindi ko maatim na muling magpaubaya sa ibang tao. Hindi kahit kanino man. “I have no mercy to the people like you. Now lady, I'm gonna f**k you senseless and merciless!” Matunog ang pagkawasak ng damit ko. Sinira niya ang suot kong fitted dress. Tuluyang nalantad ang aking katawan sa harapan niya. Ngumisi ito, puno ng malisya ang pagkislap ng mata. Akma akong tatakbo ngunit maagap niya akong nahila sa braso at sinampal ng walang awa. Bumagsak ako sa kama habang sapo ang pisnging nasampal. Dama ko ang init at hapdi sa parteng iyon. “Tatakas ka pa, puta ka!” Umikot ng tuluyan ang paningin ko nang suntukin niya ako sa sikmura. I literally vomit the blood from my mouth. Sunod sunod ang aking pag-ubo. Hindi ko namalayan ang paglaglag ko sa sahig. Hindi pa siya nakontento ay pinagsasampal niya naman ako sa mukha. Impit kong mga sigaw ang namumutawi sa paligid. Bumabakat kong mga kuko sa sahig ang naging saksi sa kung gaano kasakit ang bawat hagupit ng kamay niya sa akin. Animo'y ilang beses akong hinahampas ng bakal sa sobrang sakit sa pakiramdam. Nanliliit na ang aking panigin. Tingin ko pati mata ko'y maga narin. I just closed my eyes and endure all the pain while crying helplessly.  Sa dami ng nagawa kong kasalan sa kapwa ko alam ko hindi ako matutulungan ng mundo at hindi pagaaksayahang pakingan ng Diyos ang aking dasal. Isa lang naman akong putang nangangarap magkapakpak sa lupa ngunit sa taas ng pangarap kong iyon, napakasakit ng aking paglagapak. Ganunpaman, may kapirasong pagasa akong inaasahan sa mundo pero lahat iyo'y nagsimulang mabubura ngayon gabi. Bakit ayaw ng langit na tuluyan akong sumaya? Bakit kung kailan nakikita ko na ang liwanag sa pagkatao ko saka naman ako nilulugmok ng paulit ulit sa putikan. Don't I deserve happiness just like in fairytale? Napaigik ako nang tumama ang isa pang sampal sa akin ni Mr. Cervancia. May bumarang sakit sa puso ko dahil ang sampal na iyon ang tanging sagot sa aking katanungan. Ang katotohanang hindi ako karapat dapat sumaya katulad ng mga normal na babae. Hindi maaari na isang babaeng maruming tulad ko ay mag-asam ng pagmamahal sa isang lalaking dalisay ang pagkatao. Ilang saglit pa ay tumahimik ang mga marahas na kaganapan. Nahinto ang pananakit sa akin ng matanda. Dahan dahan akong nagmulat ng mata na sinabayan ng mabibigat na paghinga. Kahit nananakit ang aking buong katawan ay pinilit ko parin kumilos upang makita ang matanda. Ganun na lamang ang gulantang ko nang makitang nakahawak si Mr. Cervancia sa kanyang dibdib at tila nahihiharapang huminga. Nanlalaki ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. Ang bibig ay bahagyang nakabuka. “Mr. Cervancia! Anong nangyayari?” Gilalas kong tanong. Umigkas ang hintuturo nitong itinuro ang direksyon ng itim na bag na nakapatong sa sopa. “M-my m-medi..cine...g-give it to m-me...n-now.” Now, I fully realized what is happening to him. I remember Sepp already told me that his father has a heart problem. Suminghap pa ang matanda ng malakas bago napatukod ang isang kamay sa sahig. Senyales na hindi na talaga maganda ang sitwasyon ngayon dahil inaatake ito sa puso. Pigil hininga kong tinakbo ang kinalalagyan ng bag at hinanap ang maaring gamot ni Mr. Cervancia.   Lihim akong nagmumura habang kinakalkal ang bag. Hindi nakikisama ang nanginginig kong mga kamay sa nangyayari. Hanggang sa may lumitaw na ulo ng botelya. Nataranta akong kinuha iyon at lumingon sa ama ni Sepp. Halos matulos ako sa kinatatayuan nang makitang lupaypay na si Mr. Cervancia sa sahig. Nabitawan ko ang botelya dahilan para mabasag iyon. Kumalat ang mga tabletas sa sahig. Tinawid ko ang bubog at dinaluhan si Mr. Cervancia na kasalukuyang walang malay. “Gumising kayo Mr. Cervancia... pakiusap...utang na loob.” Garalgal ang aking tinig, paiyak na. Nakagat ko ang ibabang labi nang wala akong makuhang response mula sa kanya. Nalasahan ko pa ang dugo sa gilid ng aking labi pati narin ang mapait na pawis na lumandas sa aking mukha. Kakaibang wala akong maramdamang sakit ng katawan kundi takot. Inalog-alog ko ang kanyang balikat. Dahan dahan kong nilapat ang aking daliri sa leeg nito upang pulsuhan. Mas lalong lumukob sa akin ang takot at kaba. I grabbed his wrist para pulsuhan din. Napaatras ako nang wala akong maramdamang t***k o kahit na anong senyales na buhay pa ito. Napasabunot ako sa aking buhok at 'di makapaniwalang umiiling. This can't be happen! Buhay pa siya. Hindi maaring mawalan nalang ito ng hininga bigla. “Hindi... hindi pwede...Mr. Cervancia! Hindi kayo pwede mamatay!” Sigaw ko kasabay nang rumaragasang luha sa aking pisngi. Lumipat ako sa kanyang tabi at binigyan ito ng sunod sunod na CPR. I counted nonstop and trying to revive the old man. Napahinto lang ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa roon ang babaeng receptionist na may hawak na key card ng unit dito sa hotel. Bumagsak ang huling pisi ng pag-asa ng buhay ko hindi dahil sa tili at gulat ng babae kundi dahil sa lalaking nasa likod nito. He is sinfully standing at the back of the girl. Gulat ang nababasa kong ekspresyon mula sa gwapong mukha niya. Sa mukha hanggang sa kahubdan ko'y pinasadahan niya ng nagtatanong na mga tingin. Bandang huli ay bumagsak ang mga tingin niya kay Mr. Cervancia na ngayo'y wala ng buhay. Bumalik ang titig niya sa akin madilim at mapanganib. Higit pang lumigalig ang pagkabog ng puso ko dahil may kausap na ito sa cellphone. Rinig na rinig ko pa ang malalim at tila kidlat niyang mga sinabi. “Hello, this is Sepperino Cervancia, I need ambulance as soon as possible. There is an emergency here in twin tower hotel. Yes... And one more thing...” Umigting ang panga niya, sandaling pumikit bago nagbuga ng hininga dahilan para kapusin naman ang sa akin. Napapikit ako sa nangyayari. Wala sa anyo niya ang minamahal kong lalaki. Tila nagiba ang pagkatao ng lalaki sa aking harapan. “I want you to arrest someone. She killed my father.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.5K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
258.6K
bc

The CEO's First Romance | Completed

read
1.4M
bc

That Night

read
1.1M
bc

Tamed to Be Yours

read
385.0K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook