bc

Romantic Obsession

book_age18+
124
FOLLOW
1K
READ
dark
badgirl
dare to love and hate
heir/heiress
bxg
female lead
city
illness
cruel
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Mawala na ang lahat ng bagay kay Kashien huwag lamang ang kanyang pinakamamahal na anak. Ngunit sa kamay ng sarili nitong ama— na si Eres Juan Montevista ay mukhang nagbabadya yata na mangyari ang kanyang kinatatakutan. Lalo pa at malaki ang galit nito sa kanya dahil sa pagkakamaling ipanaako niya sa ibang lalaki ang dinadala niya noon.

Kaya bago pa mangyari na makuha nito ang buong kustodiya sa bata ay nagdesisyon si Kashien na kidnapin ang sariling anak at ilayo sa ama nito.

Subalit lingid sa kanyang kaalaman ay mas nakalikha lamang siya ng panibagong usok na magpapatindi sa apoy ng galit ng lalaki. Hanggang sa nakita na lamang niya ang sariling humihimas ng rehas habang nagmamakaawang palayain siya nito. Pinagbigyan naman siya nito ngunit may kapalit and she had no choice but to accept it. Kahit pa na ang kapalit ay ang maging estranghero sa buhay ng sariling anak, makasama lamang ito. She didn't mind being a nanny to her own son.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
“Buntis ako! Kailangan mo akong panagutan!” Walang kasing tapang ang itinapon kong titig sa lalaking nasa harapan ko. Nakaupo ito sa swivel chair at nakatalikod. Nakaharap sa higanteng salamin kung saan kitang kita ang lawak ng kalakhang siyudad. Sumasayaw ang upuan nito habang nakatungkod ang siko sa arm chair. Sinikil ko ang panginginig ng aking mga kamay. Halos gusto ko'ng takbuhin ang pinto at umalis na lang pero ito lang din ang paraan para makabalik ako sa mga magulang ko at muling tanggapin. Kailangan ko siyang makumbinsi na panagutan ako. Kung hindi ay sa kangkungan ako pupulutin. This is my only chance. Ito lang ang natatanging paraan ko para maisalba ko pa ang pagmamahal na mayroon ang mga magulang ko sa akin. Nahugot ko ang aking hininga nang sa wakas ay iikot niya ang upuan dahilan upang makita ko nang lubos ang anyo niya. Mayroong angas na nakapaskil sa sulok ng labi nito. Naglalaro ang ngisi at panunuya roon. Gayunman man, sumikdo ang puso ko sa kaalamang iilang distansya lang ang pagitan namin. Marahas ang epekto niya sa aking sistema. Tulad pa rin ng dati. Binabagyo ng presensya niya ang kalmado ko'ng pustura. “Pakiulit nga ng sinabi mo.” Nakakalula ang katangkaran niya nang tumayo siya at umupo sa ibabaw ng kanyang desk. Dapat ay hindi na ako nagugulat dahil ilang beses ko naman na siya nakasama sa iisang kama ngunit tila bagong bago pa rin ako sa presenya niya. Tingin ko ay habang buhay akong ma-i-intimidate sa kanya. Ibang klase siyang lalaki at punong puno ng misteryo. Nilalaro ng mga daliri niya ang maliit na bola, kasing laki iyon ng pingpong ball. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang sa impis ng aking tiyan. Malaki na ang tiyan ko at malapit ng manganak. Isa pa sa rason kung bakit narito ako ay ang pinansyal. Kinain ko ang kahuli-huliang pride na natitira sa akin nang magtungo rito. I don't want to give birth on the pavement. Malayong malayo ang ugali niya sa pinsang si Dylux. Isang pagkakamali ang makaharap ang isang tulad niya. Nandito na ako at wala ng atrasan pa. Inalis ko ang bara sa aking lalamunan. Nagtaas ako ng mukha. Kahit ngayon lang ay magiging matapang ako. “I said, I'm pregnant and you're the father," ulit ko. Bigla itong tumawa nang malakas. Iyong tawa na nakakainsulto ng pagkatao. Nakakadurog at nakakawala ng kumpiyansa sa sarili. Nakakapanliit rin ang uri ng tingin na ibinabahog niya sa akin. “How did it happened?” Ngayon, ako naman ang natawa. “Of course, we f****d! Nakalimutan mo na ba? May nangyari sa atin, maraming beses. Pagkatapos tatanungin mo ako kung paanong nangyari?” Naikuyom ko ang aking dalawang kamao. Sumisikip ang dibdib ko dala ng galit. O, pwede rin na dahil sa bugso ng hormones ko. O, pwede rin na dahil sa gutom at kawalan ng sapat na tulog. I am f*****g homeless right now. Itinakwil ako ng Mommy at Daddy nang malamang buntis ako. Hiwalay na sila at parehong may mga bagong pamilya. Ako na una nilang naging anak, ako rin ang nawalan ng magulang. Kung kailan kailangan ko sila ngayon sa madilim na yugto ng aking buhay, saka nila ako itinakwil. They said I am a disgraced to their name. They both wanted me gone. Ayaw nilang tanggapin ang ipinagbubuntis ko. Isinusumpa nila ako. Pinaputol nila ang mga bank accounts ko. Pinasara din nila ang condo ko sa Makati. Sinigurado nilang magdudusa ako. Even my friends, wala akong makuhang tulong mula sa kanila. Tingin ko nga wala ng natirang tapat na kaibigan dahil nalaman na nilang itinakwil ako. Wala na akong kwenta para sa kanila. I'm useless and it's killing me inside. “Hindi ko nakakalimutan ang bagay na 'yan, babae.” Matalim niyang wika. “Ang gusto kong malaman ay kung gaano ka kasiguradong ako nga ang ama niyang ipinagbubuntis mo?” Napakurap ako. Naramdaman ko ang paguulap ng gilirang mata ko. Inaamin ko'ng malandi ako at desperada sa pagmamahal ng mga taong mahalaga sa akin pero hindi ako ang klase ng babae na kung kanino na lang magpapakama. Bulag at baliw ako sa pag-ibig kaya kapag ako ang nagmahal sinisigurado kong ito at ito lang ang tanging makakahawak sa akin. “Sigurado ako. Ikaw ang ama ng anak ko. Wala ng iba pa.” “Really?” he smirked. Ibinato niya ang bola sa kung saan. Tumalbog talbog iyon sa sahig. “Akala ko ba ay ang pinsan ko'ng si Dylux ang ama niyan? Bakit bigla yatang nagbago ang ihip ng hangin at sa akin mo na ngayon ipinapaako? Dahil ba hindi ka nagtagumpay na mapaikot siya sa mga kamay mo at ako naman ang sinusubukan mo'ng linlangin?” Diretsahang pang-aakusa niya. Kasing talim ng bubog ang bawat linyang ibinagsak niya. Humihiwa iyon sa kaibuturan ko. Doon pa lang ay dapat na akong umalis dahil alam ko na ang kahahantungan nito ngunit pinili ko ang manatili at lasapin ang lahat, kahit sobrang pait. Nakagat ko ang ibabang labi. Hindi ko siya masisisi kung ganoon ang iniisip niya. Sapagkat may kapiraso ng katotohanan naman ang inaakusa niya sa akin. Habang nagkakalabuan ang relasyon namin ni Dylux ay siyang pagpasok naman ng lalaking ito sa buhay ko. Nagkakilala kami sa club. Nakaupo siya sa madilim na pwesto niyon habang tahimik na umiinom. Hindi ko pa alam na pinsan niya si Dylux kaya makapal ang mukha ko'ng lapitan ito. Kulang ako sa pagpapahalaga, pagmamahal at pag-aalaga, ang gusto ko lang ng gabing iyon ay magsaya at makalimot. Dala ng kapusukan at alak, humantong kami sa kama ng paulit-ulit. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya noon dahil ayaw niyang sabihin. Misteryoso siyang lalaki at iyon ang dahilan kung kaya't nakuha niya ang buong atensyon ko. Sa piling niya ay naramdaman ko ang halaga ko bilang babae. Sa kanya ay importante ako kahit palihim ang aming pagkikita na para ba'ng palagi itong natatakot sa eskandalo. Ganunpaman, tinanggap ko kahit palaging ganoon ang sistema namin. Noong una ay hindi ko maintindihan kung bakit palagi kaming nagtatago. Inisip ko baka ay kriminal siya kaya iyon ang trip niya ngunit isang gabi ay aksidente niyang naiwanan ang wallet niya, naglalaman iyon ng calling card, then I saw his real name. It was Eres Juan Montevista. Gulat na gulat ako. I felt betrayed and hurt again. “Itinatama ko lang ang dapat na mangyari sa simula pa lang. Anak mo ang pinagbubuntis ko. Maniwala ka man o hindi, iyon ang katotohanan, Eres.” Kinalma ko ang sarili. Tao lang ako, desperadang babae na gustong makuha ang bawat gustuhin noon. My life is f****d up since day one. Gulong gulo ako sa putanginang mundo ito. Gagang makasalanan na walang kakontetuhan sa paggawa ng mga panibagong pagkakamali. Ipinaako ko lang naman ang dinadala kay Dylux. Kasi naiisip ko ng mga sandaling iyon na kapag ginawa ko iyon, aayos ang buhay ko sa piling nito, akala ko ay madali ko itong mauuto sa pananakot. Subalit bigo ako, nagkapatong patong na ang mga mali ko at patuloy na nanganak ng nanganak. Huli na ang lahat dahil nakasira na ako ng relasyon para sa pansariling kapakanan ko. I can't control the situation anymore hanggang sa hindi ko na mapigilan ang huminto. Tila may kumunoy na pumipigil sa akin sa paggawa ng tama. But now, I'm done with it. Sising-sisi ako at handa na akong i-deretso ang baluktot ko'ng daan kahit gaano pa ito kahirap. “Dylux is suffering because of you. Inalis mo sa kanya ang nag-iisang babaeng minahal niya. Tingin mo ganoon lang kadali itama ang lahat?” “H-Hindi. . . but I'm trying.” Umalis ito sa pagkakaupo at saka naglakad palapit sa akin. May hawak na itong folder. Kahit malapit na siya sa akin ay ibinato niya ang folder sa mukha ko. Napapikit ako. Dumausdos ang folder sa paanan ko. “Open it, bitch.” Maawtoridad niyang utos. Pinatatag ko ang aking sarili. Tumalima ako sa ipinagutos niya. Pinulot ko ang folder at tiningnan ang laman niyon. Napanganga ako nang makita ang litrato ko na kasama ang ibat-ibang lalaki. Nasapo ko ang bibig at umiling ng umiling. Hindi ito totoo. They were just my friends. Nakasama ko ang mga lalaking ito pero hndi ibig sabihin noon ay nakatalik ko ang mga ito. “This is not real,” depensa ko. “Wala akong pakialam sa mga lalaking nakasama mo. Tingnan mo ang iba pang laman bukod diyan." Sumandal siya sa edge ng desk kapagkuwa'y isinuksok ang kamay sa bulsa niya. Huminga ako nang malalim at itinuloy ang pagtingin sa laman ng folder. Bukod sa mga larawan ay mayroon ding medical result. Batay sa nabasa ko sa akin nakapangalan iyon. Ngunit nang mabasa ko ang mga nakasulat ay doon na ako napaiyak. Para akong binuhusan ng malamig ngunit pinakuluan na katotohanan. Ito ang bagay na hindi ko matatakasan. He knew! Alam niya ang estado ng mentalidad ko. “What are you planning now?” Maigting ang pagbakat ng ugat sa leeg ni Eres nang sulyapan ko siya. Sa lagay niya ay nagtitimpi pa ito. “N-nothing,” napapaos kong tugon pagka't iyon ang totoo. “Hiling ko lang ang kapakanan ng anak ko.” “You're not capable of being a mother. I couldn't believe I have s*x with a crazy girl like you! I even thought of marrying you someday. f**k!” singhal niya sa mukha ko. “Isa ka'ng baliw!” Napatigagal ako. Napaupo ako sa kawalan ng masasabi. Hindi ko alam kung paano ko papatunayan ang sarili ko sa kanya gayong may hawak siyang mga ebedensya. “Leave my office now. Hangga't nakakapagtimpi pa ako sa ginawa mong kasalanan sa pinsan ko ay umalis ka na. At kung akin man ang batang ipinagbubuntis mo, sisiguraduhin ko'ng ilalayo ko siya sayo pagkapanganak mo. Ayokong magkaroon ng baliw na inang tulad mo ang magiging anak ko.” Mabilis kong pinagsiklop ang dalawang palad bilang pagmamakaawa. “N-No, Eres! Matino ako! Hindi ako baliw!” sigaw ko. “Please, believe me on this. Ang mga magula—” “Shut the f**k up!” Dumagundong ang nakakatakot nitong boses sa buong opisina. Umurong ang kagustuhan ko'ng makapagpaliwanag at napamaang rito. Nag-aapoy ang mga mata nitong nakatunghay sa akin. “Wala ka'ng kwentang babae. Nakakasuka ang pagkatao mo.” Lunod ang mukha ko sa pag-iyak. Nanlalabo na rin ang pag-asa ko't paningin. I guess karma is on duty now. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagkirot ng ibabang tiyan ko. “Ahhh!” impit kong daing nang lumala ang pananakit. Dama ko ang likidong umagos sa gitnang hita ko. “Ang baby ko! Help me, Eres!” Nakita ko ang pagbabago sa mukha ni Eres. “s**t!” Mula sa pagiging balasik ay lumambot iyon at kaagad akong dinaluhan. Mabilis niyang pinindot ang intercom pagkatapos ay humingi ng tulong sa kung sino. “Manganganak na ako!” sigaw ko. Sobrang sakit ng balakang ko. Malakas ang paghilab sa loob ng aking tiyan. Parang binabali ang lahat ng mga buto ko. “Breath in and out, Kashien. Darating na ang tulong.” Tinulungan niya akong tumayo para paupuin sa couch. “Ang sakit. Sobrang sakit,” usal ko. Tumayo ako at tumuwad sa upuan. Nagulat ako nang tumayo din si Eres. Nasa likuran ko siya habang marahang minamasahe ang balakang ko. Medyo nawala ang pananakit dahil sa ginagawa niyang pagmasahe. “Is this feel good? Nabasa ko'ng nakakatulong ang pagmasahe sa balakang ng mga naglalabor.” Masuyo niyang wika. “Y-yeah... thank you.” Napapikit ako sa paghahalo ng kakaibang emosyon. Ilang minuto ay wala pa ring dumating sa tinawagan niya kaya naiinip itong lumayo sa akin. “Wait for me here. Babalik ako." Bago pa siya makaalis ay hinawakan ko ang kamay niya. “Dito ka lang pakiusap. Hindi ko kaya 'to ng mag-isa." Sandali siyang natigilan habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa kanya. Dumako hanggang sa aking tiyan. Paglaon ay umiling siya. “Babalik ako. The baby needs help. Huwag puro sarili Kashien," aniya at saka nagmamadaling lumabas ng opisina. Naiwan akong namimilipit sa sakit. Hindi ko malaman kung paano ko ipi-pwesto ang sarili ko sa upuan. Kada-hilab ng aking tiyan ay napapaliyad ako. Napapasigaw ako sa sakit. Nakahinga lang ako nang maluwag nang bumukas ang pinto ng opisina. Dumating na ang mga medic, may dala silang strecher. Kasunod na pumasok ay si Eres. Bago pa ako malapitan ng mga ito ay nagdilim ang buong kapaligiran at ang sunod ko na lang na marinig ay ang pag-sigaw ni Eres sa pangalan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook