bc

Pangarap ko ang Ibigin Kita

book_age18+
2.0K
FOLLOW
4.4K
READ
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Simula ng makita nya ang hearthrobe ng eskwelahan nila ay hindi na mawaglit sa isipan ni Mayumi Diaz si Zandro Villamayor. Tinitilihan ito ng mga kababaihan dahil sa taglay na kagwapuhan. Ngunit mapapansin kaya ang isang nerd na katulad niya ng isang mayaman at sikat na lalaki ng pinakakatangi nya. Hindi alam ni Mayumi na darating ang araw na siya naman ang pansinin ng itinatanging lalaki. May pag-aalinlangan man sa nakikitang pagpupurisige ni Zandro sa kanya, nagdadalawang isip pa rin siyang paniwalaan ito. Dumagdag pa ang alalahanin ng sumingit din sa eksena si Missy ang babaeng nababagay kay Zandro. Sinuyo siya ni Zandro na hindi inaasahan ni Mayumi. Ngunit totoo kaya ito o isang laro lang. Handa ba siyang sumugal para makamit ang kalagayahang inaasam sa huli. Abangan ang pag-iibigang Mayumi at Zandro?

chap-preview
Free preview
Lalaking pinapangarap
Nagmamadali sa pag-aayos si Mayumi dahil malelate na siya sa unang klase nya. Hindi siya nakatulog ng maaga kagabi kasi sa kakaisip nya sa sinisintang lalaki sa school nila. Excited na syang makita ang lalaking mahal at sana matapunan man lang siya ng tingin nito. Pero umasa nga lang ba siya na mapapansin ng lalaki. Sino ba siya para mapansin nito. Isa lang naman siyang simpleng babae. Isang nerd na babae.. Makaluma ang istilo ng pananamit nya.. At hindi nya lubos maisip kung mapapansin nga sya ng lalaki. Siya si Mayumi Diaz, 20 taong gulang at isang estudyante. Nagbibihis siya ng mukhang nerd para hindi siya pansinin at gusto niyang makapagtapos ng pag-aaral ng walang sagabal. "Hayyy.. Kelan kaya ako mapapansin ng mahal ko." Bigla nya nasabi habang pinupuyod ang mahaba at malagong buhok nya.. "Sana naman malapit na" bigla na lang nyang nasabi. Sabay alis na at talagang mapapagalitan na siya ng terror nyang guro. Habang papalapit sa school nila, biglang lumakas ang t***k ng puso nya ng makita ang lalaking laman ng isip nya. Parang hindi nya maihakbang yung paa nya. Nang biglang may humablot sa bag niya. Nakangiting mukha ng best friend nyang si Emma ang nabungaran. "Hoyy bruha bat ganyan mukha mo?" bungad ng best friend nya. "Wala bes, nakakagulat ka naman". Biglang kong sabi. Ayaw man nya sabihin ang nasa isip, alam naman ng dalaga na si Zandro ang lalaking sinisinta nya. Ang lalaking laman ng puso at isipan nya. "Halika na at malelate na tayo.. Terror pa naman guro natin ngayon.. Baka mamaya hindi pa tayo papasukin nun." Sabi ko na lang at sumulyap muna sa mahal ko bago lakad takbo kami ng kaibigan ko papunta sa una naming subject. Buti na lang at nauna pa kaming pumasok sa guro namin bago kami masabon sa pagiging late. Naging usap-usapan sa campus ang gaganaping intramurals na yearly ginaganap. Madami ng gusto sumali sa iba't ibang event na dadaluhan ng iba't ibang kurso. Isa sa mga inaabangan ng karamihan ang larong basketball kasi andun halos lahat ng gwapong estudyante kabilang na si Zandro ang sinisinta ni Mayumi. Tiyak mapupuno na naman ang stadium ng campus nila dahil sa ito ang madalas madaming nanonood. Madami na naman babae ang pipila para maging tagahanga ng matitipunong basketball player sa kanilang paaralan. Sa canteen Kumakain sila Zandro at barkada sa canteen ng may pumasok na dalawang babae at naghahanap ng mauupuan.. "Ang weird naman ng itsura nyan" , biglang sabi n Ken ang kgrupo nila Zandro. "Pare may ganyan pa pala na babae ngayon.. Mukhang sinauna.. Hahaha" Sabi naman ni Albert Tumingin na din si Zandro sa tinutukoy na babae. "Huwag naman nyong pagtawanan kasi wala namang ginagawa yung tao sa inyo" sabi n Zandro sabay tungga ng iniinom nyang softdrinks.. Nadinig ni Mayumi ang pagtatanggol ni Zandro sa kanya kaya lalu syang napahanga sa sinisinta.. Nabuhayan na Sana mapansin din sya ng binata kahit nerd sya at makaluma ang style ng pananamit. "Oooyyyy.. Admirer ka na ba ng nerd na yun pare.. Mukhang hindi ikaw yan ah, kasi ang alam namin magaganda mga gusto mo at hindi ganyan estilo ng pananamit at kilos." Hirit pa ni James.. "Ewan ko sa inyo.. Nanahimik yung tao kaya huwag nyo na lang din pakialaman." Dagdag pa ni Zandro.. Lalo tuloy humanga si Mayumi sa mga naririnig kay Zandro.. "Hayyy mahal ko sana nga hindi ka katulad nila na kung makalait wagas." Mahinang sambit ni Mayumi. Naghanap na sila ng mauupuan para makakain at talagang gutom na gutom na siya. Buti na lang at hindi sya tabain kundi sa kakain nya magiging lumba-lumba na siya sa katabaan. Kahit naman nerd sya manamit hindi naman nya pinababayaan ang katawan nya. Hindi nga lang halata ang magandang kurba nya kasi maluluwag ang damit na suot nya lagi at may malaki pa syang salamin. Natapos din sila sa pagkain ng kaibigan nya at may klase pa sya. Tinapunan na lang nya ng isa pang sulyap ang minamahal bago nagmamadaling pumunta sa susunod na klase. At nagtama ang paningin nila ni Zandro. Nagbaba na lang sya ng tingin at ibabaon na lang na inspirasyon ang saglit na pagtama ng tinginan nila. Hindi maiwasan ni Mayumi na isipin ang pagkikitang nilang iyon ni Zandro ang lalaking pinapangarap nya.. Ang lalaking laman ng puso nya at sana balang araw dinggin din ng Diyos ang panalangin nya na mahalin din siya ng lalaki. Suntok man sa buwan ang gusto nya ngunit alam nyang habang buhay may pag-asa pa.. "Pare malapit na intrams natin ah," sabi n James.. "Oo nga pre, marami na naman babaeng magkakagusto dito kay Zandro, maiitsapwera na naman tau." Dugtong pa ni Ken.. "Bat ba kayo ganyan, laro lang tayo wala mga babae na yan." Biglang bwelta ni Zandro. "Oowws, talaga ba pare, Di mo gusto ang ganyang atensyon ng babae". Sabat din ni Albert. "Hindi ko kasi iniisip ang mga ganyan muna pare." Biglang wika ni Zandro. "Parang hindi ka naman ganyan dati pare ah, kabi-kabila nga gf mo dati. Kami na lang nagtatakip sa iba mong kalokohan para hindi ka mahuli na madami silang gf mo" . Dagdag pa ni Ken. "Nagbabago ang tao pre at alam nyo naman na hindi ko masyado pinagkakaabalan muna ang mga bagay na ganyan. Madami pa akong dapat unahin kesa maghanap ng babae at magkaroon ng poproblemahin, ayaw ko muna ng sakit ng ulo sa ngayon." Madamdaming sagot ni Zandro.. Umiiling na lang ang magbabarkada kasi alam nila kung gaanu kaloko sa babae si Zandro. Ano kayang nangyari at bigla na lang ito nagbago. Nagmumuni si Zandro sa kwarto ng pinasukan sya ng mommy nya sa kwarto. " Iho bat wala kang lakad ngayon.. Friday night ngayon ah, himala ata at dito ka lang sa bahay," sambit ng mommy Carol nya.. "Mom wala kasi ako sa mood." Sabi naman ni Zandro.. "That was unlikely of you son, dati hindi na kita makita dito sa bahay kasi kung saan saan ka nagpupunta. Sa isang linggo isang araw lang kita makita pero lately mukhang dito ka na naglalagi.. Is there something wrong iho." Madamdaming tanong ng mommy nya. "Wala naman mom, wala lang ako sa mood talaga.. Siguro sawa na ako sa kakalakwatsa o gusto ko lang muna mapag-isa.. Gusto ko muna matutunan ang mga bagay-bagay para mapaghandaan ang pagsabak nya sa corporate world." Madami lang talaga sya iniisip, malapit na siya magtapos ng kolehiyo pero kung susumahin Di naman sya talaga nag aaral ng maayos para maging hands on sa shipping company ng pamilya nila.. Siya kasi ang magiging tagapagmana nga ko pa nya nila at mamamahala pag Natapos na nya ang kolehiyo nya. Its time to be more productive at mapaghandaan ang pagiging ceo nya ng kompanyang pinaghirapan ng pamilya nya. Sana maging OK ang lahat.. Kailangan ko ng pag igihan ang pag aaral ko at maging proud sa akin ang magulang ko huling sambit ni Zandro sa isip..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook