Muling Pagkikita

1440 Words
Kanya-kanyang paghahanda na sa nalalapit na intramurals ng kolehiyo nila Mayumi ang Unibersidad de San Agustin. Inaayos na ang palamuti para sa ibat-ibang event na inaantay ng karamihan lalu na ang mga sport events na sasalihan ng ibat ibang kurso. "Bes handa ka na bang manood ng basketball na sasalihan ng sinisinta mo?" Tanong ni Emma kay Mayumi. "Oo naman Bes, alam mo na kahit sa malayo eh susuportahan ko ang mahal ko." Kinikilig pang sabi ni Mayumi.. "Naku Bes, maghanda ka na sa madaming babaeng magkakandarapa sa mahal mo lalu na at sya ang magaling na player. Marami magkakagusto na naman dun, madami kang kaagaw dun tiyak". Dagdag pa nito. "Hayaan mo na Bes. Hindi ko naman hinahangad magustuhan nya ang isang tulad ko na nerd". Malungkot kong Saad.. Pauwi na si Mayumi ng makasalubong nya ang grupo nila Zandro. "Pare malapit na ang laro natin, kaw na naman ang center of attraction nyan," sabi ng barkada ni Zandro. "Pare laro lang tayo, hindi atensyon ang kailangan ko dun, alam mo naman na inspirasyon lang meron ako" , sabay ngiti ng makahulugan. "Sino kaya yun pare, merong bagong chicks pare, at balita ko muse ng isang kurso yun. At balita ko sikat yun pare.. Tamang tama kakbreak mo lang sa pang ilang jowa mo na ba?" Hirit ng isa pa.. *Naku, huwag nyo na ko isali diyan pare. Ayoko na ng sakit ng ulo". Sagot naman ni Zandro. "Talaga pre, tingnan natin," sambit ni James. Tinutusok ang puso ni Mayumi sa narinig, alam naman nya na kabi-kabila ang gf ni Zandro dahil sa angking kgwapuhan at kasikatan pero ang marinig pa yun ay mas masakit pala. Mabuti na din iyon para alam na nya ang sinisinta ay hindi talaga magiging kanya, suntok sa buwan kumbaga. "Mamahalin na lang kita sa malayo mahal ko," usal pa ni Mayumi. Munting hiling na lang ni Mayumi na Sana isang araw mapansin sya ni Zandro kahit sandali lang. Nag-eensayo ang grupo nila Zandro sa gym ng school nila para sa nalalapit na intrams. Madami na agad ang nanonood ng ensayo pa lang. Nagkukumpulan ang mga babae at may nagpipicture pa.. "Iba ka talaga pare, may fans ka na agad wala pa yung mismo laro natin, panu pa pag laro na talaga, dudumugin ka na nyan," sambit n James.. "May mag papa-autograph pa ata oh, nag-aantay lang na matapos ang practice natin" dagdag pa ni Albert. Napapailing na lang c Zandro sa mga naririnig. "I'm here to play, not to be famous," parang hindi nga din siya makapaniwala na ganun na sya mag-isip ngayon. Gusto na talaga nyang mag focus sa pag aaral at makatapos para may patunayan sya sa pamilya nya. "Hi Zandro," pwede ba mgpapicture? ", pagpapacute ng isang estudyante na lumapit sa kanila after nila mag-quick shower at magbihis.. " Sure, un lang pala eh", sabi ni Zandro. "Oy pre may fans ka na agad, iba talaga pag gwapo ka fafa,* pakwelang hirit ni James. Napapailing na lang si Zandro at nagpa picture na para makauwi na din. Gusto na nya magpahinga at may salo-salo pa ang buong pamilya nya kinabukasan. Namimiss na nya ang lolo at lola nya.. Bibisita pa ang mga yun galing sa probinsya. Sa pagmamadali ni Mayumi na makita ang ensayo sa gym nila Zandro, hindi nya napansin na may mabubunggo sya. "Ouch, ano ba", sabi ng babaeng nabangga nya. "Hindi mo ba nakikita dinadaanan mo ha, can't you see I'm on the road", maarteng sabi ng nabunggo nya. "Sorry miss, nagmamadali lang talaga ako, pasensya ka na" sabi ni Mayumi. "Ano bang gusto mong habulin abir? yung ensayo ba ng mga gwapo dyan?" sabay turo sa gym. "Tapos na yun at hindi ka naman mapapansin, itsura mo lang", sambit pa ng maarteng babae. Kapagdaka, dumaan na sila Zandro. "Hi boys, pwde bang papicture din?" sabay sulyap kay Mayumi ng babae. "Oo naman, kaw pa ang ganda ganda mo", sambit nang isang kaibigan ni Zandro. "By the way I'm Missy. Transferee ako, just heard na may ensayo kayo, unfortunately hindi na pala ako nakaabot", malambing na sabi n Missy. "Oh, you are the girl na sinasabi nila, ganda mo pala talaga, bagay kayo ni Zandro, sakto wala ng gf to, that is kung single ka din". Bwelta pa ni Ken na nagpapacute din. "Oo naman, single and ready to mingle ako" , sulyap kay Zandro na seryoso naman ang mukha. Kumikirot ang puso na nakikinig si Mayumi sa usapan, para lang syang hangin na nasa paligid dahil sa mga itsurang di tulak kabigin na nakikita nya. Group pic na lang tayo sabi ni Zandro na kinagulat ng lahat. "Oo ba, sino magpipicture?" Tanong ni Missy. "Ay, siya na lang tutal nabangga naman niya ako, pakunswelo na lang niya sa pag-istorbo sa akin." Sabay abot ng cellphone kay Mayumi. Kinuha na lang ni Mayumi ang cp para ma picturan na ang grupo at makaalis na. Naiiyak na sya sa inis sa maarteng babae at sumasakit na din ang puso nya sa pagreto ng barkada ni Zandro kay Missy. Naiinis pa sya na sa pagkuha nya ng picture, magkatabi c Zandro at Missy na pinag-akbay pa ng ka-grupo ni Zandro. "Sabagay bagay naman sila" , malungkot na sambit ng dalaga bago nya nilisan ang gym. Naiiling na lang si Zandro pag naalala ang pagrereto sa kanya kay Missy, ang bagong transferee ng school nila. Hindi pa sya handa uli magkaroon ng sakit ng ulo. Yung laging may magcheck kung saan sya, yung laging tatawagan sya at yung may bubuntot-buntot sa kanya. Sawa na sya sa atensyon. Hindi rin nya alam kung bakit ganun na ang pananaw nya sa relasyon ngayon. Sawa na sa pagpapalit-palit ng gf. Gusto nya na pag nakita na nya ang magiging gusto o mamahalin nya, yun na lang hanggang sa huli. Sana makita na nya yun, sa ngayon wala pa syang napupusuan. Wala pa nga ba o nakita na niya at hindi lang niya napapansin. Sana nga malapit na niya itong matagpuan. Araw ng salo-salo sa pamilya Villamayor. "Granny I miss you" , sabi ni Zandro sabay yakap sa lola na naluluha ng makita sya. "Ang gwapo naman talaga ng apo ko" . Sabay halik sa apo. "Nag-aaral ka ba ng mabuti, baka puro babae na lang inaatupag mo, alam mo naman hinuhubog ka namin para mamahala na sa kumpanya natin", sambit ng lola nya. "Oo naman granny, hindi na po ako naglalaro ng babae, nag aaral na po ako" , sabay kindat sa lola na kinatuwa naman nito. "Buti naman kung ganun, sana mahanap mo na na ung babae na makakapgpatibok diyan sa puso mo iho. I am wishing to see many grand children before I die". Madamdaming sambit ng lola nya. "Naku, huwag nyo ho muna sabihin yung mga ganyan, dapat maging malakas muna kayo para makita niyo pa nga apo niyo sa akin granny". Sabay yakap sa namimiss na lola. "Meron pala akong kaibigan na dadating para sumama sa salo-salo natin, kaibigan ko nung college na nakasalubong ko sa mall ng isang araw at blessing in disguise school mate mo pala ang anak babae iho", sabi ng daddy ni Zandro. They will be here anytime soon, dagdag pa nito. Napapaisip si Zandro sino ba yung babae na school mate nya kamu. "Andito na sila", hirit ng daddy nya. "Hi pare, welcome sa bahay namin" . "Ito nga pala misis ko, si Carol at unico iho ko si Zandro". "Hello po". Wika naman ni Zandro. "Yung anak niyo pala pare asan na? Ung school mate ng anak ko?" Tanong ng daddy ni Zandro. "May kinuha lang sa kotse, naiwan ata yung bag niya", wika naman ni Mr. Gonzales. "Andito na pala sya", dagdag pa nito. "Meet my daughter Missy Gonzales, kakatransfer nga nya sa Unibersidad de San Agustin". Biglang hindi nakaimik si Zandro, sa dinami dami ba naman ng magiging anak ng kaibigan ng daddy nya si Missy pa na iniiwasan nya. Alam nyang irereto din ito ng parents nya since alam nilang single uli siya. Ngumiti na lang ng pilit si Zandro. "Hi Missy, nice to see you again". Sabi na lang ng binata. "Hi handsome, fancy meeting you again. What a small world, magkakilala pala parents natin. Wala ka ng reason para hindi ako kausapin". Makahulugang sabi nito. Iling na lang ang nagawa ni Zandro. "Mukhang hindi mo type iho", nagulat pa si Zandro sa pagkalabit ng lola nya. "Huwag kang maingay granny baka marinig ka", ngiti ni Zandro.. "Sabagay ako din hindi ko siya gusto para sayo, mukhang haliparot". Sabay tawa ng lola nya. "Lola ko talaga madaming alam na salita, sa kakapanood ng teleserye". Nakangiting sambit din ni Zandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD