bc

Haciendera Series #1: Geselle Madronero

book_age18+
3.4K
FOLLOW
22.0K
READ
forbidden
possessive
heir/heiress
drama
bxg
small town
first love
gorgeous
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Geselle Madronero has it all. Money, power, beauty, and brain. Kilala din siya bilang taga-pagmana ng Hacienda ng kanyang Lolo Aurelio. Kuntento na siya sa kung anong buhay niya sa probinsya. She’s not interested in boys not until she met Emil Guerrero.

She fell in love with a man who has nothing but his oozing hotness. Okay na sana si Emil. Mabait, mapagmahal, masipag, masigasig at mahal na mahal siya pero kulang dahil hindi ito katulad nila na kabilang sa promintenteng pamilya. Lolo Aurelio and his cousins will surely freak out if they knew about their secret affair.

Hanggang saan kaya dadalhin ang pagmamahalan nila? Lalo na kung malaman ni Geselle ang tungkol sa madilim na trabaho ni Emil? Magiging sila kaya sa huli o sila ay dumaan lang sa buhay ng isa’t-isa para magturo ng mga aral tungkol sa tunay na pag-ibig?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA: TANGHALI na ng magising ako. Naligo muna at nagbihis. Matagal ako kumilos. Sa pagligo pa lang inaabot na ako ng isang oras. Sa pagbibihis ay ganoon din. Hirap akong mamili ng damit kahit sobrang dami naman ng pagpi-pilian sa walk-in closet. Bigla akong natigilan at napangisi. Napili ko ang navy blue na blouse at fitted gray pants na tinernuhan ng itim na boots. Kinuha ko ang riding helmet bago lumabas sa kwarto. Naisip kong mangabayo. Alam kong tanghali na pero hindi iyon dahilan para magbago ang isip ko na sumakay sa kabayo ngayon at mamasyal sa buong Hacienda. I grew up in Hacienda Madronero. I love how peaceful the province life is. Hindi ako nagsasawa kahit na bata pa lang ay kabisado ko na ang pasikot-sikot sa buong Hacienda. I don’t understand why my friends prefer to live and work in Manila. I’ve been there, and it’s polluted for me. Bukod doon ay sobrang init. Kahit na wala pang-araw mainit pa rin at malagkit sa balat. Unlike here, pag-gabi manginginig ka na sa ihip ng hangin pa lang. Lalo na sa umaga. Sa dami ng mga puno at halaman. Tiyak na malinis ang hangin dito sa probinsiya. I see myself getting old and eventually die here. Dito ako pinanganak at dito na din ako mamatay. A probinsyana girl na medyo level-up nga lang dahil sa estado ko sa buhay. Nakabihis na ko habang naglalakad papunta sa malawak na dining. Hacienda Madronero is a 250-hectare property. We have a lot to offer. Mayroon kaming guesthouse, clubhouse with pools, farm at lawa. Puwedeng mag kayak, fishing, biking, picnic, horse riding at ngayon ay nago-offer kami ng camping. Natapos na kasi iyong pina-ayos namin ni Lolo na camping areas kaya nagsimula na kaming tumanggap ng big groups tulad ng sa school or companies. Sa bungad pa lang ay narinig ko na si Lolo na pinatatawag ako sa kasambahay. Ngiting-ngiti ako ng pumasok sa dining area bitbit ang aking horse whip stick. “Good morning, Lolo!” I giggled. Nag-angat ito ng tingin at napa-iling. He’s sitting in the center of the table. Iyon ang pwesto niya simula pa noon. Alam naming lahat iyon kaya walang naglalakas loob na umupo sa gitna dahil nakalaan iyon kay Lolo. “Hija, tanghali na. Kailan ka ba gigising ng maaga? Oh—mangangabayo ka? Masyadong mainit, Geselle,” sabi nito ng pasadahan ng tingin ang aking suot. Tumango lang ako at ngumiti. Napangiwi si Lolo. “Bueno, umupo ka na at tanghalian na,” sabi nito. Lumapit ako para halikan siya sa pisngi bago umupo sa bakanteng upuan sa tabi nito. Kinuha ng kasambahay ang whip stick at kinuha ko naman na ang table napkin para ilagay sa aking hita. I belong to a political family. My Lolo is a retired Governor in Laguna, and my Uncle Amado replaces his position. Halos lahat ng kamag-anak namin ay kasama sa pulitika. My Mom and Dad are the Mayor and Vice-Mayor in our city. They died in an accident when I was a baby. Kaya naiwan ako sa pangangalaga ng Lola at Lolo. My Lola died of cancer when I was four years old. Kaya talagang nagpalaki sa akin ay si Lolo Aurelio. We are living in Hacienda with just the two of us. Dalawa ang anak ni Lolo. Si Daddy at si Tito Amado. Nagi-isa lang akong anak ni Daddy samantalang apat ang anak ni Tito Amado at puro pa-lalaki. Matagal ng wala ito sa poder ni Lolo. Simula ng nakapag-asawa si Tito ay wala na ito sa Hacienda. Si Daddy lang ang naiwan sa poder ni Lolo hanggang sa nakapag-asawa si Daddy ay hindi na kami umalis sa Hacienda dahil wala ng maiiwang kasama si Lolo at Lola. Hanggang sa isa-isa na silang nawala at kaming dalawa na lang ni Lolo Aurelio ang naiwan sa malaking Hacienda. Too big for the two of us but I’m happy. Hindi kaya nakakasawa ang buhay ko sa Hacienda. Dito na nga din ako nagta-trabaho, e. We started our lunch. Nag-usap tungkol sa negosyo. Kaunti lang ang kinain ko ng nagpasya na kong tumayo. Hindi ako malakas kumain. Palagi akong nakabantay sa aking timbang. Alam din ni Lolo iyon kaya wala na din siyang nagawa ng nauna na kong natapos. Umalis ako agad para magtungo sa kwadra. We have a total of twenty horses in the stable. Dalawa doon ay paborito ko. Iyong isa puting-puti. Kasama ko na si Alexandra simula pa noong ten years old ako. Regalo sa akin ng mga pinsan ko. Siya ang una kong kabayo. Medyo maselan ako at ayoko ng hinahawakan siya ng iba. Kaya ganoon na lang ang pagpanic ko ng may makitang may nagpapaligo na ibang tao sa paborito kong kabayo! Nasa labas si Alexandra at basang-basa. May bakas pa ng sabon sa katawan nito. “Sinong nagpaligo sa’yo?! At bakit ka nagpa-amo?!” Parang tanga na tanong sa kabayo. Alam ko namang hindi ito makakapagsalita pero dala ng iritasyon pati kabayo tinatanong ko na. “Mang Rey!” sigaw ko. Alam ko naman hindi niya gagalawin si Alexandra dahil ayaw ko. Sino namang gagawa nito. Pinasadahan ko ang buong kwadra. Wala namang ibang tao. Sino nagpapaligo sa kabayo ko? Bumaling ako kay Alexadra at nakaramdam na naman ng iritasyon ng makitang tumutulo pa ang tubig na may sabon pababa sa paa nito. “Nakakainis!” “Magandang tanghali po, Senyorita,” sabi niya sa malagom na boses. Lalaking-lalaki pakinggan pero ang saglit na paghanga ko sa boses niya ay napalitan muli ng iritasyon. Madalim ang aking anyo ng bumaling sa nagsalita. Lahat ng gusto kong sabihin kanina tila nagrambulan na sa utak ko ng makita ang matangkad, moreno, naghuhumiyaw sa kakisigan at magandang lalaki na may bitbit pa na dalawang malaking balde sa magkabilang kamay nito. Wala itong pang-itaas na damit kaya iyong patak ng tubig mula sa buhok nito ay tumutulo na pababa sa panga... pababa sa leeg hanggang sa matipuno nitong dibdib! Napalunok ako sa tanawin. Kailan pa ko naging uhaw sa katawan ng isang lalaki? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo! Walong pandesal! Taob ang mga pinsan ko! Ngayon ko lang siya nakita. Sigurado akong bago lang siya dito sa Hacienda. Nakatitig lang siya sa akin na tila inaantay ang aking sasabihin. Ang kanyang mata ay nangungusap. Matangos at manipis ang mga labi. Ang hugis ng kanyang mukha ay bumabagay sa prominente nitong panga. May mumunting bigote at ngayon ko lang napagtanto na hindi din pala masama o nakakadiri ang may bigote sa lalaki. Bumagay iyon sa kanya! Umiwas ako ng tingin. Taas ang noo para ipakita na hindi ako apektado at wala siyang dating sa akin. “Anong pangalan mo?” masungit kong tanong. Imbes sana ay pagalitan ko ito dahil sa ginawang paghipo sa paborito kong kabayo ay tila bigla na lang naglaho. Narinig ko ang malalim na boses nito. “Ako po si Emil. Bagong taga-pangalaga ng mga kabayo, Senyorita.”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook