bc

Pouring Memories

book_age18+
5.5K
FOLLOW
23.9K
READ
possessive
one-night stand
second chance
arranged marriage
arrogant
manipulative
powerful
CEO
drama
cheating
like
intro-logo
Blurb

Ang pagmamahalan nila Aiko at Elijah ay nagsimula sa madilim, maingay at mausok na bar sa Manila. Hanggang sa nauwi pag-iisang dibdib ang kanilang pagmamahalan. Masaya ang lahat lalo na at nagsanib pwersa ang dalawang makapangyarihang business sa bansa. Ngunit ng dahil sa isang malaking pagkakamali ni Elijah ay nauwi iyon sa malagim na trahedya kay Aiko. Hindi niya na maalala ang asawa at ang pagtataksil nito. Hanggang saan kaya aabot ang pagpapanggap ni Elijah para pagtakpan ang nagawa niyang kasalanan sa asawa?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA NANGINGINIG ako sa galit. Pakiramdam ko anumang oras ay kaya kong manakit ng tao. Buong lakas kong binuksan ang closet at pinagtatanggal ang mga gamit ko doon. Nilabas ko ang maleta at nilapag sa kama. Lahat ng gamit ay pabalya kong nilagay sa maleta. Hindi ko na nagawa pang tupiin iyon. Ang aking mga kilos ay puno ng pagmamadali at may halong galit. Kailangan ko agad na umalis sa mansion bago pa ko maabutan ni EJ. Tama na ang nangyaring komprontasyon sa opisina niya. Narinig ko na galing sa mismong bibig nila ang pagtataksil nilang dalawa ni Winona! Sinasaksak na pala ako ng kapatid sa likod. “Ugh!” I screamed as those memories still lingers on my mind. Paulit-ulit na nagre-replay na parang sirang plaka! Kung paano ko sila marinig na nagaaway hanggang sa nagkaaminan na ay hindi nawawala sa aking isipan. Kumirot at naninikip na ang aking dibdib sa sobrang sakit. Tears started to flow like a river, nonstop. Hinihingal ako sa kakaiyak habang hinahatak na ang maleta pababa ng hagdan. Aalis ako sa walang kwentang bahay na ‘to! Saan ba nila ‘yon ginawa? Dito? Dito sa sofa?! Dahil na rin sa adrenalin rush ay napatumba ko iyong sofa namin at pinaghahagis ang mga display doon mailabas ko lang ang lahat ng aking galit. Kinuyom ko ang kamao at kinuha na ang maleta. Nasa pinto na ko ng maabutan ni EJ. Bakas sa kilos nito ang pagmamadali. Bumadha ang takot at sakit sa kanyang mukha ng makitang umiiyak ako at dala-dala na ang maleta. “No, baby... Please... p-lease don’t leave me...” pagmamaka-awa niya. Humarang na sa daraanan ko. Galit kong pinalis ang luha saking pisngi. Nanlilisik ko siyang tinignan. “Tabi!” I screamed. Sa sobrang lakas niyon ay naglabasan na ang litid sa aking leeg. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang ata naranasan na magalit ng ganito. Hindi ko makontrol ang sarili. Lumaki akong aral ang bawat kilos at pananalita pero ngayon ay hindi ko na maapply sa harap ni Elijah. Mariin itong umiling. Namumula na ang mata. Sumubok itong lumapit sakin pero umatras ako. Dumaan ang sakit sa kanyang mga mata pero wala na kong pakialam. Mas masakit ang nararamdaman ko dahil sa ginawa nilang panloloko sakin. “Let me go, or I’ll call Dad that you cheated on me with my sister!” “I don’t care! Go ahead and tell them. Hindi pa rin kita paalisin!” Matigas nitong sabi. Mabilis na nakuha nito ang maleta ko. “Elijah!” Nagpupuyupos ako sa galit! Pinabayaan ko sa kanya ang maleta at sinubukang lagpasan siya pero agad niyang nahuli ang beywang ko at nilapit ako sa kanya. I shrieked. Nagtahulan ang mga alaga naming aso sa ginawa kong pagtili. Sa klase ng yakap niya sakin ay ayaw niya akong bitawan. Pinagsusuntok at tinulak ko na siya para bitiwan ako pero hindi niya pa rin ako pinakawalan. Nagtitili ako hanggang sa napaos. Sa huli ay napagod ako at nagiiyak. Kuyom ang aking kamao at nakatayo ng parang estatwa habang yakap niya. “I’m sorry... I-I’m sorry. I f****d u-up,” nabasag ang boses nito at yumugyog ang balikat. Bumuhos ang panibagong luha ng marinig ko iyon sa kanya pero nanatili akong nakatayo at walang imik. “Please... p-please forgive me, b-baby...” he pleaded. “I will file an annulmen-” He cut me off. “No... No!” Naghisterikal na siya at binitiwan ako. Bakas ang takot sa kanyang mukha ng sabihin iyon. “Yes!” Sinigawan ko siya at malakas na tinulak. Siguro dala ng panghihina nito ay madali ko lang siyang naitulak. Bumuhos ang ulan. Sumabay pa yata sa pighati ko ngayon ang panahon. Nanakbo ako palayo sa kanya. Pero dahil likas na mas mabilis ito kaysa sakin ay nahuli niya akong muli at niyakap mula sa likuran. “Let me go! You, cheater!” gigil kong sabi at pumipiksi sa hawak niya. “Don’t do this to m-me... Please... I’m begging you baby... isang pagkakamali lang hinding hindi na m-maulit!” Nawala na ang Elijah na kilala ko. Iyong makapangyarihan at lalaking lalaking tignan. Para na siya ngayong kawawang bata na umiiyak at nanghihina. “Sana naisip mo ‘yan Elijah bago ka pumatong sa kapatid ko!” Siniko ko siya pero parang wala lang iyon sa kanya. “I thought she was you! I was drun-” “The f**k! Luma ng reason ‘yan! Asawa mo hindi mo kabisado?! Pwede ba Elijah! Tama na! Kahit anong gawin mo wala na! Sinira mo ang relasyon natin simula ng may nangyari sa inyo ni Winona! Anong gusto mong gawin ko? Tanggapin kita kahit na nabuntis mo siya?! Have pity on me for god’s sake! Gusto mong habang buhay kong makita iyong pagtataksil mo sakin?!” sunod-sunod kong sabi. Mas lalong nagliyab sa galit ang aking dibdib. Wala ng ibang nasabi si Elijah kundi paulit-ulit na humingi ng tawad sa nagawa niyang kasalanan. Pero buo na ang desisyon ko. Iiwan ko siya. Hindi ko kaya na makisama sa lalaking may nabuntis ng iba at sa kapatid ko pa talaga, ha! Bakit ba hindi ko nahalata ang lahat ng ‘yon nung bumalik ako galing sa Singapore? Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya naging panatag ang puso ko na hindi niya ko lolokohin dahil mahal na mahal niya ko pero nagkamali pala ako. Kaya niya pala ‘yong gawin. Hindi pa rin siya nagbabago. Tulad pa rin siya noon na babaero at hindi kailanman makukuntento sa isa! Pinatunog ko ang sasakyan at muling sumubok na umalis sa yakap ni Elijah. “E-EJ... P-please...” my voice cracked. Natigilan ang asawa sa paraan ng pagtawag ko sa kanya. Wala na kong choice. Kahit ginagamit ko ang nickname niya na yon pag naglalambing ako ay sinabi ko na para sumunod lang siya. Lumuwag ang yakap nito at sinamantala ko iyon para pumasok sa loob ng sasakyan ko. Kinalampag ni Elijah ang sasakyan ko. Binuhay ko ang makita at pinaharurot iyon palabas ng gate. Hindi ko na pinansin si Elijah na halos matumba na ng iwan ko. Nag-igting ang aking bagang. Humigpit ang kapit ko sa manibela at tinapakan pa ang gas. Galit na galit ako. Gusto ko silang saktan dalawa. Kung hindi lang kasalanan pumatay ay baka nagawa ko na iyon kanina pa, sa opisina palang niya bumulagta na sila. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako ganito. Kung hanggang kailan mawawala itong sakit at galit sa puso ko. Hindi ko kayang magpatawad sa puntong ito. Bumuhos ang panibagong luha ng maalala si Winona na tinuring kong buo kong kapatid. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Bakit ito ang sinukli niya sakin. Isa pa itong si Elijah. Paano niya naatim na pagtaksilan at saktan ako ng ganito. Siya mismo nagsabi na mahal niya ko pero mukha namang hindi totoo! Magagawa ba ng taong mahal na mahal mo ang ganito? Sinungaling ang tawag don at ayoko ng sumama sa bilang ng mga babaeng marupok. I wasn’t born just to hurt like this. Hindi ako papayag na babagsak lang ako sa lalaking hindi naman ako tunay na mahal at pahahalagahan. I am Aiko Sato and I deserved all the love and respect in the world.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Night With My Professor

read
496.0K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

Love Donor

read
86.8K
bc

Married By Mistake

read
170.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
556.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook