bc

I'm his suitor

book_age18+
125
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Ang panliligaw ay hindi lang iyan para sa mga lalaking. Bakit lalaki lang ba ang pwedeng manligaw sa babaeng gusto niya? Paano naman ang mga babae na may gusto sa isang lalaki? Tutunganga na lang ba sila at papanoorin ang taong gusto niya na magkagusto sa iba?

Sa panahon nating ito. Lahat pantay-pantay na. Babae ka man o lalaki. May karapatan ka nang gawin ang mga bagay na gusto mo at alam mong ikakasaya mo. Walang mali sa pag-ibig. Ang mahalaga alam mong tama ka at nagmahal ka ng totoo.

Kaya iyon ang gagawin ko. Ang ligawan ang taong gusto ko at magustuhan din niya ako pabalik.

I'm Franklin Yen Alvarez and I'm Hiro Eli Dawson's Suitor.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
naman ng pwedeng mga po-problemahin ko. Pati ba naman ang mga istudyante na pinag-aagawan at pinag-aawayan lang ay isang babae? Ang dami-raming mga istudyante rito na magaganda tapos sa isang babae lang sila nabaliw? Mga shunga nga talaga ang mga tao ngayon. Wala ang Dean namin ngayon kaya bago siya umalis ay ipinagbilin niya sa akin ang mga istudyante rito. Wala naman kasing pakialam ang mga professor namin. Kahit na magpatayan na ang mga istudyante. Tama nga naman sila pagtuturo ang ipinunta nila dito at hindi magsaway ng mga isip batang istudyante. Saka kahit anong saway at pangangaral nila sa mga istudyante. Hindi naman kasi sila pinapakinggan. Mapapaos na sila sa kasasalita. Wala rin naman nakikinig sa kanila. Sa inis at pagmamadali na ginagawa ko hindi ko inaasahan ang isang bagay na matatapakan ko dahilan para madulas ako at bumagsak sa sahig. Iyon ang inaakala ko. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at nakakita ako ng isang anghel. Isang anghel na nakatingin sa akin at inaalalayan ang likod ko para hindi ako matumba at bumagsak sa sahig. Hindi ko alam kung ano ang nangyari. But the next things I knew is. Nagkikinangan ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya at kitang-kita ko ang mga paru-parong nagliliparan sa harapan namin bigla. Dahan-dahan na lang din nag slow motion ang paligid. Na parang kaming dalawa lang ang nasa mundong ibabaw na ito. Ganito ang mga napapanood ko sa T.V. Pati na rin ang mga kwento ni Freja sa akin na kapag naka slow motion mo siya, kayong dalawa raw ang magkakatuluyan sa huli. Totoo ba 'to? Kami talaga? As in kami? Taena! "Miss," saad nito na naiirita pa ang boses. "Yes?" masaya kong sabi habang pinagmamasdan ko pa rin ang perpektong mukha niya. Kahit na nakasuot pa siya ng salamin ay gwapo pa rin siya sa paningin ko. Ito na ba ang sinasabi nilang pinana ni Kupido nang walang kalaban-laban? "Miss can you-." Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin nito. "Number ko ba? Sure." At kung liligawan mo ako ngayon? Naku! Walang alinlangan. Yes! na Yes! "I don't need that," masungit pa rin nitong sabi at mas lalo pang umasim ang mukha niya. "Can you just stand up now? Nangangalay na ako sa pag-alalay sayo." Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Nag-e-enjoy pa ako sa mga bisig niya. Pinagpatuloy ko na lang na pinagkatitigan ang perpektong niyang mukha. Napaka swerte ko at sa akin siya mapupunta. "Miss." Saan bang lupalop ng mundo siya nanggaling at ngayon lang kami pinagtagpo. Sana naman noon pa, diba? "Miss," ulit nito. Napatili na lang ako at napainda sa sakit. Bigla niya na lang kasi akong binitawan. Ayon tuluyan tuloy akong bumagsak sa sahig. Ang sakit no'n. Nilingon ko siya. Para bang may sumabog na fire works dahil sa nangyari. Naglaho lahat nang mga ini-imagine ko. Ang mga paru-parong nagliliparan sa paligid namin. Tinignan ko ito. Ayon siya nakakunot ang noo niya sa akin at masama akong tinitignan. Kahit na mukhang masungit pa siya. Gwapo pa rin siya sa paningin ko. Inlababo na yata ako dahil sa kanya! Mabilis akong tumayo at tumingin sa kanya, nahihiya akong tinignan ang mga mata niya. "S-sorry," naiilang kong sabi. "TSK." Umiling-iling pa siya bago ako tinalikuran. Sinundan ko ito nang tingin habang naglalakad siya papalayo sa akin. Hindi ko maiwasan mapangiti. Inlababo na talaga ako! Sandali akong napaisip. Bakit ako ang humungi ng sorry diba dapat siya? Siya naman kasi ang dahilan kung bakit ako bumagsak sa sahig. "TSK. TSK. Okay lang. Okay lang." Malumanay kung pagkakausap sa sarili ko. Kahit na masungit pa siya, okay lang gwapo naman siya saka may something sa kanya na gustong-gusto ko. Ewan ba! Tinuro ko ang hallway kung saan siya naglakad papalayo sa akin habang hindi pa rin maalis ang naglalarong ngiti sa aking labi. "Ah basta hahanapin kita mamaya and I need to know more about you. As in lahat lahat but right now. I need to know your name first." Maligaya kong sabi. Nagtungo na ako ng Guidance Office. "Miss President mabuti naman at dumating kana," saad ni Kkorna ang Secretary ko sa SSG. Mukha itong nakahinga ng maluwag nang makita na ako. Umupo muna ako sa upuan bago nagsalita. Kahit na ang totoo. Ang lalaking nakilala ko kanina lang ang patuloy kong iniisip sa mga oras na ito hindi ko pa rin pwedeng pabayaan ang tungkulin ko. "Ano bang nangyari?" kunwaring inis kong sabi. Na kahit hindi ko na mapigilan na mapangiti dahil sa hindi talaga kayang mabura ang kanyang mukha sa paningin ko. Siya pa rin talaga ang laman ng isipan ko. Until now. "Ito kasing lalaking 'to," sagot ni Kkorna at tinuro pa ang isang lalaking may bangas sa mukha na mag-isa lang na nakaupo sa gilid. Sa kanan ko. "Ang kapal ng mukha niyang bastusin itong si Kate." Tukoy niya sa isang babae na nakaupo sa kabila ko. "Tapos noong binugbog siya ng Boyfriend ni Kate ayan ngangawa-ngawa." Nag-away pala sila dahil sa pambababastos ng istudyante na 'to. Hindi dahil sa pinag-aagawa si babae. Napailing-iling na lang ako at lumingon sa lalaking nasa kanan ko. Mabuti lang pala sa kanya iyan. Tignan mo ang lakas nang loob mambastos 'yan tuloy napala niya, hindi niya alam na boksingero pala ang boyfriend ng Kate na 'to. Matapos ang usapan na iyon ay pumasok na rin ako sa klase ko. Late na nga ako ng 15 minutes dahil sa nakipagtalo pa ang nambastos na lalaki kanina sa akin. Gusto pa niyang parusahan ko ang Boyfriend ni Kate. Kasalanan naman niya kung bakit siya binugbog. "Sorry po, Prof." Pagpapaumanhin ko sa Prof namin na nasa loob na ng room at nag-uumpisa nang mag discuss. Tumango lang ito at bumalik na ulit sa pag-di-discuss. Naglakad na ako papunta sa upuan ko at bigla na lang akong napatigil nang makakita ko ng gwapo mukha. Oo, gwapo! Gwapo talaga! Ang lalaking kanina lang ay pinangangarap kong makita. Ito siya at nasa harapan ko. Ito na naman ang ngiting hindi ko mapigilan. Kagat-kagat ko ang aking labi nang magpatuloy akong maglakad papalapit sa kanya. Ano ba 'to! Halos manginig ang buong katawan ko sa sayang nararamdaman ko. Inlababo na talaga ako! Bakante ang katabi nang inuupuan kong upuan. Kaya roon siya siguro pinaupo. Nang makaupo ako sandali ko itong nilingon. Palihim ko lang siyang nilingon baka mapansin niya kasi ako at kung ano ang isipin niya. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa harapan at nakikinig sa mga sinasabi ng Prof namin. Saan ba pinaglihi ang lalaking 'to at napaka sungit niya naman yata? Pero okay lang mas lalo naman siyang gumagwapo sa paningin ko. Napaisip at napangiti na lang ako bigla. Hindi na ako mahihirapan na malaman ang name niya lalo na ngayon classmate ko na siya. Hindi na rin ako mahihirapan na lapitan siya dahil ito na siya at katabi ko pa sa buong maghapon. Siya rin pala ang tinutukoy ng adviser namin na isa sa mga bagong transfer dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.6K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
48.1K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.1K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.1K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Fight for my son's right

read
146.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook