Si Claire isang dalagang dilag na nakatira sa isang malayong probinsya na napadpad lamang sa Maynila para makipagsapalaran. Isang mahirap ngunit masagana ang kanyang pamilya sa pagmamahalan at nagtutulungan.
Bilang isang nakakatandang kapatid ay ayaw niyang matulad ang kaniyang mga kapatid na hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Lumuwas siya para makatulong at mapag-aral ang kaniyang mga kapatid.
Sa kaniyang kagandahang taglay, marami siyang napapaibig na mga kalalakihan sa kanilang bayan. Maraming gustong umakyat ng ligaw ngunit hindi iyon hinahayaan ng mga magulang niya. Napakabata pa ni Claring upang magka-nobyo. Ayaw din ni Claring dahil nais niyang unahin ang kaniyang mga kapatid at magulang sa kahirapang tinatamasa nila. Hindi na niya makakaya pang maghirap pa sila habambuhay.