bc

Head Over Heels (R18)

book_age18+
27.2K
FOLLOW
200.7K
READ
billionaire
revenge
possessive
sex
fated
twisted
city
office/work place
affair
waitress
like
intro-logo
Blurb

(R18+) This story includes mature contents, please read at your own risk.

Nang mamatay ang ina ni Zarina dulot ng malubhang sakit at parang bula naman na naglaho ang kanilang ama ay napilitan siyang pasanin ang mabigat na responsibilidad para buhayin ang dalawang kapatid na naiwan sa kaniya. Naiwanan din siya ng malaking utang ng kaniyang ina kaya napilitan itong magtrabaho bilang waitress sa malaking bar kung saan makikilala niya ang mayamang lalaki na si Kael Valencia, na lalong magpapagulo sa kaniyang buhay, babayaran nito ang malaking utang niya kapalit ng kaniyang puri at katawan. Sa pagkahulog ng loob niya kay Kael, ano kaya ang mangyari kung malaman niyang ang paglapit nito sa kaniya ay hindi lang pala basta aksidente?

chap-preview
Free preview
SIMULA
SIMULA IGINALA ko ang tingin sa buong paligid. Puno na ng mga sopistikada at mayayaman na tao ang buong ballroom ng Manila Polo Club kahit maaga pa ng limang minuto ang oras mula sa event time. Maayos ang color theme na white, gold and gray ang mga kurtina, table cloth maging ang floral design sa bandang entablado. Mula sa aisle ay nilakad ko ang mahabang carpet na kulay pula habang isa-isang chinicheck ang mga bulaklak sa gilid na nakalagay sa loob ng mamahaling vases. Gaya ng demand ng client, puro orange Chrysanthemums ang mga ‘yon. “Ikaw na ba ang ikakasal?” Kaagad na nabaling ang atensyon ko sa matandang babaeng kumalabit sa ‘kin mula sa likuran. Ngumiti ako nang alanganin saka umiling. “Hindi po ako, ma’am. Engagement party po ito ni Ms. Ariani and Mr. Lawrence dela Merced.” Magalang na tanggi ko. Saglit na hindi nakaimik ang matanda saka pinanliitan ako ng mga mata, parang binabasa ang kung anong nasa likod ng aking mga mata. Bahagyang nailang ako sa pagtitig nito, maayos at maganda naman ang ayos niya, halatang mamahalin ang suot mula ulo hanggang paa at puno ng gintong alahas ang leeg at palapulsuhan, nanatili ang diretso niyang titig sa ‘kin. “Ikaw. Sa ‘yo ang kasal. Ikaw ang ikakasal-“ nakangiting pilit niya. Pinigilan kong h’wag mawala ang ngiti sa labi ko. Sa mga oras na ‘to sa totoo lang ay hindi ko muna sana gustong makarinig ng kahit anong patungkol sa kasal, ang tanging naiisip ko lang ay si Charles at ang matinding pagtanggi ng dibdib ko sa mangyayaring ‘yon. Pero napaka ironic, ang trabaho na madalas ko pa namang gampanan nitong mga nakaraan lang ay mag organize ng wedding events ng mga kliyente. Well, I feel happy for them though. Masaya silang ikakasal kasama ang kabiyak na totoong napili nilang makasama habangbuhay. Walang pilitan na nangyari. Hindi kagaya ko. “Nagkakamali po kayo, madame. Hindi po sa akin.” Hilaw na ang ngiti na tanggi ko, napapatingin na rin sa ‘min ang ibang guest na nagdadatingan dahil saktong nakatayo kami pareho malapit sa entrance ng ballroom ngayon. Baka akalain ng mga guest na inaangkin ko ang enggrandeng engagement party, naka-postura lang ako at formal ang suot na dark purple fitted midi dress, high heels at simpleng makeup pero hindi akin ang event na ito.  “My name is Zarina Ramirez, ma’am, Hotel Event Coordinator and Manager po ng La Satina Hotel.” Pakilala ko. Yes, hotel event coordinator, ako ang kinakausap ng mga client na gusto maghold ng kahit na anong event sa La Satina Hotel, ngayon ang huling trabaho ko para sa buong araw na ‘to rito sa Manila Polo Club. Sa La Satina ang hotel na pinagtatrabahuhan ko at usually ay doon lang nagmamanage ng mga event pero iba sa ngayon dahil nakiusap ang hotel managing director na rito ang maging venue at ako ang maghandle. Pumayag din naman ako agad kahit na saan pa. Dagdag sweldo rin ‘yon at masaya ako dahil pinagkakatiwalaan ako ni Sir Ariel sa ganitong mga proyekto.  “Mama!” tawag sa kaniya ng babaeng nakasuot ng pulang bestida. Nakasuot ito ng mataas na heels ngunit tinakbo ang distansya patungo sa ‘min ng tinawag niyang ‘mama’. “Ma, narito ka lang pala! Nag-alala po kami sa ‘yo bigla kang umalis sa table,” mahinang sita niya sa matanda. Hinawakan ito sa braso ng matanda saka itinuro ako. “Ito nga, pinuntahan ko lang ang ikakasal. Babatiin ko lang sana.” Nahihiyang tinignan ako ng babae na sa tingin ko ay mas bata sa ‘kin ng ilang taon. “Hala, mama. Hindi po ‘yan ang fiancee ni Kuya Lawrence, nakakahiya naman mama,” bumaling ito sa ‘kin saka nahihiyang ngumiti. “Miss, I’m sorry, may Alzheimer kasi ang mama ko.” “Okay lang wala naman problema, ma’am, mabuti na lang din hindi siya tuluyang lumabas ng venue at dito lang huminto.”  “Yes... thank you rin! Mauna na kami sa table.” Aniya habang itinuturo ang pupuntahang direksyon. Pagkatalikod niya naka ilang hakbang muna ito saka napansin kong agad din itong huminto ng lakad para humarap ulit sa 'kin kaya nagtatakang binalingan ko ulit siya ng atensyon. "Wait. You look familiar to me," bungad niya ulit. "Ikaw ba 'yong girlfriend ni Kuya Charles?" Unti-unti akong tumango, hindi sigurado kung ano ang isasagot sa kaniya. Paano niya nalaman? Halos wala naman kaming pinagsasabihan... kahit nga ‘yung kasal... "Tama! Nakita ko ang pictures ninyong dalawa sa wallet niya, mula no'n ay hinanap na kita kasi crush ko si Kuya Charles at walang may alam na may girlfriend siya." sunud-sunod na sabi niya habang nababakas ko ngayon ang kaunting inis sa kaniyang tingin. “Is it really, really true? Girlfriend ka ba talaga?” Usisa niya pa. Sasagot na sana ako nang sumingit ulit sa usapan ang matandang babae sa kaniyang tabi. Bigla itong may sinabi na naging sanhi ng paglakad nila pabalik sa kanilang table. Nahihiyang nginitian ko lang siya nang makitang lumingon pa ito ulit. Sino kaya ang babaeng 'yon?  Charles is my long-term boyfriend, tama siya dahil sikreto lang 'yon. Masyadong magulo ang dahilan kung bakit napunta kami sa relasyon na mayroon kami ngayon, wala akong ibang choice kung hindi ang hayaan na lang. Mabait si Charles and I know that he truly loves me since day one.  Iyon nga lang ay... hindi kami pareho ng nararamdaman. Bumaling na lang ako sa mga task na kailangan kong i-check. Sinipat ko ang wristwatch na suot ko at nakitang may iilan pang minuto bago mag-umpisa ang event, nilapitan ko na lang ang mga pagkain nang makitang hindi pa sila tapos sa pagset-up nito sa mahabang lamesa. “Kumusta ang mga pagkain? May update sa ‘kin na nagpalit kayo ng Chargrilled Angus beef fillet, bakit kayo last minute nagdedecide, hindi pa natin ‘yon nasasabi sa clients,” mahinang sermon ko sa head cook na kasama nilang mga waitress and waiter. “Miss Za, pasensya na. Nagkaroon kasi ng aberya sa kusina kanina lang. Personal na hihingi na lang kami ng paumanhin sa kliyente.” Ani noong head cook. “Sa katunayan, mas mahal pa nga ang ipinalit namin sa menu,” dugtong pa niya sa mahinang tinig. “Alright, alright.” Pagsuko ko saka nakitang eksaktong 7 PM na, kaagad na binalingan ko ang in-charge sa technical ilang hakbang ang layo sa ‘min, tinanguan ko ito hudyat na i-play na ang mas alive na music kasama na ang video na gustong ipalabas ng clients sa intro ng event. Nang mag-ingay na ang event host sa stage ay pumwesto na ako sa harap ng nakasarang double door sa likuran ng mga tao para pagmasdan ang kabuuan ng paligid. All set na, nag-uumpisa na ang event at smooth ang lahat. Hay, thank God. Matapos lang ang araw na ‘to ay agad talaga akong hihiga sa kama at magpapahinga. Ang sakit ng balakang ko sa sobrang pagod but I guess worth my energy naman ang araw na ‘to dahil mas malaki ang sweldo ko. Sakto lang dahil hihingi na rin panigurado ang caretaker ng apartment ng pang monthly fee namin doon. Dagdag pa sa gastusin sila Rosa na mas malakas pa kaysa sa amin umubos ng mga pagkain sa ref. “Za!” Hinanap ko ang tumawag sa ‘kin saka nakita si Aaron na malapad ang ngisi habang naglalakad patungo sa kinatatayuan ko! Nanlalaki ang mga matang sinalubong ko ang yakap nito. “Bakla, anong ginagawa mo rito?” mahinang bulong ko sa kaniya saka nakangiting hinarap ito. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at sobrang manly ng dating niya dahil sa suot na suit! “’Wag mo nga ‘kong tawaging bakla, kasama ko ang buong angkan ko rito at baka marinig ka riyan. Alam mo na, hanggang ngayon akala pa rin nila isa akong unico hijo!” Gigil na saad niya sa mahinang tono kaya naman hindi ko na napigilan ang pagtawa. Kung titignan mo kasi siya ay talagang aakalain mong lalaking-lalaki, napaka-gwapo pa naman din, matipuno ang katawan dahil mahilig magpunta sa gym at malinis ang hitsura. Iyon nga, malinis ang hitsura, mahilig magface powder at mahilig magpunta sa gym na maraming boys dahil pusong-babae at natatakot lang magladlad hanggang ngayon. Best friend ko si Aaron mula pa noong college students kami at ngayon na lang ulit nagkita dahil nakatira ito permanente sa ibang bansa. “Ikaw, dito ka ba nagwo-work?” Tumango ako at nagbibirong hinagod ang outfit ko. “Bagay ba? Hotel Event Coordinator ako sa La Satina Hotel.” Proud na pagbabalita ko sa kaniya. “Really? 5-star hotel ‘yon ah!” “Uh-huh,” ngiting-wagi na sagot ko.  “Palagi na tayong magkikita kung ganoon, kauuwi ko lang galing Australia, dito na rin kami ng family ko for good. Alam mo ba na ako na ang pinag-manage ng restaurant branch namin dito sa Pilipinas.” Puno ng excitement na pagkuwento niya. Napaawang ang bibig ko, malaki at matunog ang pangalan ng restaurant nila Aaron dito sa Pilipinas at napaka-big time niya na kung sa kaniya na ‘yon ipapamana. “Congrats, Aaron, proud ako sa ‘yo!” impit na tili ko saka ibinukas ko nang malaki ang mga braso ko para yakapin siya ulit. Naalala ko pa ‘yong mga panahon na ginagawa niya ang lahat para pagkatiwalaan siya ng parents niya noon pa lang college kami, pakiramdam niya kasi ay hindi sapat lahat dahil palaging ang mga nakatatandang kapatid niya ang pinahahawak ng mga negosyo nila kahit na nasa tamang edad na siya. Isa pa, mahina ang tingin sa kaniya dahil nga puro babae ang mga kasama palagi. Hindi ko alam kung nahahalata na ba siya no’n na binabae o ang tingin lang sa kaniya ay pilyo na babaero. Good old days. “Thank you, Za! Thank you!” Niyakap ako nito nang mahigpit. “Alam mo bang namiss kita, wala akong ibang mahanap na kagaya mong kaibigan sa ibang bansa, lahat puro mahadera ang mga ugali!” Hindi ko napigilang mangiti sa narinig. Hihiwalay na sana ako sa yakap para may ikuwento pa sa kaniya nang hindi sinasadyang mapadpad ang tingin ko sa pares ng mga matang nakatitig sa ‘kin ngayon. His cold and piercing eyes bore into me. Minamata ako na para bang kaya niyang tignan hanggang sa kaluluwa ko sa mga oras na ‘to. Kasama niyang nakaupo sa harap ng iisang table ang mga guest na mukhang VIP businessmen, abala ang lahat ng kasama niya sa panonood ng kaganapan sa stage maliban sa kaniya na abala sa pagtitig sa akin mismo. Ramdam na ramdam ko ang galit na mababakas sa emosyon niya. Hindi ko alam kung bakit... o ayaw ko lang alamin dahil hindi na rin naman dapat pang makipag usap o kahit makipag kita sa kaniya. Sunod na nagbaba ito ng tingin maging sa mga kamay kong nakayakap pa rin kay Aaron at nag-angat ng kilay. Agad na naramdaman kong pinagpawisan ng malamig ang mga kamay ko, humiwalay ako ng yakap kay Aaron at nang makabawi ng lakas ay hinila ito sa corner malapit sa comfort rooms para magtago mula sa lalaking ‘yon. Guest ba siya rito? Bakit hindi ko man lang napansin? Sinusundan niya ba ako? Invited ba siya rito? Sa dinami-rami ng event na nagaganap ngayong araw, sa buong mundo, bakit dito pa siya na-invite. Pilit kong pinakalma ang nagwawalang puso ko. “O, bakit?” nagtatakang tanong ni Aaron. “Akala mo ba college pa rin tayo ngayon na pwede mo ‘kong hilahin kapag magpupunta tayo ng CR o canteen, bakla ka.” May pilantik ang kamay na saad nito sa ‘kin. Iniba ko na lang ang usapan at pinilit na umakto nang normal. Kailangan kong umakto nang maayos dahil hindi pa natatapos ang event, hindi pa tapos ang trabaho ko. Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang kausapin ang mga kliyenteng nagpapasalamat sa ‘kin pagkatapos ng event, nag-uumpisa nang i-serve ang mga pagkain at kapag natapos ‘yan ay pwede nang umuwi ang mga guest, hudyat na tapos na rin ang trabaho ko rito. Can’t wait! Hindi ako makahinga nang maayos kanina pa dahil sa kaba. Kaya naman napagpasyahan kong lumabas muna sa ballroom hall. Nang nakakailang hakbang na mula sa pintuan ay may humatak sa aking braso. At that point ay alam ko nang siya ang bubungad sa ‘kin sa pagharap ko, amoy pa lang ng pabango niya hindi na ako pwedeng magkamali. “Let’s talk.” Iyon ang bungad niya. “Anong ginagawa mo rito, Kael?” Kaswal na sambit ko lang. “Relax. Lawrence is my friend.” Tukoy niya sa fiance ng client ko sa engagement party event. “Aren’t you happy to see me again?” He smirked. “Layuan mo ‘ko,” tulak ko sa kaniyang balikat pero lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa ‘king braso. Mula sa pagngisi ay napalitan ang ekspresyon niya ng pagkamuhi habang nakatingin sa mga mata ko. Ramdam na ramdam ko ang galit niya para sa ‘kin sa mga oras na ‘to. “You left me that night without any word.” saad niya sa mababang boses, mas inilapit ang sarili sa ‘kin. “Bakit? May nahanap ka na bang iba? Sino na ang bago mo ngayon? Mas mayaman ba?” Nanunuyang singhal niya sa akin, naramdaman ko ang mas humigpit niyang hawak sa ‘king braso, mabilis na sinulyapan ko ‘yon saka sinamaan siya ng tingin. “Ano bang pinagsasabi mo, Kael. Ano rin ba ang pakialam mo kung ano na ang ginagawa ko sa buhay ko ngayon?” Saktong may ilang tao ang lumabas mula sa pintuang malapit sa amin kaya naman mas lalo akong nataranta, hindi pa rin binibitiwan ni Kael ang braso ko kahit na ilang beses ko na itong binabawi. Ano nga naman ba ang laban ko, malalaki ang mga kamay niya kaysa sa ‘kin at higit na mas matangkad siya kumpara sa height ko. Agaw-pansin tuloy kami rito. Sarkastiko itong natawa. “Mas magaling ba sa kama ang bago mo?” mariin nitong paratang. “Iyon bang lalaki na kayakap mo kanina lang? Hindi mo inaasahang makikita ko?” Namilog ang mga mata ko, nahihiya para sa mga taong pwedeng makarinig sa kaniya. Alam kong isang malaking pagkakamali ang nangyari sa pagitan namin ni Kael lalo na't may boyfriend ako for Pete's sake! Isang pagkakamali na naulit pa sa maraming beses para sa pera o para sa pisikal na atraksyon sa isa’t isa. Nagtagis ang kaniyang panga habang madidilim ang mga matang tinitigan ako. Pakiramdam ko ay nanghina ang tuhod ko sa takot. Matagal na kaming hindi nakakapag usap at may parte sa ‘kin na sabik na makasama siya pero alam kong hindi na ‘yon pwede. At alam ko sa sarili kong hindi na lang para sa mga dahilan na ‘yon ngayon ang dahilan kung bakit mayro’n pa rin siyang epektong ganito sa sistema ko. Dapat kong pigilan ang nararamdaman ko habang kaya ko pa. “Come with me. Mag usap tayo nang maayos.” Maawtoridad na sambit nito. TO BE CONTINUE...  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook