KABANATA 1

2297 Words
KABANATA 1 “Ate Irma, kung pwede po na sa susunod na linggo na lang ako magbigay ng upa. Wala pa po akong pera kasi ngayon,” pakiusap ko sa landlady ng apartment. Eksaktong katapusan na ng buwan ngayong araw at dapat ay mag-abot na ako sa kaniya ng tatlong libo pero heto nga at wala naman akong maibibigay. “Hay naku, palagi ka na lang delay kung magbigay ng bayad mo! Pare-pareho lang tayong mahirap ang buhay rito, kung gipit ka at kailangan ng pera ganoon din ako, Zarina!” bulyaw niya sa harap ko. Nahihiya man sa pwedeng makarinig dahil narito kami mismo sa labas ng tindahan niya ay hindi ko na lang inintindi pa. Wala akong magagawa, kung hindi ko siya mapapapayag ay baka pag-initan na naman niya ang mga kapatid ko na maiiwan dito habang nasa trabaho ako. “Sige na naman, Ate Irma, walang-wala kasi talaga ako ngayon. Pangako naman po na maiaabot ko na sa susunod na linggo, darating po ang inaasahan kong pera.” Pagpapaunawa ko sa kaniya. Sa totoo niyan ay wala naman talaga akong inaasahang pera sa susunod na linggo, sagad na talaga ang bulsa ko dahil nakalaan na ‘yon sa tuition fee ng dalawang kapatid kong parehong nag-aaral pa, ang isa ay senior high school at ang bunso ay first year high school. Ang iba naman sa pera ay para sa baon nila, pagkain namin sa araw-araw at bills sa tubig at kuryente. Pinaka-malaking porsyento na siguro na pinupuntahan ng sahod ko ay ‘yung utang na binabayaran ko hanggang ngayon. Isang milyon ‘yon na itinalo sa sugal ng nanay namin. Halos wala na ngang matira para sa ‘kin. “Ayoko!” matigas na bulyaw ni Ate Irma. Napahugot ako ng malalim na paghinga, isa pa sa problema ko ang babaeng ‘to, daig pa ang araw-araw mine-menopause dahil sa pagiging moody. Hindi mapakiusapan nang maayos. “Ayoko na sa susunod na linggo mo pa iabot sa ‘kin, gusto ko bukas kaagad at kung hindi ay lumayas na kayo rito! Hindi ko kailangan ng mga pahirapan sa pagbabayad na umuupa!” “Ate Irma naman-“ Natigilan ako nang pumagitna sa ‘ming dalawa ang bunso kong kapatid. “O, Aling Irma, bayad namin sa upa. Tumigil ka na sa kakasigaw ang sakit mo sa tainga ha.” Ani Nicole habang inaabot ang tatlong libo. Agad ‘yong kinuha ni Ate Irma saka nagdadabog na umalis sa harapan namin. “Gaga ka talaga!” binatukan ko ang kapatid ko saka nameywang. “Pangbayad ‘yon sa tuition fee mo, ‘di ba!” “Ayoko na mag-aral kaysa mapalayas tayo rito. Magtatrabaho na lang din ako kagaya mo, ate!” taas-baba ang mga kilay na sabi niya sa ‘kin saka sumimsim sa soft drink na hawak. “Huy, ano ‘yan magtatrabaho na si Ate Nicole?” pagsingit ng bunsong kapatid ko, lalaki ito at nasa edad dose anyos. “Ako rin! Gusto ko sa Adonis bar malaki raw sahod do’n eh, magaling ako gumiling!” ani niya saka nag-sample pa ng sayaw na pang-macho dancer. “Manahimik ka at pumasok na lang kayong dalawa sa loob bago pa magdilim ang paningin ko sa inyo!” gigil na bulyaw ko sa kanilang dalawa saka tumalikod na para maglakad patungong terminal ng jeep. Gustuhin ko mang mainis pero mas nangibabaw ang awa ko para sa mga kapatid ko, hindi naman ako nagrereklamo sa kanila na nahihirapan na ako sa pagtatrabaho para lang buhayin sila pero hindi maiwasang makita nila na kulang talaga ang sinasahod ko para sa isang buwang buhay namin sa apartment. Tapos naman na ako sa pag-aaral sa kolehiyo pero hindi lang talaga madali ang mag-isang kumayod at tumayong nanay na tapos tatay pa sa dalawa kong kapatid. Ang trabaho ko lang ay Hotel Event Coordinator sa umaga habang waitress naman sa isang malaki at sikat na bar tuwing gabi, ayos naman ang mga kinikita ko pero hindi pa rin sumasapat lalo na’t may bago akong paggagastusan. Lalo na’t kakalabas lang ng check up at laboratory result kay Nicole noong nakaraang linggo, kinumpirma ng doktor na may tumor sa utak ang kapatid ko kaya naman pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa mga problema. Kailangan ko ng malaking pera para sa radio therapy sessions niya. Humugot ako ng malalim na paghinga. Hindi sana ganito kahirap kung hindi lang namatay si mama sa sakit na lung cancer. O kung pinanagutan lang siya ng ama naming tatlo na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam kung nasaang lupalop na ng mundo nakatira. Basta na lang itong nawala. Sinubukan ko pa itong hanapin sa social media noong nakaraang mga buwan at i-chat pero wala namang nag-reply. Naisip kong baka ibang tao ‘yon at hindi siya. Noon, buo na talaga ang desisyon ko na huwag na siyang guluhin pa at kayanin na lang mag-isa ang pagpapa-aral sa mga kapatid ko, pero naiba na ang ihip ng hangin ngayon. "Hi, napatawag ka?" mahinang bati ko kay Charles mula sa hawak na cellphone. Tumigil muna ako sa gilid ng bar, medyo malayo ang distansya para hindi marinig ang ingay. "I missed you. Busy ka ba?" mahinang sagot niya. Mahahalata ang malungkot at pagod na tono. "Hindi naman. Okay ka lang ba? Kamusta ang araw mo?" tanong ko kaagad sa kaniya. "I'm good. Nakakapagod lang ang mga problema sa office," he heaved a heavy sigh. "Can we go out tonight? Kahit saglit na date lang," Hindi agad ako nakasagot sa aya niya lalo na nang makita ang mga katrabaho ko sa bar na nagtatawanang pumapasok sa entrance. "I'm sorry, Charles, maaga kasi akong matutulog ngayong gabi. Maaga pa ang trabaho ko bukas sa La Satina." Pagsisinungaling ko. Ilang segundong hindi ito nakaimik. "It's alright, I understand. Bukas na lang siguro o sa susunod na araw, I'll fetch you." Pagtapos ng ilan pang minuto ng pag-uusap ay ibinaba na rin ni Charles ang telepono. Hindi ko napigilan ang pagbigat ng dibdib ko, alam kong dumadami na ang pagkukulang ko sa kaniya at wala akong ibang magawa kung hindi ang maawa sa kaniya. Walang nakakaalam na nagtatrabaho rin ako sa Pure Black Bar bawat gabi, wala na akong ibang choice kung hindi ang pasukin din ang trabahong 'to. “Good evening, Za!” malakas na bati ni Kuya Loren nang makasalubong ko siya sa gate, maingay ang paligid dulot ng malakas na tugtugan sa loob ng bar na pinapasukan ko. “Magandang gabi rin, Kuya Loren. Humahalimuyak ang pabango ah!” asar ko rito habang tumatabi sa gilid para hindi maharangan ang mga taong pumapasok. Inilabas ko ang heels mula sa dala kong bag saka ipinalit ‘yon sa kaninang sapatos na suot ko. “Bago ‘yan, bigay ng misis ko.” Taas-baba ang mga kilay na sagot niya. Tinapik ko ito sa balikat saka tinanguan bago tuluyang dumiretso sa dressing room naming mga waitress. Mag-aanim na buwan na akong hired dito bilang waitress, noong una ay nagdadalawang-isip pa ako. Judgmental pa naman ang mga tao rito sa Pilipinas, o kahit saan naman yata basta malaman na sa gabi ka lang buhay na buhay at sa isang bar pa nagtatrabaho. Iba’t ibang lalaki ang nakakasalamuha ko kada gabi, minsan foreigner pero mas madalas na mga may kaya lang sa buhay na lalaki. At dahil kailangan ko ng trabaho pa, kinagat ko na. Hindi naman stripper ang pinasok ko. Sakto lang talaga ang sahod. Depende lang ang swerte kapag binibigyan ng tip. “Ang babagal magsikilos! Dalian niyo riyan at marami ang customer sa labas!” sigaw ng manager namin pagkapasok sa silid, dumiretso siya sa kaniyang bag saka nagretouch ng makeup. “Sandali naman, mother! Kung lalabas kami doon na half lang ang makeup baka hindi na bumalik dito ang mga customer na ‘yan,” natatawang saad ni Marie habang nilalagyan ng eyeshadow ang sarili sa harap ng malaking salamin. “Babalik ‘yan lalo na’t magaganda naman ang waitress ko. Kaso marami lang arte sa katawan at makukupad kumilos!” “Hayaan mo nang magpaganda ‘yan, ma’am. Para mabenta raw siya ngayong gabi at may gustong bilhin na iPhone.” Naiiling na biro ko saka mabilis na hinila ang pinakulot na buhok ni Marie. “Aray! Pero korek naman. Kailangan bumingwit ng 10k, mga mamsh. May ipon na akong 40k dito.” “Hay mahabagin! Ipahinga mo ‘yang ano mo at baka malanta na!” dugtong ng manager namin saka nakipagtawanan sa kanila. “Ayos lang, ang mahalaga po riyan ay may bago akong iPhone 12 pro max! Virgin ka nga dukha ka naman, oha.” “Aray ko naman.” Pabirong react ko mula sa gilid. “Ay sorry, Za. Hindi ko sinadya ‘yon sabihin!” nakatakip ang kamay sa bibig na wika niya. Inirapan ko lang ito nang nagbibiro bilang pagtugon. “Mauna na ako sa inyo,” paalam ko. “Wait, Za. Tara may sasabihin pala ako sa ‘yo,” pigil ng manager namin. Nagtatakang nilingon ko ito saka niya ako hinila palabas ng dressing room. Nang masigurong walang dumadaan na tao sa maliit na espasyo bago makalabas ng backstage ay hinarap niya ulit ako. “Ano po ‘yon, ma’am? Tanggal na ba ‘ko sa trabaho?” biro ko sa kaniya. “Sus, sa beauty at katawan mong ‘yan ikaw ang huli kong tatanggalin dito.” Ani niya. “Maiba lang. Mayroon kasi tayong bigating customer sa labas, nagtatanong siya patungkol sa ‘yo noon pang mga nakaraang buwan, eh ayaw mo pa magpa-table noon, ‘di ba. Ngayon ka lang pumayag. Sa wakas, malaki ang kita mo rito.” Natatawang biro niya. Agad naman akong kinabahan. Pumayag na ako dahil alam kong mas malaki ang tip... “Noong nakita ko siya kanina, nilapitan ko kaagad! Interesado pa rin siya sa ‘yo.” “M-Magkano naman daw po ang ibabayad?” “20k lang dapat kaso sinabi ko sa kaniyang kailangan mo ng pera dahil may sakit ang kapatid mo, aba, Za! Ginawa pang 50k!” Nanlaki ang mga mata ko. 50k?! Pagkatapos ng ilang minuto pa naming paguusap ay dire-diretso na akong lumabas ng silid habang inaayos ang kakaplantsa ko pa lang na buhok, medyo asiwa rin ako sa bagong uniform namin na skirt. Mas pinaikli kasi ito at mas pinasikip naman ang longsleeves polo na puti sa pantaas para fit na fit at sexy raw kami tignan. Hindi naalis sa isipan ko ang 50k, hindi ko ‘yon mapupulot sa kahit na saang daan nang libre. Dumiretso ako sa loob ng bartending counter para magsimula na ng trabaho. Napatili ako nang may pumalo sa pang-upo ko. “Nice ass!” nakita ko si Earl na patawa-tawa habang naghahalo ng mga alak. Sinamaan ko ito ng tingin. “Bakla!” irap ko sa kaniya saka pabirong sinipa ito ng dulo ng aking heels. “Sinong bakla, baka halikan kita diyan nang makita mo hinahanap mo,” seryosong sambit niya habang unti-unting lumalapit sa ‘kin at cornerin ako sa pagitan niya at ng counter. Saglit akong hindi nakaimik, pagkatapos ng ilang segundo ay sabay kaming natawa. “Eww, hindi ko talaga kaya! Pang-boys lang talaga ako, Za, I’m sorry.” Mahinang wika niya para walang makarinig. “Akala ko totoo! Kaunti na lang ay maniniwala na ako na lalaki ka talaga at nagkukunwari lang na barbie,” Paminta si Earl, bisexual siya at alam ko namang imposibleng nagkukunwari lang ito dahil kaliwa’t kanan ang jowa niyang foreigner na lalaki, iba pa roon ang mga ka-one night stand niyang palagi niyang ikinukuwento sa ‘kin! “Anong nagkukunwari, baka gusto mong ipanood ko sa ‘yo ‘tong latest na latest s*x video namin ng poging British-“ “Hindi! No need!” tanggi ko kaagad saka inirapan siya habang nakangisi. Palagi niyang ginagawa ‘yan at halos pakiramdam ko hindi na ako inosenteng tao sa ganoong mga karanasan dahil sa mga kwento niyang sobrang detalyado. “Magtatrabaho na ‘ko. Ito ba ang drink noong VIP?” kuha ko sa nakalatag na mga inumin sa counter, kapag ganoon ay ready to serve na lang sa mga customer na umorder. “Table 12 ‘yan sa VIP room, kay hot papa na balita ko may tip na 50k sa ‘yo. Madidiligan ka na, my god!” saad niya habang nagmuwestra pa ng daliri sa harap ng kaniyang labi. “O, ito dalawang Blowjob cocktail. Pampalakas ng loob!” humahalakhak na dugtong pa ni Earl habang naglalatag ng cocktail sa counter. Agad na ininom ko ang mga ‘yon gamit ang binigay niyang straw at inubos, saka inakyat ko na ang second floor kung saan matatagpuan ang VIP rooms. Abot-abot ang kaba ko. Kahit ilang taon na kaming nasa isang relasyon ni Charles ay hindi ko binibigay sa kaniya ang virginity ko, pero ngayon ay mabilis na ipagpapalit ko ito sa pera. Ngayon pa lang, marumi na kaagad ang tingin ko sa sarili ko. Kahit nga ang pag-inom ng alak ay first time ko rin gawin. Masasabi kong mahina ang alcohol tolerance ko dahil nararamdaman ko na kaagad ang hilo. Bumungad sa akin ang lalaking mariing nakapikit ang mga mata habang prenteng nakasandal ang likuran sa couch. Nang marinig niya ang ingay mula sa pintuan na isinara ko ay agad itong nag-angat ng tingin sa 'kin. Tall, arogant-looking, muscular guy wearing button down polosleeved at gold wristwatch. Malinis ang gupit nito sa itim na buhok. Mapupungay ang mga mata at puno ng pagnanasa. Wala nang atrasan. Nagpapasalamat na lang ako sa itaas dahil hindi isang matandang lalaki ang makakauna sa 'kin. Para sa 50k. TO BE CONTINUE...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD