bc

The Tomboy And The Three Hot Boys (COMPLETED)

book_age18+
2.7K
FOLLOW
19.4K
READ
drama
comedy
sweet
lesbian
like
intro-logo
Blurb

Ano ang mangyayari kung ang isang tomboy ay manirahan kasama ng tatlong matitipunong lalaki sa iisang bahay? Maaari kayang magbago ang kaniyang pagkatao o mananatili siya sa kung ano siya?

Kung nais mong malaman ang kasagutan simulan na natin ang kwentuhan.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Kung hindi niyo kayang sundin ang batas ko dito sa pamamahay na ito magsilayas kayo!” malakas na hinampas ng ginoo ang hapag kainan pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. “Pa, kumalma po kayo baka tumaas po ang presyion niyo,” malumanay na sabi ng anak ng ginoo ngunit parang wala itong narinig at nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Binitawan nang dalaga ang kaniyang hawak na kubyertos at pinunasan ang labi. “Ikaw Callista! Wala ka na ba talagang respeto sa akin, ha!?” nanggigigil ang ginoo ng sabihin nya iyon sa kaniyang anak na dalaga. “Ikaw ba pa? May respeto ka pa ba sa akin?” malamig na tanong nito sa kaniyang ama. “Eve!” malakas na saway sa kaniya ng kaniyang kapatid. “Sarili kong buhay pinapakialaman mo, oo ama kita pero sobra na po ata iyong ginagawa mong pakikialam sa buhay ko?” ngumiti ang dalaga na parang hindi makapaniwala sa ginagawa ng kaniyang ama. “Wala ka talagang respetong babae ka!” niluwagan nang ginoo ang kaniyang kurbata. “Papa! Kumalka ka! Eve si Papa ang kausap mo, magbigay galang ka!” namula ang mukha ng binata ng tingnan niya ang kaniyang kapatid na babae. “Tss, pare-pareho kayo,” mahinang sabi nito at maghahanda na sa pagtayo ngunit agad din siyang napabalik ng isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaniya. “Ha.” Mahina siyang napangisi nang malasahan niya ang dugo sa kaniyang labi. “WALA KA NA TALAGANG RESPETONG BATA KA!” nanggigil na sigaw sa kaniya ng kaniyang madrasta. “Tita...” Mahinang tawag nang pangalawang anak na lalaki ng ginoo. “Kung hindi mo kami kayang galangin ng papa mo mas mainam pang lumayas ka sa pamamahay na ito!” ani ng ginang. “Ang lakas ng loob mong palayasin ako sa sarili kong pamamahay, ano ka ba dito? Pangalawang asawa ka lang ni Papa kaya ’wag kang umasta na parang ikaw ang mama ko. Pero maganda rin ang sinabi mo.” Pagkatapos sabihin ’yon ay tumayo siya sa kaniyang upuan at nagmartsa papunta sa kanyang silid. Naririnig pa niya ang pagtawag sa kaniya ng kaniyang ama at mga kapatid ngunit hindi niya na ito tinapunan ng tingin. Pagdating sa kaniyang silid ay agad siyang nagbalot ng gamit upang lisanin ang kanilang bahay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Wife

read
47.3K
bc

The Lone Alpha

read
29.2K
bc

The Luna He Rejected

read
103.7K
bc

Just Got Lucky

read
141.5K
bc

The Vampire King's Human Mate

read
93.0K
bc

My Crush Is My Best Friend's Dad

read
10.0K
bc

Sold to the Ruthless Alpha

read
5.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook