bc

Guillier Academy ( Tagalog )

book_age12+
27.6K
FOLLOW
189.1K
READ
adventure
fated
powerful
drama
comedy
sweet
mystery
first love
rebirth/reborn
supernatural
like
intro-logo
Blurb

Guillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing your magical and elemental abilities, as well as training you to use your spirit weapons. Inside the academy,students pass a test by winning a battle. It's either one on one, between the classes or between the houses. As a result, this academy produced magical and elemental warriors that will fight the darkness. And among them, five students will hold the power to give life or the power to bring death.

chap-preview
Free preview
Awakening
GUILLIER ACADEMY WRITTEN BY: Shane_Rose Copyright 2015© ALL RIGHTS RESERVED The unauthorized reproduction or distribution of this copyrighted work is a crime punishable by law. No part of this book may be scanned, uploaded to or downloaded from file sharing sites, or distributed in any other way via the Internet or any other means, electronic or print, without the Author's permission. _________________________ Chapter 1 - Awakening *Rosallie's POV* "Guys! Look! May mga dolphins dun oh." Excited kong sabi sabay turo sa parte ng dagat kung saan ko nakita ang mga dolphins. Mabilis naman na nagpuntahan sa tabi ko sa railing ng barko ang apat kong matatalik na kaibigan. Sina Teresa at Joie ang pumesto sa kanan ko habang sina Christine at Jeanine sa kaliwa ko. "Asan? Ay! Oo nga no! Ayun oh" natutuwang sabi ni Tin habang hinahawi niya ang magulong buhok palayo sa mukha nya. Malakas kasi ang ihip ng hangin. Kaya inililipad nun ang mga buhok namin. Pero mas magulo lang talaga ang lampas balikat na buhok ni Tin kumpara sa aming apat. May malakas na hangin man o wala. "Asan? Patingin ako! Tumabi ka nga Tin at di ko makita. Nakaharang ka kaya!" Wika ni Jeanine at tinabig patabi si Tin. "Ayun oh! Lakihan mo kasi yang mata mo. Ang liit eh." Nakangising pangaalaska pa nito kay Jeanine. "Tse! Di maliit ang mata ko no. Singkit lang ." Sabi ni Jeanine at nakangiting inirapan si Tin. Natatawang tumalikod ako at sumandal sa railing ng barko. Pagkatapos ay pinanood ko ang mga kaibigan ko. Mas masaya kasing panoorin ang mga ito kapag nag-asaran. Hindi nakakasawa. Sandaling inalis ko ang tingin sa kanila at inilibot sa kabuuan ng upper deck kung nasaan kami. May pangilan-ngilan na estudyante din ang nandito. Nagsasight seeing at ang iba ay kumukuha ng larawan. May mga Professors din akong nakita. Nagtatawanan at masayang binabantayan kaming mga estudyante. Fieldtrip namin ngayon. At imbes na sa educational trip kami pumunta ay napagdesisyunan na Cruise nalang ang gawin para saming mga nasa senior year ng high school . Mas marerelax daw kasi kaming mga estudyante. At makakatulong daw yun sa peace of mind namin. Sus.. baka peace of mind nyo kamo. Isip isip ko. "Shhh.. Ang iingay nyo! Manahimik nga kayo." Narinig kong saway ni Joie sa mga kaibigan namin. Mahirap talaga basahin ang pangalan nya. Pero simpleng 'Joy' lang naman ang bigkas nun. May lahi kasi syang chinese.. kaya ganyan ang spelling. Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa kanila at nangingiting pinanood lang ang mga nangyayari. "Parang di ka na nasanay sa mga yan" natatawang sabi ni Teresa. Sumandal din sya sa railings at pinanood ang tatlo. "Oo nga. Ganyan ka rin naman samin", pagsangayon ko sabay ngisi kay Joie. "Oy Ming! di ah! Di ako ganyan kaingay" kaila ni Joie sabay turo kela Tin. Ming ang petname nya sa aming apat. Ewan ko ba sa kanya at kung saan nya napulot yun... pero cute naman eh, kaya hinayaan na namin.. parang kuting lang tuloy kami. "Weh? Eh diba nga.. birds with same feather flocks together. Kaya kung ano kami, ganun ka din" I said still grinning at her. "Ah ewan. Bahala na nga kayo" anito at humarap sa dagat. Bahagyang umangat din ang gilid ng labi nito, halatang nagpipigil ngumiti. "Sus... tatawa na yan.. Aminin mo na kasi. Kagaya ka din namin. " Humarap ako sa kanya at tinutusok tusok ang tagiliran nya. "Tigilan mo nga ako! Ano ba?!" Natatawang saway nya habang pilit niyang sinasangga ang kamay ko. "Tama na nga!" Sigaw nya sabay tulak sakin. Napaatras ako sa ginawa nya dahilan para mabangga ko si Jeanine na nasa likuran ko. "Uy sorry Jeanine." Paumanhin ko at mabilis pumihit sa kanya. Nakita ko naman siyang seryoso nang nakatingin sa langit. Nakahawak siya sa railings at Inililipad ng malakas na hangin ang mahaba at itim niyang buhok. She was frowning while searching something in the sky. "Uy! Anong problema mo?"tanong ko sa kanya at kinalabit siya sa braso. "Hindi ko alam. Para kasing may kakaiba. Parang may di tama." Aniya at nanatiling tutok ang tingin sa langit. "Huh? Anong kakaiba?" Tumingin din ako sa parte ng langit kung saan sya nakatingin. Pero bukod sa kaunting ulap ay wala naman akong napansin na kakaiba. Asul pa rin naman ang kulay nito. "Naramdaman mo rin pala yun?"tanong ni Joie. Sumeryoso na din ito at tiningnan kami. Jeanine turned to her with a frown. "Ramdam mo rin?" "Oo. Kanina pa, mula ng umakyat tayo dito sa upper deck. Pero mahina pa nun. Parang.... parang may bigat ang hangin." Sagot nya at tumingala. Hinawi nya ang buhok na kumawala sa ponytail nya at tahimik na pinagmasdan ang langit "Mas mabigat sya ngayon" mahinang usal pa niya. Kunot noong tiningnan ko sila isa isa. Sila Teresa at Tin, nakakunot ang noo at parehong halatang naguguluhan sa sinasabi ng dalawa. Sina Jeanine at Joie naman ay parang ang lalim ng iniisip. "Ano bang sinasabi nyo? Mabigat? Baka naman yung lakas lang ng hangin ang nafifeel mo Joie. Malayo na kasi tayo sa daungan. Kaya mas malakas na talaga ang hangin dito. Puro dagat na ang nakapaligid satin. At wala ng bagay ang humaharang sa malakas na ihip ng hangin. Kaya siguro nabibigatan ka sa hampas ng hangin." Paliwanag ko pa sa kanya. "Oo nga. Baka yun lang yun. O di naman kaya, may sakit kayo? Baka may sea sick kayo." Nagaaalalang sabi ni Teresa. Lumapit pa ito kay Joie at pinakatitigang mabuti. "Wala akong sakit" magkasabay na sabi nila Joie at Jeanine. "Eh baka gutom? Tama! Gutom lang yan. Tara sa baba at kumain na tayo. Nagugutom narin ako eh" yaya ni Tin sa kanila. Pagkatapos ay hinila na nito ang kamay ni Jeanine. "Oo nga. Gutom lang yan. Kanina pa tayong umaga walang kinakain eh. Magaalas tres na oh." Sabi ko at hinila na din si Joie palayo sa railings. Sumunod naman silang tatlo sa amin pababa ng upper deck. Pagkarating namin sa cabin na nakaassign saming lima ay agad kaming kumain ng mga pagkaing dala namin. Hindi kasi namin nakain ang dapat na tanghalian namin bago sumakay ng barko. Kaya ito muna ang kakainin namin bago ang mga pagkain sa dining area ng barko. Pagkatapos kumain ay nagkayayaan kaming maglaro ng baraha. Inilabas ni Teresa ang itinago niyang baraha sa secret pocket ng bag nya. Bawal kasi iyon. Pero hilig naming maglaro ng In-between pag may libre kaming oras kaya heto... kun todo tago kami sa mga baraha. Mahina lang naman ako pumusta. Di gaya nila Teresa at Tin na all out sa pagtaya. Masama kaya ang magsugal...Ng malaki... hehe kaya papiso piso lang ang taya ko. Oh diba.. hehe masabi lang na tumaya ako. Hehe Paikot kaming umupo sa sahig. Nakasandal ako sa kama habang naghanap sila ng komportableng pwesto sa lapag. May ilang oras na din kaming naglalaro ng mapansin naming sumusuray ang barko. Mahina lang naman iyon pero ramdam mo talaga ang biglaang paggalaw ng barko. Malalakas siguro ang alon sa labas. "Ayoko na. Nahihilo na ko. Para tayong idinuduyan eh" reklamo ni Tin. Ibinaba niya ang mga barahang hawak at humiga sa sahig. "Oo nga! Ayoko na rin " sabi ni Teresa at ibinaba rin ang mga baraha nya. Ibinaba ko na din ang mga barahang hawak ko. Nahihilo na rin kasi ako sa galaw ng barko. Sumandal ako sa paanan ng kama at inihiga ang ulo ko. Pinikit ko ang mga mata ko at sinubukang magrelax. Maya maya pa ay napadilat ako ng may narinig kaming kumakatok sa pinto. Lahat kami ay nanigas sandali sa mga posisyon namin. "Girls! This is Mrs. Ruiz. Im coming in." Sabi ng nasa labas ng pinto. Napabalikwas ng bangon si Tin, habang mabilis kong inangat ang ulo ko. Nanlalaki ang mga matang nagkatitigan kaming lima. "Lagot!" "Hala!" "Patay!" "Tago nyo bilis!" "Sa ilalim ng kama!" Magkakasabay naming sabi habang natataranta at pagapang naming inipon ang nagkalat na baraha sa sahig. "Aray!" Sabay na hiyaw nila Joie at Tin ng magkauntugan sa pamamadaling ipunin ang mga baraha. Napaupo pa ang mga ito at hinimas ang mga ulo. "Bilisan nyo!" Utos ko sa kanila. Mabilis naman silang sumunod sa akin habang hilot hilot pa rin ang mga nasaktang ulo. Hinawi namin sa paanan ng kama ang mga baraha. Wala kasi kaming paglalagyan nun sa mismong ilalim. Nakalapat kasi sa mismong sahig ang kutson kaya walang space para mapagtaguan. "Yung mga bag! Dali! Ipantakip natin." Sabi ko. Nagsipagtakbuhan naman silang kinuha ang mga dala dala nilang gamit sa paligid ng silid. Nagkukumahog na tinakpan namin ng mga bag ang lugar kung saan namin inipon ang mga baraha. "Sallie, salo!" Sabi ni Teresa sabay hagis sakin ng bagpack nya. "Aray! Dahan dahan!" Mahinang sigaw ko . Napalakas kasi ang bato nya. Parang bato pa naman sa tigas iyon at para akong sinikmuraan ng tamaan ako sa tyan. "Ano ba kasing laman nito?" Inis ko pang tanong sa kanya . Hindi naman ako sinagot ni Teresa. Abala kasi sya sa pagkuha ng bag ni Joie para itakip sa mga baraha. Mabilis kaming napadiretso ng tayo ng bumukas ang pinto. Napapigil din ako sa paghinga ng pumasok si Mrs.Ruiz. Nanigas din sa kinatatayuan nila silang apat. Si Tin na nasa dulo ng silid ay may hawak pang malaking bag. Ng mapansin nyang hawak padin nya iyon ay mabilis at malakas niya iyong binato sa paanan ng kama. Shoot! Sigaw ko sa isip .Sumakto kasi iyon sa lugar ng mga bag namin na nagtatago sa mga baraha. Galing! May future ka iha! hehe "Girls---" napahinto sa pagsasalita si Mrs Ruiz ng makita ang ginawa ni Tin. Kunot noo niya kaming tiningnan isa isa. We all looked at her and gave her an innocent smile. "Kumpleto ba kayo sa cabin na to?" Tanong ni Mrs. Ruiz. Lumalim ang pagkakakunot ng noo niya ng makitang halos hinihingal ang iba samin. "Yes maam!" Mabilis kong sagot. Nagsipagtanguan naman silang apat sa likod ko. "Good. Stay here for a while. Wala munang lalabas sa inyo. We're in the middle of a storm. Malakas ang ulan at alon sa labas kaya inutos ng kapitan na manatili muna sa loob ng cabin ang mga pasahero. Specially the students. Kaya wala munang lalabas sa inyo hanggat di namin sinasabi. Am I understood?" She said sternly. "Yes maam!" Sabay sabay naming sagot. Tumango naman si Mrs. Ruiz at agad ding lumabas ng silid. Naibuga ko ang hanging kanina ko pa pinipigil. Napaupo rin ako sa kama at tumingin sa mga kaibigan ko. Tumingin din sila sa akin. Sandaling namagitan ang katahimikan sa pagitan namin. Naputol lang iyon ng bumanghalit ng tawa si Tin. Sapo sapo nito ang tiyan at hindi na makatayo ng diretso sa katatawa. Napatawa narin ako ng malakas. Ganun din silang tatlo. Napahiga ako sa kama habang tuloy sa pagtawa. Naiiyak na din ako at ang sakit na ng tiyan ko. "Grabe!Muntik na tayo dun ah!" sabi ni Tin sa pagitan ng pagtawa. "Oo nga! Ang sakit din ng ulo ko sayo Tin ah! Tigas ng ulo mo", Nakangiting reklamo ni Joie habang hilot hilot ang ulo. "Hala ka! Eh ang tigas din kaya ng ulo mo. Nabasag ata bungo ko sayo." Nakalabing sabi ni Tin. "O sya! Tama na nayan. Magintay nalang tayo dito ng tahimik kung kelan tyo pwedeng lumabas." Sabi ko ng makahuma ako sa pagtawa. Sumunod naman sila. Si Jeanine at Teresa ay umupo sa gilid ng kama katabi ko habang tahimik naman na nagaaambahan sila Joie at Tin sa harap namin. Ang mga ito talaga. Ang kukulit. Napapailing na isip ko. May ilang minuto din ang lumipas ng maramdaman naming lumalakas na ang pagsuray ng barko. May pagkakataon pa nga na halos mawala kami sa pagkakaupo sa kama at diretso sa sahig ng malakas na sumuray ang barko pakanan. Unti unti narin akong nakaramdam ng takot. Hindi na kasi talaga normal ang lakas ng pagbayo ng barko. Halos tumatagilid na nga ito. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Napatingin ako kay Teresa at pinisil ang kamay nyang nakahawak sakin. Nakikita kong natatakot na din sya. When I look to the others, I saw the same fear on their faces. Wala na din saming nagsasalita. Sama sama na rin kaming naupo sa kama. Lahat kami balot na ng matinding takot. Sabay sabay pa kaming napahiyaw ng tumagilid ang barko. Napayakap din kami ng mahigpit sa isa't isa. "We need to get out..." biglang sabi ni Teresa. Nanginginig ang boses niya. Marahas akong napabaling sa kanya. "A-ano? Hindi pwede! Bawal nga diba." Sabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay nya. "We need to get out!" Malakas niyang ulit at pinilit kumawala sa pagkakayakap naming apat. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya. Humigpit din ang pagkakayakap nila Joie sa amin. Marahil para pakalmahin si Teresa at siguraduhing hindi ito lalabas ng silid. "Relax, Teresa. Magiging Ok din ang lahat." I said, reassuring her. "No! Can't you feel it?" Tanong ni Teresa. Nagawa nyang makakawala sa pagkakayakap namin. Tumayo sya at tiningnan kami isa isa. Nanatili naman akong nakahawak sa kamay nya. She almost look panicking. "You two were right. Something's not right. I can feel it now. We need to get out." Marahas niyang binawi ang kamay niya sa pagkakahawak ko at patakbong tinungo ang pinto. "Teresa!" Sigaw naming apat. Hinabol namin siya sa pinto. Nahawakan ko ang braso nya at hahatakin na sana sya ng sumuray ng malakas ang barko. Nabitawan ko sya at paupo akong bumagsak sa sahig. Nakita ko rin na bumagsak sa sahig sila Jeanine. Si Teresa naman ay nakahawak sa pinto kaya nagawa nyang manatiling nakatayo. Ng umayos ang galaw ng barko ay agad niyang binuksan ang pinto at tumakbo palabas. Dali dali akong tumayo at sinundan si Teresa. Naririnig kong tumatakbong nakasunod lang sakin ang tatlo. Palinga linga ako sa paligid para maghanap ng mahihingan ng tulong. Pero wala man lang katao tao sa hallway. Lahat ay malamang na nasa loob ng kanikanilang cabin. Tumindi ang takot ko ng marealize ko kung saan papunta ang tinatahak ni Teresa. Papunta yun sa upper deck! Sa bandang likuran ng barko. At sa lagay ng panahon ngyon, ang upper deck ang pinaka hindi ligtas puntahan. Ng makaakyat kami sa taas ay sinalubong kami ng malakas na hangin at ulan. Parang patalim na tumatama sa amin ang bawat patak ng ulan sa lakas. Di pa nakatulong na gabi ngyon kaya sobrang dilim. Ang liwanag lang na nangagaling sa ilaw ng barko ang tanging nagbibigay liwanag sa lugar. "Teresa bumalik ka na!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko syang nakatayo lang sa gitna ng deck. Tahimik at nakatingala sa langit. Basang basa na kami ng ulan. Nanginginig na din ako sa sobrang lamig. "Bumalik na tayo Teresa! Sige na!" Pasigaw kong tawag sa kanya. Sumisigaw din sila Jeanine sa likod ko. Nakahawak sila sa hand rails na malapit sa hagdan. Nakatayo naman ako ilang hakbang sa kanila. "We need to do something!" Sigaw ni Teresa. "Hindi nyo ba nararamdaman? Something is brewing up there! Directly at us." Tinuro niya ang nangangalit na langit. "Tere-- ahhhhhh!" napaluhod ako at napasigaw ng kumidlat ng malakas . Naitakip ko rin sa mga tenga ko ang kamay ko. Ganun din ang reaksyon ng talo sa likuran ko. "We need to do something! Or all of us here are going to die " Ulit nya at pinakatitigan ang langit. Pilit kong minumulat ang mata ko sa kabila ng malakas na ulan. At nanlalabo kong nakita na may mapusyaw na pulang liwanag na nagmumula sa kanang kamay ni Teresa. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin ulit sa kanya. Tumayo ako at lumapit pa ng bahagya. Pinakatitigan ko ang kamay nya at may naaninag akong bagay na nasa likod ng palad ni Teresa. Hindi.. hindi iyon bagay kundi simbolo. Unti unting lumaki ang liwanag hanggang balutin nun ang buong kamay niya. Nanlalaking matang pinakatitigan ko siya. May nakita rin akong pulang bola ng liwanag sa tabi ni Teresa. Sa loob niyon ay parang may maliit na nilalang na natutulog. Nakabilog ang katawan nito at nakapikit ang mata. Pero hindi ako sigurado kung ano iyon dahil malabo ito. Parang hamog lang na pumorma sa hangin. Natulos ako sa kinatatayuan ko kaya laking gulat ko ng hatakin ako paupo ni Joie. Kasabay nun ang pagguhit ng napakalaking liwanag sa madilim na langit papunta sa amin. Lightning! And it will strike directly at us! Sa barko mismo. At sa laki nun malamang tatagos yun hanggang sa ilalim ng barko. Lulubog kami! Nahihintakutang isip ko. As if watching a movie in slow motion. Nakita kong itinaas ni Teresa ang nagliliwanag na kamay sa langit and sway it down diagonally. Sinundan ng kidlat ang direksyon ng kamay ni Teresa. At imbes na direktang tumama ang kidlat sa barko, ay biglang lumihis iyon ng landas. Pero masyadong malakas ang kidlat at napakalapit na sa barko kaya kahit na nag iba ito ng direksyon ay nahagip pa din nito ang gilid ng barko. "Ahhhhh"malakas naming sigaw ng sumabog at magliyab ang bahagi ng deck kung saan tumama ang kidlat. Napadapa kaming apat sa sahig, Our arms were up to our heads for protection. Then, I saw a green light on my side. Bumaling ako sa tabi ko at nakita ko si Joie na nakadapa sa sahig. Nasa ulo din ang mga kamay niya at nakapikit. Dumako ang mata ko sa leeg niya. Sa lugar kung saan nangagaling ang liwanag. And at the side of her neck, where a pulse point is located, a green symbol appeared. Lumaki ang mata ko ng makitang may katulad din siyang bolang naglalaman ng kung anong nilalang sa loob. Nakalutang iyon sa gilid ng ulo nya. Kagaya ng kay Teresa ay mukhang aparasyon lang ito sa hangin. Ang pagkakaiba lang ay berde ang liwanag na nangagaling dito. Ng lingunin ko sila Jeanine at Tin ay saka ko lang mapansin ang hanging umiikot smin. Para iyong ipo-ipo na hugis kalahating bilog. A dome of winds. At sa loob nun ay kaming lima, Kasama si Teresa. Nasa sahig din sya pero unlike us na nakadapa, patihaya syang nakahiga sa sahig. Nawalan siya ng malay! Matinding takot at pagaalala ang bumalot sa akin. Hindi ko na rin makita ang pulang liwanag sa kamay nya at ang pulang bola na nakita ko kanina. Naramdaman kong unti unting humina ang hanging nakapaikot samin, kasabay ng paghina ng liwanag sa leeg ni Joie. Parang may pumindot ng play button at naging normal ang takbo ng oras. Ng mawala ang hanging bumabalot samin ay nagbalik ang buhos ng malakas na ulan. "Joie. Joie!" Tawag ko sa kanya. Niyugyog ko ang balikat nya. Nagmulat naman sya ng mata at tumingin sa akin. "A-anong nangyari?" Nalilitong tanong nya. "Hindi ko alam. Pero kailangan nating umalis dito. Tingnan mo sila Jeanine at Tin. Pupuntahan ko si Teresa." Sabi ko. Pagkatapos ay mabilis at maingat na tumayo ako para pinuntahan si Teresa. Nagliliyab ang parte ng barko kung saan tumama ang kidlat. Malakas din ang mga along bumabayo sa barko. At may pangilan ngilang malalakas na pagkidlat sa kalayuan. Ng makalapit ako ay agad kong dinaluhan si Teresa. Tama nga ako. Nawalan sya ng malay. Sinipat ko ang kabuuan nya at doon ko nakita ang kanang binti nya. Naipit iyon sa bumagsak na metal pole mula sa railings. "Oh my god!" Nausal ko. Di ko rin napigilan ang maluha sa nakita kong lagay nya. Sinubukan kong alisin ang pole pero masyadong malaki iyon para sa akin. Ni hindi ko nga magawang iangat yun kahit kaunti. Napasinghap sila Joie ng makita ang lagay ni Teresa. Naiiyak na dinaluhan nila sya. Lumalakas na din ang agos ng dugong nanggagaling sa binti ni Teresa, bagay na kinaalarma ko. "Anong gagawin natin?" Umiiyak na tanong ni Jeanine. "Kailangan nating alisin ang pole na yan. Bilis! Tulungan nyo ko. Joie, Tin, tulungan nyo kong iaangat ang pole. Jeanine hilahin mo si Teresa sa oras na maalis ang binti niya sa pagkakaipit." Sagot ko at pumwesto sa gilid ng pole. Mabilis silang sumunod sa akin. Pumunta si Jeanine sa uluhan ni Teresa at inilagay ang magkabilang kamay sa kilikil nito. Sila Joie at Tin naman ay sinamahan ako sa tabi ng pole. "At the count of three, sabay sabay natin iaangat ang pole. Jeanine, hihilain mo lang sya pagnakita mong nakaangat na ang pole mula sa binti nya." Utos ko sa kanila. Umiiyak na tumango naman ang mga ito. "Ready. One. Two. Three!" Bilang ko at sabay naming tatlo inangat ang pole. Pero kahit magtulong tulong na kaming tatlo ay di parin namin magawang maangat iyon. Sobrang bigat kasi talaga. "Come on guys! Kaya nyo yan!" Pagiencourage samin ni Jeanine. "Ahhhh!!!!" Sigaw ko at Ibinuhos ko na ang lahat ng lakas ko sa pagbuhat ng pole pero nanatili itong di gumagalaw. "Please..." pagmamakaawa ko. Patuloy ang pagiyak ko. Ganun din silang apat. Mabibitawan ko na sana ang pole ng maramdaman kong bahagya iyong umangat. Kasabay nun ang pag labas ng mahinang liwanag. Again? What is it this time? Kulay brown ang liwanag na may halong dilaw. At ang pinagmumulan nun... ang simbolong lumalabas sa braso ni Christine. Kagaya ng mga nauna ay may lumabas ding bolang kulay brown and yellow sa tabi nya. Binalingan ko sila isa isa. Pero mukhang wala ni sinuman ang nakakakita sa liwanag at bagay na nakikita ko. Nakafocus pa din sila sa ginagawa. "Ahhhhhhh!!!!!!"sigaw ni Tin. Umangat ang pole mula sa pagkakaipit sa paa ni Teresa. Dali daling hinala naman ni Jeanine si Teresa mula sa ilalim nun. Ng masiguradong wala na ang paa ni Teresa sa ilalim ay agad namin iyong binitawan. Unti unti ding nawala ang simbolo at liwanag sa braso ni Tin. Patakbo naming nilapitan sila Teresa. Paikot kaiming pumwesto sa tabi nya. "Mukhang malalim ang sugat nya. Tuloy parin sa pagagos ang dugo. Baka ikamatay nya yan pag di naagapan." Umiiyak na sabi ni Jeanine. Nataranta na rin kami sa nakitang lagay ni Teresa. "Hindi! Hindi sya mamamatay." Mariing sabi ko. Tiningnan ko ang binti ni Teresa. May malaki ngang sugat doon. Mukhang may nadali ring artery sa kanya kay ganun nalang ang lakas ng pag-agos ng dugo. A-anong gagawin ko? Di ka pwedeng mamatay! Please... wag kang mamamatay... Tuloy sa pagagos ang mga luha ko kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Ang mga kaibigan ko rin ay patuloy sa pagiyak. You can save her. Napapitlag ako ng may magsalita. Boses lalake iyon. Mahina at malamyos. Tumingin ako sa paligid para tingnan kung may tao nang dumating para tulungan kami. Ngunit kadiliman lang ang nakita ko. Wala ni isang tao sa paligid maliban saming lima. You can save her. Ulit nito. Nanlaki ang mata ko ng mapagtantong nangagaling ang boses sa loob ng isip ko. Nababaliw na ba ko? Hindi. Sagot nito sa tanong ko. Sino ka? Pagkausap ko sa kanya sa isip. Malalaman mo rin. Pero sa ngayon kailangan ka ng kaibigan mo. Si Teresa? Tiningnan ko ang mukha nya. Hindi ko na kailangan ng liwanag para makita ang itsura nya. Alam kong namumutla na iyon sa dami ng dugong nawala sa kanya. Kung hindi pa ako kikilos ay baka mahuli na ang lahat para iligtas sya. Paano ko sya matutulungan? Determinado kong tanong sa kanya. Gagawin ko lahat para iligtas ang kaibigan ko. Open yourself to me. Open the link between us. And let me come to you. Paano? Reach within you. Find the link and grab it. Naguguluhan man, sinunod ko pa rin ang sinabi nya. Pinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman ang sarili ko. Nung una, wala akong makita o maramdaman na kahit na ano maliban sa lamig at hampas ng ulan sa katawan ko. Pero ng sinubukan kong magrelax at magfocus sa boses ng taong kumakausap sa akin, saka ko unti unting naramdaman ang kakaibang sensasyon sa loob ko. Sinundan ko yun, hanggang sa kaloob looban ng kamalayan ko. There. At the very deep part of my awareness, I sense a pulse. A pulse of power. Pero hindi lang iyon basta pulso, para iyong malaking lubid na nagliliwanag at napakahaba. Halos di na maabot ng kamalayan ko ang kabilang dulo niyon. Grabe it! Hurry! Your friend is dying. Pagkabanggit kay Teresa ay agad kong naalala ang dapat kong gawin. I reach for the link. And the moment I grabbed it, the lights coming from it came to me. Gumapang iyon sa buong katawan ko at naramdaman kong uminit ang noo ko. The symbol? May simbolo din kaya ako gaya ng mga kaibigan ko? Ganito din kaya ang naranasan nila ng lumabas ang simbolo sa kanila? Place your hand on her wound. Utos nito sakin. Ni hindi nito sinagot ang mga tanong ko. Kahit alam kong narinig nya yun. Dumilat ako at nakita kong nagliliwag ang katawan ko. Mas maliwanag sa parte ng ulo ko. Kulay puti ang liwanag na yun, kaiba sa mga kaibigan ko. Nakita ko ring may puting bolang lumulutang sa gilid ko. Gaya ng iba, malabo lang iyon na parang aparasyon sa hangin. Pero ang kaibahan mas nakikita ko ang nasa loob nun. It looks like a small fox. Ngunit sobrang mabalahibo ito. Kulay puti. At ang kaibahan pa, kung ang sa iba ay parang natutulog at nakapikit ang mata , ang isang ito ay bahagyang nakabukas ang mata. Maliit lang ang pagkakabukas nun. Parang inaantok ang itsura. At nakatutok ang mga mata nito sa akin. Do it. There's no much time left for her. Napasinghap ako ng marinig kong nanggaling sa nilalang na nasa bola ang boses na naririnig ko. Narinig ko ang sinabi nya. At alam kong galing iyon sa kanya. Pero hindi ko man lang nakitang kumilos ang bibig nya. Nanatili lang itong di gumagalaw at nakatingin sa akin. Mayamaya ay umikot ito sa akin at pumunta sa harap kung nasan ang mga kaibigan ko. Mukhang hindi nila ito nakikita kahit pa lumulutang ito sa harap nila. Hindi rin nila napapansin ang liwanag na nanggagaling sakin. Nang tumapat ito kay Teresa ay saka ko naalala ang pinagawa nya. Nagmamadaling hinawakan ko ang sugat ni Teresa. The moment I touched her, parang naging xray ang mata ko. I saw threads of red light on her body. All of it were connected to the ball of light in the place where her heart supposed to be. Napansin kong parang pahina iyon ng pahina. Paliit ng paliit ang bola sa puso nya. See that ball of light?. That is the the life force of your friend. Once it extinguish, your friend will die. Halos sinlaki nalang ng bola ng tennis ang nandoon. Ganun narin ba kabilis siyang mamamatay? No. We will not allow that, will we? Now. Do you feel the power coming from the link? Harness it. And give it to your friend. Sinunod ko ulit sya. I reached within me and pulled some power from the link. Ang hirap!. Para kong humihila ng napakakapal na goma. Hinila ko yun papunta kay Teresa. Mula sa loob ko, papunta sa mga kamay ko at papunta sa kanya. Sumama sa daloy ng pulang liwanag na nasa kanya ang kapangyarihang kinuha ko mula sa loob ko . Umagos iyon papunta sa bolang nasa puso nya. Naghalo ang pula at puting liwanag hanggang sa maging purong pula ang puting liwanag na nanggaling sa akin. Nakita kong unti unting lumalaki ang bola ng liwanag sa puso nya. At palakas ng palakas din ang pagtibok niyon. Unti unti rin akong nakaramdam ng pagod. Na parang nauubos ang lakas ko. Enough! That's enough. You healed her. Binitawan ko si Teresa at nahahapong napasalampak ng upo sa sahig. Unti unti ring nawawala ang liwanag sa katawan ko. Tumingin ako sa nilalang na nasa harap ko. Nakatingin din ang mapupungay nyang mata sa akin. Soon. Makahulugang sabi nito at unti unti ng naglaho sa harap ko. "Dalhin na natin siya sa loob. Makakahingi tayo ng tulong dun." Narinig kong sabi ni Jeanine. Mukha talagang walang kaalam alam ang mga ito sa nangyari. "Dali! Palaki na din ng palaki ang apoy. Baka abutin tayo." Sabi ni Joie at tumayo na. Nagsipag tayuan na din kaming tatlo. Yumuko kami para buhatin sana si Teresa ng biglang humampas ang malaking alon. Halos tumagilid din ang barko sa lakas niyon. Nadulas kaming lahat hanggang sa natitirang railings ng barko. Tatayo palang sana kami ng umalon ulit ng malakas. Sa pagkakataong iyon, mas malaki sa barko ang alon at tinabunan niyon ang hulihang bahagi ng barko. Sa kasamaang palad. Yun ang parte kung nasaan kami. Tinangay kami ng alon at nalaglag sa dagat. Pilit kong ginagalaw ang mga kamay at paa ko para lumangoy paibabaw. Pero malakas ang current. At hinihila ako nun pailalim. Pagod na ang katawan ko sa ginawa ko kay Teresa kanina at nauubusan na din ako ng hangin kaya madaling nanghina ang mga braso at binti ko sa paglangoy. My lungs were screaming at me to breath. Pero alam kong sa oras na bumigay ako ay papasukin na ng tubig ang baga ko. At siguradong yun na ang katapusan ko. Nanghihinang lumangoy ako paitaas. My lungs were like it's on fire. At naninigas narin ang katawan ko sa lamig. At last, my instinct to live takes in charged. My body needs air and my mind didn't care that i am deep under the ocean and surrounded by water. It forced me to take a breath. At kasabay nun ang pagpasok ng tubig sa bibig ko. Napatigil ako sa paglangoy at hinayaang dalhin ng current ang katawan ko. Nakita ko din ang mga kaibigan ko na wala nang malay. Lahat kami tinatangay nalang ng alon. At bago pa ko mawalan ng malay. Nakita kong naglabas ng asul na liwanag si Jeanine. Ganun din ang paglabas ng asul na bola sa likuran nya. Please... kung ano man ang kakaibang gagawin mo... please... let it be something that can save us... panalangin ko bago ko sinakop ng kadiliman. ----------------------------------

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mystique Kingdom

read
36.2K
bc

Enchantasia: The Academy of Magic ✔

read
125.8K
bc

Wandering One

read
21.1K
bc

Thunderzone (Tagalog) COMPLETED

read
491.0K
bc

My Master and I

read
134.2K
bc

SILENCE

read
387.1K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
471.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook