bc

Guilty of Love

book_age18+
717
FOLLOW
5.0K
READ
revenge
independent
inspirational
billionairess
sweet
ambitious
city
first love
slice of life
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Status: Completed

Magulo at maingay ang buhay sa Maynila, kabi-kabila ang mga tiangge, supermarket, mall, at pasyalan. Ganito ang kinalakihan ni Selene, isang dalagita na nakatira bilang 'skwater'. Hindi man nagugutom, alam niya na hindi sapat ang makuntento lang sa lugar na hindi matatawag na sarili.

Naniniwala si Selene na lahat ng bagay ay posible kapag pinagdarasal at pinaghihirapan. Subalit isang araw, hindi inaasahang lumabas ang kanyang pangalan sa telebisyon.

Selene Herrera. Wanted. 200,000 Cash Reward.

"Not all people who are convicted are guilty, some were forced to accept the reality that they cannot win against people in power; while some are merely puppets who acted without personal ill intent."

How do you plead?

chap-preview
Free preview
SIMULA
"'Nay, paabot po ng sandok, idadamay ko na rito sa hugasin." Umaga na naman at malapit nang tumirik ang araw, kailangan kong kumilos nang mabilis dahil kapag inabot ako ng tanghali, nakakapaso na sa init ang lalabas na tubig sa gripo. Mababaw kase ang pinagdadaluyan na tubo, kaya sa tuwing umaaraw ay parang kumukulo ang tubig sa init. "Eto na." Inabot sa'kin ni Mama ang sandok na ginamit namin kaninang agahan. Nakapag fried rice naman kami, itlog at tuyo ang ulam. Sa awa ng Diyos, tatlong beses sa isang araw pa rin kami kumakain. Madalas din naming nabibili ang mga ulam na malasa at masustansya. Kumpara sa mga kapitbahay, talagang nakaka-angat kami. "Maglinis ka rito Sese, papasok na 'ko ah," paalam ni Mama. Basa pa nga ang hanggang balikat niyang buhok at bakas pa ang tulo nito sa damit niya sa likod. Napailing ako, hindi na talaga natuto itong si Mama. Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas pero itinigil ko 'to para tanawin ang pag-alis ni Mama, kahit hindi na ako bata ay parang may mabigat sa loob ko kapag umaalis siya. "Ma, 'yung payong!" tawag ko, nakakailang hakbang palang naman siya paalis nang makita ko ang payong na nakasabit pa sa gilid ng gawa sa kahoy naming pinto. "Ay oo nga! Salamat. Oh sige, bantayan mo ang kapatid mo ah," muling bilin niya bago siya tuluyang umalis. Si Junmar ay pitong taong gulang habang ako ay sampung-taon ang tanda sa kanya. Ilang saglit pa akong natulala nang mag-salita ang kapatid ko. "Ate, 'yung rice," sabi niya habang nakaturo sa sinaing kong umuusok na nga. "Hala!" agad akong pumunta sa kusina at agad kong pinatay ang kalan. Mabuti na lang at hindi malaki ang bahay namin, mabilis lang makapunta sa mga bahagi nito. "Sunog na ba ate?" natatawang tanong ni Junmar at sinilip din ang kanin. Tanaw niya ito kahit maliit siya dahil nasa sahig lang nakalagay ang gasulet namin. "Muntik lang," nakangiti kong sabi at bahagyang ginulo ang buhok niya. Tatlo na lang kami sa buhay, wala kaming ideya kung nasaan ang tatay namin. Hindi na rin kami nagtatanong dahil mukhang wala namang balak si Mama na sabihin pa 'yon. Nagsasandok ako ng kanin nang may ilang mabibigat na yapak ang narinig namin mula sa labas. "Hoy, adik!" Sinara ko at pinto at agad kong hinila si Junmar sa sulok ng bahay namin nang makarinig kami ng habulan sa labas. "Ate," mangiyak-ngiyak niyang tawag sa'kin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasa sulok kami kung saan may pinaka-makapal na kahoy ang naka-kabit. Hindi pa siya sanay, bata pa kase. Pero kahit ako na dito na lumaki ay natatakot at kinakabahan pa rin. "Ate," hangulngol ni Junmar lalo nang makarinig kami ng putok ng kung ano, maharil ay baril, ayoko na lang isipin na 'yon nga ang narinig. Ang ganitong tagpo ay hindi na bago, kung kaya ay sinasabihan kami ni Nanay na magtungo sa sulok para hindi matamaan ng ligaw na bala, kung tatagos man ang bala sa manipis naming pader. Nang nawala ang takbuhan, napalitan ito ng bulong-bulungan. Sinilip ko ang labas mula sa butas ng plywood naming bahay. Kita ko ang mga kapitbahay na nasa labas at nag-tsitsismisan sa kung sino at taga saan ang mga lalaking nagtakbuhan. "Ay naku, 'yung nagtitinda pala ng sigarilyo sa bangketa ay p*sher." "Talaga? iyong anak ni Lusing?" "Tumpak! iyon 'yong nakabuntis ng may-kaya, hindi naman hinarap nung babae. Tinago ng pamilya." "Pulis ba 'yung humabol? hindi naman naka uniporme." "Ganon talaga, siyempre para hindi matunugan ng mga adik." Napabuntong-hininga ako. Sa sobrang nipis ng mga pader, kahit hangin yata ay papasok na lang basta. Isa ring dahilan kaya maririnig agad ang mga boses sa labas. Hindi rin naman nila pinipigilang marining ng pinatutungkulan, kaya rin madalas ang bangayan at away rito. Kung minsan ang pinag-aawayan ay ang tsismis, pero mayroon ding agawan ng kasintahan at asawang nangyayari. Iyon ang pinaka hindi ko gustong mapakinggan. "Kain na." Nagsalo kami ni Junmar sa tanghalian. Ang natirang tuyo at itlog pati ang tig-sampung sabaw na nabili kay aling Bebang ang pagkain namin, hindi pa naman ako gaanong nakakaramdam ng gutom dahil nag-almusal kami kanina. Nilingon ko ang orasan namin na nakasabit sa pader, isang oras pa bago ako pumunta sa palengke at mag-benta ng damit, costume, tela at kung ano pa. "Sese! pupunta ka na ba?" sigaw ni Marisa sa pinto, ang kaibigan ko rito sa skwater, naging magkaibikan kami noong nakalaro ko siya sa riles. Tumayo ako at inawang ang pinto, "Ano ka ba, Marisa? May isang oras pa, kumakain pa nga kami." "Ganon ba, edi sige patambay na lang muna," sabi niya at diretso ang pasok sa maliit naming bahay. Agad siyang umupo sa mahabang plastic na upuan at inilabas ang cellphone niyang dipindot. Kikay talaga 'tong si Marisa, mahilig siya sa mga ipit na makulay pati ang cellphone niya ay pinagdiskihan kaya ngayon ay makinang na. "Ikaw ah, sino ang ka-text mo?" biro ko habang tuloy ang kain, kumain na raw siya kaya pinabayaan ko nalang. Tinarayan niya ako, "Si Jerome!" kinikilig niyang sabi. Natawa ako, si Jerome kase 'yung kargador ng bigas sa palengke, mabait naman siya kaya lang laging inaasar na bakla dahil mabagal kumilos at may pagka-mahinhin. "Ano naman ang estado niyo?" usisa ko habang patuloy sa pagkain. "Friends lang! issue ka ah." Ibinalik niya ang focus sa cellphone, todo deny pero kung kiligin ay wagas. Napailing na lang ako. Sinilip kong muli ang orasan naming libreng bigay sa butika. "Junmar, maligo ka na kung ayaw mong iwanan kita," banta ko sa kapatid. Hindi ko naman siya maiiwan, naku, lagot nalang ako kay Nanay kapag nagkataon. Pinayagan na nga akong umextra sa palengke basta raw ay babantayan kong maigi si Junmar. "Ikaw talaga, sinusungitan mo pa kapatid mo," singit ni Marisa. Mayroon din siyang mga kapatid pero siya na ang bunso, mga may asawa na ang iba niyang kapatid habang ang magulang nila ay may edad na rin. Nagtungo kami sa palengke at sakto dahil marami-rami ang tao ngayon dahil sabado. "Suki! bili ka na rito, sariwa!" "Oh, basahan kayo riyan." "Eco bag po!" "Bedsheet, punda, may cartoons pa isang daan na lang!" Kanya-kanya ang mga nagtitinda ng diskarte para mapukaw ang atensyon ng mga bumibili. "Makikiraan po," sabi ko sa mga taong nakahinto sa gitna, hawak-hawak ko si Junmar at paminsan-minsan ay pinapauna ko siyang maglakad para natatanaw ko. Kilala naman kami ng mga nagtitinda rito maging ang mga trabahador, sadyang nag-aalala lang si Mama sa mga nandurukot ng bata. "Hay salamat Sese nakarating na kayo, ang daming customer," salubong ni Nay Jeda, ang may-ari ng malaking patahian sa palengke. "Ako na po riyan." Ako na ang humarap sa mga nagtatanong kung magkano ang mga daster at kung ano pang sariling tahing damit at costume. "Magkano 'yung ganyan, Miss?" turo nung babae sa isang pulang gown. "5,000 pesos na lang po diyan," nakangiti kong sabi. Ngumiwi ang mukha niya, sa totoo lang ay mura na nga 'yon kumpara sa mga yari rin na nabibili ngayon. Maganda naman na ang pulang gown na 'yon, pa-balloon pa ang style. Pangarap ko ngang makapag-suot ng ganito, makinang at magara. "Hi Sese," bati ng boy sa kabilang pwesto, si Allan. "Yie! Kilig!" kantway ng iba pang boy. Ngumiti na lang ako, uso ang ganiyang asaran sa palengke. "Hoy kayo! tigil-tigilan niyo 'tong alaga ko, maganda 'to hindi bagay sa katulad niyo," singit ni Nay Jeda. "Nay Jeda," pukaw ko sa atensyon niya. "Oh bakit Sese? masyado kang mabait, kaya ka nilalapitan," litanya niya pa. Natawa na lang ako. Si Nay Jeda ang may-ari ng pwesto rito, Ninang ko rin siya at malaki ang utang na loob namin sa kanya. Noon kaseng walang-wala kami ay sa kanya lumalapit si Mama. Sa totoo lang, wala pa naman sa isip ko ang mag-nobyo, wala namang maidudulot 'yon sa'kin at bata pa naman ako. "Ate, si Superman," biglang sabi ni Junmar habang may tinuturo. "Oh my Gosh, Haze, bakit ba dito mo ako dinala? these are cheap items. By the looks of it, I don't think my skin can bear those." Napalingon ako sa babaeng maarte ang pagsasalita. Namangha ako sa gara ng itsura niya, pero sobrang kaba ang naramdaman ko nang magawi ang mga mata ko sa lalaking tinuro ni Junmar. Tama siya, kamukha nga ni Superman. "We are just looking, Ingrid." Malalim ang boses at ang sarap pakinggan. Kahit nakakakaba ang presensya niya, ramdam ko na mabuti siyang tao. Kung tama ang narinig ko, siya ang nag desisyon na pumunta rito. Bihira lang ang mga kagaya nila, ang mga kutis at damit ay mamahalin, halatang alaga sa katulong at pera. "Sese, anong tinutunganga mo?" pinukaw ni Nay Jeda ang atensyon ko, dahil don ay napalingon 'yung lalaki at nagtama ang tingin namin. Parang nanghina ang tuhod ko at gusto nang lumuhod, pero sa halip ay umiwas na lang akong madapuan ng mga mata ko ang kanya. "Gown po?" alok ko sa kanila, pero sa babaeng may brown na buhok ako nakatingin. "No, we're not buying," pagtataray niya at ikinawit ang braso niya sa lalaki. "O-Okay po---" "Sorry, how much for that gown?" Tinuro niya ang isang gown. Bawat bigkas niya ng mga salita ay nagdudulot ng kakaibang pakiramdam sa'kin. "Are you serious, Haze?" maarteng tanong nang babae. Umirap pa siya at pagalit na inayos ang buhok. "A-Ah, 'yung pula po?" baling ko sa lalaki. Kinailangan ko siyang tingalain, higit na mas matangkad siya sa'kin. At dahil siya ang kausap ko, at siya naman ang may balak bumili. "Yes." Ngumiti siya sa'kin. Ngumiti... Parang hinaplos ang puso ko, akala ko sa palabas lang 'yong slow-mo ang paligid kapag may natanaw ang isang tao na nakakabighani. Doon ko napagtanto na napaka-liit ko, na kung ganitong itsura ang magugustuhan ko ay siguradong dehado ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook