KABANATA 5

1027
Kabanata 5 Jarry Lee's POV     Umaga na pero nakatunganga pa rin ako rito sa ibabaw ng aking kama. Malalim na nag-iisip patungkol sa malakas na katok kagabi at sa 'di ko kilalang taong sumasakal sa akin. That nightmare seem so real.      Para talagang totoo dahil sa may nagmarkang mga hugis daliri sa aking leegan. Ako lang siguro ang nakapansin nito dahil 'di naman ako sinita ni Mama noong ginising niya ako. Sino ba kasi ang paulit-ulit na nagpaparamdam sa akin?     "Anak, Rylee."     "Po? Ma,"     Bumaba ako ng kama at pinagbuksan si Mama ng pinto.     "Ano po 'yon Ma?"     "Rylee, tumawag si Manang Peling sa akin at ipinapatanong kung alam mo ba kung nasaan ngayon si Tristan? Dahil kagabi pa raw 'di umuwi." Nag-aalalang pambungad na tanong sa akin ni Mama.     "Ha? Wala naman pong nasabi sa akin si Tristan na gagala siya. Wait Ma, I check my phone if he called me last night." Kinuha ko sa bedside table ang aking cellphone and I started to open it.     TRISTAN (BRO)     5 missed calls     "He called last night Ma. Pero 'di ko napansin. Maaga rin kasi akong nakatulog kagabi." Ibinalik ko ulit ang paningin sa aking cellphone at hinanap sa contacts ang pangalan niya. Nang nakita ko na ay dirideretso ko namang pinindot ang call.     Nagriring lang ang kabilang linya kaya 'di ako mapakali dahil matagal sinagot ang aking tawag.     "Hoy! Gago! Nasaan ka ba ngayon? Loko ka!" Napamura ako sa kanya ng malupit dahil sa sobrang kaba na nadarama.     Sinagot naman niya ako, pero 'di niya alam kong nasaan siya. Gago talaga.     "Puntahan mo na lang ako rito, e turn on ko lang ang GPS ko. Bye."     "Tek-" Aba't gago talaga ah! Binabaan pa ako.     Ini-scan ko na lang ang Google Map para makita ang lokasyon kung nasaan siya ngayon.     Searching...     Hotel? Anong ginagawa niya sa lugar na ito?     Nagpasya na lang akong mag-ayos ng sarili at nagmamadali nang magbihis. Nang matapos ako ay lumabas na ako sa silid at nagpaalam na kay Mama.     Na sa labas na ako ng bahay at naghintay ng masasakyang taxi. May papalapit na taxi kaya pinara ko na kahit na malayo pa ito.     Inaliw ko ang sarili sa pagtitingin-tingin sa labas ng taxi at  nang malapit na ako sa nasabing lokasyon ay nahagip ng mga mata ko ang nagkukumpolang mga tao sa pamilyar na lugar. 'Di ko malaman ang dahilan kung bakit ko pinatigil ang taxi at saka nagpatuloy na sa paglalakad sa naggi-gitgitang mga tao.     "Excuse me po, ano po bang nangyari rito?" Magalang na tanong ko sa isa sa mga nakiusyoso rito.     "May barilan kasi rito kagabi hijo," Sagot naman sa akin ng mismong lalaki.     "Hala! Nalaman na po ba kung sinu-sino ang mga nabaril? At kung sino ang namaril?" Pandagdag kong tanong. Pero nawala bigla ang lalaki sa aking gilid at may tumabing isang nakakulay berdeng hood at naka-shade. Sa tantya ko ay babae ito dahil sa dalang shoulder bag.     "Bakit ka nandito?" Napatingin ako sa babaeng sa tingin ko'y ako ang kinakausap kahit na 'di siya nakatingin sa akin.     "Ako ba?" Paniniguro ko.     Sino pa ba?" Nabigla naman ako sa kanyang agarang pagtugon. At dahan-dahan siyang lumingon sa akin. 'Di ko masyado mamukhaan ang babae dahil nakatakip ang kanyang mukha at nakasuot pa ito ng shades.     "Ah-p-pasensya na po, s-sinisigurado ko lang kong ako nga ba talaga ang kinakausap." Pagsasabi ko ng totoo.     Biglang may nagpabusina ng malakas kaya napayuko ako at tinakpan ang aking dalawang tenga dahil sa ingay.     "Ahhh." Paimpit kong daing dahil 'di talaga makayanan ng tenga ko ang ganoong kalakas na tunog.     "Kawawa naman ang may-ari nitong Dynamic Bar, pati ang girlfriend nito. Walang puso ang bumaril." Nag-angat ako ng ulo at hinanap ang babaeng kaninang kumakausap sa akin. Pero nawala na. Ang na sa tabi ko ay iba na pa lang tao.     "Kuya, nakita niyo po ba ang nakakulay berdeng hood na babae rito kanina?" Tanong ko.     Pero umiling lamang ang Ginoo. Nawala na talaga nang tuluyan ang babae kaya nagpatuloy na lang ako sa lokasyong itinuturo ng GPS kung nasaan si Tristan.     Nilalakad ko na lang ang kalsada dahil malapit na naman ang lugar. Ang ini-expect kung madadatnan ay isang mataas na building dahil iyon naman ang nakalagay sa Google Map. Pero ang nadatnan ko ay isang subdivision. Maraming bahay na magkakapareho lamang ng mga desinyo at laki. May entrance guard na nakabantay. Lumapit ako para magtanong.     "Kuya, pwede po ba magtanong?" Tanong ko sa guard.     "O sige,"     "May nakatira ba ritong Tristan Nuevo?" I asked cluelessly.     "E che-check ko muna sa listahan hijo." I nodded.     "Tristan Nuevo, ito. Pero 'di siya talaga nakatira rito hijo, may nagmamay-ari talaga ng blokeng iyan." Sabay turo ng guard sa ikatlong bahay na na sa kanang bahagi nitong subdivision.     "May-ari?" Maraming tanong na pumapasok sa aking isipan. Kung may nagmamay-ari, paano naman napunta si Tristan diyan?     "Kaanu-ano mo ba iyang hinahanap mo, hijo?"     "Ah, ano po?" Nawala ako saglit sa sarili dahil sa dami ng tanong sa aking isipan.     "Ika-ko kaanu-ano mo itong si Tristan Nuevo?"     "Ah, kaibigan po, pwede po ba ako makapasok?"     "Oo, hinabilin ka nga mismo ng may-ari. Kung may pupunta raw na lalaki rito at hinahanap si Tristan Nuevo ay papapasukin ko lang daw."     Sobra na talaga ang pagtataka ko sa mga pinagsasabi nitong guard.     "Panghuling tanong na lang po Kuya,"     "Ano iyon?"     "S-sino po ba ang may-ari ng blokeng iyon?" Diretsahan kong tanong.     "Sorry hijo. Confidential kasi, 'di ipinapasabi kahit kanino."     Nagdadalawang isip ako kung tatango na ba ako o magtatanong pa. Pero dahil nagmamadali rin akong puntahan si Tristan at para ibalita ko sa kanya ang nakakalungkot na balita tungkol kay Lorwan Kitler at sa girlfriend nitong si Misty.     Tinangoan ko na lang ang guard nagmamadali na'kong pumunta sa sinasabing bloke na kung nasaan si Tristan ngayon.     Kumatok na ako at naghihintay na pagbuksan ng pinto.     At makalipas ang ilang minutong pagtayo ko rito ay binuksan na nga ni Tristan ang pinto.     "Tristan! May dapat kang malaman."     Pumasok ako at sinarado ang pintuan at saka hinarap siya.     "What?" Pagtatakang tanong ni Tristan sa akin.     "Lorwan and Misty were dead," I confessed. Hinintay ko ang reaksiyon niya pero he looks blank.     "Are you not shock?" I asked him surprisingly.     Nag-usap pa kami at napagpasyahan na lang namin na umuwi at magbihis para balikan ang Dynamic Bar na sabi niya ay naroon siya kagabi, at nasaksihan niya rin ang nangyari kagabi. Pero nalilito rin daw siya kung sino ang nagdala sa kanya sa bahay na ito.      It's weird, something's wrong.
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작