KABANATA 4

1080
Kabanata 4 Tristan's POV     Nagising ako sa napakalakas na tunog na nanggagaling sa aking cellphone. Binigla ko ang sarili sa pagbangon at pagdilat ng mga mata, pero bigla akong nakaramdam ng pagkahilo.     "Ahh..." 'Di ko mapigilang hindi mapadaing dahil sa kirot na aking nararamdaman. 'Di pa rin tumitigil sa pagtunog ang aking phone kaya nakadagdag pa ito sa sakit ng aking ulo.     Kinapa ko ang ilalim ng unan at doon nahawakan ko na't kinuha. Walang anu-ano'y sinagot ang tawag na 'di man lang inabalang tignan ang pangalan ng tumatawag.     "Hello?" Pauna kong bati. Pero nailayo ko ang aking cellphone sa tenga dahil sa lakas ng pagsigaw ni Lee sa kabilang linya. Kahit na 'di ko na tignan ang pangalan ay alam kong si Lee ito.      "Hoy. Tristan, nasaan ka ba kasi ngayon ha? Alam mo bang kanina pa ako tawag nang tawag sa iyo. At ngayon mo lang sinagot? Nasaan ka ba ha?" Natawa ako sa pagiging OA ng loko.     "OA ka na, Lee. Nandito lang ako sa Dy- wait...nasaan ako?" Doon ko lang napansing wala pala  ako sa Dynamic Bar.     "Gago! Ikaw 'tong gumagala. Tapos 'di mo alam kung nasaan ka? Alalahanin mo abnoy." Pang-aasar niya sa akin.     "Hoy, Lee. Kailan ka pa naging ganyan sa akin? Nag-iba ka na talaga, noong isang gabi, sinakal mo 'ko, kagabi naman 'di mo 'ko sinabihang uuwi ka na, at noong tumawag ako kagabi para makipag chill e 'di ka sumagot. Ano ba ang nangyari sa ating dalawa?" Umaakto akong nasasaktan.     "Tristan, kanta iyon. Kailan ka pa naging singer?" At nagawa pang magloko ng mokong.     "Baliw ka. Mabuti pa puntahan mo 'ko sa lokasyong nasaan ako ngayon. Ang sakit ng ulo ko." Sabay hawak ko sa ulo.     "E turn on ko na ang GPS ko. Sige na I'll hang up now. Hihintayin na lang kita bro." Paalam ko.     "Okay---"     At matapos ang tawag ay humiga na ako pabalik sa kama. At pinakiramdaman ang buong paligid. Wala man lang ingay akong naririnig.     Nang nawala-wala na ang kirot ng ulo ay tinry kong tumayo. Una kong ginawa ay pumunta sa banyo at saka naghilamos para mahimasmasan sa sobrang kalasingan. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi kasama sila Misty at Lorwan. Nakatingin ako ngayon sa kwadradong salamin sa loob nitong banyo. May mga pangyayaring pumapasok sa aking isipan patungkol kagabi.     Flashback     "Ano bang nangyari na naman sa iyo doon sa bahay ninyo Trist?" Kausap sa akin ni Lorwan.     "As usual Lor."     "Oh! Usual na naman pala eh. Bakit ganyan ka pa rin makapagreact. Dapat pa nga maging masaya ka dahil 'di ka pinapakialaman ng mga magulang mo. You are free! You have freedom to do something you wanna experience. Kagaya na lang ngayon?" Mahabang paliwanag ni Lorwan.      "Babe, you're right. If I were you Trist, just enjoy your life being a teen. Because when you get older, life is boring." Pandagdag naman ni Misty sa usapan.     Napapaisip naman ako sa kanilang mga advices. Kaya bilang pag-agree sa kanila ay itinaas ko ang bote ng Bacardi sa kawalan. At nagsisigaw ng 'Cheers!'     After an hour ay may napapansin na akong humahaplos sa katawan ko at mabigat na rin ang aking ulo.     "Sweetie, wanna hang out?" Malanding pang-aalok ng babae na na sa aking lap.     "Sure!" I said yes without thinking.     Bigla akong sinunggaban ng halik ng babae. This isn't my first time kaya 'di na ako parang bata kong makahalik.     "You're a great kisser, sweetie. How old are you?" Tanong ng babae sa pagbitiw ko ng halik.     "Hmm, twenty-five," I lied.     "Woah? I thought you're still a teenager! You looked young." She said in disbelief.     I smirked and grinned at the same time because she's a good observant.     "Really? Thanks."     Pero makalipas ang ilang minuto ay tumayo ako para makisawsaw sa mga nagsasayawan sa dancefloor. Nakakabinging tugtog na nanggaling sa malalaking speaker.  Pero dahil sa kalasingan ay 'di ko na magawang maingayan. Dahil para na lang itong melodiyo sa aking pandinig.     Sa pagsasayaw ko sa dancefloor ay kumukuha rin ako ng brandy sa nilalako ng waiter. Kaya imbes na mawala ang kalasingan dahil sa pagsasayaw ay lalo pa akong nalasing.     Nang mas lalo pang lumakas ang musiko ay biglang napapantig ang aking tenga sa lakas ng putok na nanggaling sa isang baril.     'Di lang isang putok kung 'di dalawa.     Nanlaki ang aking mata dahil katabi ko pala ang binaril na lalaki.     Kaya na sa akin lahat ang kanilang mga mata. Pero ako'y nababalisa, dahil may phobia ako na makakita ng dugo kaya bigla na lang nanlabo ang aking paningin at saka bumagsak na rin sa sahig.     "Wake up, this is only the beginning...Nuevo." Bulong ng isang babae sa tenga ko.     Malalakas na katok ang umagaw sa pagbabalik-tanaw ko.     Naputol ang pagbabalik tanaw ko sa nangyari kagabi dahil sa katok sa may pinto. Lumabas ako sa banyo at nagpahid muna sa mukha gamit ang tuwalya na na sa loob ng banyo.     "Tristan." Pumasok si Lee sa loob nitong silid at parang balisa.     "What happened?" May kalituhang mababakas sa aking boses.     "Nabalitaan mo na ba?" He asked in panic.     "What?"     "May barilan pala sa Dynamic Bar kagabi, at..." Putol niya.     "Ano?" I uneasily asked.     "...si Lorwan at Misty," He paused again.     "What happened to them?" I felt something a fluttering inside of me.     "They're dead!" He fearfully confessed.     "No! You're joking. Last night I am with them. It's impossible! Tell me you're just good timing me. That's not funny Lee," I frowned and felt jitter.     "I'm not-"     "SHUT UP!" I shouted him. Natatakot ako dahil naalala ko ang nangyari kagabi. Naalala kong sa oras na may narinig na mga putok ng baril ay kasunod nito ang pagbagsak ng mga katawan nina Misty at Lorwan malapit sa aking pwesto. Sa may bandang dibdib ang tama ni Misty samantalang sa ulo naman ang tama ni Lorwan. Kaya nanlaki ang mata ko dahil sa parang nangungusap na mata ni Lorwan na nakadilat parin kahit wala na itong buhay.     "I remember everything," I whispered.     "Galing kang Dynamic Bar kagabi?"     "Oo!"     "Pero anong ginagawa mo rito?" He asked.     "I don't know. Lasing na lasing ako kagabi. At pagkagising ko ay nandito na ako. Nasaan ba ito?"     "Ayon sa GPS, na sa isang hotel lang, pero nang nandito ako ay isang subdivision pala. JZ Subdivision, iyon ang nakalagay sa labas nitong subdivision. Nakilala mo ba kung sino nagdala sa iyo rito? Dahil wala naman daw ang may-ari ng condo na ito."  Mahabang paliwanag ni Lee sa akin.     "JZ Subdivision? Familiar." I whispered.     "Umuwi na muna tayo. Pagkatapos bisitahin natin ang Dynamic Bar." Suggestion ni Lee.     Kaya um-oo ako. Gusto ko rin malaman ang nangyari at sino kaya iyong bumulong sa akin kagabi? At sino nagdala sa 'kin dito?
신규 회원 꿀혜택 드림
스캔하여 APP 다운로드하기
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    작가
  • chap_list목록
  • like선호작